NAGISING ang diwa ni KANA sa malikot na kamay na naglalaro sa dunggot niya. May ideya na siya kung sino iyon. Nagmulat siya ng mata para tingnan kung tama ba ang nasa isipan niyang nanggigil sa dunggot niya. Bumungad sa kanya ang nakapit pero nakalabi na si John. Nakayakap din ito sa kanya nang mahigpit. Natigilan siya nang maalalang sa sasakyan siya nakatulog. Pinangko siya nito? Pero bakit dito siya natulog? Wala naman siyang sinabi na matulog ito dito.Napangiti siya mayamaya nang muling lumabi ang binata, kasunod niyon ang paglapit ng mukha nito sa kanyang dibdib para halikan siguro. Doon na niya ito pinigil.“Ouch, hon!” Biglang mulat si John ng mata nang hampasin niya ito sa braso. Kasunod din niyon ang pagtanggal nito ng kamay sa dibdib niya.“Ano? Masakit, huh?” Naupo siya kapagkuwan.“Hon?” Ngumiwi pa si John habang sapo ang hinampas niya. “Bakit naman ganoon kalakas?”“Eh kasi, istorbo ka sa pagtulog ko!” Actually, oras na rin naman talaga nang gising niya.“Oh. Akala ko da
“WALA po, Chief,” sagot ni John nang tanungin siya ng chief of staff kung may ibang lalaking kinakausap ang anak nito. Tinitigan siya ng ama ni Kana bago nagsalita. “Sure?” “Yes, Chief.” Nang maalala si Grant ay sinalubong niya ang kakaibang tingin ng ama ng dalaga sa kanya. “S-si Grant po pala, Sir.” Napaangat ng kilay si Atlas sa narinig kay John. “Si Grant. Yeah, right. Si Grant nga pala. Other than him?” Umiling si John. Pero deep inside, kinakabahan siya dahil siya ang kasama recently ni Kana. At hindi lang basta kasama, kinakasama! Napahilot si Atlas ng noo pagkuwa’y bumuntonghininga. Bahagyang napasuntok pa ito sa bubong ng sasakyan nito na ikinalabas ng driver nito Nilingon siya mayamaya nito na frustrated ang mukha. “Alam mo bang dalawang taon nang wala sa amin ang anak namin? I mean, ang dating Kana. ‘Yong lively. Funny. ‘Yong anak kong walang iniisip kung hindi ang magsaya o ‘di kaya gumala. Ngayon, everytime na nakikita ko siya, napapaisip ako. Parang hindi siya an
HINDI pa man nakakaapak si Kana sa hagdan nang makita ang magulang na papalabas ng silid ng mga ito. Bihis na bihis kaya alam niyang sa party ang mga ito pupunta. Hinintay na lang niya na makababa ang mga ito. “Kana, anak!” Masaya si Atlas nang makita ang anak. Kanina pa nito hinihintay si Kana dahil balak niyang isama sa party since wala ngayon si John sa tabi nito. “How have you been these past few days?” “I’m good,” tipid lang na sagot ni Kana. “That’s great, anak.” Tumingin ang ina sa ama kaya nahalata niyang mukhang iniisip siya ng mga ito. Sabagay, always naman. Walang araw na hindi nangungumusta at tumatawag ang ina sa opisina. Ang ama naman niya, text o ‘di kaya audio message. Masaya siya dahil sa concern ng mga ito sa kanya. Though alam niyang may tampo ang mga ito sa kanya. Tumango siya sa ama bago lumapit sa ina para halikan ito sa pisngi. Ayaw lang niyang masira ang dress ng ina kaya hindi na niya “How about me?” ani ng ama ni Kana. “Wala?” Parang nagtatampo kuno a
SUNOD-SUNOD ang buga ni Kana sa usok nang tumabi sa kanya si John. Hindi niya ito binalingan pero alam niyang nakatingin ito sa kanya. Dinig pa niya ang pagpakawala nito nang buntonghininga.“N-ngayon ko lang nakilala ang pinsan mo, hon. S-saka si Dariel ang m-may pakana no’n. ‘Di ko na siya napigil dahil biglang tawag niya kay Simone. Promise, nagsasabi ako ng totoo!” Sabay angat pa nito ng kanang kamay.Bumaling si Kana kay John pagkuwa’y ngumiti. Pero ang ngiting iyon ay hindi umabot ng mata niya kaya biglang nabalisa si John. Akmang hahawakan nito ang braso ni Kana nang ilayo nito ang sarili sa binata.“You don’t have to explain yourself, John. Nagbibiro lang ako nang sabihin ko iyon. Saka mabait si Simone, magugustuhan mo rin siya.” Humithit pa siya nang sunod-sunod at muling tumingin kay John.Sooner or later, malalaman naman ni John ang totoong pakay niya rito. Kaya dapat simulan na nitong makipagkilala o makipagmabutihan kay Simone. Binabalaan na niya ito ngayon. Kung papatula
“A-ANONG ginagawa mo rito?” Mabilis na binalik niya ang cycling shorts pagkuwa’y pinulot ang dress saka tinakip sa sarili. “Hindi ka man lang kumatok, John. Namimihasa ka na,” aniyaNapaangat ng kilay si John. “Hindi ka pa rin ba sanay sa presensya ko? Nakita ko na ‘yan lahat, kaya bakit mo pa tinatago? Saka hindi kita pipilitin. Mas masarap kung parehas natin ang gusto.”Nanayo ang balahibo ni Kana sa mga sinabi ni John. Tama bang sabihin iyon? Wala na ba itong nasa isip kung hindi ang sex?Naglakad ito palapit sa kanya. “Sira ang shower sa kabila kaya makikiligo lang ako,” dugtong pa nito. “Saka baka magalit ka, amoy Simone ako. Inuunahan na kita.”“Ah, John! Tigilan mo nga ako!”“Bakit ko pipigilan ang sarili ko, Kana? Sa ‘yo lang ako ganito kaya dapat na matuwa ka.”“Huh! Wala akong pakialam, John! Kaya manahimik ka na. Kung gusto mong maligo rito, sige. Pero patapusin mo muna ako.”Imbes na umalis, humakbang si John palapit sa kanya. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa pagk
WALA na sa harapan ni Kana si John pero ang puso niya parang sasabog. Hindi niya maintindihan kung sa kilig ba o may ibang sakit naman siya, tapos sa puso na naman. Wala siyang sakit. Wala! My God! Napabaling tuloy siya sa kabilang side dahil sa mga isiping iyon. Pero mukhang mali siya nang ginawa dahil umikot bigla ang paningin niya. Dahil ito sa wine na nainom niya. Naubos niya ang apat! Bumalik pa siya kanina dahil parang walang epekto sa kanya ang wine. Sabi niya nga, sana whiskey na lang ang ininom niya dahil walang epekto sa kanya. Pero ‘yon ang akala niya. Ngayon, sumisipa na sa kanya! “Sh*T!” Sinapo pa niya ang ulo at pumikit na lang. Pero biglang tumunog ang telepono niya kaya kinuha niya pa iyon— lalo tuloy na umikot ang paningin niya. Natigilan si Kana nang makita ang caller ID— si Simone. Bakit ito tumtawag sa kanya ngayon? Pabagsak na naupo siya sa kama, pagkuwa’y nahiga na lang. Hinayaan na lang niyang tumunog iyon hanggang sa sumuko si Simone. Pero mukhang walang b
NAALARMA ang buong building dahil sa pagtunog ng alarm bell gawa ng usok na nagmula sa unit ni Kana. Pero agad ding kumalma ang mga tao nang malamang mula lang sa soup at pot na usok iyon na nasunog dahil sa tagal nito sa kalan. Naubos na kasi ang sabaw at ilang ingredients na lang ang natira sa pot na naging dahilan para masunog iyon. Nagkatinginan si Kana at John nang makaalis ang pulis at ang manager ng condominium. Ngiti ang sumunod na rumehistro sa kanila. Hindi naman nila pwedeng sisihin ang isa sa kanila dahil parehas silang dalawa na nakalimot. “Sorry,” ani ni John sa kanya. Umiling si Kana. “Let’s forget about it.” Akmang aalis si Kana nang pigilan ito ni John. “Hon,” “Hmm?” Nilingon ito ni Kana. “Hindi ba natin pag-uusapan ang tungkol sa atin? Hindi ba oras na para lagyan ng label dahil sa nangyari sa atin?” Natigilan si Kana. “A-ano bang pag-uusapan dapat?” “Gaya ng sabi ko, label, hon.” Deep inside, gusto na ni John talaga. Para kapag lumapag na naman ang Grant na
“P-pamilyar sa akin a-ang bisita mo,” seryosong sabi ni John. “Sino? Si Danilo? Yeah, magkakilala kayo, I remember.” “Pwede ba akong pumasok?” Umiling si Kana. “I’m sorry pero hindi pwede. Business meeting ito, John. Maybe mamaya after ng meeting? What do you think?” Napatitig si John sa dalaga. Nang maalalang naghihintay sa kanya sila Astin ay nagdesisyon na lang siya na ‘wag magpakita muna rito. Hindi pa naamn siya nakikita nito kaya “‘Wag na lang pala, hon. Next time na lang siguro.” Akmang hahalikan niya ito sa noon nang bahagya siyang itulak nito. “Hon?” Nasa malayo naman ang bodyguard at mga nakatalikod ang mga ito dahil sa utos niya. “Makita tayo sabi, e.” Hindi maintindihan ni John ang sarili kung bakit parang nasaktan siya. Parang ayaw niya nang patago na relasyon. “Go. Kailangan ko nang bumalik sa loob. Gusto ko nang magpahinga rin,” taboy sa kanya mayamaya ni Kana. Tumango si John at ngumiti sa dalaga. Hindi na niya natanong sa dalaga ang tanong sa isipan niya. Per