MasukKapalit ng sampung bilyon ay dapat ipalaglag ni Gabriela Montejo ang kanyang ipinagbubuntis, iyon ang offer ni Jander Venido sa kanya at bukod doon ay isang annulment papers pa ang kailangan niyang pirmahan. Para siyang binagsakan ng langit at lupa—ang lalakeng minahal ay gustong makipaghiwalay sa kanya at hindi pa tinanggap ang batang nasa kanyang sinapupunan. Ngunit nagpakalayo at nagtago siya saka nanganak ng kambal. Pagkalipas ng limang taon, ang makukulit na kambal pa ang gumawa ng paraan para matagpuan sila ng kanilang ‘masamang daddy’.
Lihat lebih banyak"Ipalaglag mo ang bata at bibigyan kita ng sampung bilyon."
Hindi makapaniwala si Gabby sa narinig. Napahigpit ang hawak niya sa resulta ng pregnancy test pero pilit na pinapanatili ang kanyang pagiging kalmado kahit na ang totoo ay gusto niyang manampal at manumbat.
Pakiramdam niya ay may napakalaking batong nakadagan sa kanyang dibdib, dahilan para hindi siya makahinga nang maayos. Kaya naman ay ilang ulit siyang huminga nang malalim at kalmadong nagtanong habang nakatingin sa kawalan. "Naririnig mo ba ang sarili mo?"
Gusto nitong ipalaglag ang bata?
Matapos ang mahabang sandali, sa wakas ay inangat ni Gabby ang kanyang mga mata at blangkong tumingin sa lalakeng nasa harapan niya.
Third wedding anniversary nila ngayon. Kinakabahan at puno ng pag-asa niyang sinabi rito na buntis siya.
Pero gusto nitong ipalaglag niya ang bata!
Matapos ang isang nakabibinging katahimikan, muling umalingawngaw sa tainga ni Gabby ang malamig na tinig ng lalaki.
"Bumalik na si Xeline kaya dapat nang matapos ang lahat sa atin," walang pusong saad ng lalake. "At ang batang iyan ay aksidente lamang at patunay ng koneksyon nating dalawa. Kaya hindi siya pwedeng manatili sa mundong ito. Maaari mong kunin ang sampung bilyon na ito. Ituring mo na lang itong kabayaran ko sa mga taon na kasama kita. O kung may iba ka pang kahilingan ay sabihin mo lang sa akin. Kung kaya ko naman ay ibibigay ko."
Nanlamig si Gabby. Matagal bago niya nagawang magsalita. "Ibig mong sabihin ay gusto mo pa rin akong hiwalayan?"
"Ganoon na nga." Magaan at walang pakialam ang tinig ng lalaki, na para bang nagtatapon lang siya ng basura.
Mahigpit na kinuyom ni Gabby ang kanyang mga palad. Pakiramdam niya ay sinaksak ng kutsilyo ang kanyang puso. Walang mapaglagyan ang sakit na nararamdaman niya.
Dahil lamang sa nakabalik na si Xeline.
Kahit na buntis siya ay gusto pa rin nitong makipaghiwalay sa kanya at ipalaglag ang kanilang anak. Harap-harapan pa nitong sinabi na aksidente lamang ito.
Kumuha si Jander ng sigarilyo mula sa kaha. Saglit niya itong tinitigan at sisindihan na sana pero ibinalik din niya ito sa kaha. Sa halip ay kumuha siya ng isang dokumento mula sa drawer ng office table niya at iniabot kay Gabby. "Basahin mo. Kung sang-ayon ka sa mga nakasaad ay pirmahan mo."
Hindi iyon kinuha ni Gabby kaya inilapag ni Jander ang annulment papers sa ibabaw ng mesa.
"Ako na ang magpapa-schedule ng appointment mo sa ospital. May kilala akong gumagawa ng abortion. Pirmahan mo na lang ang annulment paper kapag napag-isipan mo na. May iba pa akong kailangang gawin at pupunta ako ng opisina ko." Kaagad na tumayo si Jander at naghandang umalis.
"J-Jander..." sambit ni Gabby habang pinipigilan ang mga luha.
Lumingon naman si Jander sa kanya nang malamig. "Ano?"
Napuno ng luha ang mga mata ni Gabby habang nakikiusap siyang tumingala rito. "Ayaw ko ng pera. Papayag akong makipaghiwalay pero maaari ko bang panatilihin ang bata?"
Ito na ang pinakamaliit niyang kahilingan bilang isang ina. Handa niyang isuko ang lahat para lamang mapanatili ang kanyang anak.
Nanatili rin ang malamig na tingin ni Jander kay Gabby. Kailanman ay hindi niya pinapalagpas ang sinumang sumusuway sa utos niya at isa rin siyang lalaking tumutupad sa kanyang mga binibitawang salita. Alam iyon ni Gabby pero hindi pa rin niya napigilang magmakaawa.
"Hindi." Matatag, madiin, at walang puwang para sa pagtutol ang sagot ni Jander.
Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras. Tumalikod siya at umalis, muling iniwang mag-isa si Gabby sa loob ng walang buhay na villa.
Tatlong taon nang kasal sina Gabriela Montejo at Jander Venido. Ganoon pa man, alam ni Gabby na hindi siya pinakasalan nito dahil sa pagmamahal.
Kahit alam niyang hindi siya mahal ni Jander ay umasa pa rin siya na balang araw ay mapapainit niya ang malamig nitong puso.
Sa loob ng tatlong taon, araw-araw niyang iniisip kung paano magiging isang mabuting asawa.
Mas maaga siyang gumigising kaysa sa mga katulong at mas abala pa kaysa sa mga ito. Lahat ay para lamang makapaghanda ng pagkain para kay Jander para makakain ito bago pumunta sa opisina nito at kapag uuwi naman ito ay may naghihintay na lutong-bahay at maayos na tahanan.
Lagi itong late kung umuwi at lagi rin niya itong hinihintay bago matulog— kahit madaling araw pa iyan.
Sa walang buhay na villa na ito na nagmistulang kulungan para sa kanya ay namuhay siya bilang isang mayamang babaeng kinaiinggitan ng ibang babae— pero sa halip na mamuhay nang maligaya, naging isa siyang rebultong naghihintay, hindi pinapansin, hindi kailanman.
Pero wala siyang pakialam.
Sinasabi ni Gabby sa kanyang sarili araw-araw na hangga't nasa tabi niya si Jander at umuuwi ito sa kanya ay sapat na iyon. Akala niya ay habang-buhay silang magsasama kahit walang init ng pagmamahal.
Ngunit isang malakas na sampal ang ibinigay sa kanya ng reyalidad at hindi man lang niya nagawang makaiwas.
Ang mga luhang kanina pa pinipigilan ay pumatak mula sa mga mata ni Gabby at tuluy-tuloy na dumaloy sa kanyang pisngi. Mahina siyang humihikbi habang mahigpit na nakakuyom ang mga palad. Isang pigil na hikbi ang kumawala sa kanyang mga bibig.
Napagtanto niya na ngayon.
Hindi kailanman napipilit ang pagmamahal ng isang tao. Kahit ano pang gawin mo ay hinding-hindi natuturuan ang puso.
Hindi niya alam kung gaano katagal ang lumipas bago niya kinuha ang annullment papers. Binasa niya iyon at bawat salitang nakasulat doon ay nag-udyok sa kanya para sa isang desisyon.
Panahon na upang tapusin ang lahat!
Mula ngayon, ang sarili niya at ang anak na lang ang mahalaga sa kanya.
----
Mas maagang umuwi ngayon si Jander kaysa sa nakasanayan niya araw-araw. Pagbukas niya ng p***o ay walang Gabby na bumungad sa kanya na araw-araw ay sinasalubong siya nito kahit anong oras pa iyan.
Hindi niya pinansin ang bahagyang pagkadismayang naramdaman niya.
Kinuha ng katulong ang kanyang suit jacket. Bahagyang kumunot ang noo Jander at nagtanong— halata sa tono nito ang pagkainis. "Nasaan ang ma'am ninyo?"
"Ilang oras na rin po ang nakalipas nang umalis si Ma'am Gabby, sir."
Naglakad si Jander patungo sa sala. At nakita niya ang annulment paper sa coffee table, katabi nito ang mga tsekeng hindi man lang nagalaw.
Biglang bumalot ang matinding emosyon kay Jander at isang hindi maipaliwanag na pagkabalisa ang naghari sa kanyang dibdib. Maluwag niyang kinalag ang kanyang kurbata at pumunta sa silid nila.
Gaya ng dati ay maayos at malinis ang silid. Pero iba na ngayon dahil wala roon si Gabby. Maging ang mga gamit nito ay naglaho nang walang anumang iniwang bakas.
Sa isang iglap ay namutla nang husto ang mukha ni Gabby. Mabilis siyang napatingala at bahagyang nanginginig ang kanyang katawan.Nasa harapan niya ang isang mukha na napakapamilyar ngunit tila naging mas estranghero matapos ang limang taon."J-Jander..." Mabilis na lumingon si Gabby upang tingnan ang dalawang batang nakapasok na sa boarding bridge. Agad na tumakbo pabalik sa kanya si Zarah pero pinigilan siya ng kalmadong si Zayne.Nakita ni Gabby na umiling si Zayne nang walang imik. Laging alerto at matalino ang anak niyang ito. Nag-aalalang tumingin ito sa kanyang ina bago agad na hinawakan si Zarah at dinala ito sa gitna ng mga tao, pagkatapos ay nagtago sa loob ng eroplano.Mabuti na lamang at nakatuon kay Gabby ang buong atensyon ni Jander, kaya hindi nito napansin ang dalawang bata.Nang makita iyon ni Gabby, bahagyang gumaan ang kanyang kalooban. Ngunit nakatutok pa rin sa kanya ang madilim at malamlam na mga mata ng lalaki.Pinatatag ni Gabby ang kanyang loob at muling tumin
"Kamukhang-kamukha niya nga!" Nakatutok ang matatalim na tingin ni Jander sa kotse at naniningkit ang kanyang mga mata sa kagustuhang makita ang babae nang maayos."Sir, ayos sa location data ay mabilis ang paglayo ng taong iyon."'Ang kotseng iyon!' Hindi na nagdalawang-isip si Jander at kaagad na nag-utos. "Habulin ang kotseng iyon!"Malakas ang kutob niyang ang babaeng nakita niya kanina ay ang babaeng nakasama niya noon at naging asawa— si Gabriela Montejo.---Sa loob ng kotse ay kaagad na tinawagan ni Gabby ang kanyang matalik na kaibigang si Sheena."Hello, Gabby? Napatawag ka? May nangyari ba?" sunud-sunod na tanong ni Sheena."Kailangan muna naming bumalik sa United States," sagot ni Gabby habang maingat na nagmamaneho."Ano? Babalik ka sa United States? Kakauwi mo pa lang! Anong nangyari? May problema ba?"Nagmamadaling ikinuwento ni Gabby kay Sheena ang nangyari. Pagkarinig nito ay tatlong beses na napasigaw si Sheena. "Grabe! Talagang ang galing ng kambal! Magaling, Zayne
Kaagad na bumaba si Gabby mula sa kotse. Kagagaling lamang niya sa operating room at gumugol ng mahabang oras sa pag-opera sa isang pasyente ng araw na iyon. Ni hindi pa siya nakakahinga nang maluwag nang tawagan siya ng yaya at sinabing nawawala ang kambal. Sa sobrang gulat at kaba niya ay kaagad siyang nataranta."Mommy!" Masayang tumakbo si Zarah at sumugod sa mga bisig ni Gabby. "Miss na miss ko na si Mommy!"Lumuhod si Gabby at walang magawa kundi yakapin ang dalawang bata. Nang pumunta siya roon ay galit pa siya at determinado na sa pagkakataong ito ay pagagalitan niya nang husto makukulit na batang ito.Pero hindi kayang tiisin ni Gabby ang kanyang mga anak, lalo pa at cute-cute ng mgaa ito. Kaya agad na nawala ang kanyang galit. Ang magagawa na lamang niya ngayon ay piliting maging seryoso ang kanyang mukha. "Kayong dalawa! Saan-saan na naman ba kayo nagpupupunta? Alam ba ninyong sobra akong nag-alala?""Sorry, Mommy. It's my fault po." Sumimangot si Zarah habang humihingi ng
Pagkalipas ng limang taon."Daddy's in there ba, kuya? Are you sure?" inosenteng tanong ni Zarah sa kanyang kuya habang nakatingin sa kabilang gusali gamit ang binoculars."Yes, sigurado ako. Kailan pa ba ako hindi naging sigurado? Nakita ko mismo na pumasok siya sa building na iyan," sagot ni Zayne na hindi man lang nilingon ang kapatid dahil abala sa ginagawa niya sa laptop niya. "Nakita ko ang picture niya sa cellphone ni Mommy. Siya ang masamang daddy na iyon.""Anong ginagawa mo, kuya?" nagtatakang tanong ni Zarah nang lingunin ang kapatid."Ang masamang daddy na iyon ay sinaktan si Mommy. Ayaw mo bang ipaghiganti natin si Mommy?""Maghiganti?" tanong muli ni Zarah habang nakakunot na ang noo."Yes! May kasamang ibang babae ang masamang daddy na iyon at hindi mo ba napapansin na dahil doon ay malungkot si Mommy? Kailangan nating turuan ng leksyon ang masamang daddy na iyon para kay Mommy."Nakatuon ang mga mata ni Zayne sa laptop niya. Mahusay na gumagalaw ang kanyang maliliit at












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.