He Tricked Me Into Becoming His Daughter's Nanny

He Tricked Me Into Becoming His Daughter's Nanny

By:  MeteorComets  Completed
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
12 ratings
113Chapters
35.5Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

(Ship of Temptation 2) Nang dahil sa wine, nalagay sa panganib ang buhay ni Meldy. Muntik na siyang ipakulong ni Eliot Santisas, ang mayamang negosyante sa bayan nila sa pag-aakalang ninakaw niya ang isang box ng wine na nagkakahalaga ng isang milyon. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, biglang dumating si Elise—ang anak ni Eliot at inakalang si Meldy ang ina niya. “Bad ka papa! Inaway mo si mama!” Umiiyak na sabi ni Elise habang yakap-yakap si Meldy. Nakita yun ni Meldy na oportunidad para hindi tuluyang makulong. “Sir, b-babayaran ko po ang wine. Pagta-trabahuan ko po yun sa inyo kung maaari.” Tumingin si Meldy kay Elise. “Pwede po akong maging yaya ng anak niyo. Magta-trabaho po ako ng libre hanggang sa mabayaran ko po ang halaga no'ng nawalang wine niyo.” Isang mahabang katahimikan ang namayani bago sumagot si Eliot. “Pag-iisipan ko,” sabi nito at kinuha si Elise at umalis. Nakahinga si Meldy at inakalang nakalusot siya sa kamalasan sa buhay, hindi niya alam na pinasok niya pala ang pa-in na nilaan para sa kaniya ni Eliot Santisas. Ngumisi siya habang binabaybay ang daan papunta sa kwarto ni Elise. “I think it’s time for you to pay your sin.” Ang mga salitang naglalaro sa isipan ni Eliot.

View More
He Tricked Me Into Becoming His Daughter's Nanny Novels Online Free PDF Download

Latest chapter

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Noti Bheb
highly recommend
2024-06-22 20:50:42
1
user avatar
Mairisian
Recommended <3
2024-06-21 22:42:15
1
user avatar
Jasmin Anical
magsisimula palang ako Pero 5star ko na agad ...
2024-06-10 20:34:08
1
user avatar
Mary Angeli Villarubin
kahit hndi p cia tapos, 5star p din
2024-06-09 17:36:48
1
user avatar
luvly
Worth to read. Highly recommended!
2024-06-03 22:32:25
1
user avatar
Amryw Apmarg
napakagandang story. parang may pgka-mystery sya.. kaabang abang ...️
2024-05-26 13:21:25
1
user avatar
MeteorComets
List of my completed stories you can read. The Lust Love Hiding The CEO's Quintuplets Binili Ako ng CEO Pag-aari Ako ng CEO Asawa Ako ng CEO Binihag Ako ng CEO His Personal Affair Love In Mistake Shade Of Lusr I Put A Leash On My Boss
2024-05-14 21:55:59
1
user avatar
nadia aina simanju
Highly recommend
2024-05-11 13:21:10
1
user avatar
Euren Jane Ligutan
worth to read...
2024-05-10 10:33:56
1
user avatar
Angelica Sahi
another beautiful story..sa mga di pa to nababasa highly recommended po syang basahin.btw thank you author..
2024-05-10 10:06:14
1
user avatar
Docky
Another great story from Miss A. Highly recommended!
2024-05-09 21:14:49
1
user avatar
LemonSquare
story of Eliot! highly recommended ulit ito
2024-05-09 18:15:26
1
113 Chapters

Simula

“Meldy! Meldy!” Nagmamadaling lumabas si Meldy mula sa bahay niya ng marinig ang pangalan niyang sinisigaw ni Pacio—ang binatang sakit sa ulo at mahilig mangupit. “Pacio, bakit?” natigilan siya ng makita si Pacio na umiiyak habang hawak ng dalawang gwardya ang braso nito. Anong ginagawa ng gwardiya ni Eliot Santisas dito? Nagtatakang turan ni Meldy. “Ikaw ba si Meldy?” kinabahan siya bigla ng marinig ang pangalan niya. “Ako nga po. Bakit po?” Nagulat siya ng bigla siyang lapitan ng gwardya at hinawakan siya sa braso niya. “Teka po, b-bakit po?” “Inutusan mo raw ang binatang ito na magnakaw ng alak sa Rancho de Santisas.” Nanlaki ang mata ni Meldy at tumingin kay Pacio na humihingi ng tawad ang mata. Nanggigigil siya at gustong masuntok si Pacio pero hindi niya magawa dahil kinaladkad na siya ng dalawang gwardya. “Meldy, labyu!” Sigaw ni Pacio at tumakbo paalis. “Hayup ka Pacio!!!!” Kinaladkad pa rin siya ng mga gwardya. “Teka lang po, hindi ako nagnakaw!” Pero h
Read more

Chapter 1-Motive

Nakatulala si Meldy habang nakatanaw sa kontratang ipinakita ng assistant ni Eliot na si Mr. Sy. “Limang taon ako magta-trabaho bilang yaya ni Miss Elise?” “As what the contract said, yes.” Walang emotion na sagot ni Mr. Sy. “Pero sir, aalis po ako ng bansa pagkatapos kong grumaduate.” “Kung ganoon, bayaran mo ang isang milyon.” Gustong maiyak ni Meldy dahil wala naman siyang kasalanan. Si Pacio ang nagnakaw pero nadadamay siya sa kasalanang hindi naman niya ginawa. Napipilitang kinuha ni Meldy ang ballpen ni Mr. Sy at mabigat sa loob na pinirmahan ang kontrata na nasa harapan niya. “Congratulations, you’re Miss Elise’s new nanny.” Walang emotion na sabi nito at umalis. Agad na nanlumo si Meldy buhat sa pakiramdam niya ay sobrang unfair ng lahat sa kaniya. “Miss Penuela,” para siyang napatalon sa gulat ng biglang may boses na umalingawngaw sa likuran niya. Nang tignan niya ito, nakita niya ang tatlong gwardiya na pinadala ni Eliot. “Let’s go,” nanlaki ang mata niya ng makitang
Read more

Chapter 2- Elise

“S-Sir, t-tapos ko na pong patulugin si Miss Elise,” kabado si Meldy at halos hindi makatingin ng maayos kay Eliot. Nasa kwarto siya ni Eliot at ang binata naman ay walang damit ang itaas at tanging ilaw mula sa lampara lang ang nagsisilbing liwanag sa madilim na kwarto niya. Tumingin si Eliot sa kaniya, dahilan kung bakit napatingin sa sahig si Meldy. Hindi niya kayang salubungin ang mga kakaibang titig ni Eliot sa kaniya. “Meldy,” matigas ang boses ni Eliot. “S-Sir?” “Alam mo ba kung ano ang ayaw ko sa mga tao?” Napalunok siya at kinabahan. “H-Hindi po sir,” “Ayoko sa mga taong magnanakaw at mga taong gustong gawan ng masama ang anak ko.” Hindi alam ni Meldy anong sasabihin niya. Hindi niya mawari kung para sa kaniya ba ang salitang yun o hindi. “Umalis ka na,” ang tanging nasabi lang ni Eliot. Napalunok si Meldy at tumango. Umalis siya sa kwarto ni Eliot at nagtungo sa chamber niya. Unang araw pa lang niya sa trabaho pero heto at sukong suko na siya. Kinabukasan, maaga siy
Read more

Chapter 3- Meldy meets Elise

“It’s her, right?” tanong ni Eliot habang nakatingin sa pigura ni Meldy na nakuhanan ng CCTV camera.“Yes,” sagot ni Mr. Sy na nakatingin rin sa monitor.Kumuyom ang kamao ni Eliot habang nakatitig kay Meldy. ‘Anong ginagawa niya sa lugar na ito?’ tanong niya.“Get her,” malamig na saad ni Eliot na agad sinunod ni Mr. Sy.Maya-maya pa ay dumating si Meldy na nagtataka. Nagliligpit siya ng laruan ni Elise kanina ng bigla siyang puntahan ni Mr. Sy at sabihing sumama ito sa kaniya.“Bakit po sir?” takang tanong ni Meldy. Hindi niya alam kung anong meron at pinatawag siya ni Eliot. Tapos nakita niya ang larawan niya sa monitor na ikinalaki ng mata niya. Lalo na ng maalala niya kung ano ang ginagawa niya sa lugar na yun.“Anong alibi ang sasabihin mo para dito?”Tumingin siya kay Eliot ng hindi niya mapagtanto kung ano ang ibig sabihin niya.“Ang lugar na ‘yan, diyan dinala ang anak ko no’ng kinidnap siya. Paano mo maipapaliwanag ang pagkasangkot mo sa lugar na ‘yan? Kitang kita ang mukha
Read more

Chapter 4- Official Nanny

“Sinasabi mong napatumba mo ang tatlong lalaking kidnappers niya?” tanong ni Eliot na nakakunot pa rin ang noo. “Opo sir. Pero hindi ko po aakalain na si Miss Elise yung batang niligtas ko noon. Hindi ko po kasi nakita ng maayos ang mukha niya dahil nanlalabo na rin ang paningin ko saka gabi pa no'ng oras na yun."“Hindi nagtutugma ang kwento mo. Pagpunta namin doon, nakita namin si Elise sa—" hindi pinatapos ni Meldy si Eliot.“Sa loob ng drum sir.” Sabi ni Meldy. Nanlaki ang mata ni Eliot at Mr. Sy. “Paano mo nalaman?” (Continuation of flashbacks) Hingal na hingal si Meldy matapos niyang mapatumba ang tatlong lalaki. Nadaplisan pa siya ng bala ng baril kanina kaya mahapdi ang braso niya at nawawalan na rin siya ng lakas.Agad niyang binalikan si Elise na tulog na sa kinauupuan nito. Nanlalabo na ang paningin niya dahil pagod na rin siya kaya hindi niya makita ng maayos ang itsura ng batang dala niya. Gusto sana niyang isama si Elise paalis pero nakita niya ang bulto no’ng driv
Read more

Chapter 5- No Prejudice

"Gusto ko maging malinaw sa'yo lahat Meldy. Ang trabaho mo ay bantayan at alagaan si Elise. Sa ngayon, may banta na naman ng panganib sa buhay ng anak ko so I want you to stay alert and be with her all the time."Mariing tumango si Meldy, naiintindihan ang lahat ng sinasabi ni Eliot sa kaniya."Paano po yung utang ko, sir?" tanong ni Meldy."You'll get compensated enough for your hardwork kapag natapos na ang trabaho mo. Pati utang mo ay bayad na agad."Nanlaki ang mata ni Meldy and she's really hopeful na matapos ang trabaho niya agad bilang radar sa kidnappers ni Elise ng sa ganoon, makabalik siya sa dating buhay niya. "Your allowance and insurance will stay. Saka lang mababawasan ang utang mo sa bawat kidnappers na madakip natin sa tulong mo. That's the new contract na pinaasikaso ko na kay Marcelo."Si Marcelo ay si Mr. Sy na laging emotionless ang mukha habang nakatingin kay Meldy."For now, bumalik ka na muna sa chamber mo at abangan mo nalang ang kontrata." Tumango si Meldy at
Read more

Chapter 6- Mama

“Miss Elise,” kinakabahang kinuha ni Meldy ang attention ng bata. “That’s not a good joke.” Sabi pa niya lalo’t naghuhurumintado ang puso niya sa kaba. “I’m not joking mama.” ‘Lagot na!’ Ang sabi pa ni Meldy sa isipan niya. Nang bumaling siya ulit kay Eliot, napansin niya na tinignan siya ni Eliot mula ulo hanggang paa. Naituwid tuloy niya ang likuran niyang bumagsak kanina pa. Tumayo si Eliot mula sa pagkakaupo sa kama kaya mas lalong kinabahan si Meldy. Nakapameywang naman si Elise sa harapan ng papa niya. Ang mga pawis ni Meldy sa ulo niya ay nag-uunahan sa pagtulo. Kahit nga ang singit niya ay pinagpawisan na rin. Tumigil si Eliot sa harapan niya. Si Meldy ay nasa tsinelas na lang ang tingin. Gustuhin man niya makipagtitigan sa amo niya, hindi niya kaya. Wala siyang lakas ng loob. ‘Huwag ka humarap Meldy. Bubugahan ka ng apoy niyan.’ Chant niya sa utak niya. ‘Huwag kang titingin kahit pa gwapo siya. Remember, muntik ka na niyang ipakulong.’ “Look at me,” napatalon sa gulat
Read more

Chapter 7- Mr. Sy

“May crush ka ba sa kaniya?” walang emotion na tanong ni Eliot sa kaniya. Nanlaki ang mata ni Meldy at lumingon kay Mr. Sy na siya ring nakatitig sa kaniya at tila ba inaabangan ang maaari niyang isagot.Hindi alam ni Meldy kung sasagot ba siya ng oo o wala.‘Kung sabihin kong wala akong gusto kay Mr. Sy baka isipin ni Mr. Sy na hindi siya attractive at masaktan ko pa ang feelings niya, kung sasabihin ko naman na oo, magsisinungaling lang ako at baka iba pa ang isipin niya.’Nakagat ni Meldy ang pang ibabang labi niya.“Whatever. If you’re done there, come to my office now.” Sabi ni Eliot at umalis.Ramdam ni Meldy na nakatitig si Mr. Sy sa kaniya kaya hindi na niya ito nilingon pa at nagmamadali ng sumunod kay Eliot.Pagkapasok niya sa office, agad niyang nakita si Eliot na nasa table at may kinukuhang isang folder. Nagtaka siya lalo na nang tumingin si Eliot sa kaniya sabay bigay no’ng Folder.“There are pictures there ng mga lalaking kalbo. Can you take a look baka sa sakaling isa
Read more

Chapter 8- My daughter's mama

“Sir, wine po?” offer ni Meldy sa mga bodyguards ng guest sa party. Nakasuot siya ngayon ng pangmaid at naging mapagmatyag sa paligid. “May nakita ka na ba?” tanong ni Eliot na nasa stage, kasama ni Marcel Sy—ang ama ni Marcelo. Gamit ang earpiece device, nakakapag-usap si Eliot at Meldy kahit na malayo sila sa isa’t-isa. “Wala pa po sir,” sagot ni Meldy na kanina pa naiinis. Akala niya kasi ay magsusuot siya ng isang cocktail dress at makihalubilo sa mga mayayamang tao. Hindi naman niya aakalain na isa pala siya sa maid na mag-aasikaso sa mga guests. “Bakit busangot ang mukha mo?” “Wala po sir. Masaya po ako,” pabalang na sagot niya kay Eliot. “Isang wine please,” agad na tumalima si Meldy at nagmamadaling pumunta sa isa pang guest at inabutan niya ng wine. “Isang champagne!” “Ako rin,” “One glass please!” Hindi na niya malaman kung sino ang una niyang pupuntahan. Nagpapadyak na lang siya sa paa niya sa inis. Tumingin siya kay Eliot na nasa stage na kanina pa siya pinagmam
Read more

Chapter 9- Joel

Nasa harapan si Meldy ng isang malaking salamin sa loob ng CR ng mga Sy. Hindi pa rin tumigil ang puso niya kakatibok. Pakiramdam niya kanina ay para na siyang hihimtayin.Ni hindi nga rin mawala sa utak niya ang mga sinabi ni Eliot sa kaniya.“Ano ba Meldy, umayos ka nga. Amo mo siya at may girlfriend na siyang gusto niyang pakasalan.”‘No one should mess with my daughter’s only mama’Namula na naman si Meldy at binasa na naman niya ang mukha niya ng tubig.Huminga muna siya ng malalim saka niya sinuot pabalik ang earpiece device. Paglabas niya ng banyo, nakita niya agad si Mr. Sy na nakakrus ang kamay sa dibdib at tila ba inaabangan siya.Bahagya siyang tumango dito at lumapit sa table saka kumuha ulit ng alak para maglibot na naman.Napatingin si Meldy sa labas ng venue at may napansin pa siyang mga bodyguards doon na tingin niya ay mga driver ng mga guests sa party.Kumunot ang noo niya at lalabas na sana ng harangan siya ni Mr. Sy.“Where are you going?”“Sa labas po sir. M-May m
Read more
DMCA.com Protection Status