Medyo nahuli ako ng gising kaya dali-dali akong lumabas ng aking kwarto, nakita ko naman ang ina ko at agad ako nitong inalok na kumain.
Habang kumakain kami ay binasag ng aking ina ang katahimikan.
"Ava, bakit parang palagi ka nalang nakatulala? Is there something bothering you?" tanong ng aking ina na may bahid na pag-aalala.
"Hindi po, abala lang po ako. Marami na po kasi naming gagawin ngayon. Don't worry," sagot ko habang pilit na tumatawa. Ayaw ko naman na mag-alala ang aking ina.
"Wag masyadong magpagod Ava, ha? Kung ganon pala ay mabuti, ang akala ko kasi may nanliligaw na sa'yo," sabi ni mama na agad kong ikinagulat at dahilan para mabilaukan ako.
"A-ano ma? Hindi ah! 'Di ba sabi ko sa'yo nag-aaral ako ng mabuti saka 'yang mga manliligaw na 'yan wala akong paki d'yan ma," ekstrang pagpapaliwanag ko. Napalunok nalang ako dahil sa seryosong tingin na ibinalik ng aking ina.
Nagulat ako ng bigla itong tumawa ng malakas, ilang man ay sumabay ako sa tawa nito kahit na pilit.
"OA mo naman anak, narinig kasi kita kanina kausap mo ata si Misty, may pinag uusapan yata kayo tungkol sa lalaki, Harris yata pangalan," agad namang uminit ang pisngi ko.
"Pero pakiramdam ko naman wala kang gusto sa lalaking 'yon 'di ba? Kasi base sa boses mo parang 'di ka interesado," dugtong pa ni mama. Napabuntong hininga na lamang ako, buti na lang ay pinilit kong 'wag ipahalata kay Misty na may gusto ako doon. Dahil baka asarin lang ako ng mga kaibigan ko.
"Wala ka namang gusto sa lalaki na 'yon 'di ba?" pahabol na tanong ng aking ina.
Napaisip ako agad, sasabihin ko ba o hindi? Dahil kapag sinabi ko ang totoo, baka magalit lang si mama. Ngunit ayaw ko namang magsinungaling.
"Ano ba? Kapag nalaman ni mama na may nagugustuhan na ako ay baka ikagalit niya. Pero baka mahalata niya naman kung magsisinungaling ako. Pa'no na?
Pagak akong tumawa at sinagot ang aking ina, "W-wala ma, sabi mo nga 'di ba hindi ako interesado. Saka feeling ko wala namang direksyon ang buhay noon. Kahit short quiz nga ay hindi pa kayang sagutan mag-isa," agad naman akong napalunok at napayuko.
Ngumiti naman ang aking ina. Nakahinga naman ako ng maluwag. Grabe ang kaba at takot na nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay nakakaramdam na si mama. Mabuti na lamang ay napaniwala ko ito kahit papaano.
Nasa paaralan na ako ngayon. Hindi ko mahanap ang mga kaibigan ko kaya agad na akong pumasok. Pagpasok ko naman ay nandoon na ang mga kaklase ko. Naalala ko na wala pala ang teacher namin ngayon. Kaya medyo nag-iingay ang mga ito.
Samantala, bigla akong kinabahan. Bumalik lahat sa akin ang pag-uusap namin ng akong ina.
"I need to get rid of Harris, this is for my own good."
Bigla ko namang narinig ang pagtawag ni Harris sa pangalan ko. Tumingin ako rito ng seryoso at umupo sa upuan ko. Hangga't maaari ayaw ko itong pansinin.
"Ey, you're so quiet," saad ni Harris ngunit hindi ko ito pinansin.Tumawa ito at May sinabi ulit.
"You know what, pumasok ako ng maaga ngayon, I don't want other person to seat here. Gusto ko ako lang katabi mo," sabi ni Harris sa akin habang nakatingin sa akin ito ng seryoso, at ma awtoridad.
Lumipas pa ang ilang mga subject at hindi ko pa rin ito pinapansin. Pakiramdam ko ay naiinis na siya. Ngunit nalilito naman ako, bakit siya maiinis? Napailing-iling nalang ako at mas lalong hindi ito pinansin
Lunch break na, wala akong balak pumunta sa canteen dahil hindi naman ako nakakaramdam ng gutom. And as class president, ayaw ko iwan ang iba pang mga kaklase ko baka may mangyari pang gulo.
Wala nga pala ang mga kaibigan ko. Paniguradong nakikipag-agawan 'yon ng pagkain. Na pahinga naman ako ng malalim. Naalala ko na naman si Harris, lumabas ito ng hindi ako iniimik. Mukhang napagod na lang ito kaka kulit sa akin.
'Di ko maamin-amin sa sarili na bahagyang nalungkot ko ng hindi akp yayain ni Harris lumabas. Ngunit siguro tama lang din iyon para hindi na ako magkagusto sa lalaki iyon.
"Umasa pa naman ako na aalukin niya ako, bakit ba kasi ako umasa? Sabagay, ang kulit nya kasi kahapon. 'Talk talk to your mom' pang nalalaman puro salita lang naman," bulong ko sarili at napairap na lang.
Nagulat ako ng may isang sandwich na biglang lumitaw sa harapan ko. Nakaramdam ako ng gutom dahil sa napakabangong amoy nito. Agad akong napaisip kung sino naman ang magbibigay nito sa akin. Dahil hinding-hindi mangyayari na bigyan ako ng pagkain ng mga kaibigan ko. Magkaibigan kami ngunit pagdating sa pagkain walang kaibi-kaibigan.
May narinig naman akong buntong hininga ng isang tao. Gulat na gulat ako dahil napagtantong kong si Harris ito. Unti-unti akong tumingin pataas, hindi nga ako nagkakamali si Harris ito!
"Eat. Don't just stare at the food," he said with a cold tone.
"Anong problema nito?" bulong ko sa isipan ko.
"A-ah? W-wag na. Baka labag pa sa kalooban mo 'yan. Malay ko bang naglagay ka ng lason d'yan. Saka busog pa ako," sabi ko at napatikhim.
Tinitigan lang ako nito ng seryoso at mayamaya pa ay narinig ko ang pagkalam ng sikmura ko. Agad akong nakaramdam ng hiya. "Kahit kailan talaga ay ipapahamak ako ng tiyan na 'to!"
Ngumiti ako ng pilit at kinuha ang sandwich. Tahimik lang kaming dalawa. Naiilang ako dahil hindi naman niya ito pinansin kanina. Ayaw ko man ay ako na ang bumasag sa katahimikan.
"S-salamat sa pagkain, babayaran ko na lang," pagbasag ko sa katahimikan at kinabahan sa sasabihin nito.
"Shhh," sagot nito na ikinagulat ko ng sobra, lalo na nang humarap siya.
Magsasalita na sana ako dahil sa sobrang inis ngunit nagsalita si Harris.
"You didn't talk to me for hours and then you're just gonna say thank you? You didn't even say sorry to me," saad nito, sa pagkakataong ito sa malumanay at parang bata na tono sa sobrang lambing.
Agad na nadurog ang puso ko, pakiramdam ko ay dinibdib talaga ng lalaking iyon ang ginawa ko sa kanya kanina.
"S-sorry. Bad mood lang kasi ako kanina. I'm sorry again," sabi ko habang nakayuko. Nakakaramdam kasi ako ng hiya dahil sa nagawa ko.
"You didn't mean it. It looks like you're not sorry at all. Hindi ka naman 'ata seryoso," sambit niya sa seryosong boses. Nag-init ang pisngi ko Mas lalo pa akong nahiya kay Harris.
Pilit akong humarap dito, agad naman itong tumingin sa akin. Again, his eyes never failed to amaze me.
"I'm s-sorry," paghingi ko ng tawad habang nakatingin sa mukha nito.
Hindi naman nagbago ang mukha nito at nanatiling seryoso.
"Say my name. If you're really sorry, say my name Ava," saad nito na ikinatibok ng puso ko.
"I'm sorry, H-harris," buong tapang na sambit ko. Ngayon ko lamang nasabi ang pangalan ni Harris, hindi ko alam kung bakit ngunit kinakabahan ako ng sobra.
Ilang segundo rin nanaig ang katahimikan. Nagkatitigan lang kami at walang nagsalita ni isa sa amin.. Bigla nalang ngumiti ng malawak si Harris at tumawa. Tuwang-tuwa ito. Sa napakabilis na panahon, nag iba agad ang mood nito. Mula seryoso hanggang sa masayang isip bata.
"Ano ka ba, kinabahan ako!" sabi ko habang naiinis pa. Ngunit nakahinga na ako ng maayos. Naguguluhan pa rin ako pero medyo masaya na ako.
"Sorry, pero totoo nagtatampo ako. kanina. I didn't know na paiba-iba pala mood mo. From now on I will be more careful, baka ma asar kita," sabi niya na punong-puno ng ka-sweet-an.
Hindi ko alam pero para bang nag siliparan ang mga paruparo sa tiyan ko. Kinilig ako ng sobra dahil parang napaka concern nito, para bang ayaw niya na hindi ko siya kikibuin.
Uwian na namin, kani kanina lamang ay kinukulit na naman ako ni Harris na ihatid ako. Pero tumanggi ako. Naalala ko na naman ang tagpo kanina habang kausap ko ang aking ina. Magsusungit sana ako ngunit sadyang tinutunaw lang ng lalaking 'yon ang puso ko.
"Sayang, see you tomorrow. Sabay ulit tayo kumain bukas? Bye Ava!" Pagpapaalam nito. Nahiya ako ng konti dahil sumisigaw pa ito habang naglalakad siya palayo, nagtitinginan tuloy ang mga tao. Ngunit walang pake itong si Harris.
Pagdating ko sa bahay ay binati ko lang ang aking ina at pumasok na ako sa kwarto ko. Hindi ko alam pero busog na busog ako kahit ang sandwich lang na binigay ni Harris ang kinain ko buong maghapon.
Napangiti na lang ako dahil naalala ko ang tawanan namin ni Harris kanina. Sobrang kulit nito para bang hindi napapagod kaka kulit sa akin.
Kilig. Ngayong araw, wala akong ibang naramdaman kung hindi kilig. Naguguluhan ako, tinatanong ko ang sarili ko ngunit sadyang hindi ko mapigilan ang sarili ko na maramdaman iyon.
Maging ang pakikitungo sa akin ni Harris, masyadong kakaiba. Bakit parang masyado siyang 'close' sa akin?
Bakit siya nag tampo dahil lang hindi ko siya pinansin? Sino naman ako sa kanya? Napahinga ako ng malalim, nagkaroon tuloy ng maraming tanong sa utak ko.
"Tama ba na nakakaramdam ako ng kilig para sa lalaking iyon?"
Good day! This is Milly or Milly_Melons, the author of this book! I just wanted to say thank you for all the love and support. Maraming salamat sa mga nagbasa, patuloy na nagbabasa at sa mga magbabasa pa lang! Maraming salamat din sa mga nagbibigay ng gems! Kung nakarating ka hanggang dulo, at tinapos mo talaga ang storya ko, maraming salamat po! Ito po ang kauna-unahang storya na sinulat ko kaya ipinapagpaumanhin ko po ang mga grammatical errors, spelling mistakes at iba pa. Sana po ay natuwa kayo sa storya kong ito at nagkaroon ito, o ang mga karakter nito ng espesyal na lugar sa mga puso niyo. I also thank GoodNovel for giving me this opportunity to write and earn while doing my passion, it is really great working with them. Hinihiling ko na hindi rito matatapos ang paglalakbay natin, ako bilang manunulat at kayo, bilang
I put down my pen and stand up. Naglakad ako papuntang pintuan upang pakinggan ang ingay na nanggagaling sa labas ng opisina ko."Naglalaro na naman sila," i whispered and smiled.Dahan-dahan na binuksan ko ang pintuan at doon bumungad sa akin ang mga hagikgik ni Vaia. Ang anak namin."Are you playing again with Dammy?" tanong ko at saka lumuhod upang magkapantay kami nito."Dammy said it's okay to play. I already finished my homeworks mommy.""Are you sure?" lumingon ako sa paligid."I don't want you to fail your class."Lumapit ito sa akin at hinawakan ang dulo ng summer dress na suot ko. This girl really. She's using her beautiful eyes to me again."I will not fail, mommy. I promise, i will not forget my studies."My mouth curved into a smile. Itong ugali niya na ito ang namana niya sa akin. Sh
Tumayo ang mga balahibo ko nang maramdaman ko ang mabigat niyang kamay na naglalandas sa aking hita...pataas sa aking dibdib."N-ngayon?" napalunok ako at napahawak sa unan."Yes, ngayon. May ibang oras pa ba?""H-hindi k-kasi—""I want to do it, now."Ibinaba ni Harris ang katawan niya upang mahalikan niya ako. Noong una ay wala sa isip ko ang gumanti sa halik niya ngunit dahil sa malikot na dila niya ay hindi ko namalayan na nakikipagtastasan na pala ako ng halik sa kanya.Iniharap niya ako sa kanya at tuluyan na siyang pumatong sa akin. Mas lumalim naman ang halik niya sa akin.Napasinghap ako nang maghiwalay ang mga labi namin ni Harris. Humagilap ako ng hangin dahil halos maubusan na ako ng hininga dahil sa paghahalikan namin."H-harris...""Take off your clothes."
8 na ng gabi nang maisipan ni Harris na umuwi muna upang makapagpahinga siya sa bahay nila. Sabay kaming bumaba ng hagdan habang si Harris ay nakaakbay sa akin.Ngunit sabay kaming nagulat nang makita namin ang isang bisita na hindi namin inaasahan na darating..."Anak, nandito si Zale," anunsyo ni mama kaya sabay kami na napatingin ni Harris sa sofa. Doon nga ay nakita namin si Zale na nakaupo na mukhang naghihintay sa amin.Samantala, naramdaman ko naman ang pag-iba ng sitwasyon. Tumingin ako kay Harris at kita ko ang madilim na mukha nito."Are you okay?"Tumango lang ito sa akin ngunit madilim pa rin ang mukha niya. Hindi ko na lang ito ininda at dumiretso na ako sa paglalakad papuntang sofa upang batiin si Zale."Zale! Kumusta?" paunang bati ko kay Zale. Nag-angat naman ito ng tingin sa akin at agad akong nginitian. Grabe ang pinagkaiba niya ngayon
Nagising na lang ako nang marinig ko ang pagbukas ng pinto ng kwarto. Nakita ko na iniluwa nito si mama kaya agad akong tumayo. Lumapit sa akin si Mama at mahigpit na niyakap naman ako nito."Kumusta ang pakiramdam mo, anak?"Umayos ako at hinigpitan rin ang yakap ko sa aking ina."M-medyo masakit lang po ang katawan," saad ko."Pinag-alala mo ako...akala ko kung ano na ang nangyari sa iyo, Ava. Hindi ko rin matatanggap kung tuluyan na masasaktan ka ni Misty..."Unti-unting lumuwag ang yakap namin ni mama sa isa't isa. Tumingin lang ako sa mukha ni mama na puno ng pag-aalala sa akin. Ngumiti ako at muling niyakap si mama."Okay na po ako, tignan niyo nga po, oh. Nayayakap niyo pa po ang anak ninyo," biro ko at mahinang tumawa."Anong nararamdaman mo? Nagugutom ka ba? Ipaghahanda kita ng pagkain."Tumayo si mama ng hig
"I'm telling you, Misty. Stop being obsessed with Harris's girl. What's the point of killing her, anyway?""To get my fucking revenge? Naghintay lang ako ng limang taon para sa wala dahil sa 'yo!"Napalunok ako dahil sa naririnig kong usapan nila. Kahit na lumayo sila sa akin at may manipis na harang, rinig ko pa rin iyon. Nagpatuloy na lang ako sa pagsipsip ng sabaw na ibinigay sa akin ng lalaki na ang pangalan ay Nico."Stop attacking her. Kapag pinagtangkaan mo na naman siyang saktan, ikukulong talaga kita sa condo."Mayamaya pa ay lumabas na silang dalawa. Parang pusa na kumalma si Misty ngunit masama pa rin ang tingin sa akin nito. Si Nico naman ay nakangiti lang sa akin."K-kailan dadating si H-harris?" kinakabahan na tanong ko. Hindi na ako natatakot sa kanilang dalawa, ngunit ang nasa isip ko ay kailangan ko na makaalis dito sa lugar na ito."Don't worry. I already contacted him. I just hope he doesn't call the police.""Of co