Share

Chapter 2- Elise

“S-Sir, t-tapos ko na pong patulugin si Miss Elise,” kabado si Meldy at halos hindi makatingin ng maayos kay Eliot. Nasa kwarto siya ni Eliot at ang binata naman ay walang damit ang itaas at tanging ilaw mula sa lampara lang ang nagsisilbing liwanag sa madilim na kwarto niya.

Tumingin si Eliot sa kaniya, dahilan kung bakit napatingin sa sahig si Meldy. Hindi niya kayang salubungin ang mga kakaibang titig ni Eliot sa kaniya.

“Meldy,” matigas ang boses ni Eliot.

“S-Sir?”

“Alam mo ba kung ano ang ayaw ko sa mga tao?”

Napalunok siya at kinabahan. “H-Hindi po sir,”

“Ayoko sa mga taong magnanakaw at mga taong gustong gawan ng masama ang anak ko.”

Hindi alam ni Meldy anong sasabihin niya. Hindi niya mawari kung para sa kaniya ba ang salitang yun o hindi.

“Umalis ka na,” ang tanging nasabi lang ni Eliot. Napalunok si Meldy at tumango. Umalis siya sa kwarto ni Eliot at nagtungo sa chamber niya. Unang araw pa lang niya sa trabaho pero heto at sukong suko na siya.

Kinabukasan, maaga siyang nagising para puntahan si Elise. Ngunit natigilan siya nang madatnan ang sangkatutak na katulong na nakapalibot sa labas ng kwarto ni Elise at sa loob no'n naroon si Eliot na pinapakalma ang anak niya.

Tulog si Elise pero nagwawala dahil sa isang masamang panaginip.

Tumayo si Eliot at kinuha ang bata. Nang humarap siya kay Meldy, kita ni Meldy ang nakakatakot at masasamang tingin ni Eliot sa kaniya. Napalunok siya at napaatras. Pakiramdam niya ay para bang sinisisi siya ni Eliot sa nangyari kay Elise.

“Ano po bang nangyari?” tanong ni Meldy sa katulong ng makalagpas si Eliot sa kanila.

“Nightmare ni Miss Elise. Minsan kasi ay sinusumpong ang bata ng bangungot niya.”

“Bakit po nagkaganoon?”

“Hindi mo ba alam? Nakidnap kasi dati si Miss Elise at naging ganiyan na siya matapos niyang marescue.”

Nakaramdam ng matinding awa si Meldy kay Elise. Pero hindi pa rin niya mawari bakit kung titigan siya ni Eliot ay tila ba ito ang may nagawang kasalanan sa kaniya.

Hindi niya alam kung dapat ba niyang lalapitan ang mag-ama. Kausap na ngayon ni Eliot si Elise ng masinsinan at nasa garden sila ng mansion.

Nakahawak si Meldy sa tray na may lamang pagkain para kay Elise. Kanina pa siya nakatayo, hindi mawari kung lalapitan ba niya ang mga ito o hindi.

“Mama!” Sigaw ni Elise ng makita siya.

Hilaw na napangiti si Meldy ng tawagin na naman siyang mama ni Elise. Lalo na’t kita niya ang masasamang titig ni Eliot sa kaniya.

“Hi po Miss Elise,” saad niya sa bata.

“Is that my food, mama?”

Tumango si Meldy at ngumiti. Hinila ni Elise ang damit niya. “Come mama, punta tayo kay papa.”

Ilang lunok na ang ginawa ni Meldy nang gusto siyang hilahin ni Elise papunta kay Eliot. Gusto niyang magprotesta pero pakiramdam niya ay kung gagawin niya yun, malilintikan siya kay Eliot.

Wala ng nagawa si Meldy ng nasa tapat na sila ni Eliot na mariing nakatitig sa kaniya.

“Upo ka mama,” sabi ni Elise at tinap ang upuan na nasa tabi ni Eliot.

Napalunok siya ulit at bahagyang namilog ang mata. Ilang dangkal lang kasi ang layo ng upuang yun kay Eliot. Pakiramdam niya, kung uupo siya doon ay anytime maaaring magkiskisan ang balat nila ni Eliot.

“Miss Elise, dito lang po ako.” Sabi ni Meldy at umupo sa harapan ng upuan ni Eliot.

Humaba ang nguso ni Elise. “Papa, can we move closer to mama instead? Kasi susubuan niya ako e. How can she do that kung malayo siya?”

May point ang bata. Sabi ni Meldy sa isipan niya. Pero ang puso niya ay nagwawala na ngayon at hindi alam anong gagawin lalo na ng makita si Eliot na tumayo para umupo sa tabi niya habang hawak si Elise.

Gwapo si Eliot, hindi nakapagtatakang maraming babae ang nakapila at handang bumukaka para lang sa kaniya. Alam ni Meldy yun pero hindi niya lubos aakalain na makikita niya ng ganito kalapit si Eliot.

“Mama, feed me,” masayang sabi ni Elise.

Ngumiti si Meldy at nanginginig ang kamay na inaangat ang kutsara na may lamang pagkain para subuan si Elise. Si Eliot sa likuran ay nakatitig pa rin sa kaniyang ginagawa.

‘Mama!!!! Bakit ganiyan siya makatitig!’ Umiiyak na sabi ng isipan niya. Halos hindi na nga niya alam paano titigan si Elise dahil ramdam na ramdam niya ang mga titig ni Eliot sa kaniya.

“Mama, juice.” Nakangiting sabi ni Elise.

Tumango si Meldy at agad na nilapit ang baso kay Elise na nakakandong pa rin sa papa niya. Matapos uminom ni Elise ng juice, bumaling siya sa papa niya.

“Papa, are you hungry? Gusto mo bang subuan ka rin ni mama?”

Nabitawan ni Meldy ang kutsara na hawak niya sa sinabi ni Elise. Para siyang hihimatayin sa sinabi nito. Ni halos manginig ang buo niyang katawan.

Hindi na nga niya makayanan ang titig ni Eliot sa kaniya, paano pa kaya kung subuan niya ito ng harap-harapan.

“Sir Eliot.”

Dumating si Mr. Sy kaya napalingon silang dalawa dito.

“Dumating na po ang package niyo sir,”

Agad na tumango si Eliot at binalingan si Elise. “Baby, may gagawin munang work si papa. Can you stay here with your nanny?”

Nakahinga ng maluwag si Meldy. Akala niya ay katapusan na ng buhay niya.

Sumimangot naman si Elise ng marinig ang salitang nanny sa bibig ng papa niya. “Papa, mama is not my nanny.”

Sabay na nanlaki ang mata ng dalawa. Lalo na si Meldy.

“She’s my mama, papa. Stop saying nanny.” Giit ni Elise. Tumingin si Meldy kay Eliot at agad na umiling. Pero para na siyang maiiyak ng lumingon si Eliot sa kaniya at naroon na naman ang mapanghusga nitong tingin.

“Alright, baby.” Pagsuko ni Eliot.

“No. I want you to call her mama, papa.” Demand ni Elise.

Naiihi na talaga si Meldy sa usapan ng dalawa. Siya ang naiipit sa request ni Elise sa papa niya.

Tumingin si Eliot sa kaniya. Malalaki na ang butil ng pawis sa noo nilang pareho.

Agad na binuhat ni Meldy si Elise sabay sabing, “Ah Miss Elise, may ginawa akong toy for you. Gusto mo makita?”

Biglang umaliwalas ang mukha ni Elise at tumango. “Really mama? Let’s go. I wanna see,” sabi ng bata.

Agad na umalis si Meldy tangay si Elise palayo kay Eliot na nakatitig pa rin sa kanila.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
pasaway kang bata ka pero gusto ko yan ikaw ang gumawa ng paraan para magkalapit ang papa mo at ang tinatawag mong mama
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status