Share

Chapter 7

Chapter 7

Kinaumagahan, huli na si Sayne nagising kay Trick. Nang tingnan niya ang higaan nito at wala na ito doon at tanging nakatuping higaan at ang damit nito na ibibihis ang nakita ay sigurado siyang naliligo ito at baka nasa banyo. Ngunit nang tingnan niya rin ang banyo ay bukas naman ang pinto.

Saan ba siya naligo?

Nang tingnan niya ang wristwatch ay 4:00 a.m pa lang. Eksaktong oras iyon na sinabihan siya ni Trick kagabi na bumangon. Saglit pa siyang humiga bago tuluyang napagdesisyunan na maliligo. Napangiti siya at nakahinga ng maluwag nang makitang puno ang lalagyan ng tubig sa banyo. Kaya excited siyang naunang maligo bago pa darating si Trick na tiyak niya namang hindi pa naliligo.

Nasa kalagitnaan na siya ng pagliligo ng ma-realize niyang hindi niya nadala ang lotion body wash niya sa loob ng banyo. Napakagat labi siya dahil kahit ang bath robe ay nakalimutan niya. Nasanay kasi si Sayne sa condo niya na nasa banyo na ang towel. Ilang minuto niya munang dinaramdam ang paligid at baka dumating na si Trick at maghingi na lamang siya ng pabor dito na ipaabot sa kanya ang mga naiwan niya sa kama ngunit inaatake na siya ng ginaw ay wala pa rin siyang narinig na pumasok sa kubo.

Bahala na.

Napagdesisyunan niya na lamang na mag ninja-ninja sa naging resulta ng katangahan niya. Inilabas niya ang ulo sa pinto at nang makitang sarado naman ang pinto ng kubo ay mabilis siyang tumakbo para kunin ang tuwalya nang kung walang ano-ano’y may pumasok sa kubo which made her freeze from what she’s doing at napatingin sa taong pumasok.

It’s Trick.

Basa ang buhok nito at naka pedal lang na suot sa ibaba at walang pang-itaas na saplot. May dala itong dalawang gallon na nasa tig-iisang mga kamay nito na bigla rin naman nitong nabitawan dahil marahil sa nakita nitong kaganapan nang pumasok sa loob.

“What are you doing?” Diretso ang tingin nito sa mga mata niya mukhang wala rin sa reyalidad ang tanong nito at ‘di man lang bumaba sa kanyang katawan ang mga mata. “I’m sorry. Hindi ko sinasadya,” seryosong saad nito at napalunok bago siya tinalikuran at lumabas ulit sa kubo.

Pareho silang hindi naka-react agad sa nangyari. Ilang segundo bago niya ma-realize at kusa na lamang siyang sumigaw.

“AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!” Dali-dali niyang hinablot ang bath robe niya at isinuot iyon at ilang segundo lang ay may naririnig na siyang mga tao sa labas ng kubo nila at tinatanong kay Trick kung ano raw ba ang nangyari.

Narinig niya pang nagbiro ito na nakakita siya ng daga at hindi pa raw siya magkamayaw sa pagsigaw pagkatapos itong makita.

Lumabas siya sa kubo at nilapitan rin naman siya ni Mia, Jion at curious na curious sa nangyari.

“Nakakita ka lang ng daga ganyan na agad reaksyon mo, binulabog mo pa kami,” natatawang saad ni Jion.

“Imposible pong may daga Doc Sayne nilinis naman namin lahat ng parte ng kubo,” may halong ngiti na saad ni Jolina nang lumapit ito sa kanya. Para itong may halong pang-aasar sa paraan ng pagkasabi nito. Galing ito roon kina Trick at mukhang kanina pa ito gising.

Parang ang lahat naman at maliban sa kanilang mga doctor ang kanina pa nagising at mukhang may inaasikaso na. Ang aga talagang magising ng mga tao kapag nasa probinsya.

Pinabalik na ni Trick ang lahat sa kani-kanilang gawain at bumalik na rin silang dalawa sa kanilang kubo ngunit naguguluhan siya at kinabahan sa huling sinabi ni Jolina.

“Basta ako Doc Sayne ‘di naniniwala na nakakita ka ng daga si Doc Trick yata ang may nakitang ikinasigaw mo eh.” Pahabol na bulong ng dalagita bago ito sumunod kay Mia.

Napakagat labi siya ng maalala iyon. Ano kaya ang nakita ng ni Jolina sa nangyari sa kanilang dalawa ni Trick.

Nang makapasok sa kubo ay mas lalong namuo ang ilang sa paligid nilang dalawa. Pumasok siya ulit sa banyo at tinuloy ang pagligo niya at nang matapos siya at nakabihis na si Trick at kaharap na naman nito ang mga records na kinuha niya sa health center kahapon.

Tinitigan niya ito dahil may gusto sana siyang sabihin ngunit ‘di niya magawa-gawa.

“I’m sorry earlier.” Nabigla siya nang magsalita ito. Buti na lang ay nagsalita ito kundi ay mapapatay siya ng ilang na nararamdaman niya kanina pa.

Hindi niya pinansin ito at hinayaan lang. Kung alam lang nito ang nararamdaman niyang hiya ay sigurado siyang pagtatawanan siya nito.

Ganoong klase ba ng tao si Trick?

Naalala niya ang nangyari kanina nang makita siya nitong walang saplot. Ni hindi tumama ang mga mata ni Trick sa katawan niya kundi nakatitig lamang ito sa kanyang mga mata. She smiled because Trick is a focused type of man at hindi madaling makuha ang atensyon nito ng mga ganoong bagay.

Focused men are powerful men.

Alas siete nang magsimula ang outreach nila. Si Jion at Mia ang nakaatang sa mag che-check ng BP at heart rate ng mga mamayan at si Sayne naman at Dijoon sa pag i-interview sa mga ito tungkol sa kani-kanilang mga karamdaman. Samantalang kay Trick naman nila binibigay ang pasyente kapag complicated at hindi basta-basta lang i-diagnose.

"Magandang araw po, ako po si Clarisse Reyes," bati ng babaeng sa tingin ni Sayne ay ka-edad lang niya. Morena ang kulay ng balat nito at napakaganda. Kahit nga siya ay napapahanga sa kagandahang taglay nito ano pa kaya kapag lalake ang titingin dito.

"Magandang araw din naman," bati niya pabalik at naghintay sana sa papel na i-aabot nito kung saan nilalagay nina Jion at Mia ang BP at heart rate ngunit wala itong ibinigay sa kanya.

"Doc, gusto ko po sanang hingan kayo ng pabor. Tungkol po sa kapatid ko. Hindi ko po siya dinala rito dahil may sakit siya at ang sakit niyang iyon ang rason kung bakit hindi siya pwedeng dalhin dito."

Sayne's curiousity and empathy towords her patients triggers. Marahil ay physically disabled ang kapatid nito kaya 'di maaaring dalhin at wala itong mga gamit na pwedeng gamitin upang madala dito.

"Ano bang nangyari sa kanya?"

"Eh kasi po Doc, sumasakit ang balat niya kahit wala naman pong nakikitang galos o sugat sa kanyang katawan. Kahit simpleng paghawak lang po, pagtama ng hangin sa kanyang balat o ang pagdaplis ng damit niya sa katawan ay nahihirapan na siya at namimilipit sa sakit. Naaawa na po ako sa kalagayan ng kapatid ko halos tatlong buwan na siyang nahihirapan," nakagat labing paliwanag at saad nito sa kanya. Ni halos hindi nito magawang makatingin ng diretso sa mga mata niya.

"Dinala naman na namin siya sa provincial hospital noong nakaraang buwan. Ang sabi ng doktor sakit lang daw ng balat 'yon at mawawala rin naman kapag araw-arawin lang ang pagliligo ngunit di naman po nangyari ang inaasahan naming paggaling ng kapatid ko."

"May health history ba kayo ng pamilya na may ganitong sakit?" tanong niya.

"Wala po, Doc. Si Jaybee lang po ang nagkaroon ng ganoong sakit sa amin magpapamilya. Nais ko po sanang hingan kayo ng pabor na dalawin po ang kapatid ko, Doc at tingnan," naiiyak nang saad nito.

"Saan ba kayo nakatira?"

"Sa kabilang isla lang po, Doc...Doc Ricamonte," pagdadalawang isip na saad nito sa last name niya nang makita ang kanyang name tag sa lab coat na suot.

"Can you wait there?" turo niya sa waiting area ng mga nagpapakunsulta. "I'll approach you later kapag nakausap ko si Doc Mañego at nasabi ang tungkol sa case mo. Don't worry, we'll find ways to diagnose your brother properly. Ok?" sabay ngiti niya rito at hinawakan pa ang balikat nito giving her the assurance that they will help her.

Tumango-tango naman ito. After entertaining 2 patients ay hinayaan niya muna si Dijoon ang mag-aasikaso sa paparating pa at pinuntahan si Trick.

Trick is busy entertaining patient as well at nang mabakante ito ay nilapitan niya ito at kinausap at sinabi ang case tungkol dito. Walang alinlangan na nagdesisyon si Trick na dalawin ang pasyenteng sinabi kanina. Sinabi nitong pupuntahan nila iyon bukas na bukas din kapag maaga nilang natapos ang consultantation sa lugar na 'to.

"Doc Mañego, it's a rare case for me to encounter this kind of disease. Hindi naman po CRPS ang sakit ng kapatid niya tulad ng inaakala ko, diba?"

"CRPS typically develops after an injury, a surgery, stroke or heart attack, we can't conclude that as of now until we have further questions and test."

Tumango-tango naman siya sa sinabi nito. CRPS is a chronic pain that usually affects the arm and leg commonly nasa utak lang ang sakit. Kahit wala namang sakit ang katawan ay nagbibigay ang utak ng chemicals na may sakit ang parte ng katawan kahit hindi naman nag-eexist and it needs a further test first bago maka diagnose na ganoong sakit.

"Can you tell the guardian to come here so I can talk to him and ask everything regarding the patient."

Ginawa niya naman agad ang sinabi nito. Trick is undisturbed when he's focusing in his patient and work kaya hindi maiwasan ni Sayne na mapahanga rito.

She continue her work kasama si Dijoon habang pa-simpleng ninanakawan ng tingin si Trick at Clarisse na nag-uusap. 10 metro lang kasi ang layo ng lamesa nito sa lamesa nilang dalawa ni Dijoon.

Hindi niya malaman kung bakit niya iyon ginagawa at naiinis siya kapag nahuhuling ngumingiti si Trick habang kausap ang babaeng iyon.

"The audacity. She still managed to smile kahit hindi pa nga nalalaman ang totoong sakit ng kapatid niya," bulong niya sa sarili. Narinig naman ito ni Dijoon kaya natawa ito.

"Init ng ulo natin ah," pagbibiro nito. "Anong pangalan ng babaeng 'yon? Hindi ba ikaw ang nag nagtanong doon kanina?"

Tumango lang naman siya at inismiran ito kaya mas lalo itong ngumisi sa kanya.

"Maganda siya. Hindi lang maganda, kundi sobrang maganda. Filipina na Filipina ang beauty. Unlike niyo ni Mia alagang glutathione ang balat," pang-aasar nito.

"Pwede ba Dijoon, tatapakan ko talaga 'yang paa mo," kalmang saad niya na may nakangiting sarkastiko.

"May sakit ba siyang komplikado i-diagnose kaya sinend mo doon kay Doc Mañego?" Sumeryoso ito sa pagkausap sa kanya.

"'Yong kapatid niya. May hindi malamang pananakit ng balat kahit wala namang nakikitang rashes o sugat sa panlabas. I thought it's CRPS pero ang sabi ni Doc Mañego hindi daw agad-agad iyon masasabi. Kaya sila nag-uusap ni Clarisse dahil sinabi niya sa akin kanina na kakausapin niya ang guardian ng pasyente nang matanong ang health history ng pamilya o ano ba talaga ang nangyari."

"CRPS? Isn't that disease the opposite of the famous rare disease, CIPA? CIPA can't feel pain while CRPS is you feel pain without reasons." Para pa itong natuwa sa nalaman. Binigyan niya naman ito nang nagtatakang tingin.

"In my thesis when I was 4th year, I research about CIPA and you know what's exciting about it. There's a black lab in U.S that experiment people with that kind of genes. A lab that experiments people illegally. Yet, it was just a theory na may ganoon ngang lab pero wala pa namang nababalitan na totoo iyon. Puro pa lang mga article ang mga nababasa ko pero 'di naman naging famous dahil parang wala naman yatang curious gaano sa ganoong bagay."

"CIPA. CIPA. That's so rare. Imposibleng may ganoong tao dito sa atin ang may ganoong sakit," saad niya naman.

"Kaya nga, that's my point. You're hunch that Clarisse' brother has a CRPS is the same like people with CIPA, I-M-P-O-S-I-B-L-E. Imposible!"

Nagawa pa nitong mag spelling sa kanya. Tama nga naman ito. Medyo imposible ang sakit na iyon na ma-encounter nila rito.

"Pero huwag ka. We're in the field of science. Everything is discoverable and possible. Malay mo ako may CIPA," natatawang saad nito. "O 'di kaya si Doc Mañego."

"Tumigil ka nga," sabay palo niya sa balikat nito.

"Huwag mo kong paluin. Duda pa rin kami sa pagsigaw mo kaninang umaga sa kubo niyo ni Doc Trick," pagpapalit nito ng usapan at ngumiting aso sa kanya.

"Anong ibig mong s-sabihin?" nag-aalangang tanong niya.

"May nangyari sa inyong dalawa ni Doc."

Para namang gusto niyang lamunin na lamang siya ng lupa sa sinabi ni Dijoon. Paano na lamang kung alam nito ang totoong nangyari sa kanilang dalawa ni Trick kaninang umaga?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status