Share

Chapter 21.1

Venus POV

Napangiti ako ng makita ang mga iginuhit ni Elise sa maliit na kuwaderno nito. Magaling si Elise sa pagguhit. Isa ata iyon sa mga hinahangaan ko sa kanya. Sa bawat pahina na ito ay naglalaman ng iba't-ibang guhit na maituturing n'yang obra maestra.

Mas lalong lumawak ang aking mga ngiti ng mabasa ko ang aking mismong pangalan sa kalagitnaan ng pahina, sa gilid non ay may heart shaped sticker. Muli kong inilipat sa sumunod na pahina at nangunot ang noo ko ng makita ang pangalan ni daddy-

"Venus?"

Napapitlag ako sa gulat at napalunok dahil sa sunod-sunod na katok mula sa labas. Narinig ko ang boses ni Barron kaya naman dali-dali kong itinago sa ilalim ng kama ang kuwadernong pag-aari ni Elise.

Huminga muna ako ng malalim at tsaka tumayo at naglakad papunta sa pinto. Agad ko itong binuksan ang pinto at bumungad sa akin si Barron na may dalang kumot at unan.

"Nagising ba kita?" Tanong nito at alanganing ngumiti.

"Hindi naman.." sagot ko at muli
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jenifer Padallan Mendoza
kulit mo ei ano napala mo
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status