Share

Chapter 3- Meldy meets Elise

“It’s her, right?” tanong ni Eliot habang nakatingin sa pigura ni Meldy na nakuhanan ng CCTV camera.

“Yes,” sagot ni Mr. Sy na nakatingin rin sa monitor.

Kumuyom ang kamao ni Eliot habang nakatitig kay Meldy. ‘Anong ginagawa niya sa lugar na ito?’ tanong niya.

“Get her,” malamig na saad ni Eliot na agad sinunod ni Mr. Sy.

Maya-maya pa ay dumating si Meldy na nagtataka. Nagliligpit siya ng laruan ni Elise kanina ng bigla siyang puntahan ni Mr. Sy at sabihing sumama ito sa kaniya.

“Bakit po sir?” takang tanong ni Meldy. Hindi niya alam kung anong meron at pinatawag siya ni Eliot. Tapos nakita niya ang larawan niya sa monitor na ikinalaki ng mata niya. Lalo na ng maalala niya kung ano ang ginagawa niya sa lugar na yun.

“Anong alibi ang sasabihin mo para dito?”

Tumingin siya kay Eliot ng hindi niya mapagtanto kung ano ang ibig sabihin niya.

“Ang lugar na ‘yan, diyan dinala ang anak ko no’ng kinidnap siya. Paano mo maipapaliwanag ang pagkasangkot mo sa lugar na ‘yan? Kitang kita ang mukha mo sa CCTV camera.” Madilim ang mukha ni Eliot.

No’ng 4 years old si Elise, nakidnap ito for ransom. At hanggang ngayon ay hindi pa rin siya tumitigil para mahanap ang mga kidnappers ng anak niya.

“S-Sir?” gulat na aniya. “Po? Si Miss Elise? Diyan dinala?”

Kumunot ang noo ni Eliot. Hindi niya mawari kung nagmamaang-maangan lang ba si Meldy sa kaniya o ano.

Inaalala ni Meldy ang kaganapan sa lugar na ‘yan at nanlaki ang mata niya nang maalala ang nangyari at kung bakit siya napunta sa lugar na yun.

(Flashbacks, 3 years ago)

“Meldy, bilhin mo lahat ng nakalista diyan ah?” utos ng mag-ari ng sari-sari store na pinagta-trabahuan niya.

“Opo ate Rami.” Umalis si Meldy para bilhin ang inutos sa kaniya.

Dalawang cart ang binayaran niya kaya malaking karton ng groceries ang iuuwi niya. Gabi na tapos makulimlim pa ang kalangitan kaya nahihirapan si Meldy na makasakay ng tricycle lalo’t unahan ang mga pasahero.

Kailangan pa niyang magmadali dahil may klase pa siya mamayang gabi. Dalawa nalang sila ng ate niya at minsan ay hindi pa niya mahagilap ito kaya binubuhay ni Meldy ang sarili.

“Saan kayo miss?” napatingin si Meldy sa driver, medyo alangan siya dahil hindi niya ito kilala at medyo manyak pa sa paningin niya. Tapos de motor pa ang tricycle nito.

Pero dahil nagsisimula ng pumatak ang ulan, wala siyang nagawa kun’di ang sumakay nalang.

“Sa Poblacion katorse po kuya,” aniya. Hindi niya napansin na nakatingin ang driver sa mapuputi niyang legs.

No’ng una, tamang daan pa ang dinadaanan nila.

Ngunit naalarma na si Meldy ng biglang binilisan ng driver ang pagpapatakbo ng tricycle at niliko siya sa masukal na kagubatan. Kinakabahan na siya pero hindi siya nagpanic. Kahit na ulila, mahilig si Meldy manood ng taekwondo training kaya natututo siya kahit paano.

Dahan-dahan niyang kinuha ang pepper spray na nasa loob ng bag niya. At nang ihinto ng driver ang sasakyan, hinanda na ni Meldy ang sarili niya oras umikot ang driver sa gilid niya.

Nang silipin siya ng driver, agad na ginamit ni Meldy ang pepper spray sa mukha nito at sinipa ang driver dahilan kung bakit napahiga ito sa lupa. Sumigaw ang driver sa hapdi ng mata niya.

“AAAAAHHH! HAYOP KA!”

Meldy pose a stunt, inaalala kung ano iyong mga napanood niya sa training kasama ng kaibigan niyang si Butchoy na isang taekwondo coach.

Pero biglang naglabas ng baril ang driver at pinutukan siya. Natamaan ang braso niya kaya wala siyang nagawa kun’di ang tumakbo.

“Bumalik ka ditong babae ka!” Sigaw ng manyak ng driver.

Hindi huminto si Meldy, tumakbo siya nang tumakbo hanggang sa mapadpad siya sa isang warehouse na dating bodega ng mga naglalakihang container drums.

Naririnig na niya ang yabag ng driver sa likuran kaya nagmamadali na siyang pumunta doon sa warehouse kahit na basa na siya ng ulan.

Madilim na tapos patay sindi pa ang ilaw ng warehouse.

Maghahanap na sana ng matataguan ng makita niya ang bata na tingin niya ay apat na taong gulang na umiiyak at tumatakbo papunta sa gawi niya.

Hindi niya maaninag ang mukha dahil sa ilang hibla ng buhok nitong nakatabon sa mukha niya.

“Papa!” Sigaw ng batang si Elise.

Napatingin si Meldy sa likuran ng bata at nakita niya ang tatlong naglalakihang lalaki na hinahabol siya.

“Papa! Papa!” Mga sinisigaw ni Elise habang tumatakbo. Nang makita niya si Meldy, natigilan ito at bahagyang natakot. Akala niya ay isa si Meldy sa dumukot sa kaniya.

Lumuhod si Meldy at ngumiti. “Hindi kita sasaktan. Halika.. Po-protektahan kita.” Sabi ni Meldy.

Nang makita ni Elise ang mga lalaking humahabol sa kaniya, agad itong tumakbo palapit kay Meldy.

“Upo ka muna doon. Promise ko sa’yo, hindi ka nila sasaktan.”

Tumigil na sa pag-iyak si Elise at tumango. Tumakbo siya sa likuran ni Meldy at umupo gaya ng sabi nito.

Agad na pinosisyon ni Meldy ang sarili niya gamit ang taekwondo stunt. Napahinto ang tatlong lalaki nang makita ang ginagawa niya.

“Miss, naliligaw ka yata.” Usal no’ng kalbong lalaki.

“Kung ayaw mong masaktan, mabuti pang umalis ka na at ibigay sa amin ang bata.” Sabi naman no’ng isang lalaki na mahaba ang balbas.

“Hindi ko alam kung sino kayo pero halatang ayaw sa inyo ng bata.”

Natawa naman iyong lalaking may peklat sa mata na para bang hiniwa ng kutsilyo.

“Anong gagawin mo? Tingin mo kaya mo kaming tatlo? E para ka ngang buto e.”

Natawa ang tatlong lalaki sa sinabi nito na tila ba laro lang ang ginagawa ni Meldy. Nang makita na naging kampante ang tatlong lalaki buhat sa babae siya at maliit, sinimulan ng sipain ni Meldy ang dibdib no’ng lalaking kalbo na siyang malapit lang sa kaniya at agad na hinampas ang leeg dahilan kung bakit nawalan ito agad ng malay.

It happened in a second, para bang hangin lang siya na dumaan at may napatumba na siyang isang lalaki na di hamak e mas malaki pa sa kaniya.

“Who’s next?” tanong niya sabay ngisi sa dalawa pang hindi na makatawa.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
huwag agad manghusga eliot porket nakita mo sa cctv si meldy ei sangkot agad sa kidnapping
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status