Compartir

KABANATA 3

Autor: Rosa Kane
RICA

Hindi ako inuwi ni Chase sa bahay.

Hindi na rin ako nakipagtalo. Hindi ko na kaya. Sobrang lakas ng buhos ng ulan na imposible nang makakita kahit ano sa harapan mo. Basang-basa ako at nanginginig nang labis na halos hindi ko na masuportahan ang sarili ko.

Mahina siyang nakipag-usap sa isa sa mga staff ng resort, nag-abot ng card, at sa loob lang ng ilang minuto ay inakay na kami patungo sa isang suite sa West Wing.

Mainit ang suite, mamahalin, at sobrang ganda para sa uri ng gabing kinakaharap ko. Diretso akong naglakad patungo sa sofa, umupo, at nanatili doon.

Hindi ko hinubad ang basang damit ko. Hindi ako gumalaw. Nakaupo lang ako doon at nakatitig sa dingding habang ang ulan ay pumupukpok sa mga bintana at ang isang bagay sa loob ko ay paulit-ulit na nawawasak.

Tahimik na gumagalaw si Chase sa paligid. Narinig ko ang pag-aayos niya sa heater. Narinig ko ang kalansing ng mga tasa sa kitchenette. Hindi siya nagsasalita at nagpapasalamat ako doon dahil wala rin naman akong masasabi.

Ipinatong niya ang isang tasa ng kape sa mesa sa tapat ko.

Nakatitig lang ako doon.

"Drink it," aniya. Hindi naman sa ma-awtoridad na paraan.

Inangat ko iyon gamit ang dalawa kong kamay dahil hindi kayang maging matatag ng isang kamay lang. Ang init ay humahawa sa mga palad ko at kumapit ako doon na para bang iyon na lang ang tanging matibay na bagay na natitira sa mundo.

Tahimik akong umiyak nang matagal. Hindi 'yong malakas at madrama. Luha lang na patuloy na umaagos kahit ilang beses ko pang punasan. Ang uri ng pag-iyak na hindi nagpapaalam at hindi humihinto kahit gustuhin mo man.

Umupo si Chase sa tabi ko. Hindi siya masyadong malapit. Sapat lang para maramdaman ko ang presensya niya.

Sa gitna niyon, muli akong nanginig sa lamig kahit na nakabukas ang heater. Basa pa rin ang mga damit ko at ang lamig ay tumagos na sa mga buto ko mula pa noong nasa garden kami, at ayaw na nitong umalis.

"Come here," sabi ni Chase.

Hindi iyon isang tanong. Pero hindi rin naman sapilitan. Kalmado lang at sigurado, tulad ng bawat salitang sinasabi niya.

Sumandal ako sa kaniya nang hindi man lang nag-iisip, at ipinalupot niya ang braso niya sa akin para ilapit ako sa kaniya. Mainit siya, matipuno, at amoy ulan na may halong amoy ng malinis na sabon sa ilalim niyon.

Umiyak pa ako nang kaunti.

Hindi niya ako sinabihang tumigil. Hindi niya sinabing magiging maayos din ang lahat. Hinawakan niya lang ako at hinayaang mawasak ang sarili ko, at ewan ko ba, iyon mismo ang kailangan ko.

Hanggang sa hindi ko na naalalang nakatulog ako.

Dumating ang umaga na kulay abo at tahimik.

Mabagal kong iminulat ang mga mata ko at ang unang bagay na napansin ko ay nag-iisa na ako sa sofa. May kumot na nakabalot sa akin na wala naman doon kagabi. Gumagana pa rin ang heater. Ang ulan ay humina na at naging tuloy-tuloy na lang na ambon sa labas ng bintana.

Umupo ako at tumingin sa paligid.

Walang Chase. Siguro umuwi na siya.

Naalala kong nakatulog ako sa balikat niya. Naalala ko ang init ng braso niya sa akin at ang pantay na pagtaas at pagbaba ng dibdib niya. Mabilis kong pinalis ang alalang iyon at inabot ang cellphone ko.

Tatawag ako ng taxi. Uuwi ako. Aalamin ko kung ano ang susunod na mangyayari.

Nakatitig pa rin ako sa screen habang pinipilit na paganahin ang utak ko nang bumukas ang pinto ng suite at pumasok si Chase na may dalang dalawang plastic bag.

Nakatitig lang ako sa kaniya.

Ibinaba niya ang mga plastic bag sa counter. "There's a pharmacy and a small shop about ten minutes from here. Mag-ayos ka na. Nag-order na ako ng breakfast. I'll drive you home after I shower."

Ibinuka ko ang bibig ko. Itinikom ko rin. "Hindi mo naman kailangang gawin 'yan."

"Alam ko."

Simpleng sabi niya, nang hindi naghihintay ng pasasalamat. At dahil doon, may isang bagay sa lalamunan ko ang sumikip sa paraang hindi ko pinaghandaan.

"Thank you," nagawa kong sabihin.

Tumango siya patungo sa mga plastic bag. "Go ahead."

Ang mga gamit sa banyo ay ang eksaktong kailangan ko. Matagal akong tumayo sa ilalim ng mainit na shower at hinayaan kong umagos ang tubig sa akin habang pinipilit kong 'wag mag-isip ng kahit ano.

Bumagsak ako nang tuluyan.

Paulit-ulit na bumabalik ang mukha ni Jordan sa akin. Ang paraan ng pagtingin niya kay Nadine. Ang paraan ng pag-abot niya rito na para bang sa kaniya ito at kailanman ay sa kaniya lang. Ang paraan ng pagtawa niya habang nakatayo ako sa ulan, mga dalawampung talampakan lang ang layo, habang pinapanood na maglaho na parang bula ang akala kong akin.

Ipinatong ko ang noo ko sa malamig na tiles at huminga nang malalim doon.

Nang sa wakas ay lumabas na ako, inabot ko ang mga damit na binili ni Chase.

Inangat ko ang mga iyon at napakurap.

Sobrang iksi ng shorts. Ang top naman ay fitted at maliit sa bahagi ng dibdib. Isinukat ko ang dalawa at tiningnan ang sarili ko bago halos matawa, na ikinagulat ko dahil akala ko ay wala nang tuwa na natitira sa akin.

Parang napakahaba ng mga binti ko. Halos hindi matakpan ng shorts ang mga legs ko at ang top naman ay nakalapat sa paraang malinaw na hindi disenyo para sa hubog ng katawan ko.

Lumabas pa rin ako. Didiretso naman na ako pauwi. Hindi na importante ang suot ko.

Nasa counter si Chase at naglalagay ng tubig sa baso nang lumabas ako. Humarap siya at ang mga mata niya ay sumulyap sa akin nang mabilis, iyong tipong ginagawa mo kapag pinipilit mong 'wag maging halata.

Tapos nag-iwas siya ng tingin.

"They were the only options available," aniya sa boses na perpekto.

“It’s fine," sabi ko. "Uuwi na rin naman ako."

Isang tuyong emosyon ang gumuhit sa mukha niya, parang natutuwa na hindi ko mawari. "I bought them based on Nadine’s size."

Bumagsak ang pangalan sa pagitan namin tulad ng isang batong inihagis sa tahimik na tubig. Pareho naming naramdaman iyon.

"Of course, alam ko ‘yon," mahinang sabi ko.

Tumikhim siya at itinuro ang mesa kung saan nakahain ang breakfast. "Eat. I already had mine. I'll be quick."

Nawala siya sa loob ng bedroom at umupo ako sa may mesa.

Nilaro ko lang ang pagkain sa plato ko kaysa kainin ang mga ‘yon.

Patuloy akong hinahatak ng isip ko pabalik sa garden ng resort. Ang mga kamay ni Jordan. Ang tawa ni Nadine. Ang ulan. Ang paraan ng pagsandal nito sa punong iyon na para bang pagmamay-ari niya ang mundo at ang lahat ng naroroon… pati na ang asawa ko.

Ibinaba ko ang tinidor ko at tumitig sa bintana.

Nandoon pa rin sila ngayon. Sa parehong resort na ito. Dalawang wing lang ang layo. Intimate na magkasama, at walang anumang alalahanin habang nakaupo ako rito, suot ang hiram na damit na masyadong maliit sa akin, pinipilit na huminga sa kabila ng kasikipan nito.

Bumukas ang pinto ng kwarto.

Lumingon ako at agad kong pinagsisihan na ginawa ko iyon.

Lumabas si Chase na walang ibang suot kundi ang isang puting tuwalya na nakatapis nang mababa sa baywang niya. Klarong nakalimutan niya ang damit niya. Tumawid siya patungo sa sofa kung saan nakasabit iyon sa armrest, walang kaabog-abog, at may tubig pa sa balat niya mula sa shower.

Hindi ko planong tumingin.

Pero tumingin ako.

Walo. Nabilang ko nang hindi ko sinasadya. Walong abs sa tiyan niya, iyong tipong hindi nanggaling sa gym membership kundi mula sa totoong disiplina. Malapad ang mga balikat niya at ang dibdib niya ay ang uri ng dibdib na magpapaintindi sa'yo kung bakit ang isang babae ay gagawa ng mga maling desisyon.

Isang isipin ang gumalaw sa utak ko bago ko pa man ito mapigilan.

Nadine Celestino, ano bang problema mo?

Araw-araw na nakatayo ang lalaking ito sa bahay mo tapos naghanap ka pa ng iba?

Kinuha ni Chase ang shirt niya at humarap para bumalik sa kwarto. Mabilis akong nag-iwas ng tingin, inabot ulit ang tinidor ko at nagkunwaring interesadong-interesado sa mga itlog sa plato ko.

"Chase," sabi ko bago ko pa man makapag-isip nang mabuti.

Huminto si Chase.

Pinanatili ko ang mga mata ko sa plato ko. "Ano sa tingin mo ang ginagawa nila ngayon?"

Nagkaroon ng maikling katahimikan. Saka ko narinig ang paggalaw niya, at nang tumingin ako sa kaniya, nakasandal na siya sa frame ng pinto, hawak pa rin ang shirt sa kamay niya, at nakatitig sa akin na may hindi mabasang ekspresyon.

"Probably keeping each other warm," sagot niya. "Dahil mukhang masama pa rin ang panahon."

Mabagal akong tumango. "We were good to them."

"Yeah."

"Naging sobrang bait natin sa kanila." Mas matatag ang boses ko kaysa sa inaasahan ko. "At ginawa pa rin nila 'to sa atin."

Nagpakawala siya ng isang mahabang hininga. "I know."

Tumingin kami sa isa't isa sa kabilang dulo ng kuwarto nang ilang sandali. Sa labas ng bintana, patuloy ang mabagal at kulay-abong pagbuhos ng ulan.

Pilit akong tumawa at tumingin palayo. "Maybe we should just cheat on them too."

Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan namin.

Naramdaman kong nakatitig siya sa akin. Pinanatili ko ang mga mata ko sa bintana.

"You’re joking," sabi niya.

Humarap ako at sinalubong ang mga mata niya. "Nagbibiro ba ako?"

Pinag-aralan niya ako nang mahabang sandali. May isang bagay na nagbago sa ekspresyon niya. Hindi naman eksaktong pagkagulat. More like, pinag-iisipan niyang mabuti ang ideyang ‘yon, tinitingnan ito sa bawat anggulo.

"Paano kung gawin nga natin?" mahinang wika niya.

Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App

Último capítulo

  • Her Billionaire Husband, My Revenge   KABANATA 50

    Ramdam ko ang ari niya na nakatayo sa pagitan namin, mainit at matigas sa hita ko.Inabot ko ang aking kamay at muling ipinulupot ang mga ‘yon sa kanya, dahan-dahang hinaplos, dinama ang kapal niya sa aking palad. Napakakapal niya kaya halos hindi ko maisara ang mga daliri ko... Madulas ang ulo niya sa sariwang pre-cum na naipon doon."You want this cock in your mouth again?" tanong niya, mahina ang boses. "Or do you want it somewhere else?"Sinalubong ko ang kanyang mga mata. "I want it in my pussy." "Then take it."Itinaas ko ang balakang ko at inabot ang pagitan namin, hinila ang aking panty sa pababa. Basang-basa na ang pagkababae ko, mainit at madulas ang arousal sa aking mga daliri. Iginiya ko ang ulo ng ari niya papunta sa entrada ko, idinidiin ito sa basang mga folds ko, at ramdam kong nanginig siya."Tumingin ka sa akin," utos niya. "Gusto kong panoorin ang mukha mo kapag pumasok ako sa loob mo."Tumingin ako sa mga mata niya, at bumaon ako sa kanya.Hindi ko matiis ang paki

  • Her Billionaire Husband, My Revenge   KABANATA 49

    RICANapatitig lang sa akin si Chase, habang isang pilyong ngiti ay kumakalat sa mga labi niya."Oohhhh. I'm curious."Binaling ko ang ulo ko patungo sa bahay ni Jordan. Sa pamamagitan ng kurtina ng bintana sa living room, nakakita ako ng anino. Isang pigura ang nakatayo roon, nakatitig sa labas. Hindi ko makita nang malinaw kung sino 'yon, anino lang ng isang taong nagmamasid sa kotse. Isang lalaki. Malakas ang pakiramdam kong si Jordan 'yon.Napatitig ako nang ilang saglit. Saka ako humarap pabalik, itinutuon ang atensyon ko kay Chase na hindi huminto sa paninitig sa akin. Ang init sa tingin niya ay nagpagalaw sa mga hita ko sa ilalim ng dulo ng maikli kong dress.Yumuko ako at binuksan ang zipper ng kanyang pantalon. Malakas ang tunog ng zipper sa tahimik na sasakyan. Kinapa ko ang loob ng kanyang boxers at ipinulupot ang aking kamay sa ilalim ng kanyang ari. Half-hard na siya, pero agad siyang namaga sa aking pagkakahawak, kumapal, humahaba, at mainit ang kanyang balat sa aking pal

  • Her Billionaire Husband, My Revenge   KABANATA 48

    RICAIninit niya ang dalawang plato sa microwave, ang parehong meals na iniiwan ng hotel kitchen sa fridge—at inilagay ang mga 'yon sa mesa. Naupo kami. Kinuha niya ang tinidor niya at pinagmasdan ko siyang subukang gamitin ang injured niyang braso bago iyon ibinaba uli."Masakit ba ang braso mo?" tanong ko."Ayos lang.""Kabababa mo lang ng tinidor mo."Tiningnan niya ako."Ako nang magsusubo sa 'yo," sabi ko sa kaniya.Ngumiti siya, mabagal, at inabot ang tinidor sa akin.Sinubuan ko siya. Dapat ay kakaiba ‘yon sa pakiramdam pero hindi… na isang problema. Patuloy siya sa pagtingin sa akin habang ginagawa ko 'yon—ang steady at hindi nagmamadaling atensyong 'yon—at nanatili ang mga mata ko sa pagkain habang sinasabi sa sarili kong walang anumang special sa pagpapakain sa isang injured na lalaki."Thanks," sabi niya nang matapos ang pagkain."Pick out clothes for yourself." Inurong niya ang upuan mula sa mesa. "I will shower and then take you home."Pumunta ako sa wardrobe.Agad na pum

  • Her Billionaire Husband, My Revenge   KABANATA 47

    RICA"Pero may nakalusot?" hula ko."Not really. Ang anak ng isa sa kanila." Tiningnan niya ang mga kamay niya nang mabilis, saka tumingin pabalik sa akin. "Naniniwala si Spencer na naghihintay lang siya. Nagmamasid. At ngayong ipinakita ko na ang mukha ko sa publiko sa kauna-unahang pagkakataon, kumilos na siya."Nakaupo ako kasama ang isipin na 'yon nang ilang sandali."So, ano'ng mangyayari ngayon?" tanong ko. "Anong mga hakbang mo?""I will need to appear less in public until the threat is neutralized." Napahingo siya. "At kailangan muna nating lumayo sa isa't isa sa ngayon."Tiningnan ko siya.“If the enemy saw you with me today, he would likely assume it was coincidence," patuloy niya. "Unfortunate timing. Pero kung makikita ka niyang kasama ko nang paulit-ulit, iispin niyang mahalaga ka sa akin. Hindi kita pwedeng ilagay sa panganib."Nang marinig 'yon, may isang bagay na gumalaw sa dibdib ko na hindi ko mapangalanan at hindi ko pa handang tingnan nang direkta.Mahalaga sa aki

  • Her Billionaire Husband, My Revenge   KABANATA 46

    RICAUmupo ako sa gilid ng kama at napatitig sa phone ko.Nagpadala ng mga text message si Jordan."Nasaan ka, baby? Nag-aalala ako." "Please call me when you get this." "I miss you so much. You are the love of my life.""Please, let me know na ligtas ka."Binasa ko ang mga 'yon isa-isa at wala akong naramdaman maliban sa mahina at malayong iritasyon—tulad ng nararamdaman mo sa isang ingay na napakatagal nang nangyayari.Umirap ang mga mata ko at ibinaba ko ang phone nang nakataob sa kama.Saka ko kinuha uli 'yon at nag-scroll sa pangalan ng Mama ko.Sinagot niya ang tawag ko sa pangalawang ring."Rica, hija." Ang boses niya ay mainit at mabilis… ang boses na ginagamit niya sa buong buhay ko, ang boses na nagpaparamdam sa akin na para bang twelve years old lang ako.. "Anak ko. Isang bilyonaryo. Noon pa man alam ko nang malaki talaga ang pangarap mo at matutupad mo ang mga 'yon."Natawa ako. "Ma.""'Wag mo akong ma-Ma-Ma diyan. Dapat naman talaga maging proud ako.” Huminto siya. "Nasa

  • Her Billionaire Husband, My Revenge   KABANATA 45

    RICAPaano kung hindi sa braso niya tumama?Paano kung sa ulo niya, o sa leeg niya, o sa dibdib niya? Paano kung nabuksan niya ang pintong 'yon nang mas maaga o nakatayo sa bandang kaliwa? Paano kung ang bala ay hindi lang dumaplis kundi tumagos nang diretso?Nanginig ako.Maingat kong idiniin ang gauze sa sugat at tinape 'yon at umupo para tingnan ang gawa ko.At saka, dahil hindi ko kayang manatili sa task na ‘yon, ang mga mata ko ay umakyat sa braso niya. Sa balikat niya. Sa bicep na hindi maitago ng sando niya. Sa kabuuang pigura niya—ang muscles at ang hugis nito—ang paraan ng pagkakatayo niya na nagmumungkahi na ang katawan ay hindi lang palamuti kundi may pakinabang din.Napakaganda ng katawan niya, naisip ko, nang walang anumang natitirang kaunting dignidad. Ang tigas ng mga braso. Sobrang gwapo, sobrang sexy."Hey." Ang boses niya, tahimik at malapit. "Are you okay?"Kumurap-kurap ako.Pinagmamasdan niya ako gamit ang maingat na atensyong 'yon, ang mga mata niya ay nasa mukha

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status