MAAGANG nagising si John noon para sa oras ng ehersisyo niya. As usual, nilibot niya ang subdivision ng apat na beses bago bumalik sa malaking bahay ng mga Palma. Kalat na ang liwanag noon kaya kailangang punitin na naman ni John ang ngiti para sa apat na kasambahay na araw-araw na bumabati sa kanya sa tโwing babalik siya. โGoodmorning, Sarhento JJ!โ kinikilig pa si Angelika na kumaway sa kanya. Ito ang pinakabata sa mga ito. Sa pagkakasabi ng kasamahan niya, 23 years old pa lang ito. Hindi niya tuloy malaman kung ano ang nakita ng mga ito sa kanya, bakit ganoon na lang kung landiin siya ng mga ito, Sarhento pa rin. Napailing na naman si John. Ilang beses na niyang sinabing hindi na siya sundalo at John na lang ang itawag sa kanya, pero sadyang makulit talaga ang mga ito. โMorning po,โ sagot niya pa rin. Hindi naman siya bastos. Saka mga kasamahan pa rin niya itong nagtatrabaho rito sa mga Palma kaya dapat pakisamahan niya nang maayos. Akmang papasok siya sa gate nang makita ang b
โOH, KANA,โ anas ni John sa tainga niya. โHindi ko akalaing mayayakap kita ulit nang ganito. Pakiramdam ko, para akong sinisilaban ngayon dahil sa pagdikit ng mga balat natin.โ Kasunod niyon ang masuyong paghalik ni John sa sulok ng labi ni Kana. Bumaba pa iyon hanggang sa mahuli nito ang labi niya. Sabay pa silang napasinghap sa loob nang salubungin iyon ng dalaga.Kahit si Kana, hindi rin niya akalaing mararamdaman ulit ang ganitong pakiramdam. Yakap at mga halik ni John ang isa sa hinahanap niya after nilang maghiwalay ng gabing iyon. Kung nagising lang siyang nasa tabi pa niya si John, baka hindi na niya pinakawalan noon ang binata.Naiyakap ni Kana ang hita sa bewang ni John nang pangkuin siya nito. Hindi man lang bumibitaw ang labi nila habang naglalakad si John. Namnam niya ang masarap at maiiniy nitong halik. Dagdag pa ang posisyon niya rito.Imbes na sa silid niya, sa isang aesthetic na drawer sa sulok ng sala niya siya dinala ni John. Saglit itong bumitaw at inipon nito ang
NAGISING ang diwa ni KANA sa malikot na kamay na naglalaro sa dunggot niya. May ideya na siya kung sino iyon. Nagmulat siya ng mata para tingnan kung tama ba ang nasa isipan niyang nanggigil sa dunggot niya. Bumungad sa kanya ang nakapit pero nakalabi na si John. Nakayakap din ito sa kanya nang mahigpit. Natigilan siya nang maalalang sa sasakyan siya nakatulog. Pinangko siya nito? Pero bakit dito siya natulog? Wala naman siyang sinabi na matulog ito dito.Napangiti siya mayamaya nang muling lumabi ang binata, kasunod niyon ang paglapit ng mukha nito sa kanyang dibdib para halikan siguro. Doon na niya ito pinigil.โOuch, hon!โ Biglang mulat si John ng mata nang hampasin niya ito sa braso. Kasunod din niyon ang pagtanggal nito ng kamay sa dibdib niya.โAno? Masakit, huh?โ Naupo siya kapagkuwan.โHon?โ Ngumiwi pa si John habang sapo ang hinampas niya. โBakit naman ganoon kalakas?โโEh kasi, istorbo ka sa pagtulog ko!โ Actually, oras na rin naman talaga nang gising niya.โOh. Akala ko da
โWALA po, Chief,โ sagot ni John nang tanungin siya ng chief of staff kung may ibang lalaking kinakausap ang anak nito. Tinitigan siya ng ama ni Kana bago nagsalita. โSure?โ โYes, Chief.โ Nang maalala si Grant ay sinalubong niya ang kakaibang tingin ng ama ng dalaga sa kanya. โS-si Grant po pala, Sir.โ Napaangat ng kilay si Atlas sa narinig kay John. โSi Grant. Yeah, right. Si Grant nga pala. Other than him?โ Umiling si John. Pero deep inside, kinakabahan siya dahil siya ang kasama recently ni Kana. At hindi lang basta kasama, kinakasama! Napahilot si Atlas ng noo pagkuwaโy bumuntonghininga. Bahagyang napasuntok pa ito sa bubong ng sasakyan nito na ikinalabas ng driver nito Nilingon siya mayamaya nito na frustrated ang mukha. โAlam mo bang dalawang taon nang wala sa amin ang anak namin? I mean, ang dating Kana. โYong lively. Funny. โYong anak kong walang iniisip kung hindi ang magsaya o โdi kaya gumala. Ngayon, everytime na nakikita ko siya, napapaisip ako. Parang hindi siya an
HINDI pa man nakakaapak si Kana sa hagdan nang makita ang magulang na papalabas ng silid ng mga ito. Bihis na bihis kaya alam niyang sa party ang mga ito pupunta. Hinintay na lang niya na makababa ang mga ito. โKana, anak!โ Masaya si Atlas nang makita ang anak. Kanina pa nito hinihintay si Kana dahil balak niyang isama sa party since wala ngayon si John sa tabi nito. โHow have you been these past few days?โ โIโm good,โ tipid lang na sagot ni Kana. โThatโs great, anak.โ Tumingin ang ina sa ama kaya nahalata niyang mukhang iniisip siya ng mga ito. Sabagay, always naman. Walang araw na hindi nangungumusta at tumatawag ang ina sa opisina. Ang ama naman niya, text o โdi kaya audio message. Masaya siya dahil sa concern ng mga ito sa kanya. Though alam niyang may tampo ang mga ito sa kanya. Tumango siya sa ama bago lumapit sa ina para halikan ito sa pisngi. Ayaw lang niyang masira ang dress ng ina kaya hindi na niya โHow about me?โ ani ng ama ni Kana. โWala?โ Parang nagtatampo kuno a
SUNOD-SUNOD ang buga ni Kana sa usok nang tumabi sa kanya si John. Hindi niya ito binalingan pero alam niyang nakatingin ito sa kanya. Dinig pa niya ang pagpakawala nito nang buntonghininga.โN-ngayon ko lang nakilala ang pinsan mo, hon. S-saka si Dariel ang m-may pakana noโn. โDi ko na siya napigil dahil biglang tawag niya kay Simone. Promise, nagsasabi ako ng totoo!โ Sabay angat pa nito ng kanang kamay.Bumaling si Kana kay John pagkuwaโy ngumiti. Pero ang ngiting iyon ay hindi umabot ng mata niya kaya biglang nabalisa si John. Akmang hahawakan nito ang braso ni Kana nang ilayo nito ang sarili sa binata.โYou donโt have to explain yourself, John. Nagbibiro lang ako nang sabihin ko iyon. Saka mabait si Simone, magugustuhan mo rin siya.โ Humithit pa siya nang sunod-sunod at muling tumingin kay John.Sooner or later, malalaman naman ni John ang totoong pakay niya rito. Kaya dapat simulan na nitong makipagkilala o makipagmabutihan kay Simone. Binabalaan na niya ito ngayon. Kung papatula
โA-ANONG ginagawa mo rito?โ Mabilis na binalik niya ang cycling shorts pagkuwaโy pinulot ang dress saka tinakip sa sarili. โHindi ka man lang kumatok, John. Namimihasa ka na,โ aniyaNapaangat ng kilay si John. โHindi ka pa rin ba sanay sa presensya ko? Nakita ko na โyan lahat, kaya bakit mo pa tinatago? Saka hindi kita pipilitin. Mas masarap kung parehas natin ang gusto.โNanayo ang balahibo ni Kana sa mga sinabi ni John. Tama bang sabihin iyon? Wala na ba itong nasa isip kung hindi ang sex?Naglakad ito palapit sa kanya. โSira ang shower sa kabila kaya makikiligo lang ako,โ dugtong pa nito. โSaka baka magalit ka, amoy Simone ako. Inuunahan na kita.โโAh, John! Tigilan mo nga ako!โโBakit ko pipigilan ang sarili ko, Kana? Sa โyo lang ako ganito kaya dapat na matuwa ka.โโHuh! Wala akong pakialam, John! Kaya manahimik ka na. Kung gusto mong maligo rito, sige. Pero patapusin mo muna ako.โImbes na umalis, humakbang si John palapit sa kanya. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa pagk
WALA na sa harapan ni Kana si John pero ang puso niya parang sasabog. Hindi niya maintindihan kung sa kilig ba o may ibang sakit naman siya, tapos sa puso na naman. Wala siyang sakit. Wala! My God! Napabaling tuloy siya sa kabilang side dahil sa mga isiping iyon. Pero mukhang mali siya nang ginawa dahil umikot bigla ang paningin niya. Dahil ito sa wine na nainom niya. Naubos niya ang apat! Bumalik pa siya kanina dahil parang walang epekto sa kanya ang wine. Sabi niya nga, sana whiskey na lang ang ininom niya dahil walang epekto sa kanya. Pero โyon ang akala niya. Ngayon, sumisipa na sa kanya! โSh*T!โ Sinapo pa niya ang ulo at pumikit na lang. Pero biglang tumunog ang telepono niya kaya kinuha niya pa iyonโ lalo tuloy na umikot ang paningin niya. Natigilan si Kana nang makita ang caller IDโ si Simone. Bakit ito tumtawag sa kanya ngayon? Pabagsak na naupo siya sa kama, pagkuwaโy nahiga na lang. Hinayaan na lang niyang tumunog iyon hanggang sa sumuko si Simone. Pero mukhang walang b