Share

Chapter 4

A sweet and sorf murmur came from Sayne's lips nang maramdamang niyang may dumadaloy na kamay sa kanyang katawan.

Sinubukan niyang buksan ang mga mata ngunit hindi niya maaninag ang mukha nito. Only his rough breath gave her an idea that the person is a him.

Napakagat labi siya nang dahan dahan nitong hinalikan ang leeg niya pababa sa dibdib. Hindi niya maalala kung papano siya napunta sa ganitong sitwasyon. Hindi niya maalala kung ba't may nangyayaring ganito sa kanya ngayon.

Hindi niya mapigilang mapakagat labi nang hawakan nito ang dibdib niya habang patuloy pa rin sa paghalik sa

kanya.

"W-who are y-you?" nahihirapang tanong niya dito dahil sa sensasyon na dulot na binibigay nito sa

kanya.

May narinig naman siyang kalabog na nagpagulo sa kanyang isipan. Nakumpirma niya lang na nananaginip lang pala siya ng buksan niya ang mga mata at nakita si Trick na nakatayo sa kanyang gilid

na nakakunot nuong nakatingin sa

kanya at mukha ring naguguluhan.

Napatingin siya sa wristwatch niya at nakumpirmang nakatulog pala siya habang pinag-aaralan ang sakit ng pasyente.

"Dito ka ba matutulog?" tanong nito. Naiinis siya lalo dahil palaging suplado ang awra ni Trick at palaging nakakunot noo kung tumingin.

Hindi siya sumagot sa tanong nito. Hindi niya alam kung naiinis ba siya dito dahil wala itong maalala sa

kanilang dalawa o dahil naramdaman niyang nalagpasan siya kanina nang mag diagnose ito ng pasyente nang walang pag-alinlangan ngunit tama at sigurado.

Inayos niya ang mga gamit at papel na binabasa at magtatangka na sanang umalis ng napatigil siya dahil nagsalita ito ulit.

"Sleep at your house. You may --"

"Tao lang ako at napapagod rin. Kasalanan ko bang bumigay agad 'yong mata ko at nakatulog?" salita agad niya at hindi hinayaang magsalita si Trick.

Marahil naka uwi ng ang ibang doctor at sila nalang dalawa ni Trick ang nasa meeting room.

"Matulog ka sa bahay kung ayaw mong pag-isipan ng kakaiba ng ibang taong makakakita sayo. Is it normal to you to moan when sleeping?"

Namula ang pisngi niya sa narinig. Tumingin siya kay Trick na diretso lang ang tingin sa

kanya. Para bang wala lang dito ang sinabi nito gayong siya ay parang gusto na lamang na lamunin ng lupa.

*Is he insensitive or something? Hindi niya ba naisip na mahihiya ako sa sinabi niya?*

Mabilis siyang lumabas doon at padabog ang pagsara sa pinto. At bakit ba kasi ngayon pa siya nagkapanaginip ng ganon. Gusto niya tuloy sumigaw dahil sa inis at hiya na naramdaman niya.

"Bwesit! Ba't ba parang ang lamig niya kausap. Nakakapikon!"

Madali niyang inayos ang gamit sa locker. Plano niyang hindi agad umuwi at dadaan sa bar. Gusto niyang lasingin ang sarili upang kahit papano ay mawala sa isipan niya ang lalaking iyon at hindi niya maalala ang kahihiyang nangyari sakanya.

Pagkadating sa bar ay um-order agad siya ng dalawang baso ng margarita at pagkabigay na pagkabigay ay tinungga niya ito.

Kung pwede lang sana na isang lagok lang ng alak ay lasing na agad ay mas pipiliin niya pero sa kasamaang palad o mas suwerte naman siguro kung tutuusin ay mataas ang alcohol tolerance niya.

Mabuti nalang ay walang taong lumalapit upang guluhin siya kundi mas lalong masisira ang buong gabi niya.

Nagbabaga ang inis niya sa Mañego na iyon. Aaminin niya sa sariling nadaplisan nito ang pride niya at iyon din ang bagay na nagpapakulo sa dugo niya. She's the most competent anesthesiologist resident sa ospital. Ang summa cum laude sa university na pinag-aralan niyang MedSchool. She had never experience na may ibang taong makakalagpas sa katalinuhang nasa kanya. She diagnosed patient better than their professor after she became a 3rd year resident.

Ngunit ngayon...

Yohan Xailtrick Mañego is in at aaminin niya sa sarili na mas matalino at mas may kaya ito kaysa kanya. He's even the most competent young anesthesiologist professor sa John Hopkins at wala siyang magagawa kundi tanggapin na dumating na ang taong kayang kaya siyang talunin sa bagay na pinili niyang tahakin.

Hindi niya malaman kung bakit ganito na lamang ang epekto ng lalakeng iyon sa kanya. Hindi niya mawari kung bakit halo-halong emosyon ang nabibigay nito sa kanya.

Maaaring kasabay nang hindi siya nito maalala ay may inis din siyang ‘di maipaliwanag. Maaaring ang paraan ba nang pagtingin nito sa kanya na walang kahit anong emosyong binibigay o ang paraan ng pagtrato nito sa kanya na parang naiinis ang sistema niya ay hindi niya na alam.

*Pagkatapos niyang mahawakan ang katawan ko at mahalikan ay gano’n lang ang pagtrato niya sa ‘kin. What an idiot!*

Nagsisimula nang umikot ang paningin niya. Kanina pa siya inom nang inom ng alak kaya sigurado siyang nalagpasan niya na ang alcohol tolerance ng katawan at sa kasamaang palad may lumapit na lalaki sa

kanya.

"Hey baby, are you alone?" gusto niyang masuka sa tono ng boses nito dahil ang landi at hindi niya tipo ang paraan nang pagsalita nito.

He's not manly. Unlike him.

Napamura siya sa isipan ng pumasok na naman sa alaala niya ang lalaking nagpapainit sa ulo at rason ng inis niya.

"Want to go somewhere quiet and peaceful? Let's go?"

Sinubukan nitong hawakan ang braso niya upang hatakin ngunit nanatiling nakahiga ang kalahating katawan niya sa counter at hindi umalis sa pagkakaupo dito.

Hindi pa rin ito tumigil sa paghila at pagkumbinsi pero hindi niya na maintindihan ang sinasabi nito at mukhang makakatulog na siya sa alak na nainom.

"Let her go,” malamig at maawtoridad ang boses ng lalaking nagsalita.

Iyon ang huling salitang narinig niya bago siya tuluyang nakatulog.

HINAWAKAN NI TRICK ang braso ng lalakeng kanina pa nanggugulo sa trainee niya. Hindi niya rin alam kung bakit napunta at sumunod siya sa babaeng ito sa ganitong lugar. Nag-aalala kasi siya sa pinakita nitong reaksyon kanina. Mukhang walang gagawing matino at hindi nga siya nagkamali.

"Let her go," pang uulit niya sa sinabi dahil tinitigan lamang siya nito sa unang pagbanta niya.

Napatingin si Trick kay Sayne na wala ng malay sa counter. Lasing na nga talaga ito.

"Who the hell are you?" gagong tanong ng lalakeng mukhang walang gagawing matino.

"Let her go or I'll punch you?"

"What the f*ck --"

Hindi niya pinatapos ang sinabi nito nang binigyan niya ito ng isang malakas na suntok sa tiyan. Nahulog naman ito sa sahig at namilipit sa sakit. Nakakuha naman siya ng atensyon sa mga taong nasa paligid niya dahil sa ginawa ngunit walang emosyon niya lamang dinaanan nang tingin ang mga ito.

Mabilis na umalis ang lalaki habang hawak-hawak ang sariling tiyan na nadapuan ng kamao ni Trick. Lumapit naman si Trick kay Sayne at bumulong dito. Nagbabakasakaling marinig siya nito.

"Sayne?" tawag niya dito habang marahan niyang niyugyog ang braso nito upang magising. Ngunit pangatlong beses niya na iyong ginawa ay hindi pa rin ito nagigising. Wala siyang ibang choice kundi buhatin ito at dalhin sa kotse.

Napatingin siya sa mukha nito nang nasa kotse na sila. Hindi niya akalain na ganito ito katapang para magpakalasing sa ganoong lugar ng mag-isa. Kinuha niya ang bag nito at hinanap ang pitaka. Titingnan niya kung may impormasyon ba siyang makukuha dito kung saan ito nakatira at nang kanyang maihatid. Isang conduminion iyon na hindi niya alam kung saan sapagkat bago lamang siya sa bansa kaya't wala siyang ibang choice kundi dalhin ito sa bahay niya. 

NAGISING NAMAN SI SAYNE dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha niya. Glass ang wall malapit sa veranda ng kwarto kaya lumalampas ang sinag ng araw. Nanlaki ang mga mata niya nang inikot niya ang paningin at hindi pamilyar ang kwarto na nakikita.

Tiningnan niya ang sarili sa ilalim ng kumot. Napahinga siya ng maluwag ng makitang hindi siya hubad at gano'n pa rin ang suot na damit.

Wala siyang makitang frame o picture man lang ng taong may-ari ng kwarto kaya lumabas siya at nagbabakasakaling makita ang may-ari.

Napahanga siya sa ganda ng bahay nang pababa siya sa hagdan dahil nasa second floor ang kwarto na pinanggalingan niya.

Black and white ang theme ng bahay. May black gems chandelier na nakasabit sa gitna ng sala ng bahay at may black U-Shape sofa naman kung saan pwedeng komportableng maupo ang walong tao dito.

Dahan dahan siyang bumaba habang manghang mangha sa nakikita niya. May mga paintings and portraits din na nakasabit sa wall.

So, the owner love landscapes and abstract paintings ah.

Naisipan niyang pumunta sa kitchen upang kumuha ng tubig ngunit pagdating doon ay napapigil hininga siya ng tumambad sakanya ang Trick Mañego na walang pang itaas na saplot at tanging towel lang nito ang nakasabit sa ibaba. Basa ang buhok nito at tumutulo pa. Bagong ligo ito.

Napalunok siya ng tumama ang tingin niya sa buhok nitong magulo at basa ngunit ang nagpawala sa isipan niya ay ang katawan nitong may anim na pandesal at ang ganda ng hubog nito. Na para bang ginantimpalaan ito ng Panginoon na napakagandang katawan at mukha. Dumapo ang mata niya sa nunal nito sa kaliwang dapit ng leeg na gustong gusto niyang tingnan. Aaminin niya sarili na his neck is her favorite part of Trick's body. Call her weird pero iyon talaga ang paborito niya.

Napakagat labi siya sa mga naisip. Tumama ang mga mata niya sa nakatingin na Trick and without lying she was captured by those mesmerizing eyes.

B*llsh*t for those heart fluttering gaze.

"Satisfied for what you saw?" tanong nito na nagpabalik sa katinuan niya. Tinungga nito ang tubig sa water bottle and then there, she saw his Adams Apple again.

Trick's neck! What should I do with that neck?!

"If you're ok you can go home now," sabi nito at nilagpasan lamang siya at umukyat na.

Hindi siya nakasagot at sinundan lamang ito ng tingin. His back is even handsome. The broad shoulder of Trick is really gorgeous.

"Don't expect me to say thank you for this thing. Hindi ko hiniling na dalhin mo 'ko dito sa bahay mo dahil sa kalasingan ko."

Bumalik ang tingin ni Trick sakanya.

"Your pride Doc Ricamonte is really something." He smirk at her and she'll admit it, it made her heart flutter.

"Yes. Coz I'm at the right side. And one more thing, your body? It didn't satisfy me." She's lying about the right side and of course lalo na sa huling sinabi niya.

Hindi sumagot si Trick sa kanya kundi binigyan lamang siya nito ng ngiti at umiling iling na para bang hindi ito makapaniwala sa inaasta niya. Tinalikuran na siya nito at nagpatuloy na sa pag-akyat papunta sa kwarto.

Not until I'm the one who will rip all your clothes.

Napangiti siya sa katarantadohang pag-iisip niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status