หน้าหลัก / Romance / Hahamakin Ko ang Lahat / Hahamakin Ko ang Lahat Chapter 3

แชร์

Hahamakin Ko ang Lahat Chapter 3

ผู้เขียน: MIKS DELOSO
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2025-10-27 05:03:46

Ang tinig ni Pia ay parang malamig na hangin sa umaga nakapapawi sa unang pakinig, ngunit may taglay na yelong hindi mo agad maramdaman hanggang sa huli.

“Jason…” mahinang sambit ni Lorie, “nandito rin po ba siya?”

Ngumiti si Pia, bahagyang umiling. “He’s on his way. Hindi ka niya matitiis.”

Sa labas ng silid, dumating nga si Jason Curry  nakaitim na coat, maayos ang postura, at may dalang bouquet ng lilies.

Ang mukha niya ay maamo, ngunit ang mga mata… malamig, parang asong naghihintay ng utos.

Pagpasok niya, agad siyang napatingin kay Lorie  sa babaeng hindi na makakita, walang muwang, at handang magtiwala.

“Lorie…” tawag niya, malambing ngunit may lamig na parang kalawang sa boses. “I’m sorry for what happened.”

Lumapit siya at marahang hinawakan ang kamay ng dalaga.

“Kung may magagawa lang ako para mapawi ang sakit mo…”

Ngumiti si Lorie, marahang pinisil ang kamay niya.

“Salamat, Jason. Wala na sila, pero… andiyan ka pa rin.”

Ang ngiting iyon  inosente, tapat, at puno ng pag-asa ay parang bulaklak na tinatapakan ng mga kasinungalingan.

Habang yakap ni Lorie ang dilim, yakap naman siya ng mga taong may lihim na layunin.

Ngumiti si Jason, dahan-dahan, tuso.

“Of course,” bulong niya, halos di marinig. “Habang nandito ka… hindi mo na kailangang mag-alala.”

At sa loob-loob niya, may ibang ibig sabihin ang bawat salita.

Habang nandito ka… siguradong mapapasa’kin ang lahat.

Lumabas siya ng kwarto, marahang isinara ang pinto, at sumalubong sa kanya ang malamig na tingin ng kanyang ina.

“Good job, son,” bulong ni Pia, sabay abot ng isang maliit na sobre. “Ngayon, ikaw na ang aasahan ni Lorie. At kapag nakuha mo ang tiwala niya… sa atin na ang Philip Empire.”

Ngumisi si Jason, bahagyang yumuko.

“You don’t have to worry, Mom. Wala siyang makikitang kahit anong mali  dahil… bulag siya.”

Tumaas ang kilay ni Pia. “Huwag kang masyadong kumpiyansa. Bulag siya sa paningin, pero hindi sa pakiramdam. Kaya kailangan mong magaling magpanggap.”

Umiling si Jason, kumpiyansang-kumpiyansa.

“Hindi niya ako kailanman iisiping may kinalaman ako sa aksidente. Hindi siya gano’n katalino… at masyado siyang mabait.”

“Bakit, anak,” malamig na sabi ni Pia, “nagsisimula ka na bang maawa sa kanya?”

Napangiti si Jason  isang ngiting walang kaluluwa.

“Hindi, Mom. Pero… minsan, nakakatawa lang isipin. Habang umiiyak siya sa pagkawala ng pamilya niya, ni hindi niya alam na kaming dalawa ang dahilan kung bakit sila nawala.”

Nanlamig ang paligid.

Ang mga salita ni Jason ay tila lasong pumulandit sa hangin.

Sa malayo, dumaan ang isang nurse, hindi namalayang may dalawang kaluluwang nagbubuo ng kasalanan sa gitna ng ospital na dapat ay tahanan ng paggaling.

“Siguraduhin mo, Jason,” bulong ni Pia, “na makuha mo hindi lang ang puso niya, kundi pati lahat ng papeles ng kumpanya. Kailangang sa iyo mapunta ang posisyon ni Franco bago siya makarekober.”

Ngumisi ang lalaki, dahan-dahan, at tumango.

“Walang makakaalam, Mom. Akala ng lahat, aksidente. Pero sa totoo lang—”

Tumigil siya sandali, nilingon ang saradong pinto kung saan naroon si Lorie.

“kami ang gumawa ng aksidente.”

At sa kabilang dulo ng ospital, sa madilim na hallway,

may isang lalaking nakamasid mula sa malayo — si Fernan James,

isang batang prosecutor na tahimik ngunit matalim ang isip.

Hawak niya ang isang folder na may markang:

CASE 07-14: THE PHILIP TRAGEDY.

Pinanood niya si Lorie sa loob ng silid,

nakaupo sa kama, umiiyak habang nakayakap sa unan —

isang babaeng halos mawasak sa bigat ng pagkawala.

Tahimik siyang lumanghap ng hangin.

“Hindi aksidente ‘to…” bulong niya sa sarili.

“May amoy ng dugo at pera.

At hindi ko hahayaan na walang hustisyang makamit ang babaeng ‘yon.”

Sa bawat patak ng ulan sa bintana,

parang naririnig niya ang sigaw ng nakaraan

ang putok ng baril, ang preno ng kotse,

at ang huling iyak ng isang batang babae sa gitna ng apoy.

“Nakita ko ang pattern,”

mahina niyang sabi habang binubuksan ang folder.

“Dalawang bala sa gulong. Isa sa windshield.

Walang duda  may pumatay sa kanila.”

Ngunit nang marinig niya ang tinig ni Lorie mula sa loob 

ang mahina, durog, at puno ng pangungulila na tinig 

parang may humaplos sa kanyang puso.

“Wala siyang alam…”

buntong-hininga ni Fernan, habang pinagmamasdan ang babae.

“Wala siyang kamalay-malay na pinatay ang pamilya niya.”

Tahimik niyang isinara ang folder,

ang mga mata’y nagningning sa gitna ng dilim.

Ilang sandali pa, bumukas ang pinto ng silid.

Lumabas si Pia Curry at si Jason, may mga ngiti sa labi at lamig sa mga mata.

Saglit na nagtagpo ang mga tingin nila ni Fernan.

Magaan ang ngiti ni Pia, ngunit ang aura — mabigat, mapanganib.

“Prosecutor James,” bati ni Pia. “I didn’t expect to see you here.”

“Just doing my job, Mrs. Curry,” sagot niya, kalmado pero matalim ang mga mata.

“Tinitingnan ko lang si Miss Philip. She’s under investigation protection.”

Bahagyang natawa si Pia, tila walang tinatago.

“Oh, you don’t have to worry about her. We’re taking good care of her, like family.”

“Family,” mahinang ulit ni Fernan, may bahid ng sarkasmo. “That’s comforting to hear.”

Nilingon niya si Jason, tahimik lang ang lalaki pero bakas sa mga mata ang tensyon.

Parang aso na handang kumagat kapag naramdaman ang panganib.

Pag-alis ng mag-ina, huminga nang malalim si Fernan at kumatok sa pinto.

“Miss Philip?”

Bahagyang tumaas ang ulo ni Lorie. “Sino po kayo?”

“Fernan James,” mahinahong sabi niya. “Ako po ang prosecutor na humahawak sa kaso ng aksidente ng pamilya ninyo.”

Nanahimik si Lorie. Ang mga labi niya ay bahagyang nanginig.

“Accident…” bulong niya. “So, aksidente lang talaga?”

Sandaling natigilan si Fernan. Alam niyang hindi pa panahon para sabihin ang lahat.

“Sa ngayon, Miss Philip, iyon pa lang ang opisyal na report. Pero gusto ko sanang malaman mula sa inyo kung may napansin kayong kakaiba bago ang aksidente.”

Umiling si Lorie, pinilit alalahanin. “Wala akong matandaan, Mr. James. Bigla na lang… may putok, may liwanag, tapos… dilim.”

Napahawak siya sa ulo, parang binabalikan ng trauma.

“Ang huli kong narinig, tinatawag ako ng daddy ko…”

Tahimik si Fernan.

Sa kanyang mga mata, may halong awa at paghanga.

Naroon sa harap niya ang babaeng nawalan ng lahat — magulang, paningin, at tiwala sa mundo.

“Miss Philip,” mahinahon niyang sabi, “Kung may maalala ka, kahit maliit na detalye, tawagan mo ako. Gusto kong makamit mo ang hustisya.”

Ngumiti si Lorie, pilit. “Salamat po. Pero... wala na akong magagawa. Wala na rin naman sila.”

Tumango si Fernan, ngunit bago siya umalis, biglang nagsalita si Lorie.

“Mr. James…”

“Hmm?”

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • Hahamakin Ko ang Lahat   Hahamakin Ko ang Lahat Chapter 11

    Ngumiti si Necy, isang ngiting mapanganib.Dahan-dahan nitong hinaplos ang dibdib ni Jason, marahang pinaikot ang daliri sa balat nito na parang nanunukso.“Sigurado ka ba diyan, Jason?” aniya, mahinang tinig pero may lason. “Baka pag dumating ang oras na ‘yon… hindi mo na siya kayang iwan. Baka matutunan mong mahalin ang babae na dapat mo lang gamitin.”Mariin ang tingin ni Jason, ngunit sa likod ng kanyang mga mata ay may piraso ng pag-aalinlangan.Ngumisi siya, pilit. “Alam mo namang ikaw lang ang mahal ko, Necy.”Hinawakan niya ang baba nito, at sa isang iglap ay naglapat ang kanilang mga labi—mapusok, marahas, puno ng lihim na kasinungalingan.Sa kabilang silid, si Lorie ay nakahiga pa rin sa dilim.Ang mga luha ay patuloy na dumadaloy sa mga mata niyang hindi na nakakakita.Ang bawat hikbi niya ay parang kaluskos na ayaw pakinggan ng sinuman.Ni hindi niya alam, sa kabila

  • Hahamakin Ko ang Lahat   Hahamakin Ko ang Lahat Chapter 10

    Huminga nang malalim si Jason. Sa sandaling iyon, parang gusto niyang tumakbo palayo, ngunit imbes ay hinaplos niya ang pisngi ni Necy.“Hindi ako nagsisisi,” aniya. “Pero kung sakaling mabuko tayo… alam mong lahat tayo, luluhod.”Ngumiti si Necy isang ngising demonyo sa balat ng isang anghel.“Hindi tayo mabubuko,” bulong niya. “Si Lorie? Masyadong mabait. Masyadong bulag sa literal at sa emosyon. Kaya mo siyang paikutin kahit kailan mo gusto.”Bago pa makasagot si Jason, biglang hinalikan siya ni Necy mariin, mapusok, parang lason.Ang bawat halik ay sumpa, bawat haplos ay paalala ng kasalanan.Ang kamay ni Necy ay gumapang sa kanyang dibdib, habang ang sigarilyo ay nahulog sa sahig nagliyab ng munting apoy, tulad ng apoy ng kanilang pagkasala.“Necy…” bulong ni Jason, halos mawalan ng boses.“Hmm?” sagot ni Necy, habol-hininga.“Kung malaman ni Lorie ‘to…”“Then let her,” sabi ni Necy, malamig. “Let her break. Let her feel what it’s like to be blind not just by eyes but by lov

  • Hahamakin Ko ang Lahat   Hahamakin Ko ang Lahat Chapter 9

    Lumingon si Amor, hindi makapaniwala sa narinig.“So you’re both gambling the company’s future for a woman?”Matigas ang kanyang tinig, punô ng pagkadismaya.“Fine, Jason. Pero tandaan mo ‘to — once this plan fails, mawawala sa’yo lahat. Hindi lang ang mana mo, pati ang respeto ko.”Napayuko si Jason, ngunit sa ilalim ng kanyang ngiti ay may bahid ng pagmamataas.“Yes, Dad. Pero hindi ako papalpak. Trust me — I know how to play her.”Samantala, sa sala, patuloy ang mabait na usapan nina Lorie at Necy.“Ang bait mo naman, Necy,” ngiti ni Lorie, habang maingat na humihigop ng gatas na inihanda ng bagong caregiver.“Para kitang kapatid. Salamat ha, kasi kahit di mo ako kilala, inaalagaan mo ako.”Ngumiti si Necy, sabay haplos sa balikat ng dalaga.“Don’t mention it, Miss Lorie. You’re too kind. Minsan nga, naiisip ko… sayang, ang dami pa sanang matututunan sa’yo.”“Sayang?” tanong ni Lorie, inosenteng nakangiti.“Bakit mo naman nasabi ‘yan?”Umiling si Necy, ngiting mapait. “Wala, naisip

  • Hahamakin Ko ang Lahat   Hahamakin Ko ang Lahat Chapter 8

    Ngunit umiling si Lorie, kahit bulag ito. Ang mga mata nito ay puno ng lungkot at pagkalito.“Jason… bakit lahat sila bigla na lang nawala?”Napasinghap ito, hinaplos ang pisngi ng dalaga. “Minsan, hindi natin alam kung bakit nangyayari ang mga ganito. Pero gusto kong malaman mo, nandito ako. Hindi ka nag-iisa.”“Salamat andiyan kayo lagi di ko ito makakayan mag-isa pinagsukluban ako ng langit at ngayon bulag na ako kahit sa huling sandali hindi ko pa makita mga magulang ko..Salamat hindi kayo umaalis sa paligid ko.”Ngunit bago pa siya makasagot, dumating si Amor.“Jason,” malamig na tawag ng ama, “oras na para umalis.”Tumayo si Lorie, bahagyang yumuko. “Salamat sa pagpunta ninyo, Ninong.”Ngumiti si Amor, ngunit malamig. “Huwag mo na kaming pasalamatan, anak. Simula ngayon, ako na ang tutulong sa’yo. Kami na ang pamilya mo.”At sa kanyang mga mata, kumislap ang isang lihim na hindi pa alam ni Lorie lihim na mag-uugnay sa pagkamatay ng kanyang mga magulang, sa yaman ng Philip, at

  • Hahamakin Ko ang Lahat   Hahamakin Ko ang Lahat Chapter 7

    Tinitigan siya ng abogado, may alinlangan.“Sigurado ka ba, Miss Philip? Once you sign, the document becomes legally binding.”Tumango siya, kahit hindi makita ang mga matang nanlilimahid sa luha.“Yes. Gusto kong maging matatag… gaya ng itinuro nila sa akin.”At sa mismong sandaling iyon, inilapit ng abogado ang dokumento sa kanya.Hinawakan ni Lorie ang pluma, pinirmahan ang papel hindi alam na iyon ang pirma ng kanyang kapahamakan.Sa gilid ng chapel, nanatiling nakamasid si Pia, nakangiti.“Good girl,” bulong niya sa sarili.Habang si Jason, nakapamaywang, halos hindi maitago ang tagumpay sa mukha.“Soon,” sabi ni Pia, may malamig na ngiti, “magiging Curry ang lahat ng mga ari-arian ng mga Philip.”“At ako,” sagot ni Jason, “ang magiging tagapagmana ng lahat.”Ngunit hindi nila alam may mga matang nagmamasid sa dilim.Sa malayong bahagi ng kapilya, nakatayo si Franco, dating tauhan ng ama ni Lorie.Ang kanyang mga kamao’y nakasuntok, ang panga’y nakatensyon.Tahimik niyang pinan

  • Hahamakin Ko ang Lahat   Hahamakin Ko ang Lahat Chapter 6

    Ilang oras ang lumipas.Tahimik na nakaupo si Jason sa gilid ng kama ni Lorie, marahang pinupunasan ang gilid ng labi nito matapos kumain.“Mom,” mahinang sabi niya, hindi tumitingin. “About the papers... kailan natin ipapakita sa kanya?”Nakasandal si Pia sa pader, mga braso’y nakatawid, malamig ang tinig.“Soon. Kapag medyo nakabawi na siya. Sa ngayon, we make her feel safe. Gusto kong umasa siya na kami ang pamilya niya.”Tumango si Jason, seryoso ang mukha.“Gagawin ko. Hindi ako titigil hangga’t hawak ko na siya sa palad ko.”Ngumisi si Pia, marahang lumapit at hinawakan ang pisngi ng anak.“Good. Remember, anak pag napaibig at nakuha mo si Lorie,makukuha natin ang lahat ng naiwan ng Philip. She’s the key.”Ngumiti si Jason, puno ng kumpiyansa.“The key... and soon, she’ll open every door I need.”Kinagabihan.Tahimik ang bar sa downtown. Sa madilim na sulok, naroon si Jason kasama ang isang babaeng may mapusok na ganda — si Necy, ang babaeng tunay niyang minamahal.“Jason,” mar

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status