Share

Chapter 1-Motive

Nakatulala si Meldy habang nakatanaw sa kontratang ipinakita ng assistant ni Eliot na si Mr. Sy.

“Limang taon ako magta-trabaho bilang yaya ni Miss Elise?”

“As what the contract said, yes.” Walang emotion na sagot ni Mr. Sy.

“Pero sir, aalis po ako ng bansa pagkatapos kong grumaduate.”

“Kung ganoon, bayaran mo ang isang milyon.” Gustong maiyak ni Meldy dahil wala naman siyang kasalanan. Si Pacio ang nagnakaw pero nadadamay siya sa kasalanang hindi naman niya ginawa.

Napipilitang kinuha ni Meldy ang ballpen ni Mr. Sy at mabigat sa loob na pinirmahan ang kontrata na nasa harapan niya.

“Congratulations, you’re Miss Elise’s new nanny.” Walang emotion na sabi nito at umalis. Agad na nanlumo si Meldy buhat sa pakiramdam niya ay sobrang unfair ng lahat sa kaniya.

“Miss Penuela,” para siyang napatalon sa gulat ng biglang may boses na umalingawngaw sa likuran niya. Nang tignan niya ito, nakita niya ang tatlong gwardiya na pinadala ni Eliot.

“Let’s go,” nanlaki ang mata niya ng makitang binuhat nito ang maleta niya at lumabas kahit na hindi pa siya nakapaghanda.

“W-Wait l-lang po,” huli na dahil ang mga gwardiya na bumuhat sa maleta niya ay nakasakay na ngayon sa isang magarang limousine.

Nagmamadaling sumakay si Meldy at hindi pa man siya nakaseatbelt ay pinaandar na ang sasakyan, tuloy muntikan pa siyang mauntog sa upuang nasa harapan niya.

“Dahan-dahan naman po kuya,” reklamo niya.

Hindi siya pinansin ng mga ito hanggang sa nakarating sila sa mansion ni Eliot. Pangalawang beses na niya ito sa bahay ni Eliot pero kinakabahan pa rin siya.

“Mama!”

Nanlalaki ang mata ni Meldy nang makita niya si Elise na nakangiti sa kaniya habang tumatakbo.

“M-Miss E-Elise,” namumula at kinakabahan siya lalo’t kita niya si Eliot na nasa likuran lang at walang expression ang mukha habang nakatingin sa kaniya.

“Hi mama, I missed you. Where have you been? Bakit hindi niyo ko sama?”

Malalaki na ang butil ng pawis sa noo niya, hindi alam kung ano ang sasabihin kay Elise na patuloy pa rin sa pagtawag sa kaniya ng mama.

“Miss E-Elise, h-hindi po ako ang m-mama niyo.”

Umiling ito. “No, ikaw ang mama ko.” Sabi pa ng bata.

‘Malalagot ako nito sa papa mo’ mga salitang naglalaro sa isipan ni Meldy, hindi na nga niya alam paano haharapin ang bagong amo niya.

“Sir Eliot, g-good morning po sir.”

“Elise, c’mon. Kumain ka na,” hindi siya pinansin ni Eliot, instead si Elise ang tinawag nito. Pero mariin na umiling ang bata.

“No papa, I will eat with mama.”

Para ng hihimatayin sa kaba si Meldy. ‘Elise, sumama ka na sa papa mo. Maaawa ka sa’kin.’ Mga tahimik niyang hinaing.

“ELISE!” Matigas na sabi ni Eliot. Nagsimula ng umiyak ang bata sabay yakap kay Meldy.

“Mama, papa is so mean to me.” Sabi nito na para bang nagsusumbong.

Hilaw na ngumisi si Meldy kay Eliot. “S-Sir,” hindi alam anong gusto niyang sabihin. ‘Bakit ba naiipit ako sa away nila?’ aniya sa isipan niya.

“What?” galit na sagot ni Eliot.

Napalunok si Meldy at agad na umiling. Lumapit si Eliot sa kanila at para ng nanigas ang buong katawan niya. ‘Shit shit shit! Halos murahin na niya ang kapaligiran niya.’

Tumitig si Eliot sa mga mata niya bago bumaba ang paningin nito sa labi niya. Napalunok si Meldy at napatingin nalang sa likuran ni Eliot para lang maiwasan ang nakakalusaw na titig nito.

Kinuha ni Eliot si Elise kahit na nagpupumiglas dahil gustong kay Meldyo lang ito sasama.

“Papa, put me down. Gusto ko si mama.”

Hindi nakinig si Eliot sa hinaing ng bata. Instead, sinenyasan niya si Mr. Sy na kanina pa sa tabi niya at nakikinig sa kanila.

Tumango si Mr. Sy na para bang naiintindihan na niya ang inutos ni Eliot kahit wala itong sinasabing kahit na ano.

“Follow me Miss Penuela,” sabi ni Mr. Sy at naunang naglakad sa pasilyo papuntang chamber na tutulugan ni Meldy.

“Miss Penuela, as what the contract said, your duty is to be Miss Elise’s nanny. It means, aalagaan mo siya, papaliguan, papakainin at makikipaglaro ka sa kaniya. Hindi mo kailangang gawin ang ibang gawaing bahay dito. Ang maid na ang bahala doon.”

Tumango si Elise, taimtim na nakikinig sa instruction ni Mr. Sy. “Nakuha ko ang schedule mo sa klase. May klase ka ng Wednesday at Sabado, it means, iyan ang day off mo.”

“Yes po, sir.”

“As what the contract said, magta-trabaho ka ng limang taon sa Santisas hanggang mabayaran mo ang utang mo. You don’t need to worry dahil sagot na ni sir Eliot ang insurance, pagkain, matutulugan, at may allowance ka pa.”

Nanlaki ang mata ni Meldy. Hindi niya aakalain na may allowance siyang matatanggap.

“Magkano po ang allowance ko sir?”

“Do not think that your salary as Miss Elise’s nanny falls in minimum wage dahil hindi ganoon magpasahod si sir Eliot sa personal nanny ng nag-iisang anak niya.”

Namangha si Meldy. Alam ng lahat ng tao na mahal na mahal ni Eliot ang nag-iisa niyang anak pero nalula siya sa sinabi sa kaniya ni Mr. Sy.

“Hindi kasama sa insurance, may allowance kang matatanggap monthly na nagkakahalaga ng 15000. Pwede mo yung gamitin sa pag-aaral mo.”

Nanlaki ang mata ni Meldy.

“It’s not a big deal right? May insurance ka na, may libre ka pa ng matutulugan at pagkain, tapos may allowance ka pang matatanggap na 15,000.”

Agad siyang tumango. Buong akala niya talaga ay magta-trabaho siya ng libre kay Eliot Santisas.

“By the way, this is your room. If you need anything, magtanong ka lang sa mga katulong na makita mo.” Sabi ni Mr. Sy at iniwan siya na namamangha sa buong kwarto na tutulugan niya.

Agad na binalikan ni Mr. Sy si Eliot na nakasandal sa pader habang may baso ng wine sa kamay.

“Nahatid ko na po siya sa kwarto niya sir.”

Umigting ang panga ni Eliot. “Keep an eye on her. Hindi ko mapapatawad ang sinumang magtangka ng masama sa anak ko.”

Magalang na tumango si Mr. Sy. “Masusunod sir,” sabi nito at umalis sa harapan ni Eliot.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
hay naku pacio ng dahil sa kagagawan mo si meldy ang nag sakripisyo
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status