Chapter 2
Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at ang una kong nakita ay ang lalaking katabi ko. Agad bumalik ang mga ala-ala ko kagabi kung kay'at nagsilabasan ng sunod-sunod ang mga luha ko. Mula sa pag-inom ko, pagsayaw at paghalik sa lalaking may berdeng mga mata. Nanindig rin ang balahibo ko saka nanlamig ang katawan sa takot at kaba.
I stared at the guy's handsome face. This is Alice' boyfriend. She is my friend yet I f*cked her boyfriend! I betrayed her!
"Sorry, sorry," iyak na iyak na sambit ko bago dahan-dahang kinuha ang mabigat na kamay ng lalaki na nakapatong sa tiyan ko.
Mahimbing ang tulog niya. Kung nasa ibang sitwasyon baka gugustihin ko pang pagmasdan ang mukha niya. Pero hindi maaari. Isang malaking kasalanan na ang nagawa ko.
"Sorry, Alice. Sorry, Alice," paulit-ulit na sambit ko habang pinupulot ang damit na nagkalat sa sahig saka mabilis na sinuot iyon.
Hindi ko maitatanging may nangyari sa amin kasi tandang-tanda ko. Masakit rin ang buong katawan ko lalo na ang pagitan ng mga hita ko. I lost my control of my own body. I was drunk!
Saktong pagkatapos kong magsuot ng damit pabalyang bumukas ang pinto. At doon nakita ko si Alice na nanlilisik ang mga mata.
"Hayop ka!" Galit na galit na sigaw ni Alice kaya mas lalo akong nanginig sa takot.
"Sorry, Alice. I'll explain—"
"You seduced my boyfriend!"
Hindi ako nakapaghanda nang sumugod siya bigla sa akin saka ako sinabunutan ng napakalakas. I cried but I didn't fight back. I know that it's my fault. Hinila niya ang buhok ko saka ako pinagsasampal ng malakas sa kabilang pisngi.
"Sorry, Alice, sorry—"
Para siyang bingi sa kahit anong sinasabi ko. Patuloy lang niya akong sinasaktan habang umiiyak sa sobrang galit. I was already lying on the floor while she's above me, slapping and hurting me a lot.
"Stop that!" Dumagundong ang malakas na boses sa buong kwarto pero patuloy parin si Alice sa pananakit sa akin.
"You b*tch! I will kill you!" Galit na galit na sambit ni Alice.
Ramdam na ramdam ko na ang hapdi ng sampal at kalmot niya sa iba't-ibang parte ng katawan ko. Tanging iyak at pagmamakaawa lang ang nagawa ko na sana ay mapatawad niya ako. I am a b*tch. She's right.
"Alice!"
Sa isang iglap biglang nawala ang bigat sa ibabaw ko. Hawak na si Alice ng boyfriend niya na tanging boxers lang ang suot. Nagpupumiglas parin si Alice habang dinuduro-duro ako kaya dahan-dahan akong tumayo.
"I was drunk—"
"I hate you! Sinusumpa ko ang pagiging magkababata natin! Sana hindi nalang kita nakilala! I trusted you! Kinasusuklaman kita, Gwen! Tandaan mo! Hindi na kita kilala simula ngayon!" Galit na galit na sigaw ko habang dinuduro ako.
Mas lalong lumakas ang hagulgol ko sa mga salitang lumabas sa bibig niya. His boyfriend's eyes and my eyes met. Paano ako naakit ng berdeng mga mata na iyan? Bahagyang napaawang ang labi ko habang nakatingin sa kaniya. Hindi ko mabasa ang ekspresyon sa mga mata niya.
Natigil ang pagtitig ko sa lalaki nang biglang nakawala si Alice kaya agad niya akong nasipa na nagpatumba sa akin. Napadaing ako sa sakit ng tiyan ko at sa sakit ng pagkakabagsak ko sa sahig.
"Leave, Gwen! Nandidiri ako sayo!" Nagpupuyos na sigaw ulit ni Alice sa akin.
"Alice!" Sigaw ng boyfriend niya kaya kahit ako biglang nagulat.
"Ano Xander?! Kinakampihan mo siya!"
"Shut the f*ck up!" Agad natahimik si Alice at parang nanginginig rin siya sa takot.
The guy walk towards me and help me to stand up. Pero agad kong tinabig ang kamay niya saka mag-isang tumayo.
"I'm so sorry," naiiyak na sabi ko saka mabilis na tumakbo palabas sa hotel room.
Hindi ko alam kung paano kami nakapagbook ng hotel kagabi. Hindi ko rin alam kung papaano nalaman ni Alice na nandito kami. The fact is, I slept with her boyfriend. Ang dumi-dumi ko. Hindi ko alam na magagawa ko 'yon.
Iyak ako ng iyak nang makasakay sa taxi kasi wala na akong panahong magbook pa ng grab. Todo ang hagulgol ko at pati ang driver halos mataranta rin.
Ang dumi-dumi ko! I gave my first to my friend's boyfriend! I betrayed her. Ang sama kong kaibigan.
Pagkarating ko sa sarili kong hotel kaagad kong kinuha ang mga gamit ko saka dali-daling pumunta sa airport. My ticket is here but I don't know where my phone is. Going here is not a good idea. Pinagsisisihan ko ang mga ginawa ko. Pero alam kong wala na akong magagawa pa para maitama 'yon.
Kahit sa plane iyak ako ng iyak. Hindi natigil ang pag-iyak ko kahit nakalapag na ako sa airport sa Iloilo. I couldn't even walk properly because of too much crying. Pinapanood na ako ng ibang nandirito pero wala na akong pakialam.
Gusto kong ilabas lahat ng sakit na nararamdaman ko. May kasalanan ako. Sobrang laking kasalanan na halos kamuhian ko rin ang sarili ko.
Hinintay ko muna na matapos ako sa pag-iyak bago nagpasundo sa driver namin.
"Ma'am sorry po," sabi ng driver nang makarating pero hindi na ako sumagot.
Hindi nagtagal dumating rin kami sa mansyon. Wala akong tiningnan ni isa at dumiretso lang ako sa kwarto ko at naglock. I cried and cried again until I get tired. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Para akong babaeng mababa ang lipad. I did a one night stand. At sa boyfriend pa ni Alice.
Both of us have a fault! Pero hindi ko matanggap na naaakit ako sa kaniya. Those green eyes and soft lips. He's a sinner. We are a sinner.
"Gwen what's wrong? Umuwi ka na pala hindi mo manlang ako sinabihan," Boses ni Daddy ang narinig ko.
Unti-unti akong dumilat at agad kong nakita si Daddy nakangiti sa akin ng marahan. Namasa ulit ang mga mata ko kaya unti-unting nawala ang ngiti ni Daddy.
"Daddy, sorry po, sorry po, sorry po," paulit-ulit na sabi ko saka agad siyang niyakap ng napakahigpit.
Niyakap rin ako ni Daddy ng mahigpit at hindi siya nagtanong ng kahit ano. Kinomfort niya ako kahit wala siyang alam sa mga nangyari. Paulit-ulit lang akong nagsosorry. I am guilty. Nagsisisi ako.
Nakatulog ako sa sobrang pag-iyak sa bisig ni Daddy at paggising ko umaga na. Nanghihina akong bumangon saka napahinga ng malalim.
I couldn't look at myself in the mirror. Bumabalik lang sa isipan ko ang mga nangyari noong gabing iyon. Noong gabing nagkamali ako. Noong gabing nagpaakit ako sa berdeng mga mata ng lalaking parang diyos.
Nang bumukas ang pinto agad kong nilingon 'yon. Pumasok si Daddy na nakasuot na ng tuxedo at ready na sa trabaho.
"Are you okay now Hija?" Marahan na tanong niya kaya hindi ko na napigilan ang pagtakbo at pagyakap sa kaniya.
Ang swerte ko sa Daddy ko. Sana hindi niya ako kamuhian kapag nalaman niya ang nangyari sa bakasyon ko. I am so disappointed of myself.
Kahit walang-wala sa sarili, pinilit ko paring maging maayos para makabalik na sa trabaho. I am an engineer on our own engineering firm. My Dad is the Ceo and I am under him.
"Welcome back, Gwen," bati ng mga katrabaho ko kaya pilit ko silang nginitian.
We have a two story building where our office is. Dad started this business and it's doing well.
Kahit sa paggawa ng blue prints wala ako sa sarili. Ilang beses natapon ang tinta kaya ilang ulit rin akong umulit. Halos umiyak na ako sa sobrang frustrated kaya naisipan kong lumabas sa maliit na opisina ko.
"Gwen have you seen this? Mamamangha ka dali!" Excited na sabi ni Kaye na kaibigan kong engineer rin.
"Huh?" Maang na tanong ko pero agad niya akong binigyan ng isang news paper.
"Look!"
Dahan-dahan kong tiningnan ang tinuro niya at doon nag-umpisang manginig ang mga kamay ko at mamasa ang mga mata ko.
'Engr. Alexander Adams was chosen to be the engineer for the renovation of the Malcañang Palace'
The headline says it all but his big picture made me trembled and nervous. Engineer? Alexander Adams? He's the guy I slept with!
"Are you okay?"
Hindi ko na hinintay pa ang kasunod pa na sasabihin niya kasi agad kong binalik ang news paper sa kamay niya at patakbong bumalik sa office ko saka doon umiyak. Hindi mawala sa isip ko. Paulit-ulit na bumalik at para na akong baliw.
Days has passed and I am trying to be okay day by day. Pinipilit kong kalimutan ang lahat at sinumpang hinding-hindi na ako tatapak sa lugar na iyon. I will never go to that place again. Hinding-hindi na ako gagawa ng pagkakamali.
"Hija, I know there's something wrong. I've been observing you for how many days. You can talk to me. I am your Dad," biglang sabi ni Daddy habang kumakain kami ng breakfast kaya nabitawan ko ang kutsara't tinidor na hawak ko saka siya binalingan.
My eyes watered when I saw the gentleness on my father's eyes. I began to sob so he stood up just to comfort me.
"Forget it, Hija, don't force yourself if you are not ready," Sobrang rahan na sabi niya.
I cried on my father's chest until I got the strenght to tell him everything what happened. Gulat rin si Dad pero hindi ko nakitaan ng disappointment ang mga mata niya kaya mas lalo akong naiyak.
"Alice? Your friend since elementary?" I nod and cried even more.
Napasinghap si Daddy saka ako nginitian ng kaunti.
"People do mistakes, Hija. You are not exempted. You just need to forget about it and continue living. You can't change the past. Nagsisi ka at tama na iyon. Huwag mong akuin ang lahat ng mali. You are just a human. We do mistakes," Pagpapalubag niya ng loob ko.
Mas lalo akong naiyak sa mga sinabi ni Daddy. Palagi niya akong iniintindi.
Dahil sa mga sinabi ni Daddy naging maayos na rin sa wakas ang pakiramdam ko. I am starting to forget what happened. I am praying everyday that Alice will forgive me. But I would understand if she won't. Nagsisisi ako. Alam kong nagsisisi ako. I won't do the same mistake again.
Pagkagising ko isang araw dali-dali akong tumakbo sa banyo para sumuka. Nilabas ko lahat ng kinain ko kagabi at hinang-hina ako matapos iyon. Matapos ang pagsusuka nanghihina akong napahawak sa tiyan ko.
Hindi ako bobo at mas lalong hindi ako tanga! Dapat dadatnan na ako last week pero hindi. Three weeks na rin matapos may mangyari sa amin. I'm fertile? It is possible—
Hindi na ako nag-aksaya ng panahon sa mga naiisip ko. I immediately drove towards the nearest drugstore to buy four different brands of pregnancy test kit. I hope I'm wrong.
Pagbalik ko sa bahay agad akong nagtest. Naiiyak ako habang hinihintay ang results ng bawat isa. Sabay-sabay na lumabas ang isang pula. Pigil hininga ako habang hinihintay ang susunod at kaagad nagsitulo ang mga luha ko dahil sabay-sabay rin na lumabas ang pangalawang pula.
Two line, means positive?
Napaupo ako sa sahig dahil sa paghihina. What should I do! Nagbunga ang isang gabi na puno ng init at pagnanasa na pinagsaluhan namin. Anong mangyayari?
"Diyos ko po!" Sigaw ko habang nakatingin sa mga positive na pregnancy tests.
Hindi ko alam ang gagawin ko! Abort? No!
Hindi ko sinabi kay Daddy. Hindi ko alam kung paano sasabihin. I am pregnant and I didn't planned it. Wala akong alam.
Umarte lang ako ng normal sa mga sumunod na araw.
"Gwen?" Tanong ni Daddy habang nasa library kami dahil bigla nalang akong natulala
"Po?" Wala sa sariling tanong ko kaya napabuntong hininga siya.
"You can tell me what's bothering you." Sabi ni Daddy bago ako iniwan kaya nanghihina akong umupo sa couch na nandito.
Agad kong kinuha ang phone ko. I deactivated all of my social media accounts after that day that Alice saw me with her boyfriend. Ayoko nang makihalo pa sa social media. I just think it will ruin me even more.
Kaagad akong pumunta sa G****e at sinearch ang pangalan ng tatay ng anak ko. Pero hindi pa nagloload kaagad ko ring binura. Why would I? Baka nga hindi na niya ako naalala.
Hindi na ako nagdalawang isip pang hanapin si Daddy para sabihin sa kaniya ang kalagayan ko. And I didn't expected that Dad would be glad. Hindi siya nagalit at hindi niya ako binigyan ng kahit anong masasakit na salita. Ngumiti lang siya ng malaki.
"Dad?"
He laugh and shook his head.
"I really want to have a grandchild. Why?" Nakangiting sabi niya kaya tuluyan na akong yumakap sa kaniya.
My father and I will raise my child with all the love that he or she deserves.
I became extra careful with my body. Nagsimula akong uminom ng gatas para sa mga buntis at hindi na rin ako nagpupuyat. Dad and I didn't keep my pregnancy as a secret. Alam kong lahat ng nakakaalam nagtataka dahil wala naman akong boyfriend. Pero sabi ni Daddy hindi na dapat pansinin ang mga opinyon ng iba kasi wala naman iyong naitutulong.
Inalagaan ko ang sarili ko hanggang sa naging kabuwanan ko na. I am very nervous and scared but I am also excited at the same time. Si Daddy lang ang nagpapagaan ng loob ko habang naghihintay kami ng labor. Hindi ako nakalimot magdasal na sana maging ligtas kaming dalawa ng anak ko.
I want my son to see me. Hindi ko gustong magaya sa akin ang anak ko na hindi manlang nasilayan ang ina.
Nang maglabor na ako halos mamatay ako sa sakit. I chose normal delivery even though my doctor suggested for a cesarian because my baby is too big. Pero lahat ng pagod at sakit biglang nawala nang marinig ko na ang iyak ng isang sanggol na parang napakagandang musika sa pandinig ko.
Nilagay ng nurse sa tabi ko ang bata at ang una kong napansin ay ang berde nitong mga mata. Agad namasa ang mga mata ko dahil sa itsura na taglay ng anak. He's so gorgeous. I suddenly remember his Dad. They look the same.
"Hi baby, I am your mommy."
Malaki ang ngiti ko habang nakatitig sa anak kong mahimbing ang tulog. Bahagyang nakaawang ang mga labing mapupula saka nakatagilid. Isang buwan palang siya pero matangkad na siya kumpara sa ibang mga bata na kasabayan niya. He's been the source of our happiness this past few weeks. They way he giggles and cry is making me real blessed that I have a son like him. Hindi ko tinuring na isa lang siyang pagkakamali. Siguro nga isang pagkakamali kung papaano siya na buo ngunit para sa akin isa siyang anghel. Anghel na gagabay at magpapasaya sa akin. "How's my baby?" nanggigigil na sabi ko sabay halik sa maliit niyang kamay. Mukhang naistorbo ang tulog niya kaya marahan siyang tumagilid at nag-akmang iiyak. Kaya kaagad ko rin naman siyang binuhat saka sinayaw-sayaw kaya nakatulog ulit siya sa bisig ko. Nadatnan kami ni Daddy sa ganoong sitwasyon kaya marahan siyang ngumiti at tahimik na lumapit sa aming dalawa. Hinalikan niya si Andrae sa noo saka marahan akong hinimas sa ulo. "Let me
Grabe ang kaba ko noong isang araw kasi muntik nang makita ni Alexander si Andrae. Hindi ko alam ang gagawin ko kung sakaling nakita at namukhaan niya ang anak ko, anak namin. I don't want him to know our son. Kahit pa sabihin na may karapatan siya. He has Alice. Hindi na ulit ako gagawa pa ng ikakasira nila. Kasalukuyan akong nakatingin sa salamin. I am currently wearing a royal blue long gown. This is a deep v-neck so my cleavage is kinda showing and it's also see through on the back. Bahagya pa akong napangiti nang makita ang repleksyon ko sa salamin. This gown really suits me. Hindi ko maipagkakaila na maganda parin ang hubog ng katawan ko. I think I am just really blessed to have this kind of body. After I gave birth to my son I have no stretch marks or anything that could ruin my physical appearance. Nang maging kuntento na ako sa ayos ko bahagya kong sinilip si Andrae na mahimbing ang tulog bago dahan-dahang lumabas ng kwarto. I have an event to attend today. Si Daddy dapat
Nagpasya akong kailangan kong pabilisin ang pagproseso ng mga kailangan kong ayusin dito sa manila kasi gusto ko nang umuwi sa Iloilo. Sa mga nangyari kagabi alam kong magkakasalubong at magkakasalubong ulit kami ni Alice. Hindi ko na makita sa kaniya ang Alice na naging kaibigan ko. Masyado siyang galit. Galit na galit at halos makalimutan na niya ang kahihiyan para sa sarili niya. She really did well for embarrassing me last night. But she also embarrassed herself and her fiance. Wala akong karapatang magreklamo kasi may kasalanan ako kung bakit siya galit. Ang magagawa ko lang ngayon ay ang iwasan ang galit niya. Nasa harap na ako ngayon ng restaurant kung saan ko kikitain ang abogado ni Mommy. Iniwan ko si Andrae sa condo kasama ang yaya niya para makapag-usap kami ng masinsinan ng abogado. Dahil alam kong hindi ko magagawa 'yon kapag sinama ko si Andrae. Nang pumasok ako kaagad hinanap ng mga mata ko si Attorney na agad ko ring nakita. Ngumiti ako ng bahagya saka kumaway sa abo
Naging masaya ako dahil pinapabilis na ni Attorney ang pagproseso sa mga kakailanganin kaya mga tatlong araw nalang pwede na kaming makauwi. I am so excited to go home. I missed my work so much. At ayaw ko ring makahanap ng gulo dito kung sakali. "Mommy?" Inosenteng tanong ni Andrae habang nakatingin sa labas. Napangiti ako nang tinuro niya ang mga bata sa tabing kalye na naghahabulan. "You can't play with them baby. You are still so small," natatawang bulong ko pero hindi niya ako pinansin. We are currently inside of the car that I booked. We are going to a theme park because I want Andrae to enjoy it. Hindi ko naman gusto na palagi lang siyang nasa loob ng condo habang nasa manila kami. I don't want him to watch cartoons the whole day. He needs some physical activities. "Thank you," sabi ko sa driver nang makarating kami sa theme park. Binaba ko si Andrae saka hinawakan sa kamay na ngayon ay tumatalon-talon na sa tuwa. "Ma'am ito po," sabi ng yaya sabay bigay ng towel na para s
"Yes, Dad," mahinang sabi ko kay daddy sa kabilang linyan."Are you sure?" Tanong nito kaya marahan akong tumango kahit hindi niya nakikita.Nang tumawag siya kaagad kong sinabi ang tungkol kay Alexander. Hindi ko alam ang gagawin kaya kailangan kong sabihin kay daddy para mapaalalahanan niya ako. Para akong natataranta at hindi na ako makagawa ng maayos na desisyon."Don't do reckless moves, Gwen," paalala ni Daddy bago patayin ang tawag.Napabuntong hininga ako saka nilingon ang anak na mahimbing pa rin ang tulog. Kanina pa ako kinakabahan. Buong akala ko dito matutulog si Alexander kasi nang makatulog si Andrae ngayong gabi hindi siya umalis kaagad. I am so afraid to asked him. Ni hindi nga niya ako
"Mommy! Wake up! Mommy!" Naalimpungatan ako dahil sa panggigising ni Andrae saka bahagyang bumangon. Kaagad niya akong sinakyan sa bandang tiyan kaya napangiwi ako dahil sa sakit. "Baby, you are so heavy," reklamo ko pero tumalon-talon pa siya sa tiyan ko kaya mas lalong sumakit. "Mommy! Up! Up!" Sigaw niya habang tumatawa kaya sapilitan ko siyang binuhat para alisin sa tiyan ko. Dali-dali siyang bumaba sa kama na parang excited saka nag tatakbo papunta sa labas. "Andrae, be careful!" Sigaw ko sabay habol sa kanya na hindi na nag-abala pang mag-ayos ng sarili. Tuwing nauuna siyang magising ito ang eksena namin kaya medyo sanay na ako. Pagkarating namin sa sala agad siyang umakyat sa couch saka mag-isang naupo ng tuwid habang nakaharap sa pinto na parang may hinihintay. Naging seryoso rin ang mukha niya na parang may edad na. Nakakunot noo habang nakasimangot ng kaunti. I cleared my throat and sighed. Ilang sandali ko siyang tiningnan hanggang sa tumunog ang doorbell. I even hea
"What do you want?" Malambing na tanong ko sa anak pero ngumuso lang siya saka umiling ng ilang beses.Huminga ako ng malalim saka akmang kukununin lahat ng laruan na pinagtatapon niya kanina lang. Pero wala pa akong nadadampot ni isa agad siyang umiyak ng napakalakas habang inuuntog ang ulo sa sahig."No! No! No!""Andrae!" Matigas at pasigaw kong sabi pero binato niya lang sa akin ang isang laruan na kaya tumama 'yon sa bandang dibdib ko.Iyak siya ng iyak at hindi ko siya maawat. I don't know what happened. Nagbihis lang ako saglit kanina tapos pagkalabas ko ganiyan na siya."Daddy!" Sigaw niya habang umiiyak kaya bahagya akong natigi
"Daddy, sweep?" Malambing na tanong ni Andrae kay Alexander kaya bahagya akong napabangon mula sa bahagyang pagkakahiga sa couch."Baby, come here," pag tawag ko kay Andrae pero natutok lang ang mga mata niya kay Alexander na pasimpleng tumitingin sa phone na parang may inaabangang message o tawag."Daddy," malambing na tawag ulit ni Andrae kaya huminga na ako ng malalim bago tumayo para lumapit sa kanila."Let's go," marahang sabi ko sa anak saka akmang bubuhatin sana siya kaso pinalo niya lang ang kamay ko bago umiling ng ilang beses.At doon niya nakuha ang atensyon ni Alexander. Huminga ulit ako ng malalim bago subukang kunin si Andrae sa ikalawang pagkakataon pero ganoon pa rin ang ginawa niya sa