Share

Chapter 22

"Yvonne.." may mahinang yumugyog sa balikat ko, tamad akong nagmulat ng mata.

"We're here na," Xavion caressed my cheeks, dinampian niya ako ng halik sa labi.

Nang bumangon ako, napansin kong kami na lang ang natira sa loob ng van, malaya na rin na nakabukas ang pinto.

"Xav," I traced his face using my fingers. Pinigilan kong ipakita ang kalungkutan. 

"Hmm?" para akong hinihila papalapit ng kaniyang mata. I can't avoid his stare, kung pwede lang na magdamag ko siyang titigan, gagawin ko. Natatakot akong pumikit, na baka pagmulat ko, wala na siya sa harap ko. 

"Mahal mo ko di'ba?" He frowned. "Yes, Yvonne. I do."

Ngumiti ako. "Me too." 

Bago pa tumulo ang luha ko, hinatak ko siya papalapit at siniil ng halik ang kaniyang labi. Narinig ko ang pagsara ng pinto ng van pero hindi iyon ang pumigil sa akin para mas palalimin ang halik. 

"We can't do this thing here, baby," bulong niya. Napapapikit ako nang halikan niya ang leeg ko. 

"Then, where?" 

"Sa hotel, Yvonne," nagmulat ako at saka pinamulahan. He chucked, mahina niyang pinisil ang ilong ko. 

"Later, mag-ayos muna tayo." 

Binuksan niya ang pinto at naunang lumabas, naglahad ito ng kamay sa akin. I was stunned when I saw the entrance of the resort. Nagcheck in kami sa hotel, his father's eyes squinted nang marinig na magsasama kami sa isang kwarto, habang ang mga kapatid niya ay nagpatuloy sa panunukso. 

Inihagis ko ang sarili sa malaki at malambot na kama. Sapat ang tulog ko pero pagod na pagod pa rin ako. Naramdaman ko ang paglubog ng kama, banda sa magkabilang gilid ko, pagmulat ko'y naroon si Xavion, pamungay ang matang nakatingin sa akin. 

"Yvonne, tell me.." bumaba ang tingin niya sa aking labi. "What bothers you today?" 

Umiiling ako. "Wala, Xav. Wala." 

Pumikit akong muli. Masuyo niyang hinalikan ang leeg ko. Habang ginagawa niya iyon, inaalala ko ang masasaya naming araw na magkasama. Dumami ang katanungan na naglalaro sa aking isip at natatakot na masagot 'yon. 

"Ikaw, Xav. May dapat ka bang sabihin?" 

Napahinto siya sa paghalik, hindi ko magawang imulat ang mata ko. Ang tanging gusto kong marinig sa kaniya ang inaabangan ko. 

"Hmmm, wala naman," tumango ako. 

"Yvonne, I hope you're okay. Kahit sabihin mong ayos ka lang, nararamdaman ko na hindi talaga." 

"You know what, let's just stop talking about this. We came here to have a break, mag-relax na lang tayo," I said, he sighed. 

Isang oras ang nakalipas, tinawag kami ni Xion. Kailangan na raw namin na bumaba para maghapunan. I wasn't ready, kakain lang naman kami, but I'm not comfortable to eat with his father. Xavion held my hand tightly, nakapatong iyon sa kaniyang hita. 

"So, hija.." tumikhim ang tatay nila, naiilang akong nag-angat ng tingin. 

"Are you aware of Xav's situation?" 

"Pa!" hinampas ni Xavion ang lamesa, sinubukan siyang pakalmahin ni Ate Xyrile pero hindi ito nagpaawat. Hinigpitan ko ang pagkapit sa kaniya, nag-aalala siyang bumaling sa akin. 

"Xav, kumalma," humarap akong muli sa kaniyang Papa. 

"Yes po. Alam ko," nagtangis ang bagang ni Xavion pagkatapos ay napaawang ang labi. 

"Then why are you keep on connecting with Xavion? Maaring makasira ng imahe mo ito, hija."

"Dad! You can't force me!" angal ni Xavion, his mom was silently crying. 

"I'm not talking to you," maotoridad na sagot sa kaniya ng ama. 

Tumahimik si Xavion, he's panting hard, humihigpit lalo ang kapit niya sa akin. Kalmado akong tumingin sa kanila, pero sa loob ko'y bumibigay na. 

"Phen's family is rich, may malaking kompanya sa ibang bansa. Kayang kayang suportahan ang kompanya ko," pinagsiklop niya ang kamay sa ibabaw ng lamesa. 

"I only wants the best for my son. Isama mo na rin ang magandang hinaharap nilang magkakapatid. My company is slowly losing, I need someone like them.." tumango lamang ako. 

"Tell me, hija. Anong mayro'n ka na maaring bumuhay sa pamilya ko?" 

I got nothing. Kung pera ang pag uusapan, aminado akong hindi papasa ang negosyo ng magulang ko, ang tanging bumubuhay sa amin. Pero kung pagmamahal, marami. 

"Stop this, Pa. I'm not getting engage to someone." 

Tumayo si Xavion at hinila ako patayo, nagtapuan ko ang sarili na tumatakbo palabas ng hotel, bitbit ang bagahe namin. He's talking with someone on the phone, palabas na kami sa resort. 

"Xav, bakit tayo aalis?" 

"Uuwi na tayo, Yvonne," mariin niyang sabi, I couldn't protest. Kagustuhan ko rin naman iyon, hindi ko kaya ang ginawang pagtapak sa pagtao ko ng kaniyang ama. 

Niyakap niya ako nang sobrang higpit, hinimas niya ang buhok. 

"Cry," he whispered. "Alam kong kanina ka pa nagtitiis." 

Wala pang limang segundo, I burst out crying, mahigit ang kapit ko sa polo niya. Sa ganitong posisyon, I feel like I'm home. Si Xavion lang ang tanging makapagbibigay sa akin ng ganitong pakiramdam. Kahit nasa gitna ako ng pasakit, he's here to lead the way. 

"I'm sorry. Believe me, mahal kita," hinalikan niya ang noo ko. 

"Lababan ka. Can you do that with me?"

Hindi ako sumagot dahil hindi ko alam kung anong dapat isagot. It's obvious, I can't fight. Umpisa pa lang pero bumagsak na ako. 

"Xav, what if your father is right? Paano kung iyon nga ang mas makakabuti sa'yo? Ano nga bang mapapala mo sa kagaya ko?" 

"No! We're not breaking up, Yvonne!" napapikit ako doon. 

"Kung hindi mo kayang lumaban, ako ang lalaban para sa atin." 

We arrived safely at Olongapo. Sa bahay ako dumiretso, tinext ko sila Ivory na dito muna ako tutuloy. My dad is busy, tatapusin niya daw ang trabaho bago kami samahan sa nalalapit na bagong taon. My little sister is here also, pansamantala kong kinalimutan ang lahat at nakipag bonding sa kaniya. I was exhausted, hindi ko na pinansin pa ang petsa. I celebrated new year's eve with my family, pagkatapos ay nag-video call kami Xavion. 

Excited akong bumaba bitbit ang bag. Finally, balik klase na rin. Hanggang ngayon ay wala pa rin si Collete, baka nga sa college na siya bumalik dito. 

"Hala, sige! Maharot." 

Inirapan ko si Ivory, si Xavion lang yata ang ipinunta ko balik eskwela namin. Dumaan kami sa classroom nila, nakapagtataka nga dahil wala na siya. He used to come with us every lunch, his classmates told us that he left already. 

He's not usually like this, mag-tetext naman iyon sa akin kung may pupuntahan siya. 

I sighed. "Girl, hayaan mo na. Magkikita pa naman kayo mamayang uwian, e."

Hinintay namin ang ibang girls sa gate. Sa SM Central kami pumunta, as usual, sa Jollibee namin napiling kumain. We decided to walk around for a while, abala kami sa pag uusap nang biglang makasalubong namin si Jordan kasama ang iba pa niyang kaibigan. 

"Yvonne? Why are you here?" kumunot ang noo ko.

"Aba!bakit? Kayo lang ba may karapatan na pumunta dito?" asik ni Devika, pinakalma siya ni Ivory.

"I mean, di'ba ikaw iyong kasama ni Xavion kanina?" 

"Huh? H–Hindi! Nasa'n siya? Kanina po siya hinahanap!" My heart is beating so fast, sinubukan kong luminga sa paligid, baka makita ko siya. 

"Nando'n sa second floor, sa bilihan ng damit pambabae." 

Hinatak ko si Eleanor papalapit sa escalator, aligaga naman na sumunod sa amin ang iba. Tahimik sila, nakikiramdam sa akin. 

Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman, gusto kong makita at malaman kung sinong kasama niya ngayon at hindi niya nagawang magpakita sa akin. Hindi pa man kami masyadong nakakalapit, bumungad na sa amin ang maluwag na bilihan ng damit. 

"Over there!" si Lyndsey naman ang humila sa akin, tumakbo kami papalapit sa bandang kanan. Doon sa mga naglalakihang mannequin, kung saan hindi kami masyadong makita. 

I gasped for air when I finally saw Xavion, hawak ang bag ng isang babae. Sa harap niya ang mistisang babae na hindi pamilyar sa akin. I started to tremble, halos matumba ako nang kumapit sa kaniyang braso ang babae. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status