LUMIPAS ANG ILANG BUWAN… Isang malakas na sigaw ang umalingawngaw sa loob ng ospital. "SANTINOOOO! HUWAG MO AKONG HAHALIKAN KAPAG LUMABAS NA 'TO! IKAW MAY KASALANAN NITO!" Sa labas ng delivery room, naglalakad-lakad si Santino, pawisan at hindi mapakali. Ilang beses na siyang napabuntong-hininga habang naghihintay. Kasama niya ang kanilang mga pamilya, lahat ay sabik pero kabado rin. "Anak, umupo ka nga. Ikaw yata ang mas kinakabahan kaysa kay Luna," natatawang sabi ng mommy niya. "Paano ako hindi kakabahan, Ma? Tatlo ‘yung lalabas!" sagot ni Santino, hawak-hawak ang dibdib na parang siya ang manganganak. Maya-maya pa, bumukas ang pinto at lumabas ang doktor. "Congratulations, Mr. Monteclaro! Tatlong malulusog na baby boys!" Nanlaki ang mata ni Santino. "T-Totoo? Tatlo talaga?" "Oo, Sir. At kamukhang-kamukha mo silang tatlo!" biro ng doktor. Sa sobrang saya, hindi napigilan ni Santino ang sarili at napayakap sa kanyang ama. "Dad! Tatay na ako! At tatlo agad! Kaya ko ba
Sa loob ng kanilang silid, tahimik na nakahiga si Luna sa malambot na kama habang nakatingin sa kisame. Ramdam pa rin niya ang init ng selebrasyon at ang saya sa puso niya, pero higit sa lahat, ramdam niya ang presensya ni Santino—ang lalaking hindi niya inakalang magiging bahagi ng buhay niya. Biglang naramdaman niya ang paggalaw ng kama. Sumunod ay ang mainit na yakap ni Santino mula sa likuran niya. Mahigpit ang pagkakayakap nito, parang ayaw siyang pakawalan. "Hindi ko akalain na darating tayo sa puntong ‘to," bulong ni Luna, bahagyang lumilingon kay Santino. "Ako rin," sagot ni Santino habang hinahaplos ang buhok niya. "Pero alam mo bang noon pa man, ikaw na ang gusto ko? Kahit hindi mo ako pinapansin, kahit pilit mong nilalayo ang sarili mo sa akin, gusto pa rin kitang habulin." Napangiti si Luna, pero may halong lungkot sa kanyang mga mata. "Natakot kasi ako noon. Natakot akong masaktan, natakot akong umasa. Hindi ko alam na may plano ka na pala para sa atin." Hinawak
"Inay!" halos lumipad si Luna papunta sa kanyang ina at mahigpit itong niyakap. "Nandito na ako…" Napayakap din si Aling Edna sa anak, hindi na napigilang maluha. "Anak, ang tagal mong nawala… Miss na miss na kita!" Ngunit bigla itong napatigil nang mapansin kung sino ang kasama ni Luna. Napatakip siya ng bibig nang makita ang mommy ni Santino. "M-Ma’am…" nahihiyang sabi ni Aling Edna. Halata sa mukha niya ang kaba, dahil sa nangyari noon sa pagitan nila. Ngunit ngumiti ang mommy ni Santino at marahang lumapit. "Wala na ‘yon, Edna. Hindi na tayo dapat bumalik pa sa nakaraan." Nagkatinginan sina Luna at Santino, parehong nagulat sa inasal ng kanyang ina. "Tama na ang mga alitan. Magiging lola na ako ng magiging anak ng anak ko. Ayoko nang may samaan ng loob," patuloy ng ginang, bago hinawakan ang kamay ni Aling Edna. "Patawarin mo rin ako sa naging turing ko kay Luna noon." Dahil sa narinig, hindi na napigilan ni Aling Edna ang mapaiyak. "Naku, ma’am, ako po dapat ang hum
Hindi na nakapagpaalam pa si Luna sa mga ka office mate niya. dahil kulang sila sa oras. Habang nakasakay sila sa eroplano pauwi ng Pilipinas, nakasandal si Luna kay Santino, ramdam ang pagod at ang hindi maipaliwanag na bigat sa katawan niya. Kanina pa siya hindi mapakali, at kahit anong pilit niyang itago, hindi nakaligtas kay Santino ang paminsan-minsang pagdampi niya sa tiyan niya. “Saan tayo didiretso pagdating natin?” tanong ni Luna, pilit na inaayos ang sarili. Lumingon sa kanya si Santino, bahagyang napangiti. “Sa bahay, syempre. Gusto mo bang dumiretso muna sa inyo?” Umiling si Luna. “Hindi na siguro. Tatawag na lang ako kay Inay para ipaalam na nakabalik na ako.” Tipid na tumango si Santino, ngunit hindi niya maiwasang tingnan si Luna nang mas matagal. Alam niyang may itinatago ito—at lalo lang niyang pinagtibay ang desisyong huwag muna ipahalata na alam na niya ang tungkol sa pagbubuntis nito. Hinawakan niya ang kamay ni Luna at marahang pinisil iyon. “Pagdating n
Matapos ang dalawang buwang pananatili ni Santino sa ibang bansa, sa wakas ay tumawag na ang kanyang ina. "Santino, anak, kailan ka babalik sa Pilipinas?" Direktang tanong ng kanyang ina sa kabilang linya. "Kailangan ka na sa kompanya. Hindi na pwedeng ipagpaliban pa." Nasa hotel suite siya nang matanggap ang tawag. Nakaupo siya sa veranda, hawak ang baso ng alak habang nakatanaw sa malawak na city lights. Ilang sandali muna siyang natahimik bago sumagot. "Ilang araw na lang, Ma," sagot niya sa mahinang tinig. "Babalik na ako." "Good. Dahil maraming kailangang ayusin sa kumpanya. Alam mo namang hindi pwedeng puro gala ka lang diyan," paalala ng kanyang ina. Napangisi si Santino, alam niyang tama ito. Pero may iba pang bumabagabag sa isip niya—si Luna. Sa dalawang buwang lumipas, hindi niya ito masyadong nakausap. Hindi niya rin alam kung paano ito haharapin pagbalik niya. "Oo na, Ma. Huwag kang mag-alala, babalik ako sa tamang oras," sagot niya bago tinapos ang tawag. Na
Sa bawat halik at haplos ni Santino, parang nawalan na ng ibang mundo si Luna. Ang tanging alam niya lang ay ang init ng katawan nilang dalawa, ang mabagal ngunit nakakapasong galaw ng mga kamay ni Santino sa balat niya. Hindi siya lumayo. Sa halip, siya pa mismo ang kusang yumakap dito, ipinadama kung gaano siya kahanda sa gabing ito. Naramdaman niyang bumuhat siya ni Santino palabas ng jacuzzi. Basang-basa ang kanilang katawan, ngunit ni hindi nila alintana ang lamig ng hangin na sumalubong sa kanila. Marahan siyang ibinaba ni Santino sa malambot na kama, habang ang titig nito ay nag-aapoy sa matinding pagnanasa. "Luna..." mahina ngunit puno ng emosyon ang tawag ni Santino sa pangalan niya. Hinaplos nito ang pisngi niya, bago muling dinala ang labi sa kanya. Hindi na nila kayang pigilan ang nararamdaman. Ang bawat galaw ay puno ng pananabik at pangungulila. Sa bawat sandaling lumilipas, tuluyan nang nawala ang natitira pang hadlang sa pagitan nila. Sa gabing iyon, sa ilalim