Share

Chapter 3

"Hoy! Anong ginagawa mo Sayne, aber?"

Nabigla siya nang may dumapong mga palad sa balikat niya. Nang lingunin niya ay si Mia ito at may nagdududang mga tingin na binibigay. Nitong mga nagdaang araw ay masyado na siyang magugulatin marahil siguro sa kakainom niya ng kape.

"Ba't may pasilip silip ka pa r'yan? Sino hinihintay mo?" naniningkit ang mga matang saad nito.

"Ha? Ah, si ano —"

Hindi niya natapos ang sasabihin ng tinulak siya nito at pumasok ito sa loob ng conference room. Naiwan naman siyang 'di makapaniwala sa kaibigan at gusto niyang matawa rito dahil sa nangyari.

Kaya siya sumisilip sa conference room ay para hintayin ang lalaking iyon na lumabas para makausap niya at matanong kung bakit ganito ang reaksyon nito na para bang walang nangyari sa kanilang dalawa. Hindi niya alam kung bakit pero parang may nagtutulak sa kanya para gawin iyon.

Teka nga. May nangyari ba sa'min dalawa? Eh wala naman.

Kanina pa siya naghihintay na lumabas ito pero halos lahat na lang ata ng tao na nasa loob ay lumabas na at wala pa siyang nakitang Trick na lumabas mula sa pinto ng conference room. At ngayon ay mag-isa na lamang ito at pagkakataon niya na sana kung hindi lang umeksena ang baliw-baliwan na kaibigan niya.

Ilang minuto na siyang naghihintay hanggang matapos ang pag-uusap ng dalawa. Iyon ay kung may matino bang sinabi si Mia dito. Nabigla siya nang sumulpot sa harap niya ang lalaking minsang tumugon sa gusto ng kanyang katawan. Iyon ay kung natugunan ba talaga na hindi naman.

"Ah! Eh... Hi pala. Hi-hindi mo ba ako naaalala?"

Kumunot ang noo nito na para bang nagtataka sa tanong. Napangiting aso siya nang ma-realize niyang walang galang ang pagtanong niya na dapat ay meron dahil ito ang magiging prof nila.

"I mean. Gusto ko lang 'pong' ipakilala nang maayos ang sarili ko Doc," saad niya na may pagkadiin sa salita.

Dumapo ang mga tingin nito sa ID n'ya.

"Anesthesiology  department ka diba?" tanong nito habang nasa ID niya pa rin ang mga mata nito.

"Yes po, Doc."

Tumango tango ito sa naging sagot niya at tumingin sa kanya nang diretso.

"Hmn. Pwede ka naman magpakilala mamaya sa —"

"Hindi mo ba ako nakikilala?"

Kumunot ang noo nito sa naging tanong niya. Nagugulohan siya dahil wala talaga itong pinapakitang reaksyon na nagkita na nga sila noon.

"Bakit? Dapat ba kilala kita?"

Para naman siyang nabuhusan ng malamig na tubig sa naging tanong nito. Biglang kumurot ang puso niya. Hindi niya alam kung bakit pero 'yon ang naramdaman niya. Marahil nga baka nagkamali lang siya. Baka hindi talaga ito ang lalaking iyon. Baka nga nagkamali lang ang ala-ala niya.

"Doc Mañego?"

Pareho silang napalingon sa nurse na dumating at nakatingin kay Trick.

"Hmn. Bakit?" malamig na turing nito.

"Pinapatawag po kayo ni Chief Ferrer," nakangiting saad nito.

Ang bait ng pagkangiti nito na para bang may ibang balak kay Trick at iyon ang bagay na mukhang nagdulat sa pagkulo ng dugo ni Sayne.

Hindi niya alam kung bakit ngunit naiinis siya. Lumingon naman si Trick sa kanya at dumuko  ng konti. Senyales na nagpapaalam na ito.

"'Dapat ba kilala kita?' Ano daw? Natural," pag gagaya niya sa sinabi nito nang makaalis na ito kasama ang nurse kanina. "Dapat kilala mo 'ko. Ako lang naman si Sionne Sayne  Ricamonte. Ang pinaka competent na resident sa ospital na 'to n-na... m-muntik mong —"

"Hooooy Sayne! Anong pinagsasabi mo?" Sulpot ni Mia sa likod niya. Hindi niya napansing lumabas na ito kanina sa conference room.

Hindi niya ito sinagot at nauna nang maglakad.

"Ano 'yong kiss mark mo sa leeg?"

Nanlaki ang mata niya sa tanong nito. Paano nito nalaman ang tungkol do'n?

"A-anong k-kissmark?" utal-utal na tanong niya.

"'Yang tinatago mo sa turtle neck na damit mo? Ang init-init ta's naka turtle neck ka?"

"Wala ak—"

"Wag mo 'kong lokohin nakita ko kanina sa CR nang tingnan mo. Inaakala mo siguro mawawala agad 'yan ng isang araw ha," para nagliliwanag ang mukhang saad nito. "So, sino may gawa ng bagay na 'yan?" parang kinikilig na sabi nito.

Kung alam mo lang baka mapatay mo 'ko.

"Kagat ng lamok," palusot niya dito nagbabakasakaling maniwala ito sa sinasabi niyang walang kabuluhan. Ngumisi lang naman ito ng nakakaloko alam na niyang 'di nito kinagat ang sinabi niya.

"Wag mo kong lokohin. Iyan ba ay rason kung bakit ka nawala sa club noong isang gabi?"

Hindi niya naman alam kung sasagot ba siya ng matino sa tanong ni Mia dahil kahit anong palusot pa ang sabihin niya dito ay mukhang wala itong planong maniwala sa kanya.

Hindi naman nila napansin na nakarating na pala sila sa department nila habang kung ano-ano ang usapan. Napansin nilang wala ang mga kasamang doktor nila doon. Nang tanungin ni Mia ang head nurse ay sinabi nitong nasa meeting room na raw ang mga ito. Pumasok naman sila doon at nakita ang mga kasama. Ngunit wala pa ang professor nila.

Kumunot ang noo ni Sayne ng makitang nag me-make up ang dalawang 2nd year resident at panay usapan tungkol sa lalaking kinaiinisan niya.

Padabog siyang naupo sa tabi ni Dijoon na natatawa sa inasta niya.

Ilang minuto lang ay dumating na si Trick at ang cold ng awra nito dahil napatahimik niya ang lahat sa mismong pagsulpot niya pa lang.

"Anyone who wants to ask questions?" naglakad ito patungo sa unahan kung saan nasa kanang bahagi niya si Dijoon na katabi lamang ni Sayne kasama ang 1st year na pinagalitan niya kanina at ang 2nd year at 3rd year na kasama at sa kaliwa naman ay si Mia at ang dalawang 4th year residents.

Nagnakaw siya ng tingin kay Trick ngunit iniwas niya naman nang dumako sa kanya ang mga mata nito.

"Doc, bakit mo po naisipan sa anesthesiology department mag major gayong mas maganda po future niyo maging cardio surgeon o di kaya ay neuro surgeon dahil sa kakayahan niyo?"

"Anong pangalan mo?"

"Dave Shone Mendoza po. 1st year resident."

Tumango naman si Trick sa pagpapakilala nito.

"Paano mo nasabing pwedeng pwede ako sa mga field na ganon?"

"Nabasa ko po ang article tungkol sa inyo. Ikaw po ang pinaka-competent na doktor sa anesthesiology department sa John Hopkins Hospital. May isang article din po na nagsabi na minsan niyong ginawa ang surgery sa utak ng taong may hematoma at sa loob ng 30 minutes ay nagawa niyo."

"Quiet good at digging up, Doc Mendoza," nakangiting sabi ni Trick. Para namang may kung anong bagay ang kumiliti sa puso ni Sayne dahil sa ngiting iyon. Kahit hindi sa kanya nakatingin ang may-ari ng mga ngiting iyon ay ewan niya ba kung bakit parang natuwa siya.

Bigla naman silang napalingon nang bumukas ang pinto at ang nag-aalalang mukha ni Nurse Rose ang head nurse ng department ang sumalubong sa kanila.

"Doc, nag-aapoy po sa lagnat si Ma'am Cathy at ang taas ng heart beat rate niya," nakatingin kay Sayne na sabi nito.

Dali dali namang lumabas ang mga doctor sa kwarto at pumunta sa ward.

Hinawakan agad ni Sayne ang ulo ng pasyente at tama ang sinasabi ni Nurse Rose.

Ginamit niya naman agad ang stethoscope na nakakabit sa leeg niya at pinakinggan ang heart beat ng pasyente.

Nang tingnan niya ang pasyente ay parang namamanhid ang katawan nito at parang 'di nakakaramdam.

Lumapit naman si Trick sa pasyente at hinawakan ang braso nito.

"Nararamdaman mo ba ang paghawak ko?" tanong nito.

Umiling-iling si Cathy. Nagtinginan naman ang mga doktor sa nangyari.

"Anong gamot ang nilagay sakanya?" seryosong tanong ni Trick.

"Lidocaine po Doc. Intravenous Lidocaine for her treatment because she has ventricular arrhythmia. Doc Ricamonte prescribed her 10 mg of lidocaine an hour ago but the expected response wasn't reach, she was given second doze five minutes after."

Tiningnan naman siya ni Trick ng seryosong mukha ngunit wala siyang sinabi dahil tama naman ang ginawa niya.

"Give me her chart."

Inabot niya naman ang tablet kay Trick kung nasaan ang chart ng pasyente.

Ilang segundo iyong tiningnan at binasa ni Trick nang kumunot ang noo nito.

"Give her 10 mg of Dantrolene. She's experiencing malignant hyperthermia," kalmang saad nito.

Pagkasabi no'n ni Trick ay binigay niya kay Sayne ang tablet at naglakad na ito  pabalik sa meeting room.

Kumunot naman ang noo ni Sayne dahil sa pagkabigla. Gayon din ang mga kasamang doktor. Hindi niya alam na ganon lang ito kadali mag suspect ng sakit sa pasyente.

"Excuse, Doc but Lidocaine don't trigger malignant hyperthermia how can you say na iyon nga ang nangyayari sa kanya dahil lang sa isang tingin niyo sa chart niya at paghawak sa braso," hindi makapaniwalang tanong ni Sayne.

"Says who I diagnosed the patient because of those reasons?"

Para namang namaang ang dila niya sa naging sagot nito.

"Next time, read carefully the chart of your patient, Doc Ricamonte. You may paralyze your patient for life."

Tumalikod na ito at pumasok sa kwarto. Para namang may kung anong bagay ang tumapak sa pride niya dahil sa sinabi nito.

Dali dali niyang tiningnan ang tablet at binasang mabuti ang chart ng pasyente.

"She has history of Malignant Hyperthermia Sayne. May sakit na gano'n ang ama ni Miss Cath," sabi ni Mia nang lumapit ito sa kanya at binasa rin ang chart.

"And then? Still Lidocaine can't cause MH," napupuno ng sabi ni Sayne. Kahit ang totoo ay naiinis din siya sa sarili dahil hindi niya nakita iyon sa chart. Dali dali din naman siyang sumunod kay Trick at sisiguraduhin niyang ipapamukha niya dito na wala siyang nagawang mali.

Padabog niyang isinara ang pinto nang makapasok siya sa office nito. Kumunot naman ang noo nito nang tiningnan siya.

"Local anesthetics like lidocaine do not trigger malignant hyperthermia. How can you easily say and diagnose that the patient you just see and observed for a minute has that disease?" naiinis na sabi niya dito.

Hindi ito sumagot sa sinabi niya at binigyan lang siya ng walang emosyong tingin.

"I don't care kung gaano ka ka-competent na doctor at galing sa pinaka-prestisyosong ospital but when it comes to my patients health pwede bang mag ingat ka na—"

"Have you ever treated someone who has ventricular arrhythmia?" tanong nito at hindi pinatapos ang sinasabi niya.

Napailing siya at natahimik. Miss Cathy is her first patient for that disease at grabe ang pag-aaral niya tungkol sa mga posibleng maging impact ng mga gamot na binibigay dito.

"I encountered 2 and she's the 3rd one and specifically... I encountered a case of malignant hyperthermia caused by intravenous lidocaine." walang emosyong sabi nito.

"I once have my own patient who was 42 year old a male admitted with ventricular arrhythmia. He was treated with large doses of lidocaine. His body temperature rose to a maximum of 41.7 degrees C, and generalized muscular twitching was observed before he lost consciousness. Serum and urinary myoglobin levels became elevated. This abnormally high fever was relieved only by dantrolene sodium. After we made a diagnosis of malignant hyperthermia and stopped the lidocaine infusion, the high fever resolved quickly. It is important to note that malignant hyperthermia can be caused by lidocaine and amide-linked local anesthetics and one thing, your patient has a history of that disease kaya 'di maiwasang ma-trigger iyon ng mga gamot na binibigay sa kanya. Read the chart of your patient carefully, Doc Ricamonte."

Napatahimik naman siya sa sinabi ni Trick. Aaminin niyang nagpadalos-dalos din siya sa paraan ng pagkausap dito without taking the gap na prof ito at resident lang siya.

"I'm sorry," plain na sabi niya without looking at him.

"Look Doc Ricamonte, I know you're the most competent and valued resident in this hospital because of your competency but why don't you trust your co-doctors and seniors. We're not treating patient here through pride and competency but trust and reliability."

"Why would I trust you when you easily forget people whom you almost had love before?"

Hindi siya makapaniwala sa lumabas na salita sa bibig niya. Naningkit ang singkit ng mata ni Trick sa kanya marahil ay nabigla rin sa mga salitang kanyang nasabi.

"Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo but looks like you're driven by your emotion right now. Kung wala ka ng sasabihin pwede ka nang lumabas." Pagkasabi nito sa kanya ay bumalik na ito sa mga papel na pinagkakaabalahan nitong basahin.

"Hindi mo ba ako naaalala o ayaw mo lang akong alalahanin. Simple lang naman ang gusto ko. Ang sabihin mo sa 'kin na naaalala mo 'ko noong gabing 'yon at tapos na."

"Ano bang meron sa gabing sinasabi mo at gusto mong maalala kita?" mukhang napupuno nang sabi ni Trick sakanya.

"Gusto ko lang manghingi ng sorry at magpasalamat. Sorry dahil nagawa ko ang bagay na 'yon. Dulot lamang iyon ng gamot at wala ng iba pa. At salamat dahil hindi mo pinagsamantalahan ang kahinaan ko. Sorry at salamat kung ikaw man iyon. Ngunit kung hindi at nagkakamali lang ako, sorry sa abalang naidulot ko."

Pagkasabi niya sa mga salita na iyon ay nagpaalam na siya at lumabas sa kwarto.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status