Share

Chapter 28: School Fest 4

Shayes’ POV

Tirik na ang araw noong makagising ako. Inunat ko ang magkabilang braso at saka tinanggal ang nakabalot na kumot sa katawan.

Tumatagos ang sinag ng araw sa bubog na bintana. Kinusot ko ang mga mata at tamad na tinahak ang daan patungo sa kusina. Maaga rin akong nakatulog kagabi dahil na rin siguro sa pagod.

Napahinto ako nang makarating na sa kusina. Kalat-kalat ang mga kahon at lata.Maraming balat ng mga pagkain sa mesa at nakatumba ang walang laman na basurahan.

Pinasadahan ko ng tingin ang hugasan. Ito ang resulta ng pagiging abala ko sa loob ng ilang araw. Napailing na lamang ako. Hindi ko alam na kasama sa responsibilidad ko ang paghuhugas ng pinggan at paglilinis ng bahay.

Sinimulan ko na ang lahat ng gawain sa bahay. Siniguro kong maski karampot na dumi ay hindi makakatakas sa paningin ko. Noong nakaramdam ng kaunting pagod ay napaupo na lamang ako sa bakanteng bangko.

Napaisip ako bigla tungkol sa mga kasalukuyang pangyayari. Alam ko na kapwa kami nagh
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Vicente Crisostomo
Wala na ba kabanata
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status