공유

Chapter 5

last update 최신 업데이트: 2025-02-24 12:25:17

Napansin ko ang bahagyang pagngiti ni Aldo, ngunit sa likod nito ay may kung anong hindi ko maipaliwanag—parang may alam siyang isang lihim na hindi ko pa natutuklasan.

"Relax, Krim," aniya, bahagyang tinaas ang isang kamay na parang sumusuko. "Gusto ko lang makilala ang asawa mo. Maraming matutuwa na malaman na nagpakasal ka na rin sa wakas."

Hindi ko alam kung biro o insulto ang sinabi niya, pero hindi ko na rin inalam. Alam kong may mas malalim pang dahilan ang pag-uusap nilang ito.

"Hindi ko kailangang ipaliwanag ang mga desisyon ko sa kanila," malamig na sagot ni Krim.

Tumango si Aldo, pero hindi siya umalis. Pinagmasdan niya ako sandali bago siya muling nagsalita.

"Alam mo, Samantha," aniya, bumaling sa akin. "Kung may isang bagay kang dapat tandaan sa mundong ito, iyon ay ang huwag kang magtiwala kahit kanino. Lalo na sa mga taong akala mo ay kakampi mo."

Malamig ang tinig niya, sapat para bigyan ako ng kakaibang pakiramdam may halong babala .

Ngumiti ako, pilit na pinapanatili ang kumpiyansa ko. "Salamat sa payo, Mr. Aldo. Pero sigurado akong kaya kong alamin kung sino ang dapat kong pagkatiwalaan."

Bahagyang natawa si Aldo bago niya tinapik ang balikat ni Krim. "Maganda siya, Krim. Sana lang hindi siya matulad sa iba."

Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin, pero bago pa ako makapagtanong, tumalikod na siya at lumayo, naglaho sa gitna ng nagkikislapang mga ilaw at malalakas na halakhak ng mga bisita.

Binalingan ko si Krim. "Ano'ng ibig sabihin no’n?"

Pero imbes na sagutin ako, hinila niya ako papunta sa isang mas tahimik na bahagi ng ballroom—malapit sa isang malawak na bintana na tanaw ang tamawin sa labas.

"Samantha," mahina niyang sabi, pero may diin ang bawat salitang binabanggit niya. "Huwag kang makikinig sa kanila."

Tumaas ang kilay ko. "Bakit hindi? Dahil baka may sabihin silang hindi ko dapat marinig?"

Hindi siya sumagot agad, at doon ko napagtanto na tama ako.

"Krim," bulong ko, sinubukang hanapin kung nagsasabi siya ng totoo base sa mga mata niya. "Ano ba talaga ang nangyayari? Ano ang itinatago mo sa akin?"

Napasinghap ako nang bigla siyang lumapit, halos magkadikit na ang mga mukha namin. "Ikaw ang nagsabi, hindi ba?" bulong niya sa isang bahagyang nakakapangilabot na tono. "Kung itatapon kita sa tubig, dapat marunong kang lumangoy."

Hindi ako natinag, kahit ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko.

"Oo," sagot ko, matatag ang boses ko. "At sisiguraduhin kong hindi ako malulunod."

Nagtagal ang titigan naming dalawa, punong-puno ng tensyon at hindi mabigkas na mga salita. Hanggang sa bigla siyang ngumiti—isang ngiting hindi ko alam kung pagsang-ayon o babala.

"Tingnan natin," bulong niya, bago siya lumayo at iniwan akong mag-isa, habanh ako ay nakatingin sa malawak na tanawin sa labas ng ballroom.

At sa sandaling iyon, alam kong ang laban naming dalawa ay nagsisimula pa lang.

___

Napakapit ako sa malamig na railing ng balkonahe, pilit pinapanatili ang kontrol ko sa sarili ko. Ilang beses na akong inilagay ni Krim sa mga sitwasyong hindi ko inaasahan, pero ngayon, pakiramdam ko ay nasa mas malalim na tubig na ako at kailangan kong malaman kung makakabuti ba o makakasama ito sa akin.

Muli kong iniikot ang paningin ko sa loob ng ballroom. Ang mga tao ay patuloy sa kanilang kasayahan—mga halakhak, marahang bulungan, at tila walang katapusang sayaw ng kapangyarihan sa pagitan ng mga makapangyarihan. Pero hindi ko kayang balewalain ang bigat ng mga tingin na nararamdaman ko mula sa iba't ibang parte ng silid.

Para bang lahat sila ay may alam na hindi ko pa natutuklasan.

At ako? Ako lang ang taong pilit na inuunawa ang mundong ito.

"Miss, gusto niyo pa po ba ng alak?" tanong ng isang waiter na lumapit sa akin, hawak ang isang tray ng champagne.

Bahagya akong napakurap, bumalik ang ulirat ko. Tinanggihan ko ang inaalok niya, kahit pakiramdam ko ay kailangan ko ng kahit anong bagay na makakapagpakalma sa akin.

Kailangan kong manatiling matino.

Kailangan kong magmasid.

Bumuntong-hininga ako at nagsimulang maglakad pabalik sa gitna ng ballroom, pero bago pa ako makalayo, may isang kamay ang marahang humawak sa aking pulso.

Napalingon ako.

Si Victoria.

Ngumiti siya sa akin, ngunit may bahagyang panunuya sa kanyang mga mata. "Naiisip ko lang," sabi niya, binitiwan niya ang pulso ko at hinawi ang isang hibla ng kanyang buhok. "Kung nagbago na nga ba ang panlasa ni Krim o… may dahilan kung bakit ikaw ang pinili niya."

Napakuyom ako ng kamao. "Ano bang problema mo sa akin?"

Natawa siya, malambing sa pandinig pero puno ng pang mamataas. "Wala naman," sagot niya, bahagya siyang yumuko upang mas marinig ko ang susunod niyang sasabihin. "Gusto lang kitang bigyan ng babala."

Nanlamig ang katawan ko sa sinabi niya.

"Bakit?" tanong ko, hindi na naitago ang iritasyon sa boses ko.

Bumuntong-hininga siya, kunwari ay nag-aalangan.

"Dahil kung ako sa'yo, hindi ko ipagpapalagay na protektado ako sa tabi ni Krim."

Napasinghap ako. "Ano'ng ibig mong sabihin?"

Pero bago pa siya sumagot, may lumapit sa kanyang isang lalaking hindi ko kilala. "Victoria," tawag nito, may halong pagbabanta sa boses.

Tumango si Victoria, saka muling binalingan ako. "Mag-iingat ka, Samantha."

At sa isang iglap, iniwan niya akong tulala, pilit inuunawa ang banta sa kanyang mga salita.

Hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala si Krim.

"Samantha," malamig ang boses niya. "Anong sinabi niya sa’yo?"

Tumingala ako sa kanya at tumingin sa mata niya, pilit hinahanap ang sagot sa kanyang mga mata. "Bakit parang lahat ng taong nakakakilala sa'yo ay binibigyan ako ng babala?"

Hindi siya agad sumagot. Sa halip, hinawakan niya ang pulso ko, mas mahigpit kaysa sa inaasahan ko.

"Huwag kang makinig sa kanila."

Napasinghap ako sa diin ng boses niya. "At bakit hindi?"

Humigpit lalo ang hawak niya. "Dahil ako lang ang dapat mong paniwalaan."

Napalunok ako. Hindi dahil sa takot, kundi dahil sa bigat ng kanyang mga salitang binibitawan niya.

Kung may isang bagay akong natutunan ngayong gabi, ito ay ang katotohanang hindi ko kayang magtiwala kahit kanino.

Kahit kay Krim.

Lalo na kay Krim.

-----

Nanatili kaming nakatayo roon, magkalapit, pero ramdam ko ang tensyon sa pagitan namin. Alam kong may itinatago siya. Alam niyang hindi ako titigil hangga’t hindi ko iyon nalalaman.

"Krim," mahinang sabi ko, pilit pinapalambot ang boses ko. "Ano bang pinasok ko?"

Sandaling iyon ay hindi siya kumibo. Kita ko ang bahagyang pag-igting ng panga niya, ang paraan ng paggalaw ng kanyang dibdib na parang pinipigilan ang sariling magsalita.

Hanggang sa bumuntong-hininga siya at hinila ako palayo.

Dinala niya ako sa isang pribadong silid sa gilid ng ballroom—isang malawak na lounge na may dim na ilaw, malambot na sofa, at isang bintanang natatakpan ng makakapal na kurtina. Nang makapasok kami, marahang isinara niya ang pinto.

Nilingon ko siya, naghihintay ng paliwanag.

Pero sa halip na magsalita, pinagmasdan lang niya ako. Matalim, malalim, at kinikilatis ang bawat kilos ko.

At nang magsalita siya na para bang naghahamon

‌ "Gusto mong malaman ang totoo?"

Tumango ako, kahit pa bahagyang naninikip ang dibdib ko sa kaba.

Lumapit siya, hindi inaalis ang pagkakatitig sa akin.

"Ang mundo ko, Samantha, ay hindi katulad ng iniisip mo."

Napalunok ako. "Ano'ng ibig mong sabihin?"

Hinawakan niya ang baywang ko at hinila ako papalapit sakanya . Hindi ko alam kung pananakot iyon o pagnanasa, pero ramdam ko ang init ng katawan niya.

"Ang mga taong narito," bulong niya, "hindi lang sila basta negosyante o politiko."

Nanlamig ang katawan ko.

"Krim—"

"Silang lahat," bulong niya, inilapit ang bibig sa tenga ko upang mas maramdaman ko ang bawat salitang binibigkas niya.

"ay may kanya-kanyang laro. At kung hindi ka mag-iingat, magiging isa ka lang piyesa sa gitna ng giyera nila."

Humigpit ang hawak niya sa akin, pero hindi ako nanlaban.

Nagtagpo ang mga mata namin, at sa sandaling iyon, napagtanto ko—hindi ako ang babaeng papayag na maging piyesa lang.

Kung ito nga ay isang laro, sisiguraduhin kong hindi ako ang matatalo.

"Hindi ako basta-bastang piyesa, Krim," madiin kong sagot. "At kung iniisip mong kaya mo akong protektahan sa pamamagitan ng hindi pagsasabi ng totoo, nagkakamali ka."

Napangiti siya, isang ngiting may halong pagkamangha

"Tingnan natin," aniya.

At sa pagkakataong iyon, alam kong tuluyan na akong nakapasok sa mundo niya.

------

Ang katahimikan sa pagitan namin ay punung-puno ng hindi mabigkas na mga salita. Hindi ko alam kung pananakot ba ang ginagawa ni Krim o sinusubok niya kung hanggang saan lang ako.

Pero hindi ako uurong.

Hindi siya bumitiw sa pagkakahawak sa akin. Nakatitig siya sa akin na parang sinusukat ang bawat galaw ko, ang bawat reaksyon ko. Alam kong inaasahan niyang matatakot ako, na magdadalawang-isip ako.

Pero sa halip, ako ang humawak sa kanya.

Hinawakan ko ang magkabilang braso niya, pinipilit siyang tingnan ako hindi bilang isang mahina, kundi bilang isang taong may sariling kakayahan.

‌"Hindi ako aalis, Krim," matigas kong sabi. "Kung giyera man itong pinasok ko, gusto kong malaman kung sino ang mga kalaban ko."

Bahagyang umangat ang sulok ng labi niya—isang mapanganib na ngiti. "At paano kung ako ang kalaban mo, Samantha?"

Nanlamig ang dugo ko sa sinabi niya, pero hindi ako natinag.

"Kung ikaw ang kalaban ko," sagot ko, hindi bumibitaw sa titig niya, "sisiguraduhin kong hindi ako ang matatalo."

Nagtagal ang titigan namin. Para kaming nasa isang tahimik na labanan kung sino ang unang aatras.

Siya ang unang bumitaw.

Tumalikod siya at marahang naglakad papunta sa bar sa loob ng lounge, kinuha ang isang bote ng alak, saka nagsalin sa baso.

"Matapang ka," aniya, hindi ako nililingon. "Pero hindi sapat ang tapang para mabuhay sa mundong ito."

Humakbang ako palapit. "Kaya nga gusto kong malaman kung paano lumaban."

Uminom siya ng alak, saka bumaling sa akin. "At ano ang kapalit?"

Napakunot ang noo ko. "Ano?"

Lumapit siya, bitbit ang baso ng alak, at tumigil sa harapan ko. "Kapag tinuruan kita kung paano lumaban sa mundong ito," bulong niya, "kapalit no’n, kailangan mong sundin ako."

Napalunok ako.

"Sa lahat ng bagay, Samantha," dagdag niya, may bahagyang banta sa tono. "Walang tanong, walang pagdududa. Kapag sinabi kong tumakbo ka, tatakbo ka. Kapag sinabi kong huwag kang magtanong, mananahimik ka. At kapag sinabi kong lumaban ka, sisiguraduhin mong mananalo ka."

Humigpit ang hawak ko sa gilid ng aking bestida.

Alam kong may panganib sa likod ng alok niya. Alam kong kapag tinanggap ko ito, wala nang atrasan.

Pero kung hindi ako papayag, mananatili akong bulag sa kung ano talaga ang nangyayari.

Nagmamadaling bumalik sa isip ko ang lahat ng mga nangyari ngayong gabi—ang mga titig, ang mga babala, ang misteryosong presensya ni Victoria, ang tila mapanganib na koneksyon ni Krim sa mga taong narito.

Ito na ang pagkakataon kong makuha ang mga sagot.

Huminga ako nang malalim at tumingin diretso sa kanya.

"Kung ituturo mo sa akin kung paano lumaban," madiin kong sabi, "sisiguraduhin kong hindi kita bibiguin."

Natahimik siya. Sa loob ng ilang segundo, parang may pinag-isipan siyang mabuti.

Hanggang sa bigla siyang ngumiti—isang ngiting may halong pagsang-ayon.

"Good," aniya. "Dahil sa mundong ito, Samantha… ang sino mang mahina, namamatay."

At sa sandaling iyon, alam kong opisyal na akong pumasok sa laro niya.

이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • Hating My Possessive Husband    Chapter 45

    Sumabog ang isang bote ng antiseptic sa lamesa, tumilapon ang mga gamit ni Dr. Renz. Halos mapatigil ang paghinga ko nang marinig ang tunog ng bala na dumaan ilang pulgada lang mula sa ulo ko. "PUTANGINA! MAGTAGO KAYO!" sigaw ni Zion habang mabilis na nagtatago sa isang lumang metal cabinet. Agad kong hinila si Elara pababa sa sahig, kahit nanghihina siya, pilit niyang ginamit ang huling lakas niya para gumapang papunta sa mas ligtas na pwesto. Si Dr. Renz naman, mabilis na sumubsob sa ilalim ng lamesa, hinahabol ang sariling paghinga. "Paanong—paanong nahanap nila tayo?" hingal na tanong ni Elara habang mahigpit na hawak ang sugatang braso niya. "May tracker si Kiyo?" hula ko, nanginginig ang kamay kong humawak sa baril ko. "O baka may nakasunod sa van natin!" Pero wala na kaming oras para pag-isipan pa ‘yon. MULING PUMUTOK ANG MGA

  • Hating My Possessive Husband    Chapter 44

    Mabigat ang hangin sa loob ng safehouse. Tanging mahihinang ungol ni Krim at malalalim naming paghinga ang bumabasag sa katahimikan. Hawak ko pa rin ang first aid kit, nanginginig ang mga kamay habang sinisikap kong pigilan ang patuloy na pagdurugo niya. Si Elara, hindi bumibitaw sa pagkakahawak sa kamay ni Krim. Namumula na ang mga mata niya, pero hindi siya umiiyak. "Krim, sumagot ka!" bulong niya, halos pabulong na pagsusumamo. "Hindi mo 'to pwedeng bitawan, gago ka! Laban!" Pero mahina na lang ang reaksyon ni Krim. Halos hindi na niya maibuka ang mga mata niya. "Tangina," bulong ko, piniga ang dugtong na damit para gawing pressure sa sugat. "Zion, kailangan nating humingi ng tulong. Hindi ko 'to magagawa mag-isa." Pero umiling si Zion, bakas sa mukha ang seryosong ekspresyon. "Hindi tayo pwedeng magtiwala kahit kanino," sagot niya. "Lalo na ngayon. Mas lalong maghihigpit si K

  • Hating My Possessive Husband    Chapter 43

    Habol ang hininga ko habang binubuhat namin si Krim pababa sa makitid na kanal. Halos walang ilaw sa paligid, tanging buwan lang ang nagbibigay ng mahina at malamlam na liwanag. Ramdam ko ang sakit sa balikat ko, ang sugat kong hindi ko pa naaasikaso, pero hindi ito ang oras para huminto. Si Elara naman ay hirap na hirap na rin, pero hindi siya nagrereklamo. Kahit hingal na hingal, pilit niyang tinutulungan akong isalba si Krim. "Tuloy lang," utos ko sa kanya, kahit na alam kong pareho kaming pagod na pagod na. Sa bawat hakbang pababa sa madulas at maputik na kanal, naririnig ko ang echo ng mga yapak mula sa itaas. Hindi kami nagtagumpay na patayin silang lahat. May mga natira pang tauhan si Kiyo. At siguradong nasa likuran lang namin sila. "Shit!" bulong ko nang marinig ko ang ma

  • Hating My Possessive Husband    Authors Note

    Hello mga readers! Kamusta kayong lahat? Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan at patuloy na nage-enjoy sa pagbabasa. Gusto ko lang muna magpasalamat sa walang sawang suporta ninyo sa aking kwento,sobrang na-aappreciate ko kayo! Gusto ko rin humingi ng pasensya dahil hindi ako nakapag-update nitong mga nakaraang araw. Medyo naging busy ako sa work, pero babawi ako, promise! Gagawin ko ang best ko para mahabol ang mga na-miss kong updates. Bukod diyan, open ako sa anumang recommendations at criticisms ninyo. Kung may gusto kayong idagdag o baguhin sa kwento, feel free to share your thoughts. Mas gusto ko na marinig ang inyong feedback para mas mapaganda pa natin ang ating kwento. Maraming salamat ulit, at abangan ninyo ang susunod na update! Love you all!

  • Hating My Possessive Husband    Chapter 41

    Narinig ko ang sunod-sunod na putok ng baril mula sa likuran namin. Shet. Alam na nilang nandito kami. At kung hindi kami kikilos nang mas mabilis— Kami mismo ang magiging sunod na target. Mabilis akong napasandal sa malamig na pader ng tunnel habang patuloy ang putukan. Humigpit ang hawak ko sa baril ko, sinusubukang tantyahin kung gaano karami ang mga humahabol sa amin. "Tangina, Samantha!" sigaw ni Elara habang nakadapa sa lupa, pilit na itinatago ang sarili sa likod ng isang sirang beam. "Paki-explain kung paano tayo makakaalis dito ng buhay?!" "Give me a second!" sagot ko habang pilit kong nililingon ang direksyon ng mga kalaban. Sa malabong liwanag ng flashlight ni Elara, naaaninag ko ang apat na lalaking naka-black tactical gear na papalapit sa amin. Hindi lang ito simpleng tauhan ni Kiyo—mga trained assassins ang ipinadala niya. Mabilis ang galaw nila, halos hindi marinig ang yabag ng mga paa nila sa lupa. May dalang mga silenced rifles ang dalawa, haban

  • Hating My Possessive Husband    Chapter 42

    Matarik ang daan, at sa bawat hakbang ko, ramdam ko ang paghapdi ng mga sugat sa katawan ko. Pero hindi ko ininda. Mas malala ang pwedeng mangyari kung mahuli kami. Si Krim naman ay panay ang ungol sa sakit, pero wala siyang reklamo. Alam kong kaya niya pa, pero hindi ko rin pwedeng pilitin siyang lumaban kung hindi na niya kaya. "Elara, paki-check si Krim," utos ko habang binabantayan ang paligid. "Make sure na hindi siya nawawalan ng maraming dugo." Tumango siya at mabilis na lumapit kay Krim. Nang tingnan ko sila, nakita ko ang bahagyang pagkunot ng noo ni Krim nang idiin ni Elara ang sugat niya para mapigilan ang pagdurugo. "Malas natin," sabi ni Elara. "We need medical supplies. Hindi kakayanin ni Krim ‘to nang matagal kung hindi natin malulunasan ang sugat niya." Alam ko ‘yun. Pero wala kaming choice ngayon kundi magpatuloy. Isang iglap lang, narinig ko ang mababang ugong sa hangin. Parang isang anino ang dumaan sa ibabaw namin. A drone. "Tangina,"

  • Hating My Possessive Husband    Chapter 40

    Biglang dumapo ang tingin ko sa isang lumang wooden beam sa gilid. Gaya ng karamihan sa mga suporta ng tunnel, mukhang bulok na ito—sapat para bumagsak kung may sapat na puwersa. "Elara!" tawag ko sa kanya habang mabilis na nagre-reload ng bala. "Ano?!" sigaw niya pabalik. "‘Yung beam sa kanan mo—barilin mo sa pinaka-weak na parte!" Napalunok siya. "‘Tangina, baka matabunan tayong lahat niyan!" "It’s either that or we get killed right here!" sagot ko, nakatutok na rin ang baril ko sa isa sa mga paparating na kalaban. Mabilis akong lumingon. Nakita kong bumagsak siya sa gilid ng pinto, duguan ang balikat. “Krim!” Napasigaw ako at agad lumapit sa kanya. Nakita ko kung paano siya nagpu

  • Hating My Possessive Husband    Chapter 39

    Napuno ng katahimikan ang buong hideout. Kahit ang tunog ng paghinga ko ay parang umaalingawngaw sa loob ng bunker. Hindi ko alam kung anong mas nakakatakot—ang presensya ni Aldo o ang bagong dumating na lalaking kilala namin bilang Kiyo. Si Krim, si Elara, at ako ay sabay-sabay na nakatingin sa monitor, pinapanood ang bagong kalaban na nakatayo sa ibabaw ng patay na tauhan ni Aldo. Si Kiyo. Nakangiti siya, pero hindi ito ngiting magaan o walang bahid ng pananakot. Isa itong mapanganib na ngiti—parang isang predator na pinagmamasdan ang kanyang biktima bago umatake. “Hindi ito maganda,” mahina pero matigas ang boses ni Elara habang hinihigpitan ang hawak sa baril. “Mas malala pa sa hindi maganda,” sagot ni Krim, ang mga mata niya ay hindi naalis sa screen. Muli kong ibinaling ang tingin ko sa monitor. Ang isang tauhan ni Aldo a

  • Hating My Possessive Husband    Chapter 38

    Nanigas ang katawan ko. "At ikaw naman, Samantha… alam kong marami kang tanong. Pero hayaan mong ako ang magbigay sa ‘yo ng mga sagot." Pinatay ni Krim ang transmission bago pa makapagsalita pa si Aldo. Hinawakan niya ako sa braso, at doon ko lang napansin ang pagkapit niya nang mahigpit. "Samantha, makinig ka sa akin. Hindi tayo pwedeng lumabas sa ngayon. Hindi tayo pwedeng sumuko." Pero isang tanong lang ang naiwan sa isip ko… *Ano ang alam ni Aldi na hindi ko pa alam? Tahimik lang akong nakatingin sa screen kung saan kanina pa nakatayo si Aldo. Kahit hindi ko marinig ang boses niya ngayon, ramdam ko ang presensya niya—malamig, nakakatakot, at puno ng pananakot. "Hindi tayo pwedeng lumabas," ulit ni Krim, mas mahigpit na ngayon ang hawak niya sa braso ko. "Alam ko." Tumango ako

좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status