Share

Chapter 4

Grabe ang kaba ko noong isang araw kasi muntik nang makita ni Alexander si Andrae. Hindi ko alam ang gagawin ko kung sakaling nakita at namukhaan niya ang anak ko, anak namin. I don't want him to know our son. Kahit pa sabihin na may karapatan siya. He has Alice. Hindi na ulit ako gagawa pa ng ikakasira nila.

Kasalukuyan akong nakatingin sa salamin. I am currently wearing a royal blue long gown. This is a deep v-neck so my cleavage is kinda showing and it's also see through on the back. Bahagya pa akong napangiti nang makita ang repleksyon ko sa salamin. This gown really suits me. 

Hindi ko maipagkakaila na maganda parin ang hubog ng katawan ko. I think I am just really blessed to have this kind of body. After I gave birth to my son I have no stretch marks or anything that could ruin my physical appearance.

Nang maging kuntento na ako sa ayos ko bahagya kong sinilip si Andrae na mahimbing ang tulog bago dahan-dahang lumabas ng kwarto.

I have an event to attend today. Si Daddy dapat ang pupunta kasi kaibigan niya iyon kaso nasa Iloilo siya kaya ako ang pinakiusapan na pumunta para sa kanya. I think it's a birthday party and he is also an engineer. 

May trauma na yata ako sa mga birthday party kaya nagdalawang isip akong pumunta. Pero nakakahiya kasi sabi ni Daddy kaibigan niya 'yon kaya pumayag nalang ako.

I'll just show myself then I'll go home after.

Binilin ko muna saglit si Andrae sa yaya niya bago ako bumaba saka nagbook ng cab. 

Hindi naging matagal ang biyahe kasi hindi kami naipit sa traffic. Mga ilang minuto lang nakahinto na kami sa tapat ng isang malaking mansyon na siyang nakasulat sa address ng invitation card.

"Thank you," magalang na sabi ko sa driver bago bumaba ng dahan-dahan.

Galing dito sa labas tanaw na tanaw ko na maraming mga tao sa loob kaya bigla akong nakaramdam ng kaba. Dahan-dahan ang paghakbang ko hanggang sa maibigay ko ang invitation card at tuluyang nakapasok.

Napalunok ako dahil wala akong dalang gift. Kahapon lang sinabi ni Daddy kaya wala akong nabili. 

Nginitian ko ang iilang bumati sa akin saka nagpalinga-linga. Nagbabakasakali ako na makakita ng kakilala ko dito kahit alam kong imposible. How rude of me to attend this party without even knowing the celebrant?

Napangiwi ako saka pilit nakihalubilo sa mga tao. Kaagad naman akong may naka palagayan ng loob dahil halos lahat ay mga engineers.

"Oh? You are the daughter of Engr. Mendez?" Gulat na tanong ng isang matandang kausap ko kaya bahagya akong napatango saka tumawa ng marahan.

"Yes, and I am also Engr. Mendez," sabi ko kaya tumawa ang matanda sabay iling.

"That guy, kailan ba siya magpapakita ulit?" Natawa ako ng kaunti ulit saka napailing.

Marami pang kumausap sa akin kaya hindi ako na out of place. I am enjoying this party because I met a lot of engineers. Hindi ko maipagkakaila na halos mga lalaki ang nagpapakilala. But I am so happy to know that we are in the same field.

"Excuse me po," magalang na paalam ko kalaunan dahil para na akong naiihi.

Nagtanong ako sa waiter na dumaan kung saan ang powder room kaya nagmamadali akong naglalakad papunta doon. Hindi maalis ang ngiti sa mga labi ko dahil worth it ang pagpunta ko dito.

But I need to go home. I need to see my son.

Nang lumiko ako para tuluyang pumunta sa powder room na tinuro ng waiter kaagad akong napaatras ng bahagya dahil bigla akong nabangga sa isang matigas na bagay.

"Ouch," medyo inis na reklamo ko saka magkasalubong ang kilay na tiningnan ang nakabangga ko.

Pero halos tumakbo ako nang mamukhaan ko kung sino iyon. Kaagad akong nanginig sa kaba at dahan-dahang napaatras. Hindi ako maaaring magkamali. The guy in front of me right now is Alexander Adams, the guy I slept with. Alice's fiance and my son's father.

Mas lalo akong nanginig nang magtama ang mga mata namin. Kita ko na  bahagya rin siyang nagulat pero kaagad bumalik sa pagiging seryoso ang reaksyon niya. Those green eyes.

Napaawang ang labi ko para magsalita pero hindi pa ako nakaka bigkas ng kahit ano may babae na biglang dumating. Babaeng hinding-hindi ko makakalimutan na siyang naging dahilan kung bakit ako mas natakot sa pagkakataong ito.

"Babe," malambing na sabi ni Alice sabay kapit sa braso ng fiance niya.

Napakurap ako at akmang lalampasan na sila pero kaagad napunta sa akin ang mga mata ni Alice. Unti-unting napataas ang kilay niya saka sarcastic na napangisi.

"Excuse—"

Nang maglalakad na sana ako papalayo bigla akong hinila ni Alice nang pabalya sa braso kaya hindi ako nakalayo. Kaagad namasa ang mga mata ko dahil sa sari-saring emosyon na nararamdaman.

"Look who's here," mabagal pero madiin na sambit ni Alice kaya napatingin ako sa mukha niya.

Wala na ang Alice na kaibigan ko. Puro na galit ang nakikita ko sa mukha niya ngayon. She's not as genuine as before. Tuluyan ng naglaho ang Alice na nakilala at nakasama ko mula pagkabata. Hindi ko na siya kilala ngayon. And it's my fault.

"Gwen, ano na naman ang ginagawa mo dito? Trying to find someone to f*ck again?" Natawa pa siya ng mahina matapos sabihin 'yon kaya napalunok ako at napaiwas ng tingin.

Parang acido na dumaloy sa katawan ko ang pang-iinsulto niyang iyon.

"I'm sorry—"

"Ohhh, nakakatawa. Wala bang lalaki na kasing gwapo ng fiance ko sa pinanggalingan mo?" Napa kurap ako saka napalingon sa lalaking nag igting ang panga sa tabi niya.

"Alice," madiing sabi nito.

"I'm not here to—"

"You are not here to f*ck?" Sarcastic na tanong niya saka mas nilapit ang katawan sa katabi niya na parang nanunuya.

Wala sa sariling napatangin ako kay Alexander. He is clenching his jaw while looking at me. Mahigpit rin ang hawak niya sa braso ni Alice na parang pinipigilan ito kung sakaling susugod.

Aalis na sana ako para umiwas sa gulo na sinisimulan ni Alice pero muli na naman niya akong nahigit at sa pagkakataong 'to halos matumba na ako sa sobrang lakas.

Napangiwi ako sa sakit na dulot ng paghigit niya pero hindi ako nagreklamo.

"Alice please," I begged but she acted like she didn't hear me.

"Ano ba Gwen? Huwag kang bastos kinakausap ka pa!" Sigaw niya kaya nanlaki ang mga mata ko dahil siguradong may nakarinig.

"Alice," saway ng fiance niya pero parang bata siyang nagpupumiglas.

"Ayoko ng gulo, aalis nalang ako," naiiyak na sabi ko. May tumulo na isang luha galing sa kaliwang mata ko na agad ko ring pinunasan sabay nagmamakaawang tumingin kay Alice.

Tumawa si Alice na parang baliw kaya napahilamos ng palad sa mukha si Alexander na parang nagtitimpi.

"Attention!" Sigaw ni Alice kaya napatingin ang lahat ng nasa malapit.

Rumaragasa ang luha sa pisngi ko habang umiiling-iling. Nagmamakaawa na huwag siyang gagawa ng kahit anong pagpapahiya sa aming lahat.

"Shut up, Alice!" Madiin na sabi ni Alexander pero tila walang narinig si Alice.

Hindi na ako nakapalag nang agresibo akong itulak ni Alice kaya kaagad akong napaupo sa lupa. 

"D*mn," 

"Look! That girl is a wh*re! She is sleeping with someone else's boyfriend!" Sigaw niya habang nakaturo sa akin kaya kaagad akong napayuko para itago ang mukha.

"Ouch! Xander!" 

"D*mn," 

 May naramdaman nalang ako na isang matigas na braso na umalalay sa akin sa pagtayo. The familiar expensive scent invaded my nose and my heart went wild.

"Shut up, Alice. You are making a scene. It's so embarrassing," madiin na sabi ni Alexander sabay layo sa akin at doon na tahimik si Alice.

Nanlaki ang mga mata ni Alice na parang biglang natauhan sa mga pinanggagawa niya. Pasimple akong sumulyap sa paligid at nakita ko na halos lahat ng nandito nakiki usyoso na rin. Napalunok ako saka marahang pinunasan ang mga luha sa pisngi.

"It's your fault, Gwen! Nagpakita ka pa kasi!" Sigaw ulit ni Alice nang makabawi kaya bahagya akong napaatras sa sobrang kakas ng boses niya.

"Alice—" hindi ko ulit natapos ang sasabihin ko kasi sinabuyan niya ako ng wine na kinuha niya sa waiter na biglang dumaan.

Napasinghap ako kasama rin ang pag singhap ng ilan sa paligid. Napapikit ako ng mariin dahil sa hapdi ng wine na pumasok sa mga mata ko. 

"Iyan ang nababagay sa malanding kagaya mo! Sa sobrang kati hindi na nakonsensya! Bagay lang sayong mapahiya! Wala kang kwentang kaibigan!" Malakas na sigaw niya saka nagpupumiglas na parang nawawala sa sarili.

Ako ng nakaramdam ng hiya dahil sa pag-escandalo namin sa party. Tiningnan ko si Alexander para humingi ng tulong sa pagpapakalma kay Alice. Nakita kong nakayukom na ang kamao niya na parang nawawalan na ng pasensya at ilang sandali na lang ay mananapak na. Namumula na rin ang mukha niya at halos maging itim na ang berde niyang mga mata.

Alam kong hindi ko dapat hangaan ang mukha niya sa ganitong pagkakataon pero hindi ko napigilan. Hindi ko mapigilang mapatulala sa kaniya habang nagpipigil siya ng galit.

"Gwen!" Biglang sigaw ni Alice kaya bigla akong bumalik sa sarili ko.

Nakita kong may mga papalapit na guards kaya agad akong natakot. My son is waiting! I need to go home!

"Ano po ang nangyayari?" Tanong kaagad ng nasa pinakaunahan.

"I'm so sorry, I need to go," nagmamadaling sabi ko sabay patakbong umalis doon na walang kahit sinong nilingon.

Hingal na hingal ako nang makarating ako sa labas kaya napahinga ako ng malalim saka dali-daling nag book ng grab at hindi rin nagtagal ang pagdating ng sundo ko. 

Pagkarating ko sa condo kaagad akong dumiretso sa kwarto para silipin ang anak ko. Hindi ko na napigilan pa ang pagtulo ng mga luha ko habang nakatingin sa mukha niya na parang anghel.

"Baby, let's go back to Iloilo. Mommy is hurting here," humihikbing bulong ko.

Pilit kong inalala ang mga nangyari kanina lang. Hindi ko inexpect na makikita ko sila doon. Alexander is an engineer and Alice too. Pero hindi ko akalain na nandoon rin sila.

Sobrang liit ng mundo para sa aming tatlo. Kung mananatili pa ako dito sa manila baka makita na nila si Andrae. At hindi ko gustong mangyari 'yon.

Nakatulog ako sa tabi ng anak ko na hindi nakapagpalit. Nagising lang ako dahil sa paggalaw niya at pagpalo ng bahagya sa mukha ko.

"Mommy! Andwae ish gry!" Napangiti ako saka hinalikan siya ng mariin sa pisngi na kinasimangot niya.

"What do you want to eat?" Malambing na tanong ko kaya kaagad kumislap ang berde niyang mga mata. Sa ganitong edad niya kitang-kita ko na ang pagiging magkamukha nila ng ama niya. Carbon copy of his father.

"Andok!"

"Hotdog?" Malambing na tanong ko na kinatango niya sabay palakpak ng ilang beses.

"Pak! Pak! Mommy! Pak!" Tuwang-tuwa na sabi niya saka tumalon-talon pa sa kama.

Napangiti ako ng tipid saka tiningnan siya habang masaya na nagtatalon-talon sa tabi ko. I carried him for nine months. Hindi ko maiwasang isipin kung bakit wala siyang nakuha sa akin.

Kapag ba ipinakilala ko siya kay Engineer Adams, tatanggapin ba siya? Makikilala niya kaya na anak niya si Andrae? 

This little angel is the source of my happiness. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status