Share

Chapter 030

Penulis: Anne Lars
last update Terakhir Diperbarui: 2025-08-09 21:44:23

Hindi ko maiwasang mapatitig sa mala-anghel na mukha ng baby. Kahit bunga ito ng kataksilan, inosente pa rin ito at walang kapintasan sa kasalanan ng kanyang mga magulang. Pero mabigat pa rin sa loob ko na ako humihili sa batang ito.

“Marami akong tatapusin na trabaho. Hindi rin ako puwedeng magpuyat dahil maaga ang pasok ko bukas,” alibi ko sa nanay ko, habang marahang isinasayaw sa braso ang bata para manatiling payapa ang tulog nito.

“Elise naman, kung maganda lamang sana ang aking pakiramdam ay hindi kita pipilitin na bantayan ang kapatid mo. Talagang masama lamang ang pakiramdam ko,” aniya, sabay hawak sa balikat niya na para bang pinapatunayan na may iniinda siyang sakit.

“Gaano kasama ang pakiramdam mo, Ma?” seryosong tanong ko, tinitigan siya nang diretso. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin.

“Masamang-masama,” sagot niya, halos pabulong.

Pero alam kong nag-iinarte lang siya. Ayaw niyang magbantay magdamag sa bata dahil makakaligtaan niya ang gabing kasama ang mga barkada
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Aviana
HAHAHAHHA go ghurl ganyan nga lumaban ka. hihihi Kailangan mo na rin umiwas sa kanila para makaiwas ka sa stress at ng ma preggy kana noh
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Her Billionaire Babymaker Is Her Ex-husband's Brother   Chapter 046

    Hawak-hawak ko ang envelope kung saan nakapaloob ang tseke. Hindi ko talaga matatanggap ang perang ito. Kahit gaano kalaki ang kailangan kong pera para makabayad sa mga utang ko, hinding-hindi ko kayang ibayad ang perang hindi naman galing sa pinaghirapan ko. Aalis ako sa kompanya nang walang paalam kay Sire. Mas gugustuhin ko pang magalit siya sa akin dahil sa bigla kong pag-alis, kaysa magalit siya dahil tumanggap ako ng pera para layuan siya. Alam kong masasaktan siya, pero mas ramdam ko rin na mas mabigat sa kanyang damdamin kung tatanggapin ko ang tseke at iisipin niyang pera lang ang habol ko sa kanya. Nakailang buntong-hininga ako. Pumunta ako sa opisina ni Mrs. Vemeer kanina para personal na ibalik ang tseke, pero wala siya roon. Nasa business trip raw siya sa Thailand at next week pa siya babalik. Ipinikit ko ang mata, idinikit ang envelope sa dibdib ko, at pilit nag-isip kung ano ang magiging susunod kong hakbang. Naisipan ko na lamang na pumunta sa isang pharmacy para b

  • Her Billionaire Babymaker Is Her Ex-husband's Brother   Chapter 050

    “Isa ka lang hamak na assistant ng anak ko, pero napaka-ambisyosa mo. Ang taas ng pangarap mo. Ang kapal at ang lakas ng loob mong sumingit sa relasyon niya at kay Catherine. Alam na alam mong ikakasal na siya, pero hindi ka pa rin nagpigil na hatiin ang atensyon ng anak ko. Imbes na magpokus siya sa nalalapit na kasal nila ni Catherine, mas inuuna ka pa niya,” pagpapatuloy niya, this time ay nakahalukipkip na siya, matalim pa rin ang mga mata na para bang binabalatan ako nang buhay sa titig pa lang. Hindi na ako sumagot. Ramdam ko na ang pagtitipon ng luha sa sulok ng mga mata ko, at bawat tibok ng puso ko ay parang mas bumibigat sa dibdib. Gusto kong umiyak, pero pinilit kong pigilan. “Napakaespesyal mo naman. At anong klaseng gayuma ang ipinainom mo sa kanya?” dugtong pa niya. Nanatili akong tahimik. “Magsalita ka!” hiyaw niya, mas malakas at mas mariin kaysa kanina, kaya napakislot ako. Para bang tumagos ang boses niya sa dibdib ko. Ramdam ko ang pag-init ng tenga ko at ang p

  • Her Billionaire Babymaker Is Her Ex-husband's Brother   Chapter 044

    Naimulat ko ang mga mata ko noong nag-ring ang cellphone ko. Ramdam ko pa ang bigat ng talukap ko, parang ayaw pang bumukas. Mabilis ko iyong inabot sa nightstand, halos mabangga ko pa ang lampshade sa pagmamadali. Papikit-pikit pa ako ng mga mata, napagusot gamit ang likod ng kamay dahil nanlalabo ang paningin ko, hindi ko agad mabasa nang malinaw ang text sa akin ni Auntie Christma. “Tuloy na sa Biyernes ang punta nila. Pumayag silang dumalo sa birthday party ng daddy mo,” text niya sa akin. Napaupo ako, ramdam ko ang malamig na dampi ng hangin sa katawan kong walang saplot. Hinala ko ang kumot at ibinalot iyon sa katawan ko. Kaagad akong nag-reply na maaga akong pupunta. Sinabi ko rin sa sarili ko na hindi muna ako papasok sa trabaho ngayong Friday. Pagkatapos kong mag-reply, huminga ako nang malalim bago marahang bumangon. Mabigat pa ang ulo ko at parang ayaw kumilos ng katawan ko, pero pinilit ko. Dahan-dahan akong bumaba ng kama habang nakapulupot pa rin ang kumot sa kahubdan

  • Her Billionaire Babymaker Is Her Ex-husband's Brother   Chapter 043

    “Kaya ka pala nag-absent?” ani ko habang inaayos ang suot niyang tie. Ang ganda ng setup, hindi tinipid sa effort, at halatang pinag-isipan. “Yes. Do you like the design?” Napatango ako, at bago ko pa mapigilan, ramdam ko na ang kirot sa gilid ng mata ko. “I love it.” First time kong maranasan na may nag-abala para sorpresahin ako… at sa isang iglap, parang nawala lahat ng pagod at inis ko kanina. “By the way,” panimula ko habang sinusubukang gawing casual ang tono, “bakit hindi ka nagre-reply sa mga text ko? Hindi ka rin matawagan.” “Nahulog sa dagat ang phone ko,” sagot niya. Napakunot ang noo ko. “Ha? Anong nangyare?” usisa ko. “Si Cathy kasi, nakipag-agawan sa akin ng phone. Ayun, nahulog tuloy sa dagat,” paliwanag niya, sabay buntong-hininga. “Pero nakabili naman ako ng bago. Ito na oh,” dagdag niya, ipinakita ang bago niyang phone na halatang mamahalin. “Pahiram nga muna ng cellphone mo, baby” sabi niya, sabay kuha sa akin. Siya na mismo ang nag-save ng kanyang

  • Her Billionaire Babymaker Is Her Ex-husband's Brother   Chapter 042

    “Bakit kaya absent si Sir Lexus ngayon?” tanong ni Monday, halata ang pagtataka, habang magkasabay kaming papasok sa elevator. Absent si Jenna, kaya sa kanya na ako nakisabay. “Baka nagkasakit. Bihira lang 'yon lumiban sa trabaho,” singit ni Daniel mula sa likuran. Hindi ko napansin na sumunod na pala siya, kasama si Ryatt. “Baka nga,” tanging tugon ni Monday, sabay bahagyang kibit-balikat. Ako naman, halos hindi makafocus sa usapan. Kanina pa ako panay silip sa phone ko, sinusubukang magbakasakali na may bagong notification mula kay Sire. Kagabi ko pa siya tine-text, pero ni isang reply, wala. Ilang beses na akong nagpadala ng mensahe pero kahit tuldok na sagot, hindi niya ginawa. At ngayong araw pa talaga siya absent. Wala man lang abiso sa mga empleyado kung bakit. Kaya buong maghapon, panay ang tanong sa akin ng mga tao sa office. Tambak na rin ang mga papeles na dapat niyang pirmahan; kaliwa’t kanan ang dumadaan mula sa ibang department para mag-follow up, pero ang masasagot

  • Her Billionaire Babymaker Is Her Ex-husband's Brother   Chapter 041

    Napasilip siya sa akin, ang mga mata niya’y may kakaibang ningning, at sumenyas na itaas ko nang bahagya ang palda ko. Bago sumunod, inilibot ko muna ang tingin ko sa paligid, tinitiyak na walang ibang makakapansin. Mas lalo akong kinabahan sa pinapagawa niya sa akin, pero kahit nag-aalangan, tumalima pa rin ako sa hiling niya. Bahagya akong tumayo, dahan-dahang itinaas ang palda ko, ngunit bago pa man ako makakilos nang tuloy-tuloy, mabilis niyang ipinasok ang kamay niya sa loob at hinila ng mabilisan ang suot kong underwear. Pilit ko pa siyang pinigilan, hinawakan ang kamay niya para itigil, pero determinado siya at ayaw niyang magpatalo. Loko talaga ‘to! Napailing na lang ako sa loob-loob ko, pero may bahid ng ngiti sa labi ko. Matagumpay niyang nahubad ang underwear ko, at bago pa ako makapag-isip, hinila niya ako kaagad pabalik para mapaupo ulit sa upuan. Halos wala akong pagkakataong magprotesta sa bilis ng mga pangyayari. Napakapit na lang ako bigla sa gilid ng mesa, a

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status