Share

Chapter 56

"Sayne, please hear me out!"

Napapikit si Sayne sa taong doorbell nang doorbell at nakatingin lang sa door camera ng condominium niya.

It's Trick.

Ayaw niyang pagbuksan ito at ayaw niyang marinig pa ang boses nito pero hindi niya alam kung bakit may parte sa kanya na gustong panatilihin lang si Trick sa panunuyo sa kanya dahil alam ng kabilang bahagi ng katauhan niya na kapag consistent lang ito ay malulusaw rin ang yelong pilit niyang binubuo ulit sa kanyang puso para sa kanyang sarili.

Kanina pa si Trick sa labas at alam niyang kapag tatagal pa ito doon ay pupuntahan na ito ng security ng building kaya minabuti niyang tawagan na iyon at sabihing ayos lang at walang dapat alalahanin dahil hindi naman siya nagagambala nito. Iyon ang ginamit niyang pagsisinungaling.

Mabuti na lang soundproof ang wall ng kanyang mga kapitbahay kaya walang magagambala sa ginagawa ni Trick.

Hi

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status