Tumunog ang doorbell ng condo niya. Hindi niya alam kung si Carter ba ang nasa labas o si Gregor. Kanina pa tumatawag si Carter dahil nagyayaya ito ng dinner pero hindi niya sinasagot.
Hindi rin niya pinagbuksan ang kung sinumang tao sa labas. Wala siyang gustong makausap sa ngayon. Mas gusto niyang namnamin ang pag-iisa.
Ang sumunod na tawag na natanggap niya'y galing sa Auntie Margarita niya na ina ni Anthony na siyang namamahala sa mansyon doon. Itinakbo daw muli ang Daddy niya sa ospital kaya't pinauwi nito ang Mommy niya.
"Marami hong trabaho sa opisina," pagdadahilan niya dahil hindi niya gustong umuwi. "Si Mommy na lang ho ang mag-aasikaso..."
Alam niya na kung bakit hindi ang Mommy niya ang tumawag sa kanya ngayon. Alam nitong masama pa rin ang loob niya hanggang ngayon.
Kinabukasan ay maaga siyang pumasok sa opisina. Alas syete pa lang ay nakaalis na siya sa condo dahil tiyak na
Alas sais siya sinundo ni Gregor kahit nagpilit siyang magkita na lang sila sa restaurant. Sa isang fine dining restaurant sila kumain kung saan sila nagkitang muli mula nang magkahiwalay sila sa El Nido. Kasama pa niya noon si Rico habang ang kasama nito'y si Lenny na ngayon ay nagdadalantao na."Bakit dito mo 'ko dinala?""Bukod sa masarap ang pagkain dito, gusto kong ako ang maalala mo pag nagpunta ka dito. Naalala mo nung nagkita tayo dito?"Siya man ay natawa sa alaalang 'yon. Kasama niya si Rico pero kay Gregor na ang buong atensyon niya nang makita ito. "Paborito niyo yatang puntahan ng ex-girlfriend mo 'to eh.""Paborito ko," pagtatama naman ni Gregor. "Bihira naman si Lenny dito noon. Syangapala, gusto kitang imbitahan sa birthday ng pamangkin ko sa Linggo.""Sa El Nido?""Yes. Are you free?""Sure," mabilis niyang sagot. Gusto rin niyang lumayo sa Puer
"T-tapos na ang pinapanood mo?" tanong niya kay Gregor. Bago pa tuluyang humulagpos ang suot niyang roba ay nagawa niya nang talikuran ang binata. Nagtungo siya sa closet para kumuha ng pantulog. Sumandal naman doon si Gregor na nakangisi dahil sa pag-iwas niya."Sa tingin mo kaya mong panindigan 'yan?" wika nito. Kahit siya'y napangiti."Ang alin?""Yang kakaikot ikot mo dito sa unit mo na akala mo may iba ka pang mapuountahan.""Ba't kasi sunod ka nang sunod?" natatawa niyang wika na nagtungo naman sa silid niya dala ang nighties. "I haven't had my dessert.""Mukha ba akong chocolate cake?""Isusuot mo 'yan?" tanong ni Gregor na inginuso ang dala niyang nighties. "Oo. Matutulog na 'ko."Isuot mo.""Doon ka sa labas," aniya na itinulak ito palabas ng silid. Humarang lang ito sa pinto."C'mon... I have tasted all of you. Bakit
Tinotoo ni Gregor na doon ito natulog sa condo niya. Paggising ni Olive kinabukasan ay nakadagan pa ang kamay nito sa katawan niya. Alas singko pa lang ng umaga, pero dahil maaga siyang nakatulog dahil sa pagod, maaga rin siyang naalimpungatan ngayon. Dahan-dahan siyang bumaba sa kama at naghilamos sa banyo. Tinungo niya rin ang komedor para maghanap ng ipapakain kay Gregor mamaya. Puro instant noodles at prutas ang laman ng pantry niya ngayon dahil mag-isa lang naman siya dito at hindi siya madalas sa condo kumain. "Good morning..." Napapitlag siya sa tinig ni Gregor na nasa likuran niya. Hindi niya akalaing magigising din ito kaagad."Ginulat mo naman ako," nakangiti niyang sabi. "Magtitimpla muna ako ng kape.""Ako na," agap naman nito na lumakad sa kusina nang nakayapak. Puting twalya lang ang nakatakip sa ibabang bahagi ng katawan nito na hindi niya alam kung mayron man lang
Hindi pa man lumilipas ang kalahating oras mula nang umalis si Jose Abad sa opisina niya, may isa na namang tao na gustong guluhin ang pag-iisip niya. Ang sabi ng sekretarya ay nakiusap ito na papasukin niya."Ano ang gusto mong ipagkausap sa akin?" tanong niya kay Lenny na umupo sa harap ng mesa niya. Tumaba na ang babae ngayon kumpara noong huli niya itong nakita sa opisina ni Gregor. Halata na rin ang umbok ng tiyan nito."Alam kong nahuhumaling ang asawa ko sa 'yo ngayon," panimula nito na hindi niya naiwasang magtaas ng kilay. "Asawa? Kasal ba kayo ni Gregor?""Hindi," mabilis nitong sagot. "Pero nagsasama na kami nang matagal at magkakaroon na ng anak. Nakikiusap ako sa 'yo, Miss Montañez, ibalik mo sa akin si Gregor. Kailangan siya ng anak ko."Nang magsimula itong magpahid ng luha sa pisngi ay naantig ang puso niya. Hindi peke ang pag-iyak nito. Totoo itong nasasaktan
Pagkaalis ni Gregor ay pinapasok niya si Carter. Nakatayo lang siya malapit sa pinto. Hindi niya puwedeng ipakita ang kahinaan niya sa harap ni Carter."Sinabi ba ng Papa mo na pinagbantaan niya ako kanina?""Kinausap ka niya?""He went into my office.""I'm sorry, hindi ko alam na gagawin niya 'yun.""He was expecting me to marry you. But you see... I have a boyfriend, Carter..." wika niya na tila isang negosyo ang pinag-uusapan nila."Si Gregor ba?"Marahan siyang tumango."Pero may girlfriend siyang iba, hindi ba? At buntis 'yung babae."Hindi niya alam kung ang Daddy niya ang nagsabi kay Carter ng tungkol kay Lenny. Pero hindi na 'yon mahalaga. At inaasahan na rin naman niyang magkukuntsaba ang dalawa dahil parehong may kailangan sa isa't isa. Sigurado siyang gagawin ng Daddy niya ngayon ang lahat ng sasabihin ng mga Abad."Problema ko na 'yun, Carter
Hawak niya ang telepono pero hindi niya kayang tawagan si Gregor. Ano ang sasabihin niya? Paano niya ipapaliwanag ang mga nakita nito kanina? Kaya ba niyang sabihin na gusto niyang malaman kung katulad nga siya ng tatay niya na pumapatol kung kani-kanino? Na nag-experiment siya dahil may identity crisis siya?Sa halip na tawagan si Gregor ay lumabas siya sa condo para puntahan na lang ito ng personal. Kailangan niya rin namang harapin ito kalaunan. Kung magagalit ito sa kanya ngayon ay tatanggapin niya dahil nagkasala siya. Nagtaksil siya kung tutuisin. Kung sa kanya ginawa ni Gregor 'yun ay baka hindi niya rin ito patawarin.Tumuloy siya sa bahay nito sa San Luis pero wala raw ito roon sabi ng katiwala nito. Hindi pa ito umuuwi. "Baka sa apartment niya tumuloy? Minsan kasi kapag masama ang pakiramdam ng girlfriend niya'y doon 'yun natutulog. Alam ko'y hindi naman kasi stay-in ang katulong
Tama na nga 'yang pag-iyak mo, Olive," wika sa kanya ni Cassey nang puntahan niya ito sa bahay. Wala na siyang mapuntahan at mahihingahan ng problema kung hindi ang mga kaibigan. Gusto niyang magpakalasing. Pero nasa Cebu si Jenny ngayon kasama ang pamilya nito. Si Casey lang ang nakausap niya pero hindi ito puwedeng umalis sa bahay ngayon dahil wala pa ang mga magulang nito. Kasama nito ang nakababatan kapatid na hindi naman puwedeng isama sa bar."Mapapatawad pa kaya niya ako?""If he really loves you, yes. Oo naman. Palipasin mo lang ang galit nun tapos ipaliwanag mo nang maayos.""Pero ang sabi niya'y aayusin niya na lang ang relasyon nila ng ina ng magiging anak niya. Wala na ako sa mga plano niya...""Kasi nga galit siya. Ganun naman talaga tayo kapag galit, hindi ba? Madalas nawawala tayo sa katwiran. Madalas pa nga nakakagawa tayo ng
Hindi magkamayaw ang mga reporter sa harap ng opisina ng Falcon Corp. para makakuha ng panayam kay Olivia Montañez. Isang buwan matapos ang pinal na desisyon niya na hindi magpapakasal kay Carter ay umugong ang bulung-bulungan tungkol sa affairs ng Daddy niya ay kung sino-sinong babae.Nagbayad sila ng milyon kay Carley para hindi ito magsalita. Nagkaunawaan naman sila ni Carter na ito na ang bahalang magkumbinsi sa Papa nito na huwag nang magsampa ng kaso sa Daddy niya dahil ayaw na ring umuwi sa Pilipinas ni Carley. Pare-parehong makakaladkad ang pangalan nila at pare-pareho silang maabala sa kabi-kabilang hearing maliban pa sa kabi-kabilang reporter na haharang sa kanila.Pero alam niyang may kinalaman ang Papa ni Carter sa mga naglabasang reklamo sa Daddy niya sa mga affairs nito sa iba't ibang babae. Sa ngayon ay nagmumukmok ang Mommy at Daddy niya sa mansyon sa Dumaran para iwasan ang issue. Walang makakapasok doon. Kaya