Share

Chapter 061

Author: Anne Lars
last update Last Updated: 2025-08-22 21:18:35

“Kuya Sire, gising,” isang mahinang tinig ang narinig ko kasabay ng marahang pag-alog niya sa akin. Mabigat ang mga talukap ng mata ko, ramdam ko pa ang init ng alak na nanunuot sa sistema ko. Nakakulob ako sa kama, walang suot na pang-itaas, at ramdam ko ang lamig ng aircon na dumadampi sa balat ko.

“Kuya, gumising ka nga!” aniya sabay palo sa likod ko. May inis na kasama ang boses niya, halatang kanina pa siya nagpapabalik-balik.

“Uhm... ano ba, Shine?! I am sleepy. Just leave me alone!” asik ko sa kapatid ko, sabay irap nang maramdaman ko ang pagkasakit ng likod dahil sa palo niya. Inis ko siyang sinilip, halos pumikit pa rin ang isang mata ko dahil sa pagkahilo.

“Lasing 'yong tao, iistorbohin mo pa,” reklamo ko habang garalgal pa ang boses ko.

“Pinapatawag ka ni Daddy sa baba. Kapag hindi ka bumaba, ipapakaladkad ka niya!” inis na saad niya. Kita ko sa mukha niya ang pag-irap bago siya tumayo at tumalikod.

Napatihaya naman ako at napatitig sa kisame. Nahihilo pa rin ako, para
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Her Billionaire Babymaker Is Her Ex-husband's Brother   Chapter 068

    **Sire** “Bro, are you okay?” tanong sa akin ni Gabriel. Kanina pa kasi akong tulala sa kinauupuan ko. “You’ve been acting like that for the past two weeks,” dagdag pa niya bago sumimsim ng kape. Oo, two weeks na akong natulala dahil sa mga nangyare noon sa birthday celebration ni Conrado. Simula paglarga namin ng Santa Fe hanggang nakarating kami sa mansiyon, hindi ako umiimik; umabot pa ang pagiging wala kong imik hanggang ngayon. “I am fine, Gabriel,” ani ko sa isang mahinang boses. Napasilip naman siya sa mukha ko, at kitang-kita ko sa mga mata niya ang alinlangan. “You’re not, Sire. I haven’t been able to talk to you properly since two week. Did something wrong happen?” Napatingin ako sa kanya bago naisandal ang likod sa sofa. “Nothing,” tugon ko, pero bakas talaga sa mga mata ko na hindi ako okay. Alam kong ramdam niya rin iyon. I am thinking about Yeon Na. Tuliro ako kakaisip sa kanya. Pakiramdam ko ay ayaw ng brain cells ko mag-function ng mabuti, dahilan para hindi na

  • Her Billionaire Babymaker Is Her Ex-husband's Brother   Chapter 067

    **Yeon Na** “Here,” ani Lora sa akin pagkabigay niya ng mamahaling maskara. Ramdam ko pa rin ang bigat ng katawan ko habang inaabot iyon mula sa kanya. Nang sa wakas ay natanggap ko na, inilapag ko iyon sa kama kung saan ako nakaupo. “Thank you, Lora,” pasalamat ko sa kanya, pilit na ngumingiti kahit nahihilo pa ako. “You’re welcome, Señorita,” tugon niya habang nakangiti rin, pero ramdam kong may pag-aalala sa mga mata niya. “Kumusta ang pakiramdam mo?” tanong niya na may halong pag-aalangan. Bahagya akong napahilot ng sentido, mariin kong pinisil ang pagitan ng mga mata ko para maibsan kahit kaunti ang bigat na nararamdaman ko. “Nahihilo pa rin ako,” sagot ko sa mahinang boses. Muntik na nga akong tuluyang matumba kanina sa itaas ng stage, at kung hindi lang mabilis akong nasalo ni Gabriel, baka tuluyan na akong natumba. Masama na talaga ang pakiramdam ko kahit hindi pa man nagsisimula ang party. Pakiramdam ko’y parang umiikot ang paligid at unti-unting kumakawala ang lakas k

  • Her Billionaire Babymaker Is Her Ex-husband's Brother   Chapter 066

    Hindi ko naiwasang tanggalin ang suot kong salamin at napapunas rito pati na rin sa mga mata ko dahil parang may napansin akong kakaiba kay Yeon Na. “Pasalamat ka pa nga at hindi ka pinasama ni Dad sa selda,” pagpapatuloy pa niya, medyo slang ang pagkakabitaw ng salita. Napakunot-noo na talaga ako. What happened? Is this some kind of acting or something? Dahil bigla na naman akong naguluhan sa bago kong nasaksihan. “Ikaw… ikaw ang may pakana ng lahat ng ito, Elise! Huwag mong itago sa maskara na iyan ang pagkawalang-utang na loob mo sa magulang ko!” hiyaw ni Elaine. “Utang na loob?” tanong ni Yeon Na bago siya napangisi at pagak na natawa. “Anong utang na loob ang pinagsasabi mo, babae? Hindi nga kita kilala. Hindi ko rin kilala ang magulang mo,” dagdag pa niya. Bahagyang napaatras si Elaine. “Sinungaling ka, Elise! Huwag ka nang magkaila na hindi mo ako kilala! Na hindi mo kilala ang nagpalaki sa’yo!” muling hiyaw ni Elaine, hiyaw na masakit sa tainga. Hindi na nakapagpigil s

  • Her Billionaire Babymaker Is Her Ex-husband's Brother   Chapter 065

    Kalabisan na pang-aabuso ang ginawa nila kay Yeon Na. Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko, ang tindi ng pagkakasalaysay nila sa bawat detalye. Kahit inis na inis ako sa mga lumalabas sa kanilang bibig, hindi ko rin maiwasang na mapailing habang pinipigilan ang sarili na matawa. Masaya akong malaman na natamo ni Yeon Na ang katotohanan, lalo na tungkol sa kanyang tunay na pagkatao. Kung kanina’y inis at galit ang naramdaman ko para sa kanya, lalo na sa sinabi ng aking ina tungkol sa pagtanggap niya ng pera mula rito, ngayon ay napalitan iyon ng muling pagrespeto ko sa kanya. Kung tinanggap man ni Yeon Na ang pera, hindi dahil mukhang pera siya, kundi dahil nirerespeto niya ang pagka-trigger ng aking ina sa secret affair namin. Sa mga nalaman ko ngayon, mas lalo tuloy lumalim ang interes ko sa buhay ni Yeon Na. Naipatong ko ang baba ko sa tuhod, habang nakaupo sa malamig na semento, at pinipilit na pakinggan ang bawat pabulong na salita nila. Muling napanatag ang puso’t isipan k

  • Her Billionaire Babymaker Is Her Ex-husband's Brother   Chapter 064

    Pagkatapos ng usapan nila sa itaas, muling nag-anunsiyo ang host na ipagpatuloy na ang masayang celebration, kaya nagkanya-kanya na ang mga bisita sa pagbabalik sa kanilang pakikisalamuha sa kani-kanilang kakilala. Ang iba ay nagtawanan habang nagkukuwentuhan, may ilan ding bumalik sa kanilang mga mesa para muling makihalubilo. Ako naman ay nanatiling nakatayo, tila hindi makagalaw sa kinatatayuan ko, at noong sa wakas ay naibaling ni Yeon Na ang kanyang tingin sa akin. Kaagad kong napansin ang panlalaki ng kanyang mga mata nang makita niya ako, para bang hindi siya makapaniwala na naririto ako mismo sa harap niya. Basta na lamang sumilay ang ngisi sa aking labi dahil sa reaksyong ipinakita niya. Hindi siya magkakaganoon kung hindi siya si Yeon Na. Ang ekspresyon niya, ang gulat na pilit niyang tinatago, ay mas lalong nagpatibay sa paniniwala ko. Tapos ipinakita ko rin sa kanya ang aking maigting na titig, lalo na’t nakakapit pa rin ang kanyang kamay kay Gabriel. Napansin ko ang p

  • Her Billionaire Babymaker Is Her Ex-husband's Brother   Chapter 063

    Pagkalabas namin ng mansiyon, bumungad agad sa akin ang napakagarang set-up. Ang dami na ring bisita. May ilan akong nakikilala at namumukhaan, pero ang karamihan ay hindi pamilyar. Marami ring banyaga—may Chinese, American, Italian, at iba’t ibang lahi pa ang napansin ko. Sinamahan kami ni Christma patungo sa puwesto namin. Doon kami pinaupo sa may unahan, hindi kalayuan sa stage, halatang espesyal ang reserved spot na iyon. Kaagad akong napaupo at muling inilibot ang paningin ko, pinagmamasdan ang dami ng mga tao at ang hindi mapantayang karangyaan ng lugar. Si Gabriel naman ay nagpaalam sandali dahil may kakausapin daw siyang kakilala. Tumango lang ako bilang tugon kahit medyo alanganin ang pakiramdam ko. Sinundan ko siya ng tingin at nakita ko siyang nakihalubilo sa mga Italyano. Napabuga ako ng hangin. Ito na nga ba ang kinaiinisan ko tuwing napipilitan akong dumalo sa event na hindi naman talaga ako imbitado. I feel so out of place. Dapat si Daddy ang narito, hindi ako. Wala a

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status