Dahan-dahan kong iniangat ang mga kamay ko, na parang sumusuko. "Sige, sumasama na ako. Pero pakawalan mo siya."
Natawa ang lalaki. "Matalino ka, pero hindi ganun kadali—" Hindi ko na siya hinayaang tapusin ang sasabihin niya. Sa isang mabilis na galaw, inihagis ko ang patalim na hawak ko diretso sa braso niya. "AARGH!" sigaw niya nang bumaon ang kutsilyo sa laman niya, dahilan para mabitawan niya si Elara. Sa parehong segundo, gumalaw si Elara—isang mabilis na sipa sa pagitan ng mga hita ng lalaki, sinundan ng suntok sa panga. Nabitawan niya ang baril. Kahit masakit ang katawan ko, mabilis akong sumugod, kinuha ang baril sa sahig at itinutok iyon sa kanya. "Subukan mong gumalaw at tatapusin kita," malamig kong sabi. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang tapang kong iyon, pero sa ngayon, hindi ko kayang magpakita ng kahinaan.Sumabog ang isang bote ng antiseptic sa lamesa, tumilapon ang mga gamit ni Dr. Renz. Halos mapatigil ang paghinga ko nang marinig ang tunog ng bala na dumaan ilang pulgada lang mula sa ulo ko. "PUTANGINA! MAGTAGO KAYO!" sigaw ni Zion habang mabilis na nagtatago sa isang lumang metal cabinet. Agad kong hinila si Elara pababa sa sahig, kahit nanghihina siya, pilit niyang ginamit ang huling lakas niya para gumapang papunta sa mas ligtas na pwesto. Si Dr. Renz naman, mabilis na sumubsob sa ilalim ng lamesa, hinahabol ang sariling paghinga. "Paanong—paanong nahanap nila tayo?" hingal na tanong ni Elara habang mahigpit na hawak ang sugatang braso niya. "May tracker si Kiyo?" hula ko, nanginginig ang kamay kong humawak sa baril ko. "O baka may nakasunod sa van natin!" Pero wala na kaming oras para pag-isipan pa ‘yon. MULING PUMUTOK ANG MGA
Mabigat ang hangin sa loob ng safehouse. Tanging mahihinang ungol ni Krim at malalalim naming paghinga ang bumabasag sa katahimikan. Hawak ko pa rin ang first aid kit, nanginginig ang mga kamay habang sinisikap kong pigilan ang patuloy na pagdurugo niya. Si Elara, hindi bumibitaw sa pagkakahawak sa kamay ni Krim. Namumula na ang mga mata niya, pero hindi siya umiiyak. "Krim, sumagot ka!" bulong niya, halos pabulong na pagsusumamo. "Hindi mo 'to pwedeng bitawan, gago ka! Laban!" Pero mahina na lang ang reaksyon ni Krim. Halos hindi na niya maibuka ang mga mata niya. "Tangina," bulong ko, piniga ang dugtong na damit para gawing pressure sa sugat. "Zion, kailangan nating humingi ng tulong. Hindi ko 'to magagawa mag-isa." Pero umiling si Zion, bakas sa mukha ang seryosong ekspresyon. "Hindi tayo pwedeng magtiwala kahit kanino," sagot niya. "Lalo na ngayon. Mas lalong maghihigpit si K
Habol ang hininga ko habang binubuhat namin si Krim pababa sa makitid na kanal. Halos walang ilaw sa paligid, tanging buwan lang ang nagbibigay ng mahina at malamlam na liwanag. Ramdam ko ang sakit sa balikat ko, ang sugat kong hindi ko pa naaasikaso, pero hindi ito ang oras para huminto. Si Elara naman ay hirap na hirap na rin, pero hindi siya nagrereklamo. Kahit hingal na hingal, pilit niyang tinutulungan akong isalba si Krim. "Tuloy lang," utos ko sa kanya, kahit na alam kong pareho kaming pagod na pagod na. Sa bawat hakbang pababa sa madulas at maputik na kanal, naririnig ko ang echo ng mga yapak mula sa itaas. Hindi kami nagtagumpay na patayin silang lahat. May mga natira pang tauhan si Kiyo. At siguradong nasa likuran lang namin sila. "Shit!" bulong ko nang marinig ko ang ma
Hello mga readers! Kamusta kayong lahat? Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan at patuloy na nage-enjoy sa pagbabasa. Gusto ko lang muna magpasalamat sa walang sawang suporta ninyo sa aking kwento,sobrang na-aappreciate ko kayo! Gusto ko rin humingi ng pasensya dahil hindi ako nakapag-update nitong mga nakaraang araw. Medyo naging busy ako sa work, pero babawi ako, promise! Gagawin ko ang best ko para mahabol ang mga na-miss kong updates. Bukod diyan, open ako sa anumang recommendations at criticisms ninyo. Kung may gusto kayong idagdag o baguhin sa kwento, feel free to share your thoughts. Mas gusto ko na marinig ang inyong feedback para mas mapaganda pa natin ang ating kwento. Maraming salamat ulit, at abangan ninyo ang susunod na update! Love you all!
Narinig ko ang sunod-sunod na putok ng baril mula sa likuran namin. Shet. Alam na nilang nandito kami. At kung hindi kami kikilos nang mas mabilis— Kami mismo ang magiging sunod na target. Mabilis akong napasandal sa malamig na pader ng tunnel habang patuloy ang putukan. Humigpit ang hawak ko sa baril ko, sinusubukang tantyahin kung gaano karami ang mga humahabol sa amin. "Tangina, Samantha!" sigaw ni Elara habang nakadapa sa lupa, pilit na itinatago ang sarili sa likod ng isang sirang beam. "Paki-explain kung paano tayo makakaalis dito ng buhay?!" "Give me a second!" sagot ko habang pilit kong nililingon ang direksyon ng mga kalaban. Sa malabong liwanag ng flashlight ni Elara, naaaninag ko ang apat na lalaking naka-black tactical gear na papalapit sa amin. Hindi lang ito simpleng tauhan ni Kiyo—mga trained assassins ang ipinadala niya. Mabilis ang galaw nila, halos hindi marinig ang yabag ng mga paa nila sa lupa. May dalang mga silenced rifles ang dalawa, haban
Matarik ang daan, at sa bawat hakbang ko, ramdam ko ang paghapdi ng mga sugat sa katawan ko. Pero hindi ko ininda. Mas malala ang pwedeng mangyari kung mahuli kami. Si Krim naman ay panay ang ungol sa sakit, pero wala siyang reklamo. Alam kong kaya niya pa, pero hindi ko rin pwedeng pilitin siyang lumaban kung hindi na niya kaya. "Elara, paki-check si Krim," utos ko habang binabantayan ang paligid. "Make sure na hindi siya nawawalan ng maraming dugo." Tumango siya at mabilis na lumapit kay Krim. Nang tingnan ko sila, nakita ko ang bahagyang pagkunot ng noo ni Krim nang idiin ni Elara ang sugat niya para mapigilan ang pagdurugo. "Malas natin," sabi ni Elara. "We need medical supplies. Hindi kakayanin ni Krim ‘to nang matagal kung hindi natin malulunasan ang sugat niya." Alam ko ‘yun. Pero wala kaming choice ngayon kundi magpatuloy. Isang iglap lang, narinig ko ang mababang ugong sa hangin. Parang isang anino ang dumaan sa ibabaw namin. A drone. "Tangina,"