Share

Chapter 3

Nasa kalagitnaan kami ni kuya Antony sa pangangabayo nang may makita akong isang kabayo na may sakay na dalawang pares at walang iba kundi si Sebastian at ang gf niyang si Sofie. Naabutan niya kami dahil sa bilis ng pagtakbo ng kanilang kabayo dahil magaling naman si Sebastian sa pangangabayo. Simula pagkabata daw niya ay nakahiligan na niya itong sumakay sa kabayo sabi ng lolo ni Sebastian.

"Ang taba mo kasi Babs kaya nila tayo naabutan," pangungutya nito sa akin.

"Tse! tumigil ka na nga lang kuya. Hindi naman nakakatulong yang pang aasar mo sa akin eh. Saan ba sila pupunta, bakit parang tayo tuloy sumusunod sa kanila?" 

"Baka sa ilog din ang punta nila," sabi nito. 

Lumiko na nga sila at ganoon din kami. Tanaw ko na huminto na ang kabayo nila. Huminto na din kami ni kuya Antony pagkarating namin. Biglang natanggal ang suot kong salamin sa mata nang hindi masadyang napasubsob ang aking mukha sa likod ni kuya Anthony kaya ito nahulog ito sa lupa.

"Kuya ang salamin ko pakipulot."

"Sorry Marina natapakan ng kabayo kaya basag ang salamin."

"Ano? Hindi kasi ako sanay na walang suot na salamin eh."

"Ganyan ka na lang babs mas maganda ka tignan pag walang salamin sa mata," sabi nito. 

Bumulong sa akin si kuya Antony at sinabing nakatingin sa amin si Sebastian kaya napatingin ako sa direksiyon nila Sebastian.

Nagtama ang aming mga mata kahit medyo malabo ang paningin ko. Umiwas ako dahil nakatingin din sa akin yung gf niya baka sabihin niyang pinagnanasahan ko ang bf niya.

Hila ng isang kamay ko ni kuya Antony. Bitbit din niya ang isang basket na may laman na pagkain. Naglakad na kaming papuntang ilog. Habang papalapit na kami ay naririnig ko na ang lagaslas ng tubig.

"Wow ang ganda naman dito, may ilog pala dito sa lugar na ito. Ang tagal ko na dito sa hacienda ngayon ko lang alam ang lugar na ito."

"Paano kasi puro ka aral kaya yan hindi mo alam ang mga lugar na magaganda dito sa lupain ng Mobteclaro."

"Eh wala naman kasi akong kasama noon saka wala ka pa naman dito noon. Bakit sa malayo mo gustong mag aral ha kuya?" 

Biglang natahimik si kuya kaya hindi na lang ako umimik. May rason lang siya siguro kaya sa malayo siya nag aaral.

Binuksan ko na ang laman ng tupperware at nilantakan ko na ang laman nito dahil sa sobrang gutom ko naubos ko ang laman ng isang tupperware. 

Nauna na akong lumusong sa tubig dahil wala naman atang balak si kuya Antony. Nakita ko yung dalawang mag jowa na naliligo na din. Lumayo ako ng konti sa kanila dahil ayaw ko silang makita. Nang lumingon ako sa inuupuan ni kuya Antony wala na siya doon kaya hinanap ko siya at iginala ang paningin sa paligid.

"Kuya Antony, kuya Antony saan ka ba?" sigaw kong tawag. Aahon na sana ako sa ilog dahil hanggang beywang ang lalim nito, napahiyaw na lang ako dahil may humawak sa binti ko kaya nagtatatalon talon ako sa tubig kaya pati din yung magjowa ay napatingin sa direksiyon ko. Lalapitan sana ako ni Sebastian pero umahon si kuya Anthony kaya hindi na naituloy ang paglapit niya sa akin.

"Kainis ka kuya tinakot mo naman ako. Akala ko may shokoy sa ilalim ng tubig," naiinis na sabi ko.

"May shokoy bang ganito kaguwapo?" turo niya sa mukha nito.

"Neknek mo pangit mo kaya."

"Babs naman ang guwapo ko kaya. Baka maya niyan mainlove ka sa akin eh."

"Tse! never kuya dahil may nagugustuhan na ko."

"Pero yung taong gusto mo may iba namang mahal," sabi ni kuya. 

Napangiwi ako. "Bakit siya ba ang tinutukoy ko?" Umalis na ko sa harapan dahil naiinis ako.

"Babs hintay!" tawag nito.

"Hindi nga ako baboy eh, chubby lang!" sigaw ko at tumawa na naman siya. 

"Siya din yun babs, bakit ba kasi ayaw mong tawagin kitang babs. Ang cute kaya yun."

"Sige kuya asarin mo pa ako kapag ako sumeksi who you ka sa akin kuya."

"Naks naman, siguraduhin mo lang babs na seseksi ka ha, kapag nagawa mo yun papakasalan kita." biro niya. 

"Ewww kilabutan ka nga sa sinasabi mo. Hanggang friends lang tayo at parang kapatid na ang turing ko sayo." 

"Sinabi ko bang maniwala ka," at tinawanan na naman niya ko. "Sinasabi ko lang iyon para ipush mo ang sarili mo na ayusin ang sarili mo para hindi ka lait laitin ni Sebastian. Tutulungan kita." 

"Anong klaseng tulong yan kuya?" tanong ko.

"Basta hintayin mo na lang ang panahon kung kinakailangan na talaga."

Nasa may pampang na kami ni kuya Antony habang nakaakbay siya sa akin. Bumulong siya sa akin at sinabi niyang masama daw ang tingin ni Sebastian sa amin. Wala akong pakialam dahil ganoon naman siya sa akin.

Umalis na kami ni kuya sa may ilog at sumakay na ng kabayo. Iyong dalawa naman ay naiwan pa sa ilog. And so what, wala akong pakialam sa kanila.

Kasalukuyan kaming nakasakay sa kabayo ng biglang sumulpot yung dalawa. Naunahan na naman kami. Palagi na lang ba.

"Sabi ko kasi sayo magpapayat ka na babs para hindi nila tayo nauunahan."

"Pakialam ko ba kung mas nauna sila," pagtataray ko kay kuya Antony.

Malapit na sila sa may mansion samantalang kami ni kuya Antony ay medyo malayo pa. 

"Pagod na yung kabayo natin babs, ang bigat mo daw kasi," biro nito.

Sumimangot ako. "Ai ganun ba kuya, kausap mo na pala ang kabayo kaya pala kamukha mo yang kabayo mo," sabay tawa ko. Dahil sa pagtawa ko nauntog na naman ako sa likod ni kuya Antony kaya naipit na naman ilong ko sa likod nito.

"Ano ka ba kuya, magiging pango na ako niyan sa kakabangga ng ilong ko sa likod mo. Ito na nga lang ang bukod tanging maganda kong katangian papanguin mo pa."

"Ang daldal mo kasi babs eh, ayaw ng kabayo ko na madaldal ang babae lalo na kapag mataba daw baka masipa ka pa niya," sabay tawa din niya.

"Grabe ka naman kuya sa akin." Huminto na ang kabayo tanda ng nasa mansion na kami. Nauna ng bumaba si kuya Antony at inalalayan niya akong bumaba.

"Salamat kuya!"

"May bayad yan!" sabi niya. 

"Ilista mo na lang!" biro ko. "Pasok muna ako sa loob kuya, baka hinahanap na ako ni lolo at lola," paalam ko.

"Sige at ibabalik ko na lang itong kabayo sa kuwadra. Ah babs," pahabol niyang sabi. "Diba ngayong araw ang pagdiriwang para sa pagtatatapos niyong dalawa ni Sebastian?"

"Ah oo, punta ka ha. Hintayin kita kuya mayang gabi. Simpleng handaan lang naman daw kasi ayaw ni Sebastian ang bongga. Tayo tayo lang naman ang nandidito.ang magsasalo salo wala ng iba. Sige kuya pasok na ko!" tumango na lang siya bilang tugon.

Pagpasok ko pa lang nakita na ako ni lolo at lola Fermina sa may terrace kaya lumapit ako at nagmano. Buti na lang natuyo agad ang basa kong damit dahil sa init kaninang nangabayo kami pauwe.

"Saan ka ba galing Marina at hindi ka nakisabay sa amin mag almusal kaninang umaga at bakit hindi mo suot yung salamin mo? Hindi na ba malabo ang paningin mo?" tanong ni lola.

Napatingin ako kay Sebastian na kasama ang gf niyang mukhang s**o. Hindi ako puwedeng magsinungaling dahil kasama namin sila kanina sa ilog.

"Ahm nanggaling po ako kina kuya Antony lola tapos nag aya siya na pumunta kaming ilog at doon na po kami kumain ng agahan saka nahulog po yung salamin ko sa lupa ng huminto yung kabayo tapos natapakan ng kabayo yung salamin ko po." mahabang paliwanag ko.

"Aba galing ka din pala doon sa paboritong tambayan ng apo ko saka bagay mo na iyang ganiyan na walang salamin, gumanda ka lalo," puri ni lola sa akin.

Pero baboy naman ako, sabi ng isip ko.

"Balak sana namin ng lolo mo na magpatayo ng kubo doon para may pahingaan si Sebastian doon."

"Lola!" singit ni Sebastian. "Ako na po ang bahalang magpatayo ng sarili kong pahingaan dun." 

"Sige apo umpisahan mo na ang plano mong pagpapatayo ng resthouse mo doon para makapunta naman si Marina doon."

Sumimangot naman ang itsura ng gf ni Sebastian

"Oh siya sige na Marina umakyat ka na sa itaas at mamaya may konting salu salo tayo mamaya."

"Sige po lola lolo!" pagpapaalam ko at umakyat na ako sa itaas para maligo at magpalit ng damit. Hindi ko na sila nilingon at alam kong naiinis ang dalawang magjowa sa akin.

Pumasok na ko sa kuwarto ko at nagpahinga ng konti, maya't maya ay maliligo na ako. Kinuha ko ang cp ko sa may side table at Inopen ko, pumunta ako sa music para magpatugtog. Nilagay ko ang headset ko sa tenga ko at kinonect ang bluetooth then nag start na ang kanta. Sinasabayan ko ang awit habang hawak ko ang suklay bilang mike at napatayo ako habang kumakanta ng.....

At My Worst. 

Can I call you baby?

Can you be my friend?

Can you be my lover up until the very end?

Let me show you love, oh, I don't pretend

Stick by my side even when the world is givin' in, yeah

Oh, oh, oh, don't

Don't you worry

I'll be there, whenever you want me

I need somebody who can love me at my worst.

Komen (1)
goodnovel comment avatar
Lyn F. Caluttong
Naku Marina pareho pla kayo ni Sebastian na paboritong puntahan Ang ilog.. thank you Author...
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status