Share

Chapter 5

Nagpasya akong kailangan kong pabilisin ang pagproseso ng mga kailangan kong ayusin dito sa manila kasi gusto ko nang umuwi sa Iloilo. Sa mga nangyari kagabi alam kong magkakasalubong at magkakasalubong ulit kami ni Alice. Hindi ko na makita sa kaniya ang Alice na naging kaibigan ko. Masyado siyang galit. Galit na galit at halos makalimutan na niya ang kahihiyan para sa sarili niya.

She really did well for embarrassing me last night. But she also embarrassed herself and her fiance. Wala akong karapatang magreklamo kasi may kasalanan ako kung bakit siya galit. Ang magagawa ko lang ngayon ay ang iwasan ang galit niya.

Nasa harap na ako ngayon ng restaurant kung saan ko kikitain ang abogado ni Mommy. Iniwan ko si Andrae sa condo kasama ang yaya niya para makapag-usap kami ng masinsinan ng abogado. Dahil alam kong hindi ko magagawa 'yon kapag sinama ko si Andrae.

Nang pumasok ako kaagad hinanap ng mga mata ko si Attorney na agad ko ring nakita. Ngumiti ako ng bahagya saka kumaway sa abogado.

"Good morning Attorney, sorry I am late," magalang na bati ko pagkalapit kaya tumayo siya saka ako kinamayan.

"It's fine, I am enjoying my foods," masayang sabi nito saka ako inayang maupo na ginawa ko naman.

We casually chatted first and I also ordered a light dessert for myself. Pagkatapos naming kumain agad kaming nag-usap tungkol sa mga properties na naiwan ni Mommy na dapat ilipat na sa pangalan ko. 

"Mapapadali ba Attorney?" Tanong ko kasi sa dami ng properties mukhang matatagalan nga. Pero gusto ko na sanang umuwi kung maaari.

"Yes, you can just sign and let me handle the rest," sagot niya na kaagad kong kinangiti at kinatango.

"Thank you so much. I just really need to go back to Iloilo because of my work," paliwanag ko dahil isa rin iyon sa mga dahilan.

He nod and smiled. "I understand."

Ngumiti ako ng masaya saka nagtanong pa tungkol sa mga bagay na kailangan kong malaman tungkol sa mga properties na mapapasaakin na. I already expected this because I knew that my Mom was rich. Hindi ko lang inaasahan na medyo marami nga. 

I don't have any plans for those. Hindi ko naman pwedeng ibenta kasi ala-ala na ni Mommy 'yon. I want to preserve it and I'll pass it to Andrae when the right time comes. Sa ngayon hahayaan ko muna.

Pagkatapos ng meeting ko sa abogado kaagad akong dumiretso sa supermarket para ibili si Andrae ng mga chocolate drinks. 

Bahagya akong napangiti nang maalala ang anak saka kumuha ng napakaraming chuckie at iilan pang groceries supply na kailangan namin sa condo. 

"Excuse me," mahinang sabi ko saka marahang inabot ang karton ng gatas ni Andrae na nasa pinakamataas na shelf.

Tumingkayad na ako para maabot 'yon pero hindi ko parin makuha. Inis akong sumingkap saka tinalon-talon para makuha ang gatas pero wala parin.

"Here."

Bigla akong natigilan habang tinatanaw ang pamilyar na lalaki na nakasuot ng button long sleeves na nakataas hanggang siko saka itim na slacks na kusang nag-abot ng gatas. Kumuha siya ng apat saka marahang nilagay sa cart ko. 

Kaagad kumabog ang dibdib ko sa kaba nang binasa niya muna ang huling gatas bago tuluyang ilagay sa cart. Napalunok ako ng mapunta sa akin ang nagtataka niyang mga mata. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang paghagod niya ng tingin sa buong katawan ko pati na rin sa mga pinamili ko na halos pambata.

Napatikhim ako kaya bumalik ang tingin niya sa mukha ko. Wala sa sariling napabasa ako sa ibabang labi ko saka kaagad umatras para lumayo.

"Salamat," mahinang sabi ko saka kaagad na tinulak ang cart na hindi man lang siya tinapunan ng tingin. Humablot muna ako ng isang pack ng diapers bago dali-daling pumunta sa counter.

Sobrang lakas parin ng kabog ng dibdib ko habang nakapila. Namamawis narin ako saka nanlalamig. My knees are weak and my whole body is shaking.

Hindi ko ine-expect na makikita ko si Alexander ngayon dito sa supermarket. I am buying stuffs for my son. Hindi naman siguro siya nagtaka diba?

"Next," sabi ng cashier kaya nilagay ko lahat ng pinamili ko sa counter at hinintay ang pag punch niya pero nakatulala lang siya sa likuran ko.

"Miss?" Nagtatakang tawag ko pero hindi siya sumagot kaya kunot noo kong tiningnan ang tinititigan niya.

Lumamlam ang mga mata ko nang makita kung sino iyon. Engineer Adams is currently carrying some chips while walking sexily towards the other counter. Nakita kong hindi lang isa ang nakatitig sa kaniya dahil halos lahat ng babae na nandito ay napapansin siya.

Hindi ko inaasahan na mag-aangat siya ng tingin sa direksyon ko kaya kaagad akong nahuli ng berde niyang mga mata. Napalunok ako saka agad nag-iwas ng tingin dahil sa kaba at ilang patii narin hiya.

"Miss," medyo malakas na tawag ko na sa babae kaya biglang natauhan at mabilis na inasikaso ang mga pinamili ko.

Pagkatapos kong bayaran ang lahat ay kaagad akong lumabas ng supermarket saka mabilis na nagbook ng kotse para may sumundo sa akin. Habang naghihintay sa sundo ko hindi ko mapigilang tumingin-tingin sa mga pambatang damit na nakadesplay.

Napapangiti sa kakaisip na bibilhan ko si Andrae ng mga bagong damit sa susunod na pagkakataon. Habang nagtitingin-tingin ramdam ko ang mga matang nakamasid sa akin pero hindi ko na pinagtuunan ng pansin dahil maraming tao kaya hindi maiiwasang may titingin.

 Hindi nagtagal dumating na rin ang nabook kong kotse kaya kaagad rin akong nakauwi sa condo.

"Mommy! Yehey!" Masayang sigaw niya nang makita ang napakaraming chuckie na binili ko.

"Yaya, please put this in our room please," pakiusap ko sa maid bago hinarap si Andrae na kinakagat na ang chuckie para mabuksan.

"Mommy open!" Inis na sabi niya kalaunan kasi hindi siya marunong magbukas.

Napatawa ako ng mahina saka marahang kinuha ang chuckie sa kamay niya at pinaupo siya sa lap ko para amoy-amoyin.

"Nooooo!" Sigaw niya saka nagpupumiglas bumaba mula sa kandungan ko kaya mas lalo akong natawa.

Pinanood ko siya habang naglalaro mag-isa sa living room. He already know how to make himself busy. Kung hindi siya naglalaro ng mga kotse niyang laruan ay tumitingin siya sa mga libro na puro animals ang laman.

Alam kong lalaking matalino ang anak ko. He also love numbers! Just like me! Kaya na niyang magbilang hanggang twenty sa edad niyang 'yan. Akala ko noon iyon ang namana niya sa akin pero nagdalawang isip rin ako kalaunan kasi engineer rin pala ang tatay niya. Maybe he also love numbers. And Andrae got it.

"Sweep mommy," sabi niya habang tinitingnan ako ng mga mapupungay niyang mga mata. His green eyes really shines a lot. 

"Come," malambing na sabi ko kaya kaagad siyang tumakbo saka kaagad nagpabuhat. Marahan ko siyang kinarga at naglakad papunta sa kwarto na ginagamit namin habang kumakanta ng kaunti para madali siyang makatulog.

Nang ilapag ko siya sa kama ay tulog na tulog na siya kaya kaagad ko siyang nilagyan ng unan sa magkabilang gilid saka hinalikan sa noo ng marahan. Dahan-dahan kong hinamas ang pisngi niyang malambot saka hinawakan ang ilong niyang matangos.

"I love you," sabi ko at tuluyan na siyang iniwan para makapagluto na ako ng tanghalian namin.

Busy ako sa pagluluto ng bigla akong tinawagan ni Attorney na may kailangan raw siyang ibigay kaya dali-dali akong pumunta sa restaurant na sinabi niya dahil tulog pa naman si Andrae.

"I'm sorry Ms. Mendez, I just really need to give all of these copies," sabi niya na inilingan ko lang.

"It's fine po," magalang na sabi ko sabay basa sa mga papeles na ibinigay niya.

Hindi rin nagtagal ay nauna na siyang umalis kasi may gagawin pa daw kaya nagpaalam na rin ako. Habang nag-aayos ng mga papeles para ibalik sa folder na pinaglalagyan kanina biglang may nahagip ang mga mata ko na siyang kinakaba ko ulit.

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at kaagad akong napaupo sa silya kaya bahagyang tumunog 'yon. Napakagat ako sa ibabang labi saka tumingin ulit sa direksyon ni Engineer Adams na may kausap ngayon na isang matanda at nakita kong nakatingin na siya sa akin.

Napakunot ang noo niya ng bahagya pero kaagad niya ring binalik ang tingin sa kausap. Dali-dali kong pinasok lahat sa folder saka mabilis na lumabas sa restaurant na iyon habang namamawis at hindi mapakali.

Coincidence really hates me. I really need to go back to Iloilo as soon as possible. This city is giving me heart attacks.

Pagkarating ko sa condo tulog na tulog pa rin ang anak ko kaya nagpasya ako na tabihan siya.

"Daddy," biglang bulong nito sa gitna ng mahimbing niyang pagtulog kaya dahan-dahan akong napalunok at napakurap ng ilang beses.

"Andrae," marahang tawag ko pero tulog parin siya.

"Daddy," ulit na sabi niya kaya dahan-dahan ko siyang kinulong sa mga bisig ko.

Hindi ito ang unang beses niyang magsabi ng salitang ganoon. Palagi niya kasi akong naririnig kapag tinatawag ko si Daddy kaya ginagaya niya minsan. Sa ngayon hindi pa niya alam ang ibig sabihin ng salitang 'yon kaya medyo kampante pa ako. Pero alam kong mabilis na umikot ang orasan. Isa o dalawang taon nalang hindi na ako mahihirapang ipaintindi sa kaniya ang sitwasyon.

Paano ko nga ba sasabihin kapag dumating na ang mga panahon na iyon? I am coward. Duwag ako sa lahat ng makakapanakit sa akin. Paano pa kaya kung makakapanakit 'yon sa anak ko? 

Pero sa ngayon. Gusto ko nalang munang mamuhay ng tahimik sa Iloilo kasama si Daddy. Gusto kong mamuhay sa malayo kina Alice para hindi na ako nag-aalala na may masira pa ulit ako. One mistake is enough. Wala na akong balak pang makapanakit ng importanteng tao sa akin.

Tama nang nagsisi ako sobra-sobra.

Kinabukasan buong araw akong nanatili lang sa condo kasi hindi naman tumawag si Attorney. Mukhang napapabilis na ang pagproseso kaya makakauwi na rin kami kaagad. Ilang beses na ring tumawag si Daddy at alam kong miss na miss na niya kami. Lalo na si Andrae.

"Mommy, cweam?" Cute na tanong niya habang nakadaa kami sa carpet dito sa living room habang nanood ng cartoons.

"No baby," sabi ko kaya sinamaan niya ako ng tingin. Parang biglang umitim ang mga mata niya dahil sa sama ng tingin niya sa akin kaya natawa ako ng mahina pero pinalo niya ako gamit ang maliit niyang kamay.

He is so stubborn and spoiled.

"No," matigas na sabi ko ulit kaya umamba siyang iiyak.

"Yes! Cweam!" Sigaw niya habang namumula na ang buong mukha. Palatandaan na iiyak na siya maya-maya.

Kaagad ko siyang binuhat saka dinala sa refrigerator para kumuha ng hinihingi niyang ice cream. In the end, I really want to spoil him. Makakaya ko namang ibigay kaya okay lang.

"Wabyu Mommy!" Masayang sabi niya nang mabigyan ko siya ng ice cream.

Masaya ko siyang tiningnan habang kumakain ng ice cream. I don't need a man to be happy. I just need my son. And I will do everything to keep him safe and secure. Dahil kung masasaktan siya doble ang balik ng sakit sa akin.

Comments (8)
goodnovel comment avatar
Faridah Lantong Mandol
paano po ba ma unlock?
goodnovel comment avatar
Pia Matic
Dana po libre naman
goodnovel comment avatar
Fatima Lopines
pa unlock naman pls
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status