เข้าสู่ระบบPinutol ni Amor ang salita niya.
“Dokumento? Iha, alam mo bang kaya kong mawala lahat ng ‘yan kung gusto ko? Pero hindi ko ginawa. Alam mo kung bakit? Kasi ayokong masira ang pangalan ng papa mo. Hindi ko iririsk ang matagal naming pagkakaibigan. Tinuring ko siyang kapatid, at ikaw… anak.”Tahimik si Lorie.
Hindi niya makita ang mukha ng kausap, ngunit dama niya ang lalim ng boses, ang kunwa’y sinseridad. At dahil sa kadilimang bumalot sa kanyang paningin, mas madali siyang maniwala sa mga salitang maririnig.“Uncle… salamat po,” mahina niyang sabi. “Gusto kong paniwalaan kayo.”
Ngumiti si Amor, bahagyang sumulyap kina Pia at Jason na nakatayo sa gilid.
“Good girl,” bulong niya sa sarili.Lumapit si Pia, hinaplos ang buhok ni Lorie.
“Anak, pagkatapos mong ma-discharge, dun ka na muna sa bahay namin. Mas makakabuti ‘yan kaysa mag-isa ka sa condo. Paghahandaan natin ang lahat… kasama na ang kasal niyo ni Jason.” Natigilan si Lorie, bahagyang natawa. “Kasal? Tita, ambilis naman hindi pa ako ready. Hindi pa naman ako nakababang luksa.”Ngumiti si Pia, kunwaring nahihiya.
“Oh, I mean in the future, iha. Kapag handa ka na. Alam mo namang si Jason… he really cares for you.”“Of course, Mom,” mabilis na sabat ni Jason, sabay hawak sa kamay ni Lorie.
“Kahit gaano katagal, I’ll wait for her.”Ngumiti si Lorie, at sa unang pagkakataon mula nang mamatay ang mga magulang, nakaramdam siya ng kakaibang init.
“Thank you, Jason. Ang bait mo talaga…”Ngunit sa likod ng ngiti ni Jason, may lihim na tagumpay.
Alam niyang unti-unti nang napapasok ang puso ng babaeng dati’y imposible.Samantala, sa labas ng ospital, si Franco ay nakatanggap ng tawag.
“Officer Franco,” malamig na tinig ng hepe. “Effective next week, madedestino ka sa Cebu. May bagong hahawak sa kaso ng mga Philip.”“Sir?” gulat ni Franco. “Pero hindi pa ako tapos sa imbestigasyon. May mga lead pa akong sinusundan!”
“Orders from above,” mariing sagot ng hepe. “Wala ka nang magagawa.”
Napahawak si Franco sa ulo.
“Hindi ito tama…” bulong niya. “May mali talaga sa kaso ng mga Philip.”Ngunit kahit papalayo na siya sa ospital, isa lang ang laman ng isip niya:
Hindi niya titigilan ang katotohanan. Kahit ilipat siya sa Cebu, kahit harangan siya ng mga makapangyarihan — ipaglalaban niya ang hustisya para sa pamilyang Philip… at para kay Lorie.Sa kabilang banda, habang sakay ng sasakyan sina Pia, Jason, at Lorie, naririnig ni Pia ang tawag ni Amor sa speakerphone.
“All are settled. You don’t have to worry,” sabi ng hepe ng pulisya.“Thank you, pre,” sagot ni Amor, habang ngumiti sa tabi niya sina Pia at Jason. “Malaking tulong ‘to sa inaanak ko.”
Ngumisi si Jason, nagtagay ng alak sa baso.
“Problem solved,” bulong niya, sabay tingin sa salamin ng sasakyan.At sa repleksyon, nakita niya si Lorie tahimik, nakatingin sa kawalan, may bahid ng pag-asa sa labi.
Hindi niya alam, nasa mga kamay na pala siya ng mga taong sisira sa kanya… sa ngalan ng kasinungalingan, kasal, at kasakiman. Maaliwalas ang mansyon ng mga Curry marmol ang sahig, malalaking chandelier, at mga kurtinang kulay ginto na parang sumisigaw ng karangyaan. Ngunit sa likod ng lahat ng ito, may halimuyak ng panlilinlang na hindi kayang tabunan ng mamahaling pabango.Habang tinutulak ni Jason ang wheelchair ni Lorie papasok sa loob, ramdam niya ang malamig na hangin mula sa air conditioner at ang masalimuot na tibok ng kanyang dibdib.
“Welcome home, Lorie,” aniya sa malambing na boses, ngunit sa likod nito’y may pangil ng layunin.“Ang laki ng bahay, Tita Pia…” wika ni Lorie habang tahimik na nakikinig sa bawat yabag at tunog ng paligid.
“Parang ang tahimik.”Ngumiti si Pia, lumapit at hinaplos ang balikat ng dalaga.
“Ganyan talaga dito, anak. Gusto ko, magpahinga ka muna. Walang makakaistorbo sa’yo. This is your home now.”Nilingon niya si Jason, sabay bulong, “Anak, ipakita mo kay Lorie ang kwarto niya. ‘Yung nasa east wing.”
“Sure, Mom.”
Habang binabaybay nila ang mahabang hallway, tumigil sandali si Jason sa harap ng isang malaking pinto. Binuksan niya ito nang marahan.
“Here we are.”Pumasok si Lorie, huminga nang malalim.
“Ang bango… parang garden.”Ngumiti si Jason, tinitigan siya nang matagal.
“Nilagyan ‘yan ni Mom ng white roses. Sabi niya, favorite daw ‘yan ng mga Philip.”Napatigil si Lorie. “Naalala pa niya ‘yon?”
“Of course,” sagot ni Jason, sabay lapit sa kanya. “Mahal ka ng pamilya namin, Lorie. Lalo na si Mom.”
Tahimik. Ilang sandali bago nagsalita muli si Lorie.
“Jason…” bumaba ang tono niya. “Thank you for being here. Minsan naiisip ko, kung wala kayo, baka hindi ko na kinaya.”Huminga nang malalim si Jason, sabay haplos sa kamay niya.
“Hindi mo kailangang pasalamatan ako. Ginagawa ko lang ‘to dahil gusto kitang alagaan.”“Pero hindi mo naman ako obligasyon”
“Maybe not,” putol ni Jason. “Pero gusto ko.
Lorie, minsan, hindi natin kailangan ng dahilan para magmahal.”Natigilan si Lorie, parang may kuryenteng dumaloy sa kanyang dibdib.
“Jason…”Ngunit bago pa siya makasagot, biglang bumukas ang pinto.
“Jason!” tawag ni Pia, may bitbit na tray ng pagkain. “Anak, tulungan mo akong ilagay ‘to sa mesa.”Agad niyang iniwan si Lorie at tinulungan ang ina.
Nang makalapit si Pia kay Lorie, pinunasan niya ang pawis sa noo nito, kunwaring may pagmamahal. “Anak, hindi mo kailangang mag-alala. Lahat ng kailangan mo, nandito. At si Jason… siya na ang bahala sa’yo.”Tumango si Lorie, mahina ang ngiti. “Tita, sobra po akong nagpapasalamat.”
Ngumiti si Pia ngunit malamig ang mga mata.
“Walang anuman, iha. Basta makinig ka lang sa amin. Kami na ang pamilya mo ngayon.” Kinagabihan.Habang mahimbing na natutulog si Lorie, nakaupo sina Pia at Jason sa terrace, may dalang alak.
Tahimik ang paligid, tanging tunog ng kuliglig ang maririnig.“Anak,” mahinang sabi ni Pia. “We have to move faster. Si Amor, nag-aalala pa rin. Baka sumulpot ulit ‘yung Franco.”
“Relax, Mom,” sagot ni Jason, sabay lagok ng alak. “Wala nang Franco. Cebu na siya. At si Lorie? Unti-unti na siyang nahuhulog.”
“Sigurado ka?” malamig ang boses ni Pia. “Hindi siya madaling paikutin, Jason. Matibay ‘yang batang ‘yan. At kapag naalala niya ang ama niya”
“Mom,” sabat ni Jason, “blind siya. Wala siyang makikitang totoo. Lahat ng ipapakita natin, paniniwalaan niya.”
Ngumiti si Pia, tumingin sa buwan.
“Then we make her fall deeper. Until she trusts you completely.”“Then?” tanong ni Jason, nakataas ang kilay.
“Then we take everything.”
Mapait na ngiti. “Lahat ng naiwan sa Philip Empire, mapupunta sa atin.” Kinabukasan.Mabining sikat ng araw ang pumasok sa silid ni Lorie, dumadaloy sa kurtinang puti.
Tahimik siyang nagmulat, dama ang liwanag ngunit hindi ito nakikita. Ang amoy ng brewed coffee ang unang sumalubong sa kanya matapang, malalim, at pamilyar.“Good morning,” bati ni Jason, nakaupo sa gilid ng kama, hawak ang tray na may mainit na pancakes at orange juice.
“Breakfast in bed. Your favorite.”Napangiti si Lorie kahit pagod. “Naalala mo pa ‘yon?”
Ngumiti si Jason, marahan ang boses, tila lalaking puno ng pagmamahal.
“Of course. Lahat ng tungkol sa’yo, naaalala ko. Pati kung ilang patak ng syrup ang gusto mo sa pancake mo.”Tumawa si Lorie, mahina. “Grabe, parang mas kilala mo pa ako kaysa sa sarili ko.”
“Maybe,” aniya, sabay abot ng tinidor. “Kasi minahal na kita bago mo pa ako napansin.”
Natahimik si Lorie, ramdam ang init sa dibdib.
Pero mabilis ding bumalik sa isip niya ang katotohanang tinatakasan niya — ang pagkamatay ng kanyang mga magulang.“Jason…” mahina niyang sabi. “Gusto kong pumunta sa libing nila. Gusto kong asikasuhin lahat.”
Natigilan si Jason. “Are you sure, babe? You’re still weak. You just—”
“I need to,” putol ni Lorie. “Hindi ako mapapalagay hangga’t hindi ko naibibigay ang huling respeto sa kanila.”
Sandaling katahimikan.
Saka marahang tumango si Jason, pinilit ang ngiti. “Okay. Sasamahan ka namin ni Mama. Ako ang bahala sa lahat.”“Salamat, Jason…” naiiyak na sabi ni Lorie, halos pabulong. “I don’t know what to do. I’m incapacitated and I’m blind. Hindi ko alam kung paano ko haharapin ‘to.”
Agad siyang niyakap ni Jason, mariin, halos mapunit ang emosyon sa boses.
“No worries, you will never be alone. I’ll always be here for you.”Naramdaman ni Lorie ang tibok ng puso nito sa dibdib niya.
At sa gitna ng kadiliman, tinanggap niya ang yakap na iyon — hindi alam na iyon ang yakap ng isang ahas.“By the way,” patuloy ni Jason, habang tinutulak ang buhok sa noo ng babae, “maghahanap ako ng caregiver na mag-aalaga sa’yo. Gusto kong sigurado akong may taong tutulong sa’yo kapag wala ako.”
“Thank you…” mahinang tugon ni Lorie. “Napakabait mo talaga.”
Ngumiti si Jason, ngunit sa kanyang mga mata ay may ningning ng kasakiman.
Sa ilalim ng lambing, nakatago ang plano — ang unti-unting pag-angkin sa lahat ng pag-aari ng Philip Empire.Habang abala si Lorie sa pagkain, hindi niya alam na sa labas ng bintana ay nakamasid si Pia Curry, hawak ang cellphone, pabulong na nakikipag-usap.
“Amor, everything’s going according to plan,” wika niya habang pinagmamasdan ang anak at si Lorie.
“Nagtiwala na siya kay Jason. Kahit bulag siya, ramdam mong sinasamba niya ‘yung bata. Parang wala nang ibang tao sa mundo niya.”Sa kabilang linya, narinig ang tinig ni Amor, malamig at mapanlinlang.
“Good. Ang susunod, ipapapirma natin ‘yung transfer papers ng shares ng ama niya. Kapag nakapirma na siya, wala nang atrasan.”Ngumiti si Pia, ang mga mata’y kumikislap sa ambisyon.
“You’ll get your empire, Amor. And I’ll make sure si Jason gets the girl.”“Magaling,” sagot ni Amor. “Kailangan nating siguruhin na hindi siya magkakaroon ng pagdududa. Alagaan ninyo siya, peke o totoo man, basta magtiwala lang siya.”
“Consider it done,” sagot ni Pia, sabay patay ng tawag.
Ngumiti si Necy, isang ngiting mapanganib.Dahan-dahan nitong hinaplos ang dibdib ni Jason, marahang pinaikot ang daliri sa balat nito na parang nanunukso.“Sigurado ka ba diyan, Jason?” aniya, mahinang tinig pero may lason. “Baka pag dumating ang oras na ‘yon… hindi mo na siya kayang iwan. Baka matutunan mong mahalin ang babae na dapat mo lang gamitin.”Mariin ang tingin ni Jason, ngunit sa likod ng kanyang mga mata ay may piraso ng pag-aalinlangan.Ngumisi siya, pilit. “Alam mo namang ikaw lang ang mahal ko, Necy.”Hinawakan niya ang baba nito, at sa isang iglap ay naglapat ang kanilang mga labi—mapusok, marahas, puno ng lihim na kasinungalingan.Sa kabilang silid, si Lorie ay nakahiga pa rin sa dilim.Ang mga luha ay patuloy na dumadaloy sa mga mata niyang hindi na nakakakita.Ang bawat hikbi niya ay parang kaluskos na ayaw pakinggan ng sinuman.Ni hindi niya alam, sa kabila
Huminga nang malalim si Jason. Sa sandaling iyon, parang gusto niyang tumakbo palayo, ngunit imbes ay hinaplos niya ang pisngi ni Necy.“Hindi ako nagsisisi,” aniya. “Pero kung sakaling mabuko tayo… alam mong lahat tayo, luluhod.”Ngumiti si Necy isang ngising demonyo sa balat ng isang anghel.“Hindi tayo mabubuko,” bulong niya. “Si Lorie? Masyadong mabait. Masyadong bulag sa literal at sa emosyon. Kaya mo siyang paikutin kahit kailan mo gusto.”Bago pa makasagot si Jason, biglang hinalikan siya ni Necy mariin, mapusok, parang lason.Ang bawat halik ay sumpa, bawat haplos ay paalala ng kasalanan.Ang kamay ni Necy ay gumapang sa kanyang dibdib, habang ang sigarilyo ay nahulog sa sahig nagliyab ng munting apoy, tulad ng apoy ng kanilang pagkasala.“Necy…” bulong ni Jason, halos mawalan ng boses.“Hmm?” sagot ni Necy, habol-hininga.“Kung malaman ni Lorie ‘to…”“Then let her,” sabi ni Necy, malamig. “Let her break. Let her feel what it’s like to be blind not just by eyes but by lov
Lumingon si Amor, hindi makapaniwala sa narinig.“So you’re both gambling the company’s future for a woman?”Matigas ang kanyang tinig, punô ng pagkadismaya.“Fine, Jason. Pero tandaan mo ‘to — once this plan fails, mawawala sa’yo lahat. Hindi lang ang mana mo, pati ang respeto ko.”Napayuko si Jason, ngunit sa ilalim ng kanyang ngiti ay may bahid ng pagmamataas.“Yes, Dad. Pero hindi ako papalpak. Trust me — I know how to play her.”Samantala, sa sala, patuloy ang mabait na usapan nina Lorie at Necy.“Ang bait mo naman, Necy,” ngiti ni Lorie, habang maingat na humihigop ng gatas na inihanda ng bagong caregiver.“Para kitang kapatid. Salamat ha, kasi kahit di mo ako kilala, inaalagaan mo ako.”Ngumiti si Necy, sabay haplos sa balikat ng dalaga.“Don’t mention it, Miss Lorie. You’re too kind. Minsan nga, naiisip ko… sayang, ang dami pa sanang matututunan sa’yo.”“Sayang?” tanong ni Lorie, inosenteng nakangiti.“Bakit mo naman nasabi ‘yan?”Umiling si Necy, ngiting mapait. “Wala, naisip
Ngunit umiling si Lorie, kahit bulag ito. Ang mga mata nito ay puno ng lungkot at pagkalito.“Jason… bakit lahat sila bigla na lang nawala?”Napasinghap ito, hinaplos ang pisngi ng dalaga. “Minsan, hindi natin alam kung bakit nangyayari ang mga ganito. Pero gusto kong malaman mo, nandito ako. Hindi ka nag-iisa.”“Salamat andiyan kayo lagi di ko ito makakayan mag-isa pinagsukluban ako ng langit at ngayon bulag na ako kahit sa huling sandali hindi ko pa makita mga magulang ko..Salamat hindi kayo umaalis sa paligid ko.”Ngunit bago pa siya makasagot, dumating si Amor.“Jason,” malamig na tawag ng ama, “oras na para umalis.”Tumayo si Lorie, bahagyang yumuko. “Salamat sa pagpunta ninyo, Ninong.”Ngumiti si Amor, ngunit malamig. “Huwag mo na kaming pasalamatan, anak. Simula ngayon, ako na ang tutulong sa’yo. Kami na ang pamilya mo.”At sa kanyang mga mata, kumislap ang isang lihim na hindi pa alam ni Lorie lihim na mag-uugnay sa pagkamatay ng kanyang mga magulang, sa yaman ng Philip, at
Tinitigan siya ng abogado, may alinlangan.“Sigurado ka ba, Miss Philip? Once you sign, the document becomes legally binding.”Tumango siya, kahit hindi makita ang mga matang nanlilimahid sa luha.“Yes. Gusto kong maging matatag… gaya ng itinuro nila sa akin.”At sa mismong sandaling iyon, inilapit ng abogado ang dokumento sa kanya.Hinawakan ni Lorie ang pluma, pinirmahan ang papel hindi alam na iyon ang pirma ng kanyang kapahamakan.Sa gilid ng chapel, nanatiling nakamasid si Pia, nakangiti.“Good girl,” bulong niya sa sarili.Habang si Jason, nakapamaywang, halos hindi maitago ang tagumpay sa mukha.“Soon,” sabi ni Pia, may malamig na ngiti, “magiging Curry ang lahat ng mga ari-arian ng mga Philip.”“At ako,” sagot ni Jason, “ang magiging tagapagmana ng lahat.”Ngunit hindi nila alam may mga matang nagmamasid sa dilim.Sa malayong bahagi ng kapilya, nakatayo si Franco, dating tauhan ng ama ni Lorie.Ang kanyang mga kamao’y nakasuntok, ang panga’y nakatensyon.Tahimik niyang pinan
Ilang oras ang lumipas.Tahimik na nakaupo si Jason sa gilid ng kama ni Lorie, marahang pinupunasan ang gilid ng labi nito matapos kumain.“Mom,” mahinang sabi niya, hindi tumitingin. “About the papers... kailan natin ipapakita sa kanya?”Nakasandal si Pia sa pader, mga braso’y nakatawid, malamig ang tinig.“Soon. Kapag medyo nakabawi na siya. Sa ngayon, we make her feel safe. Gusto kong umasa siya na kami ang pamilya niya.”Tumango si Jason, seryoso ang mukha.“Gagawin ko. Hindi ako titigil hangga’t hawak ko na siya sa palad ko.”Ngumisi si Pia, marahang lumapit at hinawakan ang pisngi ng anak.“Good. Remember, anak pag napaibig at nakuha mo si Lorie,makukuha natin ang lahat ng naiwan ng Philip. She’s the key.”Ngumiti si Jason, puno ng kumpiyansa.“The key... and soon, she’ll open every door I need.”Kinagabihan.Tahimik ang bar sa downtown. Sa madilim na sulok, naroon si Jason kasama ang isang babaeng may mapusok na ganda — si Necy, ang babaeng tunay niyang minamahal.“Jason,” mar







