Share

Chapter 14

NABIGLA SI SAYNE sa narinig. Hindi niya naman sinasadyang marinig ang sinabi ni Shannon nang makalapit sila sa table ng mga ito. Nainis siya sa mga kaibigan kung bakit sa lahat ng table sa cafeteria ay pinili pa talaga ng mga ito na umupo malapit sa table nina Trick.

"I still like you," pang-uulit ni Shannon sa sinabi nito.

Para namang umakyat ang lahat ng dugo ni Sayne at kung may makakakita lamang at bigyan siya ng pansin ay tiyak na iisipin nito na tumaas ang altapresyon niya. Siya lang ang tanging nakarinig niyon sa grupo nila dahil masyadong maingay ang mga kasama niya. Bumati ang mga ito kay Trick at Shannon bago bumalik ulit ang pansin sa pinagkakaabalahan nilang usapan.

Hindi maipaliwanag ni Sayne ang nararamdaman ng tingnan siya ni Trick. Malalim ang paraan ng pagtingin nito at para bang may gusto itong sabihin sa kanya. Ayaw niyang mag-akala ngunit iyon ang palagay niya sa paraan ng pagtitig nito.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status