Share

Chapter 6

last update Terakhir Diperbarui: 2025-02-25 09:26:11

Ramdam ko ang malamig na hangin mula sa bintanang bahagyang nakabukas, pero hindi nito napawi ang init na gumapang sa aking balat sa bigat ng mga salitang binitiwan ni Krim.

Hindi ko alam kung anong mas nakakatakot—ang hindi ko pa natutuklasan, o ang katotohanang wala nang atrasan ito.

"Kung gano’n, Samantha," patuloy niya, nilapag ang baso sa lamesa at humakbang papalapit sa akin, "magsisimula tayo ngayon."

"Ngayon?"

Ngumiti siya, pero hindi iyon ngiting nagpapagaan ng loob. "Oo. Dahil sa mundong ito, wala tayong oras para sa mga taong nag-aalangan."

Napalunok ako pero hindi ako umuurong. "Ano'ng unang hakbang?"

Nagtagal ang titig niya sa akin bago siya bahagyang lumingon, itinuro ang pinto.

"Lumabas ka sa kwartong ito."

Napakunot ang noo ko. "Ano?"

"Hindi kita susundan. Hindi kita tutulungan. Pero bago sumapit ang hatinggabi, dapat nasa ligtas kang lugar, atb walang makakahuli sa’yo."

Humigpit ang hawak ko sa gilid ng aking bestida. "At kung hindi?"

Muling lumitaw ang mapanganib na ngiti niya. "Kung mahuli ka nila... wala na akong magagawa para sa’yo."

Dumagundong ang dibdib ko sa kaba.

Ito ba ang pagsubok niya? Isang laro ng pagtatago at paglikas?

"Tandaan mo," dagdag niya, unti-unting lumalayo papunta sa kabilang bahagi ng silid. "Ang mundong ito ay puno ng mga mata. At ngayong alam nilang bahagi ka na ng buhay ko, paniguradong gusto nilang malaman kung anong meron sayo na wala sa iba."

Huminga ako nang malalim.

Ito na iyon.

Kailangan kong lumabas dito at siguraduhin na hindi ako mahuhuli.

Tumalikod ako, binuksan ang pinto, at lumakad palabas—iniwan si Krim na nakatayo sa loob ng kwarto, pinagmamasdan ako sa gitna ng dilim.

Sa sandaling iyon, nagsimula ang tunay na laban.

Paglabas ko sa silid, agad akong sinalubong ng malamlam na ilaw ng ballroom. Ang musika, ang halakhakan, at ang tila walang katapusang pagsasayaw ng mga panauhin—lahat ng ito ay parang naging ibang mundo mula sa tahimik ngunit mapanganib na pag-uusap namin ni Krim.

Kailangan kong kumilos nang mabilis.

Inisa-isa ko ang paligid, hinahanap ang pinaka magandang paraan para makalabas nang hindi nila napapansin. Pero sa dami ng mga taong narito—mga makapangyarihan, mga taong tila may alam na hindi ko alam—alam kong hindi ito magiging madali.

At doon ko siya nakita.

Si Aldo.

Nakaupo siya sa isang sulok, nakangisi habang may kausap na isang lalaking hindi ko kilala. Pero ang mas nakatawag ng pansin ko ay kung paano niya ako lihim na pinagmamasdan.

Alam niya.

Alam niyang sinusubukan kong lumabas.

At hindi ko alam kung hahadlangan niya ako, o kung sinusukat niya ang kilos ko.

Huminga ako nang malalim at itinuloy ang paglalakad. Dapat akong manatiling kalmado. Walang magtatangkang pigilan ako kung mukhang isa lang akong panauhing naglalakad-lakad at hindi sila pinapansin.

Pero habang papalapit ako sa likurang bahagi ng ballroom, isang pamilyar na tinig ang pumigil sa akin.

"Samantha."

Napalingon ako.

Si Victoria.

Nakatayo siya malapit sa isang lamesa, hawak ang isang baso ng alak. Nakangiti siya, pero tulad kanina, may bahid ng panunuya sa kanyang mga mata.

"Hindi mo pa nasasagot ang tanong ko kanina," aniya, dahan-dahang nilapag ang baso sa lamesa. "Ano ba talaga ang dahilan kung bakit ikaw ang pinili ni Krim?"

Nagtagpo ang mga mata namin.

Alam kong wala akong oras para sa ganitong usapan, pero alam ko rin na kung hindi ko siya haharapin ngayon, mas lalo lang siyang magiging sagabal.

Kaya imbes na umiwas, ngumiti ako.

"Siguro dahil alam niyang hindi ako madaling matitinag," sagot ko, pinapanatili ang kumpiyansa sa boses ko.

Umangat ang kilay niya, tila naaaliw sa sagot ko. "Gano’n ba?"

Bahagya siyang humakbang palapit, sapat lang para marinig ko ang mahina niyang bulong.

"Kaya mo kayang patunayan ‘yan?"

Nanigas ang katawan ko.

Hindi dahil sa takot, kundi dahil sa paraan ng kanyang pananalita—parang may gusto siyang ipahiwatig.

At bago pa ako makasagot, bumaling siya sa isang lalaking nakatayo malapit sa kanya.

"Siguro kailangan mong makilala si Marco," sabi niya, nakangiti pero ang boses niya ay puno ng panunuya para bang nanalo na siya sa laban.

Napaatras ako ng bahagya.

Sino si Marco?

At bakit may kakaibang kirot sa pangalan niyang binanggit ni Victoria?

Bago pa ako makakilos, may naramdaman akong malamig na kamay na humawak sa aking braso.

Mabilis akong napalingon.

Isang matangkad na lalaki, nakaitim na suit, may matalim na titig.

At sa sandaling iyon, alam kong hindi na ako basta-bastang makakaalis.

Nanlamig ang katawan ko nang maramdaman ko ang mahigpit na hawak ng estrangherong lalaki sa aking braso. Agad akong napatingin kay Victoria, na ngayon ay mas lalong lumalim ang ngiti—isang ngiting tila nagsasabing alam niyang wala na akong kawala.

"Marco," aniya, tumikhim at uminom muli ng alak bago bumaling sa akin. "Huwag mong masyadong takutin ang bisita natin."

Hindi ko alam kung sinasadya niyang palamigin ang sitwasyon o lalo lang niyang gustong paglaruan ang mga pangyayari.

Si Marco—kung ito nga ang pangalan niya—ay hindi agad nagsalita. Sa halip, pinagmasdan niya ako, para bang sinusuri kung ako nga ba ay isang banta o isang kawawang biktima na nahulog sa maling lugar.

Hinugot ko ang braso ko mula sa hawak niya. "Hindi ko alam kung anong gusto mong palabasin, Victoria," malamig kong sabi, hindi ipinapakita ang kaba na bumibigat sa dibdib ko. "Pero kung ang plano mo ay hadlangan ako, nag-aaksaya ka lang ng oras."

Tumawa siya nang mahina, isang tunog na tila hindi pangkaraniwan sa isang pangkaraniwang pagtitipon. "Hadlangan ka?" inulit niya, tila sinusulit ang bawat pantig ng salita. "Samantha, hindi kita hinaharangan. Gusto lang kitang ipakilala sa ilang… kaibigan."

Doon ako kinilabutan.

Kaibigan? O mga taong gusto lang akong paglaruan bago ako tuluyang lamunin ng mundo nilang hindi ko pa lubusang nauunawaan?

Sa gilid ng aking paningin, nakita kong muli si Aldo. Hindi siya gumagalaw sa kinatatayuan niya, pero ramdam kong pinapanood niya ang bawat kilos ko.

At si Krim?

Wala siya rito.

Iniwan niya akong mag-isa sa larong ito.

O baka naman sinusubukan lang niyang tingnan kung paano ako lalaban.

Huminga ako nang malalim. Kung gusto nilang makita kung kaya kong lumaban, ipapakita ko sa kanila.

Kaya ngumiti ako—isang ngiting puno ng kumpiyansa, kahit pa sa loob-loob ko ay sinusubukan kong intindihin kung paano ako makakaligtas.

"Kung gano’n," sagot ko kay Victoria, itinuwid ang aking tindig, "ipakilala mo ako sa kanila."

Tumaas ang kilay niya, tila natuwa sa sagot ko. "Nagugustuhan ko ‘yang pagiging matapang mo, Samantha."

Lumingon siya kay Marco at marahang tumango.

Sa isang iglap, bago ko pa man maunawaan ang susunod na mangyayari, naramdaman ko ang marahas ngunit maingat na paghawak ni Marco sa aking siko.

At bago ko pa mapigilan, dinala na niya ako palayo mula sa ballroom.

Papunta sa kung saan… at sa kung anong kapalarang hindi ko pa alam kung malalagpasan ko.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Hating My Possessive Husband    Chapter 45

    Sumabog ang isang bote ng antiseptic sa lamesa, tumilapon ang mga gamit ni Dr. Renz. Halos mapatigil ang paghinga ko nang marinig ang tunog ng bala na dumaan ilang pulgada lang mula sa ulo ko. "PUTANGINA! MAGTAGO KAYO!" sigaw ni Zion habang mabilis na nagtatago sa isang lumang metal cabinet. Agad kong hinila si Elara pababa sa sahig, kahit nanghihina siya, pilit niyang ginamit ang huling lakas niya para gumapang papunta sa mas ligtas na pwesto. Si Dr. Renz naman, mabilis na sumubsob sa ilalim ng lamesa, hinahabol ang sariling paghinga. "Paanong—paanong nahanap nila tayo?" hingal na tanong ni Elara habang mahigpit na hawak ang sugatang braso niya. "May tracker si Kiyo?" hula ko, nanginginig ang kamay kong humawak sa baril ko. "O baka may nakasunod sa van natin!" Pero wala na kaming oras para pag-isipan pa ‘yon. MULING PUMUTOK ANG MGA

  • Hating My Possessive Husband    Chapter 44

    Mabigat ang hangin sa loob ng safehouse. Tanging mahihinang ungol ni Krim at malalalim naming paghinga ang bumabasag sa katahimikan. Hawak ko pa rin ang first aid kit, nanginginig ang mga kamay habang sinisikap kong pigilan ang patuloy na pagdurugo niya. Si Elara, hindi bumibitaw sa pagkakahawak sa kamay ni Krim. Namumula na ang mga mata niya, pero hindi siya umiiyak. "Krim, sumagot ka!" bulong niya, halos pabulong na pagsusumamo. "Hindi mo 'to pwedeng bitawan, gago ka! Laban!" Pero mahina na lang ang reaksyon ni Krim. Halos hindi na niya maibuka ang mga mata niya. "Tangina," bulong ko, piniga ang dugtong na damit para gawing pressure sa sugat. "Zion, kailangan nating humingi ng tulong. Hindi ko 'to magagawa mag-isa." Pero umiling si Zion, bakas sa mukha ang seryosong ekspresyon. "Hindi tayo pwedeng magtiwala kahit kanino," sagot niya. "Lalo na ngayon. Mas lalong maghihigpit si K

  • Hating My Possessive Husband    Chapter 43

    Habol ang hininga ko habang binubuhat namin si Krim pababa sa makitid na kanal. Halos walang ilaw sa paligid, tanging buwan lang ang nagbibigay ng mahina at malamlam na liwanag. Ramdam ko ang sakit sa balikat ko, ang sugat kong hindi ko pa naaasikaso, pero hindi ito ang oras para huminto. Si Elara naman ay hirap na hirap na rin, pero hindi siya nagrereklamo. Kahit hingal na hingal, pilit niyang tinutulungan akong isalba si Krim. "Tuloy lang," utos ko sa kanya, kahit na alam kong pareho kaming pagod na pagod na. Sa bawat hakbang pababa sa madulas at maputik na kanal, naririnig ko ang echo ng mga yapak mula sa itaas. Hindi kami nagtagumpay na patayin silang lahat. May mga natira pang tauhan si Kiyo. At siguradong nasa likuran lang namin sila. "Shit!" bulong ko nang marinig ko ang ma

  • Hating My Possessive Husband    Authors Note

    Hello mga readers! Kamusta kayong lahat? Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan at patuloy na nage-enjoy sa pagbabasa. Gusto ko lang muna magpasalamat sa walang sawang suporta ninyo sa aking kwento,sobrang na-aappreciate ko kayo! Gusto ko rin humingi ng pasensya dahil hindi ako nakapag-update nitong mga nakaraang araw. Medyo naging busy ako sa work, pero babawi ako, promise! Gagawin ko ang best ko para mahabol ang mga na-miss kong updates. Bukod diyan, open ako sa anumang recommendations at criticisms ninyo. Kung may gusto kayong idagdag o baguhin sa kwento, feel free to share your thoughts. Mas gusto ko na marinig ang inyong feedback para mas mapaganda pa natin ang ating kwento. Maraming salamat ulit, at abangan ninyo ang susunod na update! Love you all!

  • Hating My Possessive Husband    Chapter 41

    Narinig ko ang sunod-sunod na putok ng baril mula sa likuran namin. Shet. Alam na nilang nandito kami. At kung hindi kami kikilos nang mas mabilis— Kami mismo ang magiging sunod na target. Mabilis akong napasandal sa malamig na pader ng tunnel habang patuloy ang putukan. Humigpit ang hawak ko sa baril ko, sinusubukang tantyahin kung gaano karami ang mga humahabol sa amin. "Tangina, Samantha!" sigaw ni Elara habang nakadapa sa lupa, pilit na itinatago ang sarili sa likod ng isang sirang beam. "Paki-explain kung paano tayo makakaalis dito ng buhay?!" "Give me a second!" sagot ko habang pilit kong nililingon ang direksyon ng mga kalaban. Sa malabong liwanag ng flashlight ni Elara, naaaninag ko ang apat na lalaking naka-black tactical gear na papalapit sa amin. Hindi lang ito simpleng tauhan ni Kiyo—mga trained assassins ang ipinadala niya. Mabilis ang galaw nila, halos hindi marinig ang yabag ng mga paa nila sa lupa. May dalang mga silenced rifles ang dalawa, haban

  • Hating My Possessive Husband    Chapter 42

    Matarik ang daan, at sa bawat hakbang ko, ramdam ko ang paghapdi ng mga sugat sa katawan ko. Pero hindi ko ininda. Mas malala ang pwedeng mangyari kung mahuli kami. Si Krim naman ay panay ang ungol sa sakit, pero wala siyang reklamo. Alam kong kaya niya pa, pero hindi ko rin pwedeng pilitin siyang lumaban kung hindi na niya kaya. "Elara, paki-check si Krim," utos ko habang binabantayan ang paligid. "Make sure na hindi siya nawawalan ng maraming dugo." Tumango siya at mabilis na lumapit kay Krim. Nang tingnan ko sila, nakita ko ang bahagyang pagkunot ng noo ni Krim nang idiin ni Elara ang sugat niya para mapigilan ang pagdurugo. "Malas natin," sabi ni Elara. "We need medical supplies. Hindi kakayanin ni Krim ‘to nang matagal kung hindi natin malulunasan ang sugat niya." Alam ko ‘yun. Pero wala kaming choice ngayon kundi magpatuloy. Isang iglap lang, narinig ko ang mababang ugong sa hangin. Parang isang anino ang dumaan sa ibabaw namin. A drone. "Tangina,"

  • Hating My Possessive Husband    Chapter 40

    Biglang dumapo ang tingin ko sa isang lumang wooden beam sa gilid. Gaya ng karamihan sa mga suporta ng tunnel, mukhang bulok na ito—sapat para bumagsak kung may sapat na puwersa. "Elara!" tawag ko sa kanya habang mabilis na nagre-reload ng bala. "Ano?!" sigaw niya pabalik. "‘Yung beam sa kanan mo—barilin mo sa pinaka-weak na parte!" Napalunok siya. "‘Tangina, baka matabunan tayong lahat niyan!" "It’s either that or we get killed right here!" sagot ko, nakatutok na rin ang baril ko sa isa sa mga paparating na kalaban. Mabilis akong lumingon. Nakita kong bumagsak siya sa gilid ng pinto, duguan ang balikat. “Krim!” Napasigaw ako at agad lumapit sa kanya. Nakita ko kung paano siya nagpu

  • Hating My Possessive Husband    Chapter 39

    Napuno ng katahimikan ang buong hideout. Kahit ang tunog ng paghinga ko ay parang umaalingawngaw sa loob ng bunker. Hindi ko alam kung anong mas nakakatakot—ang presensya ni Aldo o ang bagong dumating na lalaking kilala namin bilang Kiyo. Si Krim, si Elara, at ako ay sabay-sabay na nakatingin sa monitor, pinapanood ang bagong kalaban na nakatayo sa ibabaw ng patay na tauhan ni Aldo. Si Kiyo. Nakangiti siya, pero hindi ito ngiting magaan o walang bahid ng pananakot. Isa itong mapanganib na ngiti—parang isang predator na pinagmamasdan ang kanyang biktima bago umatake. “Hindi ito maganda,” mahina pero matigas ang boses ni Elara habang hinihigpitan ang hawak sa baril. “Mas malala pa sa hindi maganda,” sagot ni Krim, ang mga mata niya ay hindi naalis sa screen. Muli kong ibinaling ang tingin ko sa monitor. Ang isang tauhan ni Aldo a

  • Hating My Possessive Husband    Chapter 38

    Nanigas ang katawan ko. "At ikaw naman, Samantha… alam kong marami kang tanong. Pero hayaan mong ako ang magbigay sa ‘yo ng mga sagot." Pinatay ni Krim ang transmission bago pa makapagsalita pa si Aldo. Hinawakan niya ako sa braso, at doon ko lang napansin ang pagkapit niya nang mahigpit. "Samantha, makinig ka sa akin. Hindi tayo pwedeng lumabas sa ngayon. Hindi tayo pwedeng sumuko." Pero isang tanong lang ang naiwan sa isip ko… *Ano ang alam ni Aldi na hindi ko pa alam? Tahimik lang akong nakatingin sa screen kung saan kanina pa nakatayo si Aldo. Kahit hindi ko marinig ang boses niya ngayon, ramdam ko ang presensya niya—malamig, nakakatakot, at puno ng pananakot. "Hindi tayo pwedeng lumabas," ulit ni Krim, mas mahigpit na ngayon ang hawak niya sa braso ko. "Alam ko." Tumango ako

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status