Share

Chapter 6

Author: Okahel
Biglang uminit ang ulo ni Nevaeh dahil sa panunukso ni Sven. Namula ang buong mukha niya. Kinagat niya nang bahagya ang ibabang labi, saka nag-tiptoe at mabilis na hinalikan ang pisngi nito.

“Okay na ba?”

Pagkatapos ng isang halik, agad na sana siyang aalis.

Pero biglang lumaki nang kaunti ang mga mata ni Sven. Parang unti-unting natunaw ang malamig na ekspresyon sa mga mata niya. Mabilis niyang hinila si Nevaeh pabalik sa dibdib niya.

Isang kamay ang kumapit sa likod ng ulo nito. Yumuko siya at inilapit ang mukha. Ang mainit at basang hininga niya ay dumikit sa pisngi ni Nevaeh, puno ng tukso.

“Isang halik lang?” mababa niyang sabi. “Sa tingin mo sapat na iyon?”

Pagkasabi niya noon, lalo pa niyang ibinaba ang ulo niya.

Halos magdikit na ang manipis niyang labi sa mapula at makintab na labi ni Nevaeh. Halos maghalo ang hininga nila habang magkalapit.

Mainit ang tingin ni Sven. Parang isang hayop na matagal nang naghihintay sa biktima.

Hindi makagalaw si Nevaeh. Napigil niya ang paghinga.

Mainit ang pakiramdam ng pisngi niya at pakiramdam niya ay lalabas na ang puso niya sa dibdib. Parang hindi siya makahinga. Matagal bago siya tuluyang binitawan ni Sven. Malakas pa rin ang tibok ng puso ni Nevaeh.

May kaunting ulap ang mga mata niya habang nakatingin kay Sven, parang isang maliit na kuting na napagtripan.

Mahina siyang nagtanong. “So… pumayag ka na ba?”

Pinilit kontrolin ni Sven ang emosyon sa mga mata niya. Bahagyang ngumiti ang labi niya.

“Kung request ng wife ko…”

“Of course, I’ll agree.”

Pagkarinig ni Nevaeh, agad niyang iniwas ang tingin at nagmamadaling lumabas ng silid. Pakiramdam niya may kakaibang init sa katawan niya.

Parang may hindi pamilyar na reaksyon ang katawan niya…

Tahimik na pinanood ni Sven ang mabilis niyang pag-alis. Hindi niya napigilang mapatawa nang mahina.

Lalong dumilim ang mga mata niya. Ang babaeng iyon, sa labas ay parang isang wild cat na madaling magalit. Pero sa loob, isa lang si Nevaeh na maamong tupa na madaling matakot.

Ang pagiging matapang niya sa labas ay parang proteksyon lang.

***

Pagkalipas ng dalawang araw, dinala ni Nevaeh si Sven sa bahay ng pamilya Dizon.

“Grandpa.”

Naka light-colored na dress si Nevaeh. Magkadikit ang mga paa niya habang maayos na nakatayo sa harap ni Lolo Mikael.

“Grandpa, siya yung sinasabi ko sa inyo.”

“Si Sven Antonius Ferrer.”

Tiningnan ni Lolo Mikael ang lalaking nasa tabi niya.

Tumango siya nang may kasiyahan.

“Good-looking. Very good.”

Maayos at elegante ang itsura ni Sven. Tahimik pero magalang ang aura niya.

“Grandpa,” sabi niya nang may respeto. “Ito po ang maliit na regalo ko para sa unang pagkikita natin.”

Isa-isang ipinasok ni Victor ang mga regalo at inilapag sa mahabang mesa bago lumabas ulit.

Mabilis na napuno ng mamahaling herbal supplements at mamahaling alak ang mesa.

Halatang pinag-isipan talaga ang mga regalo.

Nakasuot si Lolo Mikael ng dark barong Tagalog. Malakas at masaya ang tawa niya.

“Ngayong kasal na kayo ni Nevaeh, pamilya na tayo. Hindi mo na kailangang maging pormal.”

“Dapat lang po akong gumalang,” mahinahong sagot ni Sven. “Hindi pwedeng mawala ang respeto.”

Sa isang tingin pa lang, alam na ni Lolo Mikael na tama ang naging desisyon ni Nevaeh sa pagkakataong ito.

Noong mga nakaraang taon, malubha ang sakit ng ama ni Nevaeh na si Skyler Dizon.

Nag-aalala siyang baka walang mag-aalaga sa anak niya sa hinaharap.

Kaya ipinagkatiwala niya si Nevaeh sa matagal niyang kaibigan at business partner na siSteven Ferrer.

May balak pa nga silang gawing mas malapit ang relasyon ng dalawang pamilya sa pamamagitan ng kasal.

Noong panahong iyon, labing-walo pa lang si Nevaeh. At doon din nagsimula ang relasyon nila ni Jeston.

Bago mamatay si Skyler Dizon, sinabi niya sa anak na manatili kay Jeston at alagaan ang relasyon nila.

Sa harap pa mismo ni Skyler ay nangako si Jeston. Sinabi nitong aalagaan niya si Nevaeh habang buhay.

Pero hindi inaasahan ng lahat na matutupad pa rin ang kasunduang pag-aasawa ng dalawang pamilya.

Ang kaibahan lang, hindi na si Jeston ang mapapangasawa ni Nevaeh. Kundi ang kuya nito.

Si Sven.

Biglang nagsalita si Lolo Mikael. “Neva, pumunta ka muna sa ancestral hall. Mag-alay ka ng insenso para sa lola mo at sa mga magulang mo.”

“Mag-uusap muna kami ni Sven.”

Napatingin si Nevaeh kay Sven.

Hindi siya agad pumayag. Kilala niya ang lolo niya. Mahilig itong magtanong at minsan nang-aasar pa.

Hindi rin kakaunti ang beses na pinahirapan nito si Jeston sa mga tanong. Dahil doon, natatakot at medyo iniiwasan ni Jeston ang lolo niya.

Sa ilang araw na pagsasama nila ni Sven, napansin ni Nevaeh na kahit minsan matalas ang dila nito, maingat naman itong tao.

Sa tingin niya, isa itong mabuting asawa.

Dahil biglaan lang ang kasal nila, ayaw niyang madamay si Sven sa posibleng pang-iipit ng lolo niya. Napansin ni Lolo Mikael ang pag-aalala niya. Ngumiti ito nang may halong biro.

“Oy, bata ka. Natatakot ka bang pahirapan ko ang asawa mo?”

Biglang namula ang mukha ni Nevaeh. Bahagyang natawa si Sven. Lumapit siya ng kaunti kay Nevaeh at marahang sinabi.

“Okay lang. Mag-uusap lang kami ni Grandpa. Don't worry.”

Doon lang tuluyang tumango si Nevaeh.

Pagkatapos ay naglakad siya papunta sa memorial hall para magsindi ng kandila

Matapos niyang magsindi ng kandila, kumuha siya ng malinis na panyo at dahan-dahang pinunasan ang picture frame ng kanyang ina.

Mula pagkabata hanggang paglaki niya, minahal at inalagaan siya ng pamilya niya. Laging hinahaplos ng ina niya ang ulo niya habang sinasabi nang may lambing.

“Neva, ikaw ang pinaka mahalagang kayamanan ng pamilya natin. Ang gusto lang namin ay mabuhay ka nang masaya, walang iniintinding problema…”

“Karapat-dapat ka sa lahat ng magagandang bagay sa mundo. Ikaw ang pinakamahalagang kayamanan ng pamilya natin.”

Oo nga…

Mahal na mahal siya ng pamilya niya. Para siyang tunay na kayamanan sa bahay nila.

Pero si Jeston… palagi lang siyang pinapaiyak.

Madalas pa siya nitong maliitin at iparamdam na parang pabigat siya. Naisip tuloy ni Nevaeh na parang naging masama siyang anak.

Kung nakita lang siguro ng mga magulang niya kung paano siya kumilos sa harap ni Jeston, na parang isang maliit na aso na kumakawag ang buntot at nagmamakaawa ng pansin…

Siguradong masasaktan sila nang husto.

Pagkatapos maisip iyon, unti-unting namula ang mga mata ni Nevaeh. Tumulo ang luha niya at pumatak sa picture frame ng nakangiting ina.

“Mom… kasalanan ko…”

“Ang hina ko…”

Yumuko siya at niyakap ang picture ng kanyang ina. Napaupo siya sa sahig habang umiiyak nang malakas. Parang isang batang nawawala.

Dahil matagal siyang hindi bumabalik, nag-alala si Sven. Pinakiusapan niya ang isang katulong na dalhin siya sa memorial hall.

Pagdating niya roon, eksakto niyang nakita ang eksenang iyon.

Narinig niya kung gaano kalakas ang iyak ni Nevaeh. Biglang kumirot ang dibdib niya.

Mabilis siyang lumapit at tinulungan itong tumayo, saka mahigpit na niyakap.

“Hey… tahan na,” marahan niyang sabi. “Don’t cry… please, wag ka nang umiyak.”

Akala ni Sven ay sobrang nami-miss lang ni Nevaeh ang pamilya niya. Kaya lalo siyang naawa. Mahinahon niya itong inalo.

“From now on, ako na ang bahala sa 'yo. I’ll take care of you. Ako na ang papalit sa kanila… aalagaan kita at mamahalin, okay?”

Pero nang marinig iyon ni Nevaeh, lalo lang siyang napaiyak. Mas malakas pa kaysa kanina.

Dahan-dahang ibinalik ni Sven sa dating pwesto ang picture frame, saka muling niyakap si Nevaeh nang mahigpit. May kakaibang pakiramdam sa dibdib niya.

Parang may kulang na parte. Matagal bago napagod sa kakaiyak si Nevaeh.

Nanghina ang katawan niya at napasandal na lang siya kay Sven.

Yumuko si Sven at maingat siyang binuhat palabas ng memorial hall. Diretso silang umalis sa bahay ng Dizon Ancestral Home.

Bago sila tuluyang umalis, sinabihan niya ang mga katulong.

“Please don’t tell Grandpa about what happened earlier.”

Ayaw niyang mag-alala si Lolo Mikael.

*

Sa loob ng sasakyan, unti-unting kumalma si Nevaeh. Namumula pa rin ang ilong at mga mata niya. Halatang kakaiyak lang.

Mahina ang boses niya habang nagsasalita.

“Sven… thank you.”

Nakaupo si Sven sa kaliwang side niya. Malumanay ang tingin nito habang nakatingin sa kanya.

“Kung gusto mo talagang magpasalamat,” sabi niya nang mahinahon, “...then be happy.”

“Just be happy. Iyon ang pinakaimportante.”

Pagkarinig ni Nevaeh sa mga salitang iyon, parang bigla siyang nagising mula sa panaginip.

Noong nakaraan, ibang-iba ang sinabi ni Jeston sa kanya.

“Nevaeh, hindi ka puwedeng laging pinagbibigyan ng lahat. Kailangan mong matutong mag-adjust. Magparaya. Magtiis. Kung hindi, sooner or later maghihiwalay din tayo.”

Tahimik na tumango si Nevaeh.

Sa sandaling iyon, napagtanto niya ang isang bagay. Yung lalaking dati niyang kinatatakutan na si Sven…

Hindi hamak na mas mabuting tao kaysa kay Jeston.

Pagbalik nila sa villa, si Nevaeh ang unang naligo at agad natapos. Habang naliligo si Sven sa banyo, biglang tumunog ang cellphone ni Nevaeh.

Isang hindi kilalang numero ang tumatawag. Hindi na siya nag-isip nang matagal at agad niyang sinagot ang tawag.

Pagkabukas pa lang ng linya, narinig niya ang galit na boses ni Jeston.

“Nevaeh, tapos ka na ba sa drama mo? Binlock mo ako sa phone. Binlock mo rin ako sa Vîber. Hindi ka pa umuuwi. Ano ba talagang gusto mong mangyari?”

Ilang araw silang walang contact.

Pero nang marinig ni Nevaeh ang boses niya ngayon, agad siyang nakaramdam ng matinding inis.

“Don’t forget, Jeston,” malamig niyang sabi. “Break na tayo. Kung uuwi man ako o hindi, wala ka nang pakialam!”

Sandaling natahimik si Jeston sa kabilang linya.

Dati, kapag nag-aaway sila, hindi umaabot ng ilang oras ang cold war nila.

Kailangan lang niyang suyuin si Nevaeh nang kaunti at mabilis din itong lumalambot. Pero iba ang ugali ni Nevaeh ngayon.

Biglang nakaramdam ng kakaibang kaba si Jeston. Lumambot ang tono ng boses niya.

“Fine, it's my fault. Medyo mali ako noong araw na hindi ako sumipot para pirmahan yung marriage certificate.”

“I’m sorry. Magso-sorry na ako, okay? So can you stop making trouble now?”

Napangiti nang malamig si Nevaeh.

“Hindi mo ba naiintindihan ang sinasabi ko? Break na tayo. Stop calling me.”

“Nevaeh, don't be too much!” sigaw ni Jeston sa kabilang linya.

Tinamad na siyang makipagtalo. Iaabot na sana niya ang daliri para ibaba ang tawag pero biglang bumukas ang pinto ng banyo.

Napalingon si Nevaeh sa direksyon ng tunog.

Lumabas si Sven mula sa banyo. Nakabalot lang ng isang puting tuwalya ang ibabang bahagi ng katawan niya.

Kita ang matipunong katawan niya at ang malinaw na hugis ng abs at mermaid line sa tiyan.

Saglit na natulala si Nevaeh. Nakalimutan niyang ibaba ang tawag.

“Kanino galing ang tawag?” tanong ni Sven habang lumalapit.

Bahagyang tumaas ang kilay niya habang sinilip ang screen ng phone, kahit halatang alam na niya ang sagot.

Pero si Nevaeh ay nakatitig pa rin sa dibdib ni Sven. Hindi pa siya nakakabawi sa nakita niya.

Sa kabilang linya naman, narinig ni Jeston ang boses ng isang lalaki.

Parang biglang sumabog ang ulo niya sa galit.

“Nevaeh! May lalaki diyan sa tabi mo? Sino siya?!”

Dahan-dahang kinuha ni Sven ang cellphone mula sa kamay ni Nevaeh.

May malamig na kislap sa mga mata niya.

“Relax,” kalmado niyang sabi sa cellphone. “Huwag kang magmadali. Malalaman mo rin agad kung sino ako.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (9)
goodnovel comment avatar
Rod Angelica Mae Dioso
episode 149
goodnovel comment avatar
Andrea Doronio
nice story
goodnovel comment avatar
Jhoyen Domingo
......... AMAZING STORY!!
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • He Left Me? I Married His Mysterious Brother   Chapter 420

    Naglakad si Nevaeh kasama si Samson papunta sa lounge.Sa likuran nila, may isang matangkad na pigura na nakasuot ng madilim na damit ang mabilis na lumapit sa kanila.“Nevaeh.”Narinig niya ang pamilyar at malumanay na boses.Pagkatapos noon, dumating sa harapan nila ang matangkad na katawan ni Sven.Malamig ang tingin niya habang nakatingin kay Samson.“Mr. Samson.”Bahagyang tumango si Samson bilang pagbati, pero hindi naging mainit ang pakikitungo niya.“Mr. Ferrer.”May bahid ng pagiging dominante ang tono ni Sven nang magsalita.“I need to speak with her. Alone.”Para bang hindi siya tatanggap ng kahit anong pagtanggi.Nag-alinlangan si Samson at napatingin kay Nevaeh. Kung ayaw niya itong kausapin, siguradong hindi siya aalis. Pero sa huli, tumango pa rin si Nevaeh sa kanya.“Wait for me outside.”Tumango si Samson at pinaalalahanan siya. “If anything happens, call me immediately.”Bahagyang bumaba ang tingin ni Sven.Malamig ang ekspresyon niya habang ang suot n

  • He Left Me? I Married His Mysterious Brother   Chapter 419

    Pero malinaw na lumitaw sa screen ang progress bar na nagpapakitang isang daang porsyento nang kumpleto.Hindi na napigilan ng mga tao ang excitement nila at nagsimula silang magsalita nang malakas.“So fast! That was unbelievably fast!”“My God... that was incredible. This is the first time I've ever seen something like that!”“She broke through Ferrer Corporation's security system in less than ten minutes. And she even used a decoding program she built on the spot. That's absolutely amazing!”“So all those rumors about Miss Dizon being useless were completely false. Her technical skills are actually above Miss Javier's.”Walang pigil ang mga bulungan at usapan sa paligid.Namumutla naman ang mukha ni Scarlett. Hindi niya talaga matanggap ang nakikita niya. Pakiramdam niya ay parang paulit-ulit siyang sinasampal sa harap ng napakaraming tao.Tuluyan nang naglaho ang lahat ng pride niya.Siya ay… Natalo na naman ni Nevaeh! Noong nakaraan, iilan lang ang nakakaalam.Pero ng

  • He Left Me? I Married His Mysterious Brother   Chapter 418

    Gulat na nanlaki ang mga mata ni Scarlett.“How... how is this possible?”Pinindot niya ang Enter key at mabilis na lumapit sa harapan ni Nevaeh. Pero nang makita niya ang screen nito, malinaw na lumitaw doon ang berdeng notification na nagsasabing tapos na ang buong proseso.Nanginig ang puso ni Scarlett at hindi siya makapaniwala.Talaga bang ganoon kagaling si Nevaeh?Siya ba talaga ang genius engineer na paulit-ulit na binabanggit ng lolo niya?Hindi...Imposible…! Kung ganoon talaga siya kagaling, hindi sana niya sinayang ang napakaraming taon sa pagsusulat lamang ng scripts.O baka naman...Dahil ba talaga sa nangyari sampung taon na ang nakalipas kaya hindi na siya muling gumawa ng system development?Nang maisip iyon, pakiramdam ni Scarlett ay bigla niyang nahanap ang sagot.Kasabay noon, nakaramdam siya ng kakaibang saya at satisfaction.Kung iyon nga ang dahilan… Mas magiging madali ang lahat.Hindi naman alam ni Nevaeh ang mga iniisip niya..Tahimik lang siyang

  • He Left Me? I Married His Mysterious Brother   Chapter 417

    Sa loob ng mahigit sampung minuto, sobrang tahimik ng buong venue.Lahat ng tao sa ibaba ay tahimik lang na nakatingin kay Nevaeh.Hindi sila makapaniwala na siya pala ang babaeng dati nilang tinatawag na walang kwentang mayamang tagapagmana.Hanggang sa matapos magsalita si Nevaeh, saka lang unti-unting bumalik sa sarili ang lahat.Kasunod noon ay ang malakas na palakpakan na umalingawngaw sa buong lugar.May isang taong hindi napigilang humanga.“This theory is absolutely brilliant. It's even simpler and more straightforward than Engineer Samson's approach, but the level of difficulty is much higher.”“Exactly. I honestly feel that if this system is successfully developed, it could completely break through the current limitations of new energy vehicles. Even many of the existing safety issues might finally be solved.”Sa sandaling iyon, tuluyan nang nagbago ang tingin ng lahat kay Nevaeh.Mula sa pangmamaliit at pagdududa noong una, napalitan iyon ng tunay na paghanga.Nang

  • He Left Me? I Married His Mysterious Brother   Chapter 416

    “But now that Miss Dizon is taking over Dizon Corporation, if she doesn't even understand these things, how is she supposed to earn everyone's trust?”“It's just a pity. Such a huge company like Dizon Corporation... baka sa huli, pangalan na lang ang matitira.”Pagkasabi nito, agad na nagsimulang mag-usap-usap ang mga tao sa ibaba.“That's true. I heard Mr. Mikael Dizon is still in the hospital and hasn't regained consciousness yet.”“And about what happened yesterday at the construction site... even if we say Miss Dizon managed to save the situation, that doesn't necessarily mean she has the ability to manage everything.”“She's still so young, yet she wants to carry the entire Dizon Corporation on her shoulders? Isn't that a little too unrealistic?”“I honestly don't understand why Engineer Samson chose to join Dizon Corporation. What a waste of talent…”Sunod-sunod na umiling at napabuntong-hininga ang lahat. Sa loob nila, matagal na nilang hinusgahan na hindi kaya ni Nevaeh.

  • He Left Me? I Married His Mysterious Brother   Chapter 415

    Pagkalabas ni Nevaeh at pagkaupo niya, opisyal nang nagsimula ang seminar.Nang mapansin ni Samson na medyo natagalan siya, nag-aalala itong nagtanong.“What took you so long? Did something happen?”Alam ni Nevaeh na isa siyang mabuting tao na palaging marunong mag-alala at magbigay ng concern sa iba. Bahagya niyang iniling ang ulo.“Nothing happened. I'm okay.”Nagsimula nang magsalita ang organizer sa stage.Ang seminar na ito ay pangunahing nakatuon sa technical discussion tungkol sa bagong energy intelligent driving system, pati na rin sa pagbabahagi tungkol sa development nito.Bilang isang international senior engineer, natural lang na inimbitahan si Samson na umakyat sa stage.Nang umakyat siya, malakas na palakpakan ang narinig mula sa audience.Lalo na nang magsimula siyang magsalita nang malinaw at may kumpiyansa, halos lahat ng nasa ibaba ay nagkaroon ng ekspresyon na parang bigla silang naliwanagan. Lalo pa silang humanga sa kanya.Sinabi ni Samson na ang susunod

  • He Left Me? I Married His Mysterious Brother   Chapter 5

    Hindi makapaniwala si Lolo Mikael sa sinabi ni Nevaeh. Ilang beses pa niya itong kinumpirma bago tuluyang naniwala. Pagkatapos, mas lalo pa siyang tumawa nang malakas kaysa kanina.“Mabuti naman! Buti at nagpakasal ka na,” masayang sabi ng matanda. “Kailan mo dadalhin dito ang asawa mo? Kumain nama

  • He Left Me? I Married His Mysterious Brother   Chapter 4

    Buti na lang at biglang tumunog ang cellphone ni Nevaeh, na siyang nakapagligtas sa kanya sa nakakailang na sitwasyon.“Hello?”Biglang bumilis ang tibok ng puso niya habang nagmamadali siyang sagutin ang tawag.Mula sa kabilang linya, narinig niya ang mapanuksong boses ng kaibigan at sikat na mo

  • He Left Me? I Married His Mysterious Brother   Chapter 3

    Natigilan si Nevaeh at biglang bumilis ang tibok ng puso niya.Habang yumuyuko si Sven para halikan siya, hindi niya namalayang bahagyang nanginig ang katawan niya.Napansin iyon ni Sven. Agad itong tumigil. Malalim ang tingin nito kay Nevaeh, pero halatang pinipigilan nito ang sarili.“Ano?” tan

  • He Left Me? I Married His Mysterious Brother   Chapter 2

    Isang boses na may halong panunukso ang narinig ni Nevaeh mula sa kabilang linya ng cellphone. Ilang segundo siyang natahimik bago tuluyang nakabawi.“Sven, your brother already fooled me, tapos ikaw naman ngayon? Is it your turn to play with me?” sabi niya.Ang nasa kabilang linya ay si Sven, ang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status