Share

He, Who Can't Feel Pain
He, Who Can't Feel Pain
Author: itsssMorpheus

Chapter 1

"Sayne! Hindi ka ba talaga sasayaw?!" pasigaw na tanong ni Mia sa kanya ang best friend niya upang magkarinigan sila dahil ang ingay sa loob ng club.

Maraming tao sa floor at nagsasayaw at ang iba naman ay nasa table lang nila at nag-iinuman.

"Hindi. Enjoy yourself at dito lang ako." Ngumiti siya at tinulak ito para sumama na sa mga kapwa nilang doctor na nagkakasiyahan sa dance floor.

"Sure ka na ba talaga?" tanong ulit ni Mia. Natawa tuloy siya sa reaksyon nito. Alam niyang nagdadalawang isip itong iwan siyang mag-isa sa counter ng bar.

"Oo nga. Kulit naman. Ayos lang ako dito nakikita ko naman kayo oh," saad niya sabay turo sa mga kasama.

Tumango-tango na lamang si Mia at kumaway-kaway bago siya talikuran at iwan sa counter ng bar. Alam nitong hindi talaga siya mapipilit nito sa pagsasayaw dahil sayaw ang pinakaayaw niya sa lahat.

"One glass of Margarita please," sabi niya sa bartender at ilang segundo lang ay binigay na nito ang order.

Nagkakasiyahan sila ngayon dahil wala na ang terror nilang professor sa anesthesiology department.

Matagal-tagal din nila iyong hiniling na sana ay aalis na ito sa ospital at huwag na huwag nang babalik sapagkat problema ang palaging dulot nito sa kanila.

Si Dijoon na nasa 2nd year fellowship nito ang namamahala sa department nila ngayon sa utos ng chief ng department na ina rin naman nito.

Wala rin naman silang pasyente kaya swerte sila sa pagkakataong ito. Sa susunod na araw pa darating ang papalit sa prof nila kaya sinusulit na nila ang pagkakataon.

Hindi niya namalayan kung ilang baso na ng Margarita ang naubos niya dahil mukhang natamaan na siya ng alak at nagsisimula na siyang mahilo. Pinili niyang tumayo para pumunta ng banyo nang may umupo sa tabi niya kaya kunot noo niya itong tiningnan.

"Hi. I'm Knight, mind if I join —"

"Di ako nakikipag-usap sa hindi ko kilala," prangkang sabi niya at umupo ulit. Naiinis man sa taong kausap at gusto niyang iwan ito ay hindi niya ginawa dahil hindi siya ang tipo ng taong mambabastos sa kausap dahil may edukasyon siyang natapos.

Nakita niyang ngumisi ito sa kanya at tinawag ang bartender. "Give me one glass of Margarita for this beautiful lady here."

Medyo nahihilo na nga talaga siya dahil sa nainom niya ngunit nakikita niya pa nang maayos ang mukha ng lalaki at aminado siyang gwapo nga ito pero sigurado siyang hindi niya ito type.

Nang ibigay sa kanila ng bartender ang baso ay hinawakan muna ito ng lalaki bago ibinigay sa kanya. Nang ibinigay sa kanya ang baso ay napabuntong-hininga siya at tinitigan ang alak na nando'n at tinungga lamang ito ng isang beses.

Nakita niya kung paano nabigla ang lalaking kausap niya sa ginawa. Padabog niya namang nilagay ang baso sa counter at ngumisi sa lalaki.

"Alam ko ang mga tipo mo eh. Kaya kung may plano ka na lasingin ako at gawin 'yang gusto mo p'wes sasabihin ko sayo hindi low ang alcohol tolerance —"

Bigla siyang napakunot noo nang maramdaman ang matinding pagkahilo at 'di natapos ang sasabihin nang parang may kung anong nararamdaman ang bumubuo sa katawan niya.

"Well... You may have high alcohol tolerance but not when —"

"Knight!"

Tinis na boses ng dalawang babae ang narinig nila at lumapit ang mga ito sa lalaki. Walang alinlangan ang mga ito na yumakap at lumingkis sa Knight na iyon at hinalikan pa. Kaya nakatiyempo siyang iwan ang mga ito at tumakas sa kung anumang plano ng lalaki kanina.

Doctor siya at alam niyang may nilagay itong gamot sa ininom niyang Margarita nang hinawakan nito ang baso kanina bago nito binigay. Ang tanga niya lang at hindi niya iyon napansin agad.

Kinakabahan siya sa naisip niyang gamot na nilagay dahil iba ang dulot nito sa katawan at hinihiling niyang sana ay mali ang akala niya.

Kahit hilong hilo ay kinaya niya ang sariling kumuha ng kwarto upang doon niya matago ang sarili.

Top Class ang club na pinuntahan nila at may sarili itong hotel room sa taas na pwede mong pagpalipasan ng gabi kung nagkataong hindi ka makakauwi dahil sa kalasingan.

Ngunit nang papasok siya sa elevator ay may isang lalaking lumabas mula doon at nag-iba ang reaksyon ng katawan niya.

Napahawak siya ng mahigpit sa pinto ng elevator dahil nagtangka ang katawan niyang lapitan ang lalaki at yakapin ito.

Doon niya nakumpirma kung anong gamot ang nilagay ng lalaking Knight na iyon sa alak niya.

It's Flibanserin.

Isa 'yong gamot na nagpapalakas ng libido ng babae. Muntikan niyang hindi mapigilan ang sarili sa pagtangkang pagyakap sa lalaki mabuti na lamang ay umalis na ito at dali-dali naman siyang pumasok sa elevator at pinasara ito at pinindot ang floor niya.

Ang init ng katawan niya at mas nadagdagan ang pagkahilo. She felt that her mouth is drying. Isa ang mga 'yon sa side effect ng gamot na Flibanserin lalong lalo na't nakainom siya ng alak na isa sa mga hindi maaaring gawin kapag uminom ng gamot na 'yon.

Gumaan ang loob ni Sayne nang bumukas ang elevator sa floor kung saan nando'n ang room number niya at walang tao sa hallway.

Dahil sa matinding hilo ay nahihirapan siyang maglakad at napapahawak sa wall upang makarating sa pinto ng kwarto.

Nang marating ang kwarto ay in-encode niya na ang password dito ngunit kahit pag-type ay nahihirapan siya dahil sa matinding hilo.

Narinig niyang may bumukas na pinto at kinabahan siya nang malaman niyang ang kaharap niyang kwarto ang bumukas. Hindi siya lumingon at hinihiling sa sana ay hindi tatraydor ang kanyang katawan. Ngunit bago niya matapos ang pag-type ng password sa pinto ay sumuko na ang katawan niya at nalaglag siya sa sahig.

Biglang lumakas ang tibok ng puso niya at uminit lalo ang katawan nang may lumapit sa kanya upang tulungan siya.

"Don't touch me," saad niya at iniharang pa ang mga palad sa harap ng lalaki senyales nang pagpigil niya sa paglapit nito at hindi ito tiningnan upang maiwasan ang kung ano mang dinadaing ng letche niyang katawan.

Wala siyang plano na ibigay ang virginity sa kung sino mang taong makakabangga dahil lang sa daing ng katawan na hindi niya rin naman ginusto.

Sinubukan niyang tumayo ulit at balansehin ang katawan kahit nahihilo ngunit nang sa kalagitnaan na siya nang pagtayo ay muntikan ulit siyang matumba at mahulog sa sahig. Bago pa niya maramdaman ang pagkahulog ay may matipunong mga braso na ang humawak sa beywang niya at leeg upang di siya malaglag.

Sa pagkakataong iyon doon niya nakita ang pagmumukha ng maginoong sumalo sa kanya. Parang humina at bumagal ang oras nang magtama ang paningin nila. Bumilis lalo ang pagtibok ng puso niyang hindi niya maipaliwanag kung ba't nangyayari. Those eyes, those mesmerizing eyes.

"Ayos ka lang?" uminit ang katawan niya ng marinig ang baritonong tinig nito. Ang lalim at parang ang sarap niyang pakinggan kung kumanta.

Nakita niya kung paano gumalaw ang Adams Apple nito dahil napalunok ito. Marahil ay nagtataka sa binibigay na reaksyon niya. May isang nunal ito sa kaliwang gilid ng leeg at ang sarap kagatin no’n. Sa pagkakataong ito, aminado siyang gwapo ito at sigurado siya sa sarili na ito ang lalaking tipo niya.

"Hey woman, are you —"

Hindi niya pinatapos ang sasabihin nito at hinila ang leeg upang walang alinlangan itong halikan ng mapusok.

Para namang may kung anong uri ng boltahe ang nanalaytay sa katawan at kaibuturan niya nang dumampi ang labi nito sa labi niya at hinihiling niyang tutugon ito at punan ang daing ng katawan. Ngunit hindi dahil hindi ito tumugon kundi marahas siyang nilayo habang hawak pa rin siya.

"What the hell is happening to you?" tanong nito at tiningnan siya ng diretso sa mga mata.

His eyes is mesmerizing and those eyes made her flatter kahit sa ganitong eksena nilang dalawa.

"Pinainom ako ng Flibanserin," walang alinlangang sagot niya na para bang magkakilala na sila. Nakita niya kung paano umiba ang reaksyon nito na para bang alam nito kung anong klaseng gamot iyon. Nakita niyang napalunok ulit ito pero this time pag-alala ang pinakita nitong reaksyon.

Walang gamot ang makakakontra sa Flibanserin. Ang tanging magagawa mo lang para mapigilan ang daing ng katawan ng nakainom nito ay patulugin ito o sagutin ang hinihiling ng katawan ng nakainom sa gamot.

"I'm sorry," tanging nasabi niya at niyapos ang leeg ng lalaking hindi niya kilala. She gives her very boldly and seductively kisses para tugunan nito ang halik niya at bumilis ang tibok ng puso niya nang sa pagkakataong ito ay tumugon ito sa halik. Hindi maiwasan ng katawan ni Sayne na mag-react. It's her first time. Unang beses ito sa buhay niya na may labing dumadampi sa labi niya.

He's a great kisser.

Ang inaakala niyang siya ang mag-effort para tugunan nito ang mapusok na katawan niya ay hindi nangyari dahil ito na ang gumaya sa kanya.

He kissed her torridly at pinasandig siya sa labas ng pinto nito. She's closing her eyes while feeling his kiss. Napamulat siya ng tumigil ito at sumalubong sa kanya ang mahipnotismong mga mata nito. She's in her rough breath while he's still calm.

Hindi ito nagsalita at in-encode ang password nito sa pinto. When she heard the sound of the door na bukas na ay marahas niyang hinila ang damit ng lalaki at hinalikan ito. Naramdaman niyang may sumilay na ngiti sa labi nito dahil kahit hilo ang katawan niya sa gamot ay nasa matino pa rin naman ang pag-iisip niya.

When they entered his room ay siya ang nagsara sa pinto habang yakap at hinahalikan pa rin ang lalaki.

Hindi niya na inisip kung sino pa ang kukuha ng pagkababae niya dahil sa sitwasyon niya ngayon kung hindi niya masagot ang daing ng katawan ay mababaliw siya.

She let his kisses travel down to her neck. Idagdag pa ang mga kamay nito na marahang dumadaloy paloob sa kanyang damit.

Damn! She’s going crazy.

Gusto niyang sambitin ang pangalan nito ngunit hindi niya alam. Hindi ito nagpakilala sa kanya.

Nagtangka sana siyang hubarin ang black t-shirt nito nang hawakan nito ang kamay niya at hindi siya hinayaan.

"Why?" tanong niya dito habang nasa leeg niya ang mga labi nito and he's leaving a kiss mark on her neck. Damn! Ano na lamang ang gagawin niya bukas para matago ang markang 'yan sa ospital?

Tumigil ito sa paghalik sa kanya at tinitigan siya. Mata sa mata at kakaibang pakiramdam ang epekto ng mga titig na 'yon.

"I can still answer your urge even if I'm with my clothes."

The moment he said those words ay hinalikan na naman siya nito at dinala sa kwarto nito at pinahiga.

His kiss is so passionate na para bang pinapakalma nito ang katawan ni Sayne. He as if really knows if what her body needs.

She's waiting na tatanggalin nito ang mga saplot niya kung wala itong balak magpahubad sa kanya pero hindi nito ginawa.

Nagtaka siya nang parang may kinuha ito sa side table ng kama ngunit hindi na lamang iyon pinansin. She's feeling his touch while her eyes are closed.

"Ahh! Hmmm..." Napadaing si Sayne hindi dahilan ng paggalaw nito sa katawan niya kundi may kung anong bagay itong itinusok sa braso na ilang segundo lang ay nagdulot sa kanya ng kaantukan.

"Wh-why am I feeling s-sleepy?" tanong niya dito. Wala na itong ginagawa sa kanyang katawan at nakipagtitigan lamang.

"Saving you," saad nito na ang lalim ng boses at ang seryoso. She loves men who has a deep voice at ngayon ay narinig niya ang boses na gustong-gusto niya.

Ilang segundo lamang ay parang nawawala na ang paningin niya at ang huling nakita niyang mukha ay ang mukha ng lalaking pinili niyang ipagkaloob ang sarili ngayong gabi dulot ng gamot na nainom.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
IT'SKATELYN BASALO
Idolllllllll......
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status