Share

Chapter 5

“Just open the fridge kung nagugutom ka. Eat before you go home,” saad ni Trick bago ito tuluyang pumasok sa kwarto.

Inikot ni Sayne ng tingin ang buong bahay. Trick seems to be the meticulous type of guy and a clean freak. Wala kang makitang kahit anong dumi o alikabok sa kahit saan mang banda ng bahay nito.

“Malinis pa ‘tong bahay niya sa bahay ko,” bulong niya sa sarili.

Kumuha siya ng tubig sa ref at pinagpatuloy ang pagtingin-tingin sa bahay ni Trick.

The house is in modern design at medyo dull ang mga kulay sa loob. Kung ikaw ang tipo ng taong gustong gusto ang mga ganitong klase ng kulay ay tiyak na ikakatuwa ng mga mata mo ang pagtingin-tingin sa loob.

Halatang mayaman ang may-ari dahil sa mga gamit at paintings na nakasabit sa mga dingding.

Of course he’s rich. Who would when he finish his doctorate at States and the most competent young anesthesiology professor in John Hopkins Hospital.

Ilang minuto rin ang itinagal niya sa pagtingin-tingin at may nakita siyang underground doon. Gusto niya sanang pasukin kaso ay baka isipin ni Trick masyado na siyang out of boundary sa ginagawa niya. Mas lalo tuloy siyang na-curious sa kung ano kaya ang nasa loob noon.

Nang umakyat siya sa rooftop nito ay doon siya napangiti dahil may parang ginawang garden doon si Trick at ang gaganda ng pagkakaayos ng mga halaman doon. May nakita pa siyang shelf ng Bonsai na mas ikinatuwa niya.

May table rin doon at mauupuan na siyang maaaring gamitin kapag gusto mong magmunimuni at magkape. Magandang pangtambayan iyon kapag gabi habang dinaramdam ang lamig at simoy ng hangin kasabay ang pagtingin sa mga nagkikislapang mga bituin.

Ilang minuto niya ring minasdan ang mga halaman bago bumalik ulit sa loob.

When she open the fridge at makita ang ibig sabihin ni Trick na pwedeng kainin ay napangiwi siya. Frozen pizza 'yon. Imbes na kunin ay naghanap siya ng mas pwedeng lulutuin at simulan ang magic na alam niya sa pagluluto. Napatingin siya sa mga kagamitin nitong panluto at lahat ng 'yon ay puro heat resistant.

“Takot ‘ata siyang mapaso. Ang arte,” sabay kibit balikat niya at natawa ng konti sa naisip.

Nagsimula siyang magluto at dinagdagan pa ng pagkanta ang ginagawa.

NAPATINGIN SI TRICK sa syringe na nasa side table ng kama niya. May laman iyong pampatulog na ginagamit niya minsan kapag nahihirapan siyang makatulog. Biglang bumalik sa ala-ala niya ang unang pagkikita nila ni Sayne, ang babaeng nasa bahay niya ngayon.

Si Sayne ang babaeng sumunggab sa kanya ng halik sa bar noon. Ang babaeng pinainom ng kung sino mang lalaking may pagnanasa rito ng Flibanserin na sigurado siyang may hindi magandang balak dito.

Bumuntong-hininga siya habang tinitingnan ang sarili sa salamin pagkatapos niyang magbihis. Nagpalobo siya ng pisngi bago tuluyang lumabas sa kwarto. Kumunot ang noo niya ng marinig ang kumakanta at nadatnan pa rin si Sayne at nagluluto. Busy ito masyado sa ginagawa kaya hindi siya nito napansin.

“What are you doing?” tanong niya rito nang makalapit siya sa kusina. L shape ang design ng kusina niya, ginawa iyong simple dahil mag-isa lang naman siya sa bahay.

“Cooking… isn’t it obvious?” sarkastikong balik nito sa kanya.

Imbes na mapikon si Trick ay natawa siya sa naging sagot nito.

“May trabaho pa tayo sa ospital, may gana ka pang mag luto? If nagugutom ka, you can grab the frozen pizza in the fr—”

“Porke’t doctor tayo wala na ba tayong luxury sa healthy breakfast? Tinawagan ako ni Dijoon may meeting daw ng board na magaganap mamaya at kailangan nando’n tayo. Mamaya pa naman, 9 a.m.”

“Then, we should go now.”

“Ang atat mo naman. Maupo ka muna at kakain pa tayo.”

Kumunot ang noo ni Trick sa bossy attitude ni Sayne.

“Incase you forgot Ms. Ricamonte, I’m your professor.”

Lumingon si Sayne sa kanya at pekeng ngumiti na may dalang pagiging sarkastiko.

“Wala tayo sa ospital at nasa bahay mo tayo. Kaya pareho tayo ng level ngayon. Ang pinagkaiba lang, bahay mo ‘to at bisita ako.” May halo pang pagdidiin ito sa mga salitang sinasabi. “But I don’t consider myself one dahil dinala mo lang naman ako dito ng hindi ko alam at without due respect, ‘di kita pinilit na dalhin ako rito kaya huwag ka—”

“If hindi kita dinala rito baka ano na namang nangyari sayo kagabi. Why are you always like that? Para kang pabaya. Very off sleeves for someone whom I heard to be the most competent resident of the hospital we’re working in.”

“So, sinundan mo nga ako kagabi? Bakit mo ‘ko sinundan?”

Napangiti siya sa sinabi nito. She’s changing the topic. Ayaw nitong nalalagay sa spotlight at napag-uusapan ang ugali.

“Dahil mukha kang may gagawing ‘di maganda.”

Tumaas lang ang kilay nito at tinalikuran siya. Mukhang tapos na itong magluto at inayos na ang lamesa.

“Sit down, Doc Mañego and we will going to eat before we’re going to work. Sit and just be thankful at pinagluto kita,” very confident at maawtoridad na saad nito which made him cocked his head na para bang natuwa siya sa pinapakita nitong ugali. “Baka pag natikman mo ‘tong luto ko, papakasalan mo na lang ako bigla.”

Tumaas ang kilay niya sa sinabi nito ngunit ‘di na lamang siya nagsalita at naupo na nga upang makakain sila.

“Napansin ko lang puro heat resistant ang lahat ng gamit mo sa pagluluto. May trauma ka ba sa paso or apoy or what?”

“For safety, Doc Ricamonte,” pormal na sagot niya.

“Ang OA ng pagiging safety ah, hindi ka naman mapapaso kung hindi ka tatanga-tanga.”

Hindi na siya sumagot pa dito at ngumiti na lamang sa palagi nitong pambabara sa kanya.

The purpose of having those heat resistant kitchen equipment is for his safety. Hindi siya maaaring makahawak ng maiinit na bagay dahil hindi niya naman mapapansin na mainit iyon ngunit mapapaso ang balat niya. He’s brain can’t detect the heat but his skin will get burn without him feeling the pain.

He has an illness and kailangan lahat ng gagawin niya ay ma-monitor.

“Masarap ‘di ba?”

Napatingin siya dito at sumang-ayon na lamang upang hindi na humaba pa ang usapan nila ngunit parang taliwas 'ata ang nangyari.

"Kita mo na 'di mo magawang makasagot sa sobrang sarap."

I slight smirk form in his lips. Hindi niya alam pero parang natutuwa siya sa personality ng trainee niya.

Kahapon lang ay para na siya nitong gustong ibaon sa lupa kung tingnan dahil sa mga nangyaring palitan nila ng opinyon sa ospital pero ngayon ay nagagawa na siya nitong biruin ng kung ano-ano.

May balak sana siyang sabihin ang tungkol sa unang pagkikita nila at klarohin kung bakit pinili niyang magkunwaring 'di ito kilala ngunit pinili niya na lamang ang huwag magsalita.

Hindi ito ang tamang panahon para pag-usapan ang ganoong bagay.

"Where did you earn your degree?"

Sumingkit ang mata niya sa tanong nito.

"Why are you curious?"

"I'm not curious, I'm asking." Tumingin ito sa kanya nang diretso at ngumiti.

"But asking means curiosity, isn’t it?"

"No, asking means you want an answer." Pinasingkit nito ang mga mata habang nakatingin sa kanya.

Hindi mapigilan ni Trick na mas lalong matuwa sa kausap ngunit pinipigilan niya ang sarili sa kung ano mang pwedeng maging resulta ng bagay na 'yon.

"I finished my college in Mapua University here in Philippines and continue my degree on the States. I'm a product of John Hopkins Hospital."

"Rich kid and a smart one," komento nito.

"Aren't you weird sa paraan nang pagkausap mo sa 'kin? Kahapon lang ay parang gusto mo na akong —"

"Aren't you familiar with mood of girls? Weirdo talaga kaming mga babae kaya don't bother asking. Sa itsura mong 'yan imposible naman yata na wala kang nahawakang babae dyan sa palad mo?"

"Aren't those question so personal?"

"Sorry." She pout her lips which made him smirk.

"You look like a strong and focus woman when we're in the hospital but you're so talkative when —"

"Madaldal talaga ako kapag komportable, huwag ka nang magreklamo," pagputol nito sa sasabihin niya.

"Ang ganda ng garden mo sa rooftop," dagdag pa nito.

"Thanks, it became my hobby since I was in college dahil nga't BS Biology ang course ko."

Tumango-tango ito sa sinabi niya at ngumiti. "You seem to love Bonsai. Can I have one?"

Hindi siya agad nakasagot dito at sinandig ng maayos ang likod sa upuan. "Yes, for one favor," sagot niya.

They finish their breakfast together at sumama na rin sa kanya si Sayne sa ospital. Sa ospital nalang daw ito magbibihis dahil may mga damit din naman doon lalo na kapag resident ka ng ospital.

NANG DUMATING SI SAYNE at Trick sa ospital ay pinagtitinginan silang dalawa ng mga kasamahan sa department na para bang ang big deal na magkasama silang dumating.

Trick is in his the same aura. Walang itong reaksyon at walang epekto ang paligid nito rito.

Kailan pa naging chismosa at chismoso ang mga doktor?

Napangiwi si Sayne sa bulong ng isipan niya.

“Nakita kong bumaba ka sa sasakyan ni Prof, ba’t kayo magkasama? At ang cute ng Bonsai plant na dala mo.”

Nabigla siya ng sumulpot sa likuran niya si Mia. Nakasunod lang pala ito sa kanila kanina at hindi niya napansin iyon. Tinatangka pa nitong abotin ang hawak niyang halaman.

“Sinong bumaba?” pakunyaring tanong niya.

“Wag mo ‘kong pagtripan Sayne, ba’t kayo magkasama ni Doc?”

“Nakita niya ‘kong nagko-commute kaya pina—”

“Wag mo ‘kong malokoloko, ba’t ka mag ko-commute eh may sasakyan ka.”

“Nasa repair shop.”

Nginitian siya ni Mia na para bang sinasabing ‘lokohin-mo-na-sarili-mo-huwag-lang-ako’.

“Let’s go everyone," saad ni Dijoon sabay palakpak kaya 'di na siya kinulit pa ni Mia. Tiningnan niya ang suot niyang wristwatch at quarter to 9 na.

May meeting pa sila.

Sumunod naman silang lahat kay Trick at nagtungo sa conference hall.

"We have an Outreach Program sa Palawan," saad ni Chief Ferrer nang magsimula ang usapan.

Nasa conference room ang anesthesiology department at dini-discuss ang tungkol nga sa InterCare Program kung saan Hailford Manila Medical Center ang pangunahing sponsor nito, ang ospital na pinagtatrabahuan nila.

"We have to send some doctors there upang gawin ito na makakatulong sa ospital na mas makilala sa buong bansa." dagdag pa nito.

"Maganda ang Palawan pero ang tanong maganda rin kaya ang lugar na pupuntahan natin?" bulong ni Jion sa kanya.

Bukod kay Dijoon ay ito rin ang isa sa pinaka close kay Sayne sa lahat ng kasama sa ospital.

Inismiran niya ito at itinuon lalo ang atensyon sa Chief nila.

Ang ibig sabihin ni Dijoon ay kapag may outreach program na ginagawa ang ospital ay madalas nasa liblib na mga lugar iyon. Sa mga lugar na medyo nahuhuli pa sa sibilisasyon. Kaya kapag napapasama ka sa gaganap sa program ay siguradong hindi ka magiging komportable kapag napadpad sa lugar.

"Baka ang team natin ang ise-send do'n." natatawang saad ni Dijoon na nasa tabi niya. At hindi nga ito nagkamali dahil iyon nga ang sinabi ni Chief Ferrer.

"The board agreed na ang team ni Doctor Mañego ang ia-assign sa lugar na 'yon because Doc Mañego is the most competent and has the ability to diagnose patients without the all use of equipment. Dahil nga sa medyo malayo ang lugar ay hindi masyadong kompleto ang mga gamit doon. Napag-usapan din na nasa team sina Doctor Ferrer, Doc Ricamonte at Doc Austine na pare-parehong mga magagaling din na fellow and residents ng ospital kaya ganoon ang naging desisyon ng board."

Hindi maiwasan na mag-react ng mga kasamahan nila. Ang iba ay natuwa ngunit ang iba ay may hindi talagang magandang komento.

"So, ito pala ang 'di nakakatuwa kapag magaling ka." sarkasmong saad ni Mia. Napa iling-iling na lamang siya sa sinabi nito.

Kapag magaling ka binibigay sa iyo ang mga gawain na hindi kaya ng iba. Doon pa lang dapat swerte ka na dahil bukod sa tiwalang binigay sayo mas madagdagan ang experience mo sa field, iyon ang bagay na pinaniniwalaan niya.

Lahat naman ng trabaho nakakapagod. Kaya nga sabi nila kapag pumili ka daw ng trabaho dapat 'yong passion mo. Dahil kapag passion mo mapapagod ka nga pero nag-e-enjoy ka naman habang ginagawa.

She's in the field of medical because she wants to help people. She wants to cure illnesses of her patients. She wants them to feel that even though they're experiencing pain there's someone who'll give them hope to live and that's them, Doctors.

She always love the feeling when their patients says their thanks to them. Mahal niya ang mga pasyente niya kaya mahal niya rin ang trabaho. She's more lucky dahil nabiyayaan siya ng katalinuhang nagagamit niya sa field na tinatahak niya.

But sometimes, there's a situation where she felt lonely for her patients. That's the time when a patient don't have his/her guardian. Nakakalungkot isipin ang mga pasyenteng ganoon sapagkat habang lumalaban sila para sa kanilang buhay ay walang taong nananatili sa tabi nila. Walang karamay sa oras na nasa malagim silang parte ng buhay nila. Ayaw niya na ulit makakita ng ganoong pasyente dahil parang dinudurog ang puso niya.

"Walang ka bang katabi?" Isang boses ang nagpabalik sa kanya sa reyalidad at nang tumingala siya ay tumambad sa kanya si Trick na nakatayo malapit sa upuang katabi niya na wala namang umuukupa.

Nasa eroplano na sila patungong Palawan upang gawin ang InterCare Outreach Program na na-assign sa kanila and seems like mukhang makakatabi niya sa buong flight si Trick.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status