Share

Chapter 2: Welcome to Heather Academy

Atacia's POV:

K I N A B U K A S A N

Maaga kaming nagising ni Cassie kaya't maaga din kaming nakapag handa. Ginawa ko ang mga gawain ko tuwing umaga bago naligo. Pagkatapos ko ay sumunod naman si Cassie. Kasalukuyan kong inaayos ang bag namin nang lumabas siya mula sa banyo.

"What am I going to wear?" She asked and opened her closet full of jeans, over-sized shirts and hoodies. 

"Try mo yung witch costume." Sabi ko. Naramdaman kong parang may tumama sa aking likuran. "Teka nga, bakit ba lagi mo nalang binabato saakin yung unan mo? Mukha ba akong kama para sayo?" Sabi ko at tumayo upang harapin siya at nag-pamewang.

"Teka nga, kelan mo rin ba titigil sa pamimilosopo saakin?" Sabi niya at muling tumingin sa closet niya.

"I don't know. When pigs fly I guess." I said and continued arranging our things. "Hey do you need to bring your pouch?" I asked. She only hummed. 

"Girls! Are you up? Come down and eat your breakfast okay?" Narinig naming sigaw ni Tita Heart mula sa ibaba.

"Opo Tita!" Sagot ko. Nang muli kong tingnan ang bag ko, nanlaki ang mga mata ko dahil basang-basa na yung handle.

"Holy moly." i whispered and tried to dry it but it only got worse. 

"Argh stupid powers!" I whispered and messed my hair. Yes. I have powers. Cool? No. It's very stressful like I just touched something, I'll accidentaly freeze or make it float. Goodness!

Tinago ko yung basang handle nang biglang lumabas si Cassie mula sa banyo. Nakasuot siya ng jumper.

"Anong meron?" Tanong niya. Umiling lang ako at ngumiti sakaniya.

"Nothing." I said and gave her an akward smile. She slowly nod and took her comb. 

"Let's go." She said and went out our room. 

Pagbaba namin ay may nakahanda ng pagkain. Andun narin sila Tito at Tita. Nagsisimula ng kumain ng pagkain. Alangan namang kutsara't tinidor lang diba. Chos.

"Oh, andyan na pala kayo mga ija. Halina't kumain na kayo." Paanyaya saamin ni Tito.

Umupo na kame ni Cassie at kumain. Alangan namang tumayo kami habang kumakain diba? Di naman kame tanga para pahirapan yung sarili namin noh. Chos lang ulet.

Tahimik kaming kumain. Walang naglakas loob na magsalita. As in tahimik talaga. Hanggang sa makatapos kami. Kaya nagulat ako ng biglang magsalita si Tita.

"Tumawag saakin kanina ang mommy mo. Ang sabi nya ay nasa bank account mo na daw yung allowance mo for 1 week. Kunin mo na lang daw." Sabi ni Tita heart habang hinuhugasan yung mga pinggan na pinagkainan namin. Sinabi ko sakaniya na ako na lang an mag-huhugas pero tumanggi siya. 

"Ah sige po Tita. May alam po ba kayong mapagwi-withdrawhan dito? Yung malapit lang po sa school namen?" Pagtatanong ko.

"Ay meron ija! Sa tapat ng school nyo mismo."

Sabi ni Tita.

"Sige po thank you po." Sagot ko. 

At muling natahimik ang lahat.

***

Andito na kame ngayon sa tapat ng Heather Academy. Weird ng pangalan 'no?

Ng ma-withdraw ko na ang allowance ko ay pumasok na kami. We we're greeted by students wearing a...cloak?

"Bakit kaya Heather ang pangalan ng Academy na toh?" Tanong ni Cassie habang naka sukbit ang braso nya sa braso ko.

"Ay bakit sakin mo tinatanong? Ako ba gumawa?" Pamimilosopo ko sakanya. Natawa nalang ako dahil sa itsura ng mukha nya. Pfft.

"Kahit kelan talaga wala akong makuhang matinong sagot sayo." Sabi nya at inirapan ako.

Hindi nalang ako sumagot at tumingin sa paligid. Kasalukuyan naming hinahanap ang Principal's Office ng biglang may lumapit saamin. Maputi sya and mga nasa 30 plus na siguro ang edad nya.

"Are you Ms. Montreal and Ms. Santos?" Tanong niya saamin. A smile is plastered on her face. Her voice is so soft and gentle.

"Kami nga po." Sabay naming sabi. Her smile widened.

"Oh, Good Morning to both of you I'm Anthea Madrigal. Principal of Heather Academy. Welcome. Please follow me to my office." Sabi nya saamin. Tumalikod siya t nagsimulang lumakad. Nagkatinginan nalang kami ni Cassie at sabay na tumango.

Sinundan namin si Ms. Madrigal patungong opisina nya. Nang makapasok kami ay agad kaming napanganga.

Grabe! Napakaganda ng office nya! Magmula sa book shelves, hanggang carpet. Napakaganda!

You could see the clear sky from the window. Brown painted walls. We stopped looking around and looked back at Ms. Madrigal

"These are your schedules and your uniforms. Also your keys for your dorm. I believe you are aware that this school is a boarding school right?" Sabi ni Ms. Madrigal.

"Yes Maam." Sabi ko. Tama ang nabasa nyo. Boarding school ito. Magkasama kame ni Cassie sa iisang room.

"Okay then, you may now go to your classes. Ipapahatid ko nalang ang mga gamit nyo sa inyong dorm." Sabi nya na ipinagtaka namin.

"I have a question. Wala pa po kasi kaming gamit na dala bukod sa libro namin. Pwede pa po ba namin kunin iyon mamayang uwian?" Pagtatanong ko.

Tumawa lang si Ms. Madrigal. And to be honest, nakakakilabot ang tawa niya. 

"So, you're not aware that once you entered the campus you cannot go out now? HAHAHA! Pinadala na ng parents nyo ang mga gamit nyo dito." Sabi nito ng nakangiti.

"A-ah g-ganon po b-ba? S-sige po s-salamat po. Aalis na p-po k-kami." Utal utal na sabi ni Cassie. Ramdam ko rin ang panginginig ng kanyang mga kamay. Hinawakan ko iyon ng mahigpit upang pakalmahin siya.

Tumalikod na kami at nagtungo sa pintuan. Pinauna ko na syang lumabas at sumunod naman ako. Bago pa ako makalabas ay biglang nagsalita si Ms. Madrigal.

"Wag mong hahayaang masaktan ang kaibigan mo, Atacia. Huwag kayong lalabas 'pag gabi. May gyerang nagaganap." Seryosong sabi nito.

Ang maamo kong mukha ay napalitan ng malamig at seryoso.

"Hinding-hindi ko yon hahayaang mangyari. Mauuna kayo bago ang kaibigan ko." Sabi ko dito ng malamig ang boses. Napangiti naman ito. Tumalikod na ako at lumabas. Inayos ko muna ang mukha ko bago ako lumapit kay Cassie.

"Oh halika na Cas. Baka ma-late na tayo." Sabi ko sakanya. Nakatitig naman sya sa kung saan. Gulat, pag-aalala at takot ang nababasa ko doon. Nang tignan ko ang tinitignan nya ay biglang nanlaki ang mata ko. Napatitig rin ako dito ng may takot.

Clouds of questions are starting to form inside my mind. My heart beats like crazy because of nervousness. Not for myself, but for Cassie. 

How did that get there?!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status