Share

Chapter 028

Author: Anne Lars
last update Last Updated: 2025-08-09 21:44:17

“Our meeting is dismissed,” anunsiyo ni Sire sa amin noong natapos ang meeting namin.

Kaagad na nagsitayuan ang mga empleyado, nag-ayos ng mga laptop at papel, habang nagbubulungan sa isa’t isa bago unti-unting naglabasan ng conference room. Pati na rin ako ay tumayo na para lumabas.

“Maiwan ka, Ms. Hajjimara,” aniya kaya napalingon sa akin ang ibang empleyado lalo na si Jenna.

“We have an important discussion. May nakita akong mali sa report mo,” dugtong pa niya, nakataas ang isang kilay at bahagyang nakahilig ang katawan sa sandalan ng upuan, para bang sinisigurado niyang maririnig ng lahat. Kalmado naman akong napatango at bumalik sa pagkakaupo.

Alam kong excuse lamang niya ang report para masolo niya ako. Nakasanayan ko na ang mga ganitong palusot niya sa tuwing gusto niya akong kausapin nang pribado.

Noong tuluyan nang nakalabas ang huling empleyado, tumungo si Sire sa pintuan at ini-lock iyon. Samantala, ako naman ay tahimik na pinagmasdan siya, sinusundan ng mga mata ang b
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Her Billionaire Babymaker Is Her Ex-husband's Brother   Chapter 048

    Muli ko siyang hinarap. Hindi ko na kayang itago ang pagkadurog ng loob ko. “Nababaliw ka na ba?” saad ko, may halong panggigigil at panginginig ng boses, habang ang mga mata ko’y puno na ng luhang kanina ko pa pinipigilan. “Oo, baliw ako. Baliw sa’yo!” bulyaw niya, nanginginig ang boses, punong-puno ng desperasyon. “Don’t leave me hanging like this, Yeon Na. Ikaw ang nagdala sa akin sa sitwasyong ‘to tapos ngayong hindi kita mabuntis-buntis, bigla mo na lang akong bibitawan?” Halos mapiyok na ang tinig ko nang sagutin ko siya. “Dahil iyon ang nararapat, Sire.” “God…” bulong niya, sabay tingala, napatakip ng mga mata para bang pinipigilang maluha. Kita ko ang panginginig ng panga niya, ang pag-igting ng kanyang balikat. “Hindi mo man lang ba ako tatanungin kung ano ang kaya kong isakripisyo para sa’yo!” halos pasigaw na dagdag niya. “I can call off my wedding with Catherine if it means being with you.” Napatitig ako sa kanya, ramdam ko ang apoy sa bawat salitang lumalabas sa bi

  • Her Billionaire Babymaker Is Her Ex-husband's Brother   Chapter 047

    Pagkauwi namin sa condo, pakiramdam ko ang mabigat ng bawat hakbang ko. Para bang sa bawat yapak ay may bitbit akong lihim na hindi ko alam kung kaya ko bang itago pa nang matagal. Diretso ako sa banyo, hindi na ako nag-aksaya ng oras para magpahinga o kahit umupo man lang. Si Sire naman, agad na nagpalit ng damit sa kwarto, walang kamalay-malay sa bigat ng emosyon na dumadagan sa dibdib ko. Hawak-hawak ko ang kahon ng pregnancy test kit na binili ko kanina. Dahan-dahan akong huminga nang malalim, sinubukang pakalmahin ang mabilis na tibok ng puso ko, pero para bang lalo lang itong bumibilis habang lumalapit ako sa sandaling kinatatakutan at inaasam ko. Ilang minuto lang, pero pakiramdam ko’y napakabagal ng oras. Nang makita ko ang dalawang guhit na unti-unting lumilitaw, natulala ako. The first test I used was negative. Pinilit kong kumbinsihin ang sarili ko na baka nagkamali lang ako sa paggamit. Pero sa pangalawang test… it's POSITIVE. Parang may kung anong kumurot nang sobrang

  • Her Billionaire Babymaker Is Her Ex-husband's Brother   Chapter 046

    Hawak-hawak ko ang envelope kung saan nakapaloob ang tseke. Hindi ko talaga matatanggap ang perang ito. Kahit gaano kalaki ang kailangan kong pera para makabayad sa mga utang ko, hinding-hindi ko kayang ibayad ang perang hindi naman galing sa pinaghirapan ko. Aalis ako sa kompanya nang walang paalam kay Sire. Mas gugustuhin ko pang magalit siya sa akin dahil sa bigla kong pag-alis, kaysa magalit siya dahil tumanggap ako ng pera para layuan siya. Alam kong masasaktan siya, pero mas ramdam ko rin na mas mabigat sa kanyang damdamin kung tatanggapin ko ang tseke at iisipin niyang pera lang ang habol ko sa kanya. Nakailang buntong-hininga ako. Pumunta ako sa opisina ni Mrs. Vemeer kanina para personal na ibalik ang tseke, pero wala siya roon. Nasa business trip raw siya sa Thailand at next week pa siya babalik. Ipinikit ko ang mata, idinikit ang envelope sa dibdib ko, at pilit nag-isip kung ano ang magiging susunod kong hakbang. Naisipan ko na lamang na pumunta sa isang pharmacy para b

  • Her Billionaire Babymaker Is Her Ex-husband's Brother   Chapter 045

    “Isa ka lang hamak na assistant ng anak ko, pero napaka-ambisyosa mo. Ang taas ng pangarap mo. Ang kapal at ang lakas ng loob mong sumingit sa relasyon niya at kay Catherine. Alam na alam mong ikakasal na siya, pero hindi ka pa rin nagpigil na hatiin ang atensyon ng anak ko. Imbes na magpokus siya sa nalalapit na kasal nila ni Catherine, mas inuuna ka pa niya,” pagpapatuloy niya, this time ay nakahalukipkip na siya, matalim pa rin ang mga mata na para bang binabalatan ako nang buhay sa titig pa lang. Hindi na ako sumagot. Ramdam ko na ang pagtitipon ng luha sa sulok ng mga mata ko, at bawat tibok ng puso ko ay parang mas bumibigat sa dibdib. Gusto kong umiyak, pero pinilit kong pigilan. “Napakaespesyal mo naman. At anong klaseng gayuma ang ipinainom mo sa kanya?” dugtong pa niya. Nanatili akong tahimik. “Magsalita ka!” hiyaw niya, mas malakas at mas mariin kaysa kanina, kaya napakislot ako. Para bang tumagos ang boses niya sa dibdib ko. Ramdam ko ang pag-init ng tenga ko at ang p

  • Her Billionaire Babymaker Is Her Ex-husband's Brother   Chapter 044

    Naimulat ko ang mga mata ko noong nag-ring ang cellphone ko. Ramdam ko pa ang bigat ng talukap ko, parang ayaw pang bumukas. Mabilis ko iyong inabot sa nightstand, halos mabangga ko pa ang lampshade sa pagmamadali. Papikit-pikit pa ako ng mga mata, napagusot gamit ang likod ng kamay dahil nanlalabo ang paningin ko, hindi ko agad mabasa nang malinaw ang text sa akin ni Auntie Christma. “Tuloy na sa Biyernes ang punta nila. Pumayag silang dumalo sa birthday party ng daddy mo,” text niya sa akin. Napaupo ako, ramdam ko ang malamig na dampi ng hangin sa katawan kong walang saplot. Hinala ko ang kumot at ibinalot iyon sa katawan ko. Kaagad akong nag-reply na maaga akong pupunta. Sinabi ko rin sa sarili ko na hindi muna ako papasok sa trabaho ngayong Friday. Pagkatapos kong mag-reply, huminga ako nang malalim bago marahang bumangon. Mabigat pa ang ulo ko at parang ayaw kumilos ng katawan ko, pero pinilit ko. Dahan-dahan akong bumaba ng kama habang nakapulupot pa rin ang kumot sa kahubdan

  • Her Billionaire Babymaker Is Her Ex-husband's Brother   Chapter 043

    “Kaya ka pala nag-absent?” ani ko habang inaayos ang suot niyang tie. Ang ganda ng setup, hindi tinipid sa effort, at halatang pinag-isipan. “Yes. Do you like the design?” Napatango ako, at bago ko pa mapigilan, ramdam ko na ang kirot sa gilid ng mata ko. “I love it.” First time kong maranasan na may nag-abala para sorpresahin ako… at sa isang iglap, parang nawala lahat ng pagod at inis ko kanina. “By the way,” panimula ko habang sinusubukang gawing casual ang tono, “bakit hindi ka nagre-reply sa mga text ko? Hindi ka rin matawagan.” “Nahulog sa dagat ang phone ko,” sagot niya. Napakunot ang noo ko. “Ha? Anong nangyare?” usisa ko. “Si Cathy kasi, nakipag-agawan sa akin ng phone. Ayun, nahulog tuloy sa dagat,” paliwanag niya, sabay buntong-hininga. “Pero nakabili naman ako ng bago. Ito na oh,” dagdag niya, ipinakita ang bago niyang phone na halatang mamahalin. “Pahiram nga muna ng cellphone mo, baby” sabi niya, sabay kuha sa akin. Siya na mismo ang nag-save ng kanyang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status