Share

Chapter 1 - A New Day Begins

POV - Ei-An

        "Yes, Uncle. Pakipadala na lang sakin through e-mail at doon ko na lang po ire-review. Or better if you fax them to me na lang pala. Anyway, nakabukas naman palagi ang fax machine ko po sa bahay." ang sinagot ko sa kinakausap ko sa cellphone nang mga sandaling iyon. "Wala po kasi ako ngayon sa bahay, Uncle."

         "Well what can I say kundi tama kayo diyan Uncle," napatawa ako sa mga komentaryo ni Uncle Rupert. "Medyo na-bore nga ako sa pagpapaka-ermitanyo sa bundok. But dont you worry about me Uncle. Hindi pa naman ako tinutubuan ng balbas eh."

         Narinig ko ang malutong na halakhak ni Uncle Rupert sa kabilang panig ng linya. Pati yata ang kabayo ko na kasalukuyan kong pinapakain ngayon ay parang naintindihan yata ang aking sinabi dahil napahalinghing din ito.

         “Kaulayaw mo na naman ang mga kabayo mo." Ako naman ang napahalakhak sa komento ni Uncle Rupert sa akin. Kilalang-kilala talaga niya ako. 

        "May tama ka!" pasing-song ko namang sagot sa kanya na ginaya ko pa talaga ang pagkakabigkas ng pamosong kataga ng kilalang actress na si Kris Aquino. "Pero, no worries po Uncle. Mamayang gabi or bukas siguro, depende sa mood ko, eh mga lalaki ko naman ang magiging kaulayaw ko." I chuckled.

        Actually, may dalawang kabayo kasi ako dito sa bahay-bakasyunan na kinaroroonan ko ngayon. Mas maganda kasing kabayo ang form of transportation dito dahil masukal ang kagubatan at walang terrain ng daanan ito. And besides, I love riding in a horse. Pakiramdam ko prinsesa ako kapag nakasakay ako sa kabayo. I internally laugh at my silly thoughts.

        “Ows?" walang bahid ng paniniwala ang tono ni Uncle Rupert kapagkuwan, at siyang nagpabalik saking diwa sa kasalukuyan from sa dreamland state ko. "Kung makapagsabi ka naman ng mga lalaki eh parang ang dami mo namang itinatagong lalaki dyan."

        “Sinong mga lalaki kaya ang tinutukoy ng mahal kong anak?" parang nag-iisip pang dagdag niya. "yong hero? yong villain? or baka naman yong psycho?" Napahalakhak ako habang napapailing. I know kung nakikita ko lang si Uncle, nagtataas-baba na ang kanyang mga kilay sa akin at may malokong ngiti sa kanyang mga labi.

        "Hay naku Uncle Pert..."

        “Pano mo naman ako mapapaniwala sa sinasabi mong may mga lalaki ka diyan Ei-An, my dear. Nasa bundok ka. Nagkukulong sa bahay mo. Hindi nasisilayan ng mga guwapong lalaki ang kagandahan mo. Are you hiding from men, my dear?”

        I heaved a sigh but the smile did not leave my lips.

        "Uncle Pert, hindi naman po ako nagtatago sa mga lalaki. panimula ko. Grabe naman kasi kayong maka-react."

        "Lets just say na hinihintay ko lang po ang talagang para sa akin. And also, Im just being cautious, you know. Mahirap ang nagmamadali. Baka mamaya niyan eh madapa ako o kaya naman ay mahulog ako sa bangin, sige ka. Besides -"

         “Ahhh, so youre waiting for 'The One.'" biglaang komento ni Uncle kaya hindi ko na natapos ang sinasabi ko. "Ngayon, to sum it all up... First, you are waiting for The One, no preferences whatsoever. Secondly, you are being cautious. Lastly, you are not in a hurry because you dont wanna fall in a cliff or madapa sa daanan.”

        “Yeah. Sabagay, mahirap nga naman kung biglaan kang madapa at mangudngod sa daanan. Sayang ang kagandahan." I could feel the laugh in his voice. "Tsk! baka lalong hindi ka magka-asawa kung tapyas na ang ilong mo at tabingi na -”

        "Uncle!" napapangiwi na ako sa kanyang mga sinasabi. Napatigil pa ako sa akmang pagbubukas ng back-door dahil sa nai-imagine ko ang detalye ng kanyang mga sinasabi. I dont know if its a gift or a curse dahil meron akong matalas na imahinasyon. I could vividly see in my mind the things I read or hear. Parang telebisyon na napapanood ko. Ngunit imbes na sa theater room eh sa loob iyon ng utak ko kaya hindi nakikita ng ibang tao. This is the reason why I tend to block out unpleasant sounds.

        "- iyong panga. But then, lalong hindi ka magkaka-asawa kung mahulog ka sa bangin dahil siguradong patay ka na agad kung mataas ang bangin." pagtatapos pa rin nito na parang hindi narinig ang nagpoprotestang tawag ko sa kanya.

        "Uncle, I do hope that you were able to understand now that I mean what I said in a figurative manner and not in the literal sense." maalumanay ngunit may diin na sabi ko sa kanya. Itinuloy ko na rin ang pagpasok sa bahay.

        Halakhak lamang naman ang isinagot niya sa akin.

        "Anyway, like I was saying before you cut my sentence." naiinis kong saad. But I heard a laugh as a response. "Besides, as you've said a while ago Uncle, meron naman akong hero, villain and psycho to entertain me. Hindi ko pa sila sakit ng ulo because they do and act like how I want them to. Walang hassle diba?"

        “Ei-An, my dear. Kung ang mga lalaki sa mga nobela ang hihintayin mo, aba! pumuti na ang uwak, hindi ka pa nakakapag-asawa." ang sabi ng butihing matanda na nagging parang ama ko na sa nakalipas na ilang taon. "Remember, hindi ibabagsak ng langit ng lalaking para sa iyo. Lalung-lalo naman na hindi dadalhin sayo ng bagyo ang lalaking pinapangarap mo or mamahalin mo. If he is searching for you, then you have to search for him too.”

        Napabuntunghininga na naman ako.

       

        "As I said Uncle, hindi po ako nagmamadali.' the sound of my voice is firm pero maalumanay. "Malay naman natin diba? Theres a possibility na mangyari yung mga unexpected na sinasabi niyo. You know, ang 'The One' ko eh ibagsak ng langit o dalhin ng bagyo sakin."

        "Or pwede ring..." pabitin ko pang saad habang kunwari ay nag-iisip. "bitbit siya ng kidlat at dinala sa akin. natatawa ko pang biro sa kanya."

        “Ei-An”

        ‘Here we go again...’ nasabi ko na lang sa aking isip. Kapag ganitong tono na parang nagsusumamo at nang-uunawa, ang ibinibigay ni Uncle Pert sa akin ay alam ko na ang kasunod. Isang medyo mahaba-hanbang usapan at lektsuran. The good old man is luring her to find a fine young bachelor and get herself hitch into a happy marriage. Yung kagaya ng kung ano ang meron sa pagitan nito at ng kanyang namayapang ina.

        Para naman kasi madaling gawin ang gusto nitong mangyari. Eh maski nga sa mga nobela, nahihrapan pa rin ang hero na makuha ang love of his life, ang heroine. Or vice-versa. Its not as if pwede akong magpa-advertise ng Wanted: Fine Young Bachelor sa diyaryo and maglagay ng qualification para sa mga mag-a-apply.

        “Huwag kang matakot magmahal hija. Loving and being loved in return is a miracle of life. Kung anuman ang naging karanasan ng Mommy Esme mo sa kanyang unang pag-ibig, hindi dapat maging hadlang iyon para hanapin mo ang magpapaligaya sa iyo. You have your own path to take, your own love to give and your own life to share. Basta, tandaan mo na kapag nagmahal ka, magtira ka ng pagmamahal para sa sarili mo. How little that love may be it makes a big difference." mahabang paliwanag ni Uncle Pert.

        "Alam ko naman po yon Uncle. Its just -" panimula ko habang napabuntunghininga. But I was spared from elaborating nang tawagain na si Encl eng kanyang sekretarya. "O, ayan Uncle Pert, tinatawag na po kayo." 

         "I know what you are doing." I heard nang si Uncle naman ang napabuntunghininga.  "You're evading the discussion, hija." Akusa pa niya sa akin. 

        "Anyway, sige, next time. And when we are going to continue this conversation and you are not allowed any excuses or any of your evading techniques. Gaya ngayon. Got it." it was a statement and not a question kaya hindi na lang din ako sumagot. 

         "May meeting kasi ako ngayon sa mga department heads ng mall natin sa Makati. And no. Walang problema. So there is nothing to worry about." agad na niya akong in-assure bago pa man ako makapagtanong. "The usual monthly reporting, debriefing and briefing lang naman ang mangyayari sa meeting. So relax, okay?"

         "Okay Uncle. Thank you." I answered with a smile. Uncle Pert really knows me well. Im a worrier. Paranoid, some may say. But what can I do. Lalo na at wala akong alam sa mga businesses ng mga magulang ko. Kaya nga si Uncle Pert ang pinaghawak ko kasi siya ang isa sa mga taong pinagkakatiwalaan ko.

      "I gotta go, my dear." paalam niya sakin. Kompleto na daw sila sa conference room.

        "Sige po Uncle. Pa-kumusta na lang po ako kay Xenia."

         "Sure hija." sagot niya sa pasuyo ko. "Though I'm sure tatawag din yon sayo. Siguro kapag natapos na ang photoshoot na ginagawa niya para sa magazine."

        "Ipa-fax ko na lamang po ang mga revised documents later kapag natapos ko na pong basahin at i-check."

        "Okay hija. Take your time. And if may iba ka pang tanong o gustong idagdag o tanggalin sa nakasaad sa mga dokumento, feel free to call me anytime, okay."

        "Noted po Uncle. Thank you so much! Bye!"

         "Dont mention it, my dear. We are family after all. Bye!"

         "Ah, Ei-An." I was about to turn off the phone nang magsalita si Uncle.

          "Yes, Uncle Pert?"

        "Be careful, my dear. Please..." may pakiusap na sabi niya sakin.

        "Yes Uncle. Thank you po. Kayo din po, mag-iingat din po kayo palagi ha." nakangiting sagot ko. "Dont be a workaholic, Uncle Pert. Just take it easy too. Hindi naman siguro tayo mauubusan ng kayamanan kung sakaling maghinay-hinay lang kayo. Uso pong magpahinga once in a while Uncle." natatawang tudyo ko sa aking naging ama-amahan sa loob ng nakalipas na taon.

        Ang masayang halakhak ni Uncle Rupert ang huli kong narinig bago ko tuluyang ibinaba ang tawag.



~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

✓Authors Note✓


        Hi reader! I hope you liked the first chapter of the story.


        Kindly vote, share, and comment... Thank you! 😊



Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status