Share

Chapter 022

Author: Anne Lars
last update Last Updated: 2025-08-07 18:59:48

**Yeon Na**

“Kumusta? Anong resulta?” tanong ni Sire sa akin, nakangiti habang binubuksan ko ang pinto ng banyo. Napangiti rin ako kahit pilit.

“Hindi ko nagamit ang pregnancy test,” matamlay kong tugon, sabay lakad papunta sa drawer. Nakasunod siya sa akin.

“Sira ba ’yung PT na nabili ko?” mahinang tanong niya.

Napabuga ako ng hangin. “Hindi ko na itinuloy. I had my period,” sagot ko, sabay kuha ng tampon sa loob ng drawer at ipinakita sa kanya. Muli akong bumalik sa banyo para isuot ito.

Pagbalik ko sa loob, napaupo ako sa toilet lid at napatakip ng mga mata. Tahimik akong naluha, napaiyak hanggang sa tuluyan na akong napahagulgol.

We’ve been trying for over two months to get pregnant but still, nothing. I had my period today, on the exact day I planned to take the test. Last month, I also thought I was pregnant dahil na-delay rin ang period ko. The same feeling I had today... but the disappointment hits harder this time.

Imagine that over two months of trying. So much effort
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Aviana
Nako, next months baka mawindang ka preggy kana sa triplets hihihi malaking sampal Yun Kay Henry hehehe
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Her Billionaire Babymaker Is Her Ex-husband's Brother   Chapter 067

    **Yeon Na** “Here,” ani Lora sa akin pagkabigay niya ng mamahaling maskara. Ramdam ko pa rin ang bigat ng katawan ko habang inaabot iyon mula sa kanya. Nang sa wakas ay natanggap ko na, inilapag ko iyon sa kama kung saan ako nakaupo. “Thank you, Lora,” pasalamat ko sa kanya, pilit na ngumingiti kahit nahihilo pa ako. “You’re welcome, Señorita,” tugon niya habang nakangiti rin, pero ramdam kong may pag-aalala sa mga mata niya. “Kumusta ang pakiramdam mo?” tanong niya na may halong pag-aalangan. Bahagya akong napahilot ng sentido, mariin kong pinisil ang pagitan ng mga mata ko para maibsan kahit kaunti ang bigat na nararamdaman ko. “Nahihilo pa rin ako,” sagot ko sa mahinang boses. Muntik na nga akong tuluyang matumba kanina sa itaas ng stage, at kung hindi lang mabilis akong nasalo ni Gabriel, baka tuluyan na akong natumba. Masama na talaga ang pakiramdam ko kahit hindi pa man nagsisimula ang party. Pakiramdam ko’y parang umiikot ang paligid at unti-unting kumakawala ang lakas k

  • Her Billionaire Babymaker Is Her Ex-husband's Brother   Chapter 066

    Hindi ko naiwasang tanggalin ang suot kong salamin at napapunas rito pati na rin sa mga mata ko dahil parang may napansin akong kakaiba kay Yeon Na. “Pasalamat ka pa nga at hindi ka pinasama ni Dad sa selda,” pagpapatuloy pa niya, medyo slang ang pagkakabitaw ng salita. Napakunot-noo na talaga ako. What happened? Is this some kind of acting or something? Dahil bigla na naman akong naguluhan sa bago kong nasaksihan. “Ikaw… ikaw ang may pakana ng lahat ng ito, Elise! Huwag mong itago sa maskara na iyan ang pagkawalang-utang na loob mo sa magulang ko!” hiyaw ni Elaine. “Utang na loob?” tanong ni Yeon Na bago siya napangisi at pagak na natawa. “Anong utang na loob ang pinagsasabi mo, babae? Hindi nga kita kilala. Hindi ko rin kilala ang magulang mo,” dagdag pa niya. Bahagyang napaatras si Elaine. “Sinungaling ka, Elise! Huwag ka nang magkaila na hindi mo ako kilala! Na hindi mo kilala ang nagpalaki sa’yo!” muling hiyaw ni Elaine, hiyaw na masakit sa tainga. Hindi na nakapagpigil s

  • Her Billionaire Babymaker Is Her Ex-husband's Brother   Chapter 065

    Kalabisan na pang-aabuso ang ginawa nila kay Yeon Na. Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko, ang tindi ng pagkakasalaysay nila sa bawat detalye. Kahit inis na inis ako sa mga lumalabas sa kanilang bibig, hindi ko rin maiwasang na mapailing habang pinipigilan ang sarili na matawa. Masaya akong malaman na natamo ni Yeon Na ang katotohanan, lalo na tungkol sa kanyang tunay na pagkatao. Kung kanina’y inis at galit ang naramdaman ko para sa kanya, lalo na sa sinabi ng aking ina tungkol sa pagtanggap niya ng pera mula rito, ngayon ay napalitan iyon ng muling pagrespeto ko sa kanya. Kung tinanggap man ni Yeon Na ang pera, hindi dahil mukhang pera siya, kundi dahil nirerespeto niya ang pagka-trigger ng aking ina sa secret affair namin. Sa mga nalaman ko ngayon, mas lalo tuloy lumalim ang interes ko sa buhay ni Yeon Na. Naipatong ko ang baba ko sa tuhod, habang nakaupo sa malamig na semento, at pinipilit na pakinggan ang bawat pabulong na salita nila. Muling napanatag ang puso’t isipan k

  • Her Billionaire Babymaker Is Her Ex-husband's Brother   Chapter 064

    Pagkatapos ng usapan nila sa itaas, muling nag-anunsiyo ang host na ipagpatuloy na ang masayang celebration, kaya nagkanya-kanya na ang mga bisita sa pagbabalik sa kanilang pakikisalamuha sa kani-kanilang kakilala. Ang iba ay nagtawanan habang nagkukuwentuhan, may ilan ding bumalik sa kanilang mga mesa para muling makihalubilo. Ako naman ay nanatiling nakatayo, tila hindi makagalaw sa kinatatayuan ko, at noong sa wakas ay naibaling ni Yeon Na ang kanyang tingin sa akin. Kaagad kong napansin ang panlalaki ng kanyang mga mata nang makita niya ako, para bang hindi siya makapaniwala na naririto ako mismo sa harap niya. Basta na lamang sumilay ang ngisi sa aking labi dahil sa reaksyong ipinakita niya. Hindi siya magkakaganoon kung hindi siya si Yeon Na. Ang ekspresyon niya, ang gulat na pilit niyang tinatago, ay mas lalong nagpatibay sa paniniwala ko. Tapos ipinakita ko rin sa kanya ang aking maigting na titig, lalo na’t nakakapit pa rin ang kanyang kamay kay Gabriel. Napansin ko ang p

  • Her Billionaire Babymaker Is Her Ex-husband's Brother   Chapter 063

    Pagkalabas namin ng mansiyon, bumungad agad sa akin ang napakagarang set-up. Ang dami na ring bisita. May ilan akong nakikilala at namumukhaan, pero ang karamihan ay hindi pamilyar. Marami ring banyaga—may Chinese, American, Italian, at iba’t ibang lahi pa ang napansin ko. Sinamahan kami ni Christma patungo sa puwesto namin. Doon kami pinaupo sa may unahan, hindi kalayuan sa stage, halatang espesyal ang reserved spot na iyon. Kaagad akong napaupo at muling inilibot ang paningin ko, pinagmamasdan ang dami ng mga tao at ang hindi mapantayang karangyaan ng lugar. Si Gabriel naman ay nagpaalam sandali dahil may kakausapin daw siyang kakilala. Tumango lang ako bilang tugon kahit medyo alanganin ang pakiramdam ko. Sinundan ko siya ng tingin at nakita ko siyang nakihalubilo sa mga Italyano. Napabuga ako ng hangin. Ito na nga ba ang kinaiinisan ko tuwing napipilitan akong dumalo sa event na hindi naman talaga ako imbitado. I feel so out of place. Dapat si Daddy ang narito, hindi ako. Wala a

  • Her Billionaire Babymaker Is Her Ex-husband's Brother   Chapter 062

    Pagkatapos kong magbihis, mabilisan lang dahil si Gabriel ay kanina pa handa at paglarga na lang ang kulang. Nagtungo na ako sa rooftop helipad ng mansion. Pagkarating ko roon, kaagad na dumampi sa akin ang malamig na simoy ng hangin at tanaw ko ang mga ilaw ng siyudad. Nasa hill kasi nakatayo ang mansiyon namin. Pinatayo ito rito ni Daddy para sa malamig na klima, magandang tanawin, at higit sa lahat, seguridad at privacy. Mula sa itaas, madali niyang makita ang galaw sa ibaba at para sa kanya, simbolo raw ito ng pagiging nasa ‘tuktok.’ Sabay kaming sumakay ni Gabriel sa high-end helicopter na handa na, may mga tauhan pang nakasuot ng itim na uniform na nagbukas ng pinto para sa amin. Umalis kami ng 6:30 p.m. sakay ng helicopter, at pasado alas-otso pa lang ay nakarating na kami sa kabilang bayan. Karaniwan, limang oras ang biyahe mula Metropolitan kapag kotse ang gamit, pero sa helicopter ay mabilis at diretso lang ang biyahe. Isang luxurious mansion din ang pinuntahan nami

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status