Share

Chapter 3

Aiden POV

Nasa bar kami ngayon ni Blue, tinawagan ko kasi siya kanina at saktong katatapos lang ng meeting nila kaya niyaya ko siyang uminom. Hindi ko na sinabihan si Kyro dahil alam ko naman na kasama niya si Ysabelle ngayon kaya hindi ko na inistorbo ang dalawa.

Habang tahimik akong umiinom ay naalala ko na naman siya, ilang taon na simula ng umalis siya at hindi pa ulit kami nagkikita. Simula ng iwan niya ako ay hindi na ako ulit pumasok sa seryosong relasyon dahil wala naman akong plano na gawin ang bagay na 'yon, siya lang ang gusto ko at wala ng iba.

"Sigurado ako na siya na naman ang iniisip mo." napatingin ako kay Blue ng sabihin niya 'yon.

"Wala naman bago do'n." sagot ko sa kanya.

"Alam ko naman 'yon kaya kahit mag deny ka ay hindi ako maniniwala. Kung hindi ka kasi sana gago edi sana kasama mo pa rin siya ngayon."

"Paano naman kasi mangyayari ang bagay na 'yon kung umalis siya ng hindi man lang ako kinakausap, nang hindi man lang hinintay ang paliwanag ko sa kanya. Hindi naman ako ang pumutol sa relasyon namin." saad ko.

"Hindi nga ikaw, pero ikaw ang gumawa ng dahilan para masira kayo. Hindi mo naman kasi siya masisisi kung 'yon ang naging desisyon niya dahil nasasaktan siya, hindi naman kasi madali ang nangyari sa inyo. Malalim ang naging sugat sa kanya."

"Alam ko naman ang pagkakamali ko pero kaya ko naan itama 'yon kung sana binigyan niya lang ako ng chance pero hindi eh." anas ko.

"Paano kung bumalik siya?"

"Wala, ilang taon naman ng lumipas. Oo at iniisip ko pa din siya pero nakamove on naman na ako sa kanya. Siguro gusto ko lang manghingi ng tawad sa kanya kasi nasaktan ko siya." wika ko.

Nakita ko naman siyang umiling na parang hindi naniniwala sa sinasabi ko, totoo naman kasi 'yon. Nakamove na ako pero may konting kirot pa din kasi minahal ko eh. Kaya minsan madalas mainit ang ulo sa akin ni Ysabelle dahil kapatid niya 'yon.

Alam ko ang pagkakamali na nagawa ko, pero para sa akin hindi naman sapat 'yon na dahilan para umalis na lang siya ng hindi man lang nagsasabi sa akin. Ilang beses ko siyang sinubukan na kausapin pero hindi niya man lang ako hinaharap, ginawa ko naman lahat ng makakaya ko para maayos kami pero mas pinili niya talagang lumayo.

Blue POV

Hindi na lang ako nagsalita ng sabihin ni Aiden na nakamove on na siya dahil alam ko naman na hindi totoo 'yon. Mahal niya pa rin hanggang ngayon si Kia, ayaw niya lang aminin sa sarili niya kasi kung hindi naman na sana ay matagal na siyang pumasok sa isang relasyon pero hindi naman 'yon nangyayari. Nambababae lang siya pero hindi niya ito senseeryoso.

Ayaw ko din naman makialam sa kanila dahil wala naman ako sa lugar na pangunahan ang mga ito dahil pareho ko silang kaibigan kaya pareho silang mahalaga sa akin. Alam ko naman na dalawa silang nasaktan ng maghiwalay sila, pero umaasa pa din ako na sana sa tamang panahon ay magkaayos silang dalawa at kung may pag asa pa ay magkabalikan ulit.

Hinayaan ko lang siyang uminom, dahil 'yon ang ginagawa niya sa tuwing namimiss niya si Kia para daw pag uwi niya ay makatulog na siya at hindi na mag isip pa.

Makalipas ang ilang oras ay marami na din akong nainom pero hindi pa naman ako lasing.

"Kaya mo pa ba Aiden?" tanong ko sa kanya.

"Oo naman, hindi naman ako mahina." natatawang sagot niya.

"Hindi ka nga mahina sa alak pero kay Kia tiklop ka." pang aasar ko.

"Ulol!" singhal niya sa akin kaya natawa ako.

"Kaya ayaw ko pumasok sa isang relasyon eh, sakit ng ulo lang ang dala nito pag nagkataon. Mas gusto ko ang buhay binata dahil wala akong inaalalang problema." saad ko.

"Nasasabi mo lang 'yan kasi hindi mo pa nakita ang nakatadhana sayo."

"May alam ka pala sa ganyan? Siguro epekto 'yan ng pagiging broken hearted kaya ka ganyan, masyadong korni." anas ko.

"Kapag ikaw na in love tatawanan talaga kitang gago ka."

"Tumawa ka lang libre lang naman eh, atlis napasaya kita. Alam ko naman na nag iiyak ka kasi mahal mo pa din si Kia kaso iniwan ka." pang aasar ko.

"Unli ka ba? Paulit ulit ka eh. Minsan gusto ko ng isipin na may gusto ka sa kanya."

"Fuck you! Malabo mangyari 'yang iniisip mo kasi kung gusto ko siya sana niligawan ko na siya ng maghiwalay kayo. Kaso hindi talaga eh." saad ko.

Natawa na lang siya at ipinagpatuloy ang kanyang pag inom. Nanatili pa kami ng isang oras do'n bago nagpasyang umuwi at dahil alam ko naman na kaya pang mag drive ni Aiden kaya hindi ko na siya hinatid. Hindi naman siya chix para samahan ko pa at hindi naman gaano malayo ang kanyang condo dito sa bar. Kapag naman na aksidente siya ay may pambayad naman siya sa hospital at saka pwede naman siya naming bisitahin do'n, masamang damo naman siya matagal mamatay.

"Oh paano ba 'yan mauna na ako bro. Ingat na lang sa pag drive kung ayaw mong makita ng maaga si San Pedro." saad ko.

"Lahat talaga ng kagaguhan nasayo na. Kung mamamatay man ako dapat mauna ka para friendship goals."

"Kung 'yan ang friendship goals sayo ay huwag na. Friends over na lang tayo dahil mahal ko pa ang buhay ko pero ikaw ayos lang mauna ka kasi wala naman nagmamahal sayo dahil iniwan ka niya." pang aalaska ko sa kanya.

"Damn you!" sigaw niya bago sumakay sa kanyang sasakyan.

Napailing na lang ako at sumakay na din sa sasakyan ko. Ganito talaga kaming magkakaibigan kapag nagbiruan, mas malala pa nga si Kyro sa amin pero sanayan na lang talaga lalo na kapag demonyo ang kaibigan mo. Mabuti na lang talaga at nandyan si Krisa nahahawaan kami ng kabaitan, iwan ko nga ba kung paano niya napapaamo si Kyro eh.

Inistart ko na ang kotse ko at nag drive na pauwi, mas malayo ako kumpara sa condo ni Aiden. Nang makarating ako sa condo ay nagbihis lang ako at saka umupo sa kama. Ang dami daming ginawa kanina kaya pakiramdam ko ay pagod na pagod ang katawan ko, sa totoo lang ay wala na sana akong balak na sumali sa basketball nitong taon pero kinausap ako ng coach namin kanina kaya sumali na lang din ako. Ako kasi ang captain ng team kaya hindi naman pwedeng iwan ko sila ng biglaan. Sadyang napapagod lang ako lalo na kapag may mga laro kaya siguro naisip ko na huwag na muna umali pero hindi din naman nangyari.

Habang nakahiga ako ay bigla kung naalala si Kia, kamusta na kaya ang babaeng 'yon? Ang tagal na din simula ng huli naming pag uusap. Tinanong ko pa siya kung may plano siyang umuwi at ang sabi niya sa akin ay meron pero hindi niya pa alam kung kailan.

Saksi ako kung paano siya nasaktan dati dahil ako ang unang pinuntahan niya matapos siyang umalis sa condo ni Aiden, naalala ko pa na tulog pa ako ng araw na 'yon ng pumunta siya sa condo ko at dahil alam niya ang code nito kaya nakapasok siya agad. Nang magising ako dahil sa ingay niya ay nairita pa ako no'n sino ba naman kasi hindi kung maudlot ang tulog mo pero ng makita ko siyang umiiyak ay biglang nawala ang inis ko.

Ipinagdarasal ko pa din hanggang ngayon na sana ay maging okay na siya at masaya sa buhay niya dahil alam ko naman na hindi madali ang mga pinagdaanan niya. I'm still wishing all the best for her at sana sa pagbalik niya ay makita ko na ulit ang totoong mga ngiti nito.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status