Share

Chapter 2

NAMAMANGHANG nakatingin si Rizel sa harap ng building ng mga Aragon. Binibilang pa nga niya kung ilang palapag pero naduduling na lang siya hindi pa niya nabilang. Gano'n kataas ang building.

Naglakad siya patungong entrance at kinausap ang guard na naroon.

"Good morning." Bati niya rito.

"Good morning ma'am. Ano pong kailangan nila?" Pormal namang sagot nito.

"Pwede ko po bang malaman kung nandito ngayon si Mr. Kade Von Aragon?"

"Ayun po siya ma'am." Sagot naman nito at itinuro ang isang itim na sasakyan na papaalis na.

Agad na nanlaki ang mga mata niya. Kailangan niya itong maabutan.

Agad siyang nagpasalamat sa guard at nagmadaling umalis para mag-abang ng taxi na agad namang dumating.

"Pakisundan po 'yong itim na sasakyan." Turo niya pagkasakay sa taxi. Nakakunot-noong tinignan siya no'ng driver.

Pinandilatan niya ito. "Ano kuya? Magdrive ka na. Baka makalayo pa 'yon." Napailing naman 'yong driver pero pinatakbo na rin ang sasakyan.

"Boyfriend mo ba 'yon?" Usisa sa kanya no'ng driver habang tinitignan siya nito sa salamin.

Umismid siya. Napachismosa naman kasi nito. "Asawa ko po 'yon at mukhang magkikipagkita na naman sa babae niya. Kaya baka pwedeng pakibilisan." Sarcastic na sagot niya at bahagyang pinaikot ang mga mata.

"Wag ka kasing mag-asawa ng mayaman. Mga babaero 'yang mga 'yan. Mabuti pa kaming mga driver, stick to one." Anito na mukhang hindi napansin ang tuno ng pananalita niya.

"Oo na kuya ikaw na ang mabait." Walang-ganang tugon niya. Naiinip na siya. Kailangan na niyang makakuha ng impormasyon sa lalong madaling panahon.

"Kaya kung sakaling ipagpapalit mo 'yang asawa mo. Sa driver na lang na katulad ko." Nakangiting anito at bahagya pa siyang liningon saka kinindatan.

Umismid siya at hindi na lang nagsalita. Halata naman kasing nagpapacute lang ito sa kanya.

Makalipas ang ilang sandali ay pumasok ang sasakyan ng sinusundan nila sa isang paaralan.

Pinatigil naman niya ang taxi sa isang banda malapit sa paaralan at doon planong hintayin ang paglabas nito para masundan nilang muli.

Hindi siya sigurado pero may hinala siyang pinuntahan nito ang kapatid. Bago kasi siya pumunta sa building ng mga Aragon kanina ay nagresearch siya ng kunti tungkol dito at nalamang may nakababata itong kapatid na babae.

Hindi naman nagtagal ang paghihintay nila at agad din itong lumabas kaya nagmamadaling pinasundan niya ito.

Huminto ang sasakyan nito sa isang Mall kaya agad na kumunot ang noo niya. Pumapasok din pala ito sa mall? Akala niya kasi puro trabaho lang ang inaatupag ng mga mayayamang kagaya nito.

Nagbayad na siya sa driver at agad na lumabas nang makita niyang lumabas rin si Kade sa sasakyan. Pero nagulat siya nang makitang kasama nito ang kapatid. Kaya naman pala nasa mall.

Pasimple siyang sumunod nang pumasok ang mga ito sa gusali.

Sa bookstore ang mga ito nagtungo kaya gano'n din ang ginawa niya.

Pinagmasdan niya ang mga ito na pumipili ng mga librong bibilhin. Tinignan niya si Kade na walang emosyon ang mukha habang hinihintay na makapili ang kapatid. Mukha itong suplado pero sobrang gwapo, lalo na sa malapitan. Kaya hindi na siya nagdududa kung bakit nagkakandarapa ang mga babae rito.

Hindi niya namalayang titig na titig na pala siya rito at laking gulat niya nang bigla itong lumingon sa gawi niya at nahuli siya nitong nakatingin. Agad siyang umiwas at nagkunwaring naghahanap ng bibilhin.

Makalipas ang ilang segundo, sumilip siyang muli at nakitang lumipat ang mga ito kaya agad naman niyang sinundan.

Maya't maya ang pagsulyap niya sa mga ito at nang titignan niya sanang muli sa ika-apat na pagkakataon, sabay silang napalingon kaya nagkatitigan na naman sila.

Kagaya kanina, mabilis niyang iniwas ang tingin dito at nagkunwaring binabasa ang librong hawak.

Tinakip niya ang libro hanggang sa ilong at pasimpleng tinignan ang kinaroroonan ng magkapatid.

Napakunot ang noo niya nang hindi niya nakita ang mga ito. "Nasaan na sila?" Nagtatakang bulong niya habang sinusuri ang buong store.

Panay ang silip niya sa iba't ibang parte do'n pero wala siyang makitang magkapatid na Aragon. "Nasaan na ba 'yong mga 'yon? Hindi sila pwedeng mawala sa paningin ko."

"At bakit?"

"Ay gwapo!" Muntikan na siyang mapatalon sa gulat nang may biglang magsalita sa likuran niya.

Sapo-sapo ang dibdid na agad niyang hinarap ang walang-modong nanggulat sa kanya pero pagharap niya, mas lalo siyang nagulat nang malaman kung sino ito.

"Why are you following us?" Tanong nito habang nakataas ang kilay at titig na titig sa kanya.

Agad siyang nag-isip ng palusot.

Pinakunot niya kunwari ang noo at tinignan ito. "Are you referring to me?" Turo niya sa sarili habang palinga-linga sa paligid at tinitignan kung siya nga ang kausap.

Hindi nawala ang taas ng kilay nito. "Stop playing pretend."

Tumataas din ang kilay niya at tumawa ng nakakainsulto. "Sorry mister but I don't even know you. Kaya bakit naman kita susundan aber?"

Naglakad ito papalapit sa kanya kaya bahagya siyang napaatras.

Hinagod siya nito ng tingin kaya mas lalong tumaas ang kilay niya. "Alam mo kung isa ka sa mga naging babae ko, pasensya na, wala sa bokabularyo ko ang imemorize mga pangalan at mukha niyo. Lalong-lalo naman ang makipagrelasyon sa inyo. Kaya kung ako sa'yo, tigilan mo na ang kakasunod mo sa akin dahil wala ka rin lang mapapala." Anito at nagsmirk pa.

Umismid siya rito. Sobrang yabang naman pala ng isang 'to. Siya naman ang naglakad palapit dito at sa sobrang gulat, ito naman ang napaatras. "Don't flatter yourself dahil hindi ka naman gwapo para sundan ko. At isa pa, hindi ikaw ang tipo ko kaya 'wag kang feeling." Tugon niya rito at tinalikuran na ito saka taas noong naglakad palabas ng bookstore.

Pumasok siya sa isang shop na katapat ng store at doon pasimpleng hinintay ang paglabas ng magkapatid.

Ilang minuto pa ang lumipas nang lumabas at mga ito dala ang mga pinamili. Hinintay niyang makalayo ng kunti ang mga ito bago niya sinundan.

Pumasok ang magkapatid sa isang mamahaling restaurant. Napalunok siya ng bongga. Hindi siya makapasok dahil hindi niya afford ang mga pagkain do'n. Masyadong mamahalin.

Tinignan niya ang relong nasa bisig. Mag-aalas dose na ng tanghali at nagugutom na rin siya.

Agad siyang naghanap ng mas murang makakainan na hindi malayo sa mga ito.

Nang makakita ay agad siyang naupo at umorder habang pinagmamasdan pa rin ang pwesto nina Kade.

Panay lang ang kwentuhan ng mga ito. Nakikita niyang maya't maya ang pagtawa ni Kade samantalang halata naman ang pagkairita sa kapatid nito. Mukhang tinutukso yata nito ang kasama.

Higit isang oras kumain ang mga ito kaya nakain na lang niya lahat pati kutsara, tinidor at tissue, hindi pa rin tapos ang dalawa.

Ganyan ba talaga katagal kumain ang mga mayayaman? Parang hindi naman kasi sa mga napapanuod niya. Ang dali nga ng mga itong mawalan ng gana.

Pagkatapos kumain ay naglibot-libot pa ang dalawa at bumili ng kung ano-ano. Panay lang naman ang sunod niya. Buti na lang hindi na siya napansing muli ni Kade. Kapag kasi sumusulyap ito sa gawi niya, agad siyang nakakapagtago. Pero napagod na lang siya at lahat-lahat, wala pa ring napapala.

Nakasakay siya ngayon sa taxi at kasalukuyang pinapasundan ang kotse ni Kade.

Pumasok ang sasakyan nito sa isang subdivision.

"Ma'am sino po ba 'yong sinusundan natin at ano ang gagawin ninyo sa loob?" Tanong ng driver matapos ihinto ang sasakyan sa di kalayuan at tinignan pa siya nito.

Tumaas ang kilay niya. "Bakit ba kailangan mo pang malaman kuya. Hindi ba pwedeng sundan na lang natin? Kaya pwede bang magdrive ka na at baka makalayo pa ang mga 'yon." Aniya at pinandilatan pa ito.

"Hindi po tayo basta-basta na lang makakapasok diyan ma'am. Mahigpit po ang security nila at hindi nagpapapasok ng kung sino-sino lang. Maliban na lang kung may kakilala po kayo na nakatira diyan at maipapaliwanag ng mabuti ang pakay ninyo. Ihahatid ko na po kayo ngayon din."

Akmang magdadrive na ito nang pigilan niya. "Wait lang kuya." Naglabas siya ng pera sa wallet. "Dito na lang po kayo." Binigay niya ang bayad sa driver at lumabas na.

Tinigan niya ang mga securities na nasa guard house na maiging nagmamasid sa paligid.

Nag-iisip siya ng paraan kung paano makakapasok nang may biglang dumating na guard din at may bibit na maraming box ng pizza kaya nagkagulo silang lahat at nagtungo do'n para magmeryenda.

Napasuntok siya sa hangin sa sobrang tuwa. Mukhang sang-ayon sa kanya ang panahon ngayon.

Inilabas niya ang jacket na nasa bag niya at agad itong isinuot. At habang busy ang mga ito sa pagkain ay pasimple siyang pumasok habang dahan-dahan ang bawat galaw para hindi siya mahalata. Na napagtagumpayan naman niya.

Nakahinga siya ng maluwag nang malayo na siya sa guard house. Grabe lang! Dinaig pa niya ang mga sasaeng fans ng mga k-idols sa ginagawa niya.

Naglakad-lakad siya habang pinagmamasdan ang bawat bahay na nadadaan niya. Iba-iba ang mga disenyo at lahat puro magaganda.

"Nasaan kaya ang bahay nila?" Bulong niya. Limang bahay na ang nalampasan at hindi niya alam kung alin do'n ang bahay ng mga Aragon.

Akmang ilalabas na niya ang cellphone para magresearch ng mapatingin siya sa isang bahay na hugis eroplano. Mukhang ito na nga ang bahay ng mga Aragon dahil nakita rin niya sa gate ang napakalaking letter A.

Tumingin siya sa paligid at nang makitang walang tao, agad siyang lumapit sa gate.

"Wow gano'n sila kaadik sa eroplano na pati bahay nila eroplano din?" Bulong niya habang pinagmamasdan ang napakalaki at napakagandang bahay na nasa harapan.

Nagpalakad-lakad siya habang nag-iisip ng susunod na gagawin. Hindi niya kasi alam kung lalabas pa ba ito mamaya o hindi na.

Napatigil siya sa paglakad at agad na nagtago sa isang malaking halaman na nasa gilid ng gate nang bigla itong bumukas.

Grabe ang pagdarasal na ginawa niya na sana ay 'wag siyang mahuli ng kung sino mang lumabas.

Bahagya siyang sumilip para matignan kung sino ang naroon dahil wala naman siyang narinig na tunog ng sasakyan.

Napakunot ang noo niya ng walang makitang tao sa labas. "Nadetect lang ba ako no'ng gate nila kaya bumukas?" Naguguluhang tanong niya sa sarili.

"What are you doing here?"

"Ay!" Napatalon siya sa gulat nang may biglang nagsalita sa likuran niya.

At dahil nakaupo siya, tiningala niya ito at napatakip ng bibig habang nanlalaki ang mga mata at agad na iniwas ang tingin rito. OMG! Of all people, bakit siya pa ang nakakita sa'kin? Mariin niyang ipinikit ang mga mata habang nag-iisip ng pwedeng maging palusot.

Kinuha niya ang sintas ng sapatos at nagkunwaring inaayos ito bago tumayo at hinarap si Kade.

"Inayos ko lang ang sintas ko." Napatigil siya at kunwaring kumunot ang noo. "You look familiar." Nagkunwari siyang nag-iisip. "Ah I knew it! You're that jerk from the bookstore." Nakita niyang tumaas ang kilay nito.

"Stop fooling around." Madiin sabi nito.

Tumaas ang kilay niya. "Alam mo, hindi ka siguro marunong lumabas kaya hindi mo kilala ang mga nakatira dito. So para sa kaalaman mo, nakatira ako rito kaya kung inaakala mong sinusundan na naman kita, well nagkakamali ka."

Nakita niya ang pagsmirk nito. "You live here huh?" Lumapit ito sa kanya dahilan para mapaatras siya. Ba't ba kasi ang hilig nitong lumapit? At bakit ba siya umaatras? Humakbang muli ito kaya napaatras din siya. Pero sa kasamaang palad, hindi niya namalayan ang halaman na nasa likuran at muntikan ng matumba mabuti na lamang at nahawakan ni Kade ang kamay niya.

Tinignan niya ang mukha nito at nakitang nakangisi ito sa kanya. Agad niyang kinuha ang kamay mula rito at umayos ng tayo.

"For your information Miss Stalker, I know all my neighbors. Because they are my friends' families. So If I were you, I will leave before I call the police to drag you out." May diing sabi nito. Agad siyang napalunok sa narinig.

"Hehehe ikaw naman di mo sinabing bingi ka pala. May sinabi ba naman kasi akong dito ako nakatira? Ang sabi ko nagjajogging lang ako dito." Kinakabahang aniya at nagkunwaring nagjajogging.

Narinig niya ang pagtikhim nito at nakitang mariin nitong kinagat ang labi na parang nagpipigil ng tawa kaya napakunot-noo siya.

"That's not what you wear when you go jogging." Anito at hinagod pa siya ng tingin.

Tinignan niya ang suot at gustong tampalin ang noo dahil sa kahihiyan. Sa lahat kasi ng pwedeng irason, ang pagjajogging talaga ang naisip niya habang nakasuot ng jeans at jacket at may dala pang backpack. Ang tanga lang.

Pero siyempre hindi niya pinahalatang nabuko siya at napahiya. Taas noo niya itong tinignan. "Hindi mo ba alam ang salitang 'sense of fashion'? Ganito na kaya ang uso ngayon." Sabi niya at sinimulan ng tumakbo paalis sa harapan nito.

No'ng medyo makalayo na siya ay nilingon niya ito at nakitang nakatingin din ito sa kanya.

Kumaway siya rito. "Bye! See you when I see you." Aniya at mas binilisan pa ang takbo.

Hinarang naman siya ng mga guards no'ng papalabas na sana.

"Sino ka? At saan ka galing?" Tanong no'ng isa.

"Siguro magnanakaw ka noh?" Sabi naman no'ng isang mataba.

Agad siyang umiling.

"Kung gano'n ba't ka tumatakbo?" Usisa naman no'ng isa pa.

Hinihingal na humarap siya sa mga ito. "May kakilala akong nakatira diyan. At kaya ako tumatakbo dahil ayokong magpahatid."

Nagkatinginan ang mga ito at halatang hindi naniniwala sa sinabi niya.

"Anong pangalan mo? Para matignan namin sa guests list." Agad siyang napalunok at pinagpawisan.

Ilang segundo na ang lumipas pero hindi pa rin siya nagsasalita kaya halata na ang pagkainip sa mukha ng mga guards.

"Ano sagot!?" Sabi no'ng mataba kaya agad niyang tinignan ng masama. Kailangan ba kasi talagang tumaas ang boses nito? At hindi lang 'yon. Ginaya pa nito si Daniel Padilla.

Akmang magsasalita na sana siya nang may biglang tumawag sa teleponong nasa harapan nila.

Sinagot naman 'to no'ng matabang guard na sa tingin niya ay ang head of security.

"Yes sir? Opo sir...opo nandito po." Napatingin ito sa kanya kaya tinaasan niya ito ng kilay. "Okay po sir." Binaba nito ang telepono at tumingin muli sa kanya.

"Makakaalis ka na." Anito kaya agad na nagliwanag ang mukha niya sa narinig.

"Seryoso ba yan?" Gusto niyang kumpirmahin ang sinabi nito. Baka paasa lang din 'to kagaya ng mga kauri.

"Bakit? Ayaw mo ba?" Agad siyang umiling sa tanong nito.

"Siyempre gusto. Naninigurado lang." Nginitian niya ang mga ito. "Pwedeng pakitaas ang mga kanang kamay niyo?"

Nagkatinginan muna ang mga ito at kahit nagtataka ay tinaas pa rin ang mga kanang kamay.

Isa-isa niyang inapir ang kamay ng mga ito. No'ng nasa panghuli na siya at naapir na niya, tinignan niya ang mga ito. "Alis na ako mga bossing. Salamat." Aniya at sumaludo pa bago tumalikod at sinimulan ng maglakad.

No'ng makalayo na, napabuntong-hininga na lang siya.

Day 1: Failed

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status