Share

Chapter 1

Ang LM's ay isang kilalang group of company sa Pilipinas na pagmamayari ng isang Bilyonaryong pamilya na nag ngangalang Mitra Clan. Nakikipagtulungan ang kumpanya sa iba't ibang kumpanya sa buong mundo, kaya naman sa Amerika ngayon ang CEO ng LM's upang dumalo sa summit conference.

Daan-daang mga kinatawan ng kumpanya o CEO ang dumating doon upang ipakita ang kanilang mga ideya. Mitra Clan or Mitra Family ay kabilang sa Top 20 family na bilyonaryo sa Buong mundo or Top 1 family na mayaman sa Pilipinas.

Ito ay isang mahabang pagpupulong na naganap sa town hall ng syodad nang ilang araw. Maraming mga negosyante ang maaaring matuto ng mga bagong bagay mula sa pagpupulong tulad ng marketing strategy at Marketing Developing.

Si Lucas Mitra ang kaiisang anak at tagapagmana ng LM's Company. Si Lucas ang CEO ng LM's Group of companies, ay hindi masyadong interesadong dumalo sa pulong o summit conference, tila ata wala siyang gana patakbuhin ang negosyo nila.

Hindi niya inabala ang kanyang sarili na dumalo sa ano mang pagpupulong sa buong taon. Ilang beses lang niya itong dinaluhan bago at pagkatapos niyang kunin ang kumpanya. Ngunit nagpunta siya sa America para lamang makalayo sa kanyang masungit na ina, na determinadong maghanap ng mapapangasawa niya.

Sa pagkakaalam niya, dose-dosenang babae na ang nakita ng kanyang ina na may kagandahan at mayamang pamilya, ngunit sinabi niyang wala ni isa sa kanila ang karapat-dapat na maging manugang niya. Wala siyang ideya kung ano ang hinahanap nito, at hindi siya interesadong malaman.

Ang pagdating ng summit conference ay isang magandang dahilan para makalayo sa kanyang ina sa loob ng ilang araw. May iba rin siyang motibo para pumunta doon. Darating din ang kaibigan niya na mula sa Austria at matagal na rin noong huli silang nagkita.

Naghanda siya tulad ng isang karaniwang negosyante at pumunta para dumalo sa summit conference. Ang bulwagan ay umaapaw sa mga naghahangad na negosyante. Napa-isip si Lucas sa mga bagong mukha, alam niyang mas gugustuhin niyang wala rito, ngunit nandoon siya para sa ibang bagay. Matagal na siyang nagdududa, at gusto niyang malinawan ito.

Kinumpirma na ng kanyang assistant ang tungkol sa pagtanggap niya sa imbitasyon na ipinadala sa kanyang kumpanya. Ilang taon na ang nakalipas na nagsimulang magpadala ng mga imbitasyon ang kumpanya sa iba pang matagumpay na kumpanya. Gusto daw kasi nilang maglagay ng VIP sitting area para sa mga invited guest, pero laging may hinala si Lucas.

Tinawid niya ang upoan ng mga negosyante, buti na lang abala ang lahat kaya hindi siya napansin. Nakahanap siya ng upuan at tahimik na tumawa. Ang mga unang table ay may mga name tag, at ito ay sinasabing ang VIP area kung saan maaaring pumunta ang sinuman na may mga name tag o wala. Mukha itong kahina-hinala.

Hindi nagtagal ay nagsimulang mapuno ang mga mesa, at nakita niya ang isang staff na tinanggal ang name tag sa tabi niya at pinalitan ito ng isang napakapamilyar na pangalan. Ngumisi si Lucas at hinintay niyang dumating ang katabi niya. May humila ng upuan, gumawa ng tunog na nakaagaw ng atensyon sa lahat at umupo ng maayos.

"Ang mga bagay na ito ay ginagawa ko para lamang sa iyo, pasalamat ka mahal kita." Sabi nung taong yun, tumawa si Lucas ng walang ingay. Walang plano ang kanyang kaibigan na pumunta sa summit, ngunit dumating lamang ito dahil sa pagpipilit niya.

"Hi, Bruh long time no see." Sabi ni Lucas habang nakatingin sa kanya.

"We could have met in any place. Hindi ko maintindihan kung bakit gustong-gusto mong pumunta rito." Nakita ni Lucas ang kanyang kaibigan na lumilingon sa paligid na may lungkot sa kalooban.

"I was confused about something. I have a theory and I want to see if it's true or not, Kile." Nagulat si Kile, pero lumiwanag ang mukha niya.

"Now, you are talking. Since may theory ka, then I guess it will be interesting. Generally tama ang mga theories mo kahit ako nagdududa rin sa CEO nitong company, so, let's see what happens to this one." Ang summit ay nagsimula pagka tapus ng ilang oras. At isa-isang nag presenta ang mga iba't ibang matagumpay na proyekto na ikinakunot ni Kile. "Ako lang ba naka notice? hindi ganoon kaganda ang mga proyektong iyon." Bulong ni kile.

"You are right bruh, but please manahimik ka muna just focus on presentation." Nakita nilang sinisimulan na ang pagtatanghal para sa anim na bagong mall. Pagkatapos ng dalawa at tatlong pagtatanghal mula sa iba't ibang kumpanya, napagpasyahan nilang dalawa na sapat na sila sa kanilang nakita at nag uumpisa nadin dilang ma bored. Pareho silang umalis sa summit conference, at alam nilang nakuha nila ang atensyon ng lahat nang mag lakad sila sa haram ng hall. Maaaring inisip nila na sila ay bastos o walang galang, ngunit wala silang pakialam.

"Gosh, what's with those presentations? All of them were low budget and compromised the quality. What's wrong with them?" Napakunot-noo si Kile nang makapasok sila sa isang restaurant.

"Isipin mo na lang, isa sa kanila ang kukuha ng project. Total disaster!"

"Bakit ang isang malaking kumpanya ay kumukuha ng ganitong uri ng mga ideya mula sa basura? Isang bagay lamang ang posible, ang LST ay halos walang ginagawa at corrupt dapat mo itong tuklasin Lucas" Sabi ni Kile na tila nag-iisip.

"Exactly!! I had my doubt for a while after seeing sudden invitations and the way the company was trying so hard to keep their image privately. Sa sandaling pumalit ang anak ng dating CEO, nagsimulang bumagsak ang kumpanya. I bet mawawalan sila ng kumpanya sa loob ng ilang taon."

Tahimik silang kumain ng tanghalian at bumalik sa hotel. Nagpasya silang pumunta sa club dahil matagal na silang hindi naka punta roon. Ang bar dati ang kanilang libangan sa Amerika tuwing nababagot at na stress sa kanilang higher studies. Sa halip na mag-stay sa isang dorm ay halos nasa bar na sila natutulog. Mula noon matalik na silang magkaibigan partner in crime sila sa kalukuhan at pambabae.

Malakas na musika ang umalingawngaw sa buong club. Ang mga tao ay nagsasayawan na tila baliw o nakikipaglandian sa iba.

Ngunit nag-iinuman at nag-uusap lang ang magkaibigang bilyonaryo.

Maraming mga batang babae na nakasuot ng maliliit na damit, tumawid sa kanila at binigyan sila ng papahiwatig na tingin ngunit wala ni isa sa kanila ang tumingin sa mga babaeng iyon they just only focus to their drinks tila nag bago na ang magkaibigan.

Ilang college students na groupo ang naka upo sa kabilang table katabi nila. Tila ata may ipinagdidiriwang na kaarawan isa sa kanila. Kumakanta sila ng happy birthday at naglalaro ng Truth and Dare. Dalawang batang babae ang nakakuha ng dare at inutusan na akitin ang mga bilyonaryong binata.

"Are you sure? It's Kile Cruz and Lucas Mitra! They'll probably be chewed you alive!" One of the girls said in a worried voice. She had reason enough to worry. Billionaires are not native American's, but they have become famous for their brutality and stubborn behavior.

"We're not cowards like you, and we want them to eat us. Who would say no in a hot night with those hot hunks? I want to warm up." Sagot ng mga babae. Akala nila papatulan sila ngunit wala silang alam tinatawanan lamang sila nina Lucas.

"If they Will turn their attention to the two of you congrats but if you two failed, poor you your hot night will remain only in your dreams." Their friend boy scoffed and laughed.

Sumimangot ang dalawang babae sa tinuran ng kaibigan nila, "just wait and learn." Lumapit sila kay Kile at Lucas na naka sandal sa sofa.

"Hey, we saw both of you were sitting here from very long time. You must be bored, by the way I'm Rhea." sabi ng isa kay Kile.

"I'm Ellie. If you want, we can have fun." kinagat niya ang kaniyang labi na nagbibigay ng mapang-akit na tingin.

Parehong nairita sina Kile at Lucas. Ang kanilang mga mata ay nakatuo sa maikling damit ng dalawang babae, mga damit na kunti nalang labas na ang kaluluwa nila. Akala ng mga babae ay sinusuri sila kaya mas lalong idiniin nila ang sarili kina Lucas. Lumaki ang kanilang kumpiyansa para doon. Rhea started to touch Kile's Bicep and Ellie slid her hands down Lucas' thighs.

"I didn't know this club started providing prostitute girls." Lucas threw Ellie's hand from his thigh.

"And coming to us without even asking for our permission that we want you?" Kile also threw Rhea's hands.

Lucas and Kile were about to leave but the girls stopped them.

"Listen, we don't need any of you. If we find someone worthy of us, we'll do it ourselves." Lucas said with a hard voice.

"Such desperation is a massive turn-off and you both are not womanly enough. Go back, we don't do this to children." Kile also said.

The women were greatly insulted because they scowled at the men. "You're both worthless!" Ellie shouted as if furious.

"Mark my words, both of your brides will run away. Nobody wants such a jerk person like you Kile." Rhea also threw a tantrum in anger.

"Salamat sa sumpa niyong walang kwenta, pero sa tingin niyo ba kung tatakas ang mga future wife namin?" Binaling ni kile ang paningin kay Lucas na kay laki ang ngisi. "hahayaan ba natin sila Lucas?"

Ngumisi si Lucas at umiling"Not in a million years Bruhh. Swerte ang babaeng mapapangasawa ni Lucas Mitra mayaman na gwapo pa," mayabang niyang saad, gwapo na gwapo talaga ito sa sarili niya na akala niya lahat ng babae hahabol sa kagwapohan niya.

Galit na humakbang palayo ang mga babae at napabuntong-hininga si Kile. "Bakit kasal at nobya ang pinag-uusapan ng lahat? Nababaliw na si Lola dahil gusto niyang bigyan ko siya ng apo. May pasusumpa

pa ang dalawang babaeng iyon."

"Naghahanap ng ilang mga babae

si mommy na mapangasawa ko, but then again she would say no those girls are not enough. Parang siya ang pumipili kisa sa akin!" Sumandal si Lucas sa sandalan ng upoan. "Twenty nine pa lang ako. Hindi ko sila maintindihan ni Lola."

"Good luck sa atin bruh. We badly need it. Not that her curse will work on us, but anyway let's enjoy this night because I know after this we will both busy handling our own businesses." nag toast ang dalawa at uminom sila ng magdamag.

Pagkatapos ng tatlong araw ay bumalik sila pareho sa kanilang mga bansa. Umuwi si Lucas sa Pilipinas habang nakaramdam ng takot sa kanyang ina, alam niyang may surpresa naman ito sa kaniya.

Habang sumasakay si Lucas sa kaniyang sasakyan kasama ang kaniyang driver na siyang nag d-drive ng kotse ay nagbabasa ito ng mga post sa social media mga ilang minutong nakalipas ay biglang napa hinto ang sasakyan at may narinig siyang sumisigaw sa labas ng kotse.

Dumungaw siya sa bintana at nakita niya ang isang hindi kagandahang babae na sumisigaw sa galit.

"Bakit hindi ba kayo gumagamit ng mga mata habang nagmamaniho? Nasira mo ang scooter ko, tanga! Lumabas ka! kong matapang ka." Iskandulasa talaga itong babae, iyan ang sa isip ni Lucas. Nakakahiya siya, kong makasigaw akala niya walang tao sa labas.

''Hayaan mo siya, Manong umalis na tayo rito." Sabi ni Lucas sa kaniyang driver at mabilisang nilayasan ang babaeng hanggang ngayon sumisigaw at pumapadyak.

Lalong nag-apoy sa galit ang babae sa pag iwan sa kaniya.

"Looser, bakit ka tumatakas ngayon? dahil ba mababa ang tingin mo sa iba? dahil naka sakay ka sa kotse. Yabang mong bwisit ka! proud na proud ka sa sasakyan mo!" Sumigaw ang babae na tila nagbubuga ng apoy mula sa kanyang baga.

Habang patungo sina Lucas sa kaniyang bahay ay bigla itong bumulong sa kaniyang sarili.

"Kaya ayaw ko sa mga kalsada rito eh. I-regular ang mga eskenita rito, at walang katapusang lubak-lubak."

Nang nakarating si Lucas sa mansiyon ay pumasok agad siya. Pagka pasok niya ay bumungad sa kaniya ang mga katulong na abala sa kanilang gawain; gaya ng dati palaging abala ang mansiyon dahil sa kaniyang ins.

Tumingin siya sa sala at nakita niya ang kanyang ina na nakaupo sa sopa na may seryosong tingin na para bang siya lang ang hinihintay nito.

Napabuntong-hininga si Lucas, dahil alam niya kung ano ang sasabihin nito, at wala siyang interes na marinig sa anumang bagay tungkol sa kanyang kasal.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status