LOGINClara Beatriz Gonzales thought she found the one with the powerful Damon Ezekiel Romero. As his secretary, she gave him her loyalty and her heart. But when she discovers she’s pregnant, her world turns upside down. She learns the brutal truth: sa mundong ginagalawan ng mga Romero, isa lang siyang "convenient" distraction, at ang dinadala niya ang tanging trophy na balak nilang agawin. With no money and no one to turn to, Clara makes a desperate choice—tumakbo. She leaves her old life behind to protect the only person who matters. But how do you disappear from a man who practically owns the world? Damon is on the hunt, and he won’t stop until he finds what he believes is rightfully his. Clara is fighting for survival and freedom. Sa laro ng habulan, kapangyarihan, at mga lihim, hanggang saan kayang itago ni Clara ang katotohanan bago siya tuluyang maabutan ng lalaking handang wasakin ang mundo para lang mahanap siya?
View MoreClara Beatriz Gonzales
Nanginginig ang kamay ko habang hawak 'yong manipis na white paper. Ang lamig at ang sikip sa pakiramdam ng clinic—para akong nabuhusan ng malamig na tubig.
Positive. Four weeks pregnant.
Pilit kong pinalalamig ang ulo ko habang nakatitig sa resulta. Magkahalong takot at hindi maipaliwanag na saya ang humaplos sa puso ko. Isang sanggol—isang buhay na nabuo mula sa amin ni Damon Ezekiel Romero.
Si Damon. Ang lalaking makapangyarihan, malamig, at tinitingala sa mundo ng negosyo. Siya ang lalaking lihim kong minahal at pinaglingkuran bilang personal secretary sa loob ng dalawang taon. Kahit alam kong isa lang akong ordinaryong babaye sa buhay niya, nagbakasali ako. At ngayon, may bunga na ang mga gabi na kami lang dalawa ang magkasama.
Huminga ako nang malalim at ngumiti nang bahagya. Siguro naman, kapag nalaman ni Damon ang tungkol dito, lalambot ang puso niya. Baka sakaling magbago ang lahat. Baka pwedeng maging isang totoong pamilya kami.
Pagkalabas ko ng klinika, agad akong dumiretso sa Romero Tower. Hawak ko ang kulay puting sobre sa loob ng bag ko, tila ba iyon ang pinakamahalagang bagay sa buong mundo. Kabado man, dinala ako ng mga paa ko patungo sa executive floor. Gusto kong sabihin sa kanya nang personal. Gusto kong makita ang reaksyon ng mga mata niya.
Tahimik ang hallway patungo sa opisina ni Damon. Sanay ako rito, kaya hindi na ako kumatok nang makitang bahagyang nakabukas ang malaking p***o ng kanyang silid. Ngunit bago ko pa man maitulak iyon nang tuluyan, narinig ko ang boses ng kanyang ama, si Don Fernando Romero.
"Hindi pwedeng malaman ng publiko na may mangyayari sa inyo ng babaeng iyan, Damon," maawtoridad na saad ng matanda. "Clara is just a secretary. She doesn't belong in our world."
Napatigil ako. Nanlamig ang buo kong katawan at kusang huminto ang mga paa ko sa labas ng p***o.
"Don't worry, Dad," malamig at walang kaemosyong sagot ni Damon. Ang boses niyang iyon—ang boses na madalas kong marinig kapag may winawasak siyang kalaban sa negosyo—ay parang kutsilyong tumarak sa dibdib ko. "I know my priorities. Clara is just convenient."
Nalaglag ang puso ko. Para akong sinaksak nang paulit-ulit sa gitna ng dibdib. *Convenient?* Iyon lang pala ako sa kanya? Isang bagay na madaling gamitin at itapon?
"Good," patuloy ng matanda. "Dahil nalaman ng tauhan natin na madalas siyang pumunta sa ob-gyne ngayong linggo. Kung sakaling buntis ang babaeng iyan, kailangan nating mag-ingat. Ang dugo ng mga Romero ay hindi pwedeng palakihin ng isang hampaslupa."
Napatakip ako sa aking bibig upang pigilan ang anumang tunog na pwedeng lumabas sa aking mga labi. Umatras ako nang bahagya, ngunit mas lalo akong napako sa kinatatayuan ko sa mga kasunod nilang salita.
"Anong balak mo kung magdadalang-tao nga siya?" tanong ni Don Fernando.
"Simple lang," sagot ni Damon. Walang alinlangan. Walang hesitation. "Kapag nanganak siya, kukunin ko ang bata. Ako ang magpapalaki sa anak ko bilang legal na tagapagmana ng Romero Empire. Bibigyan natin si Clara ng pera kapalit ng pananahimik niya, at sisiguraduhin kong hindi na siya muling makakalapit sa bata kahit kailan. Babayaran natin siya para mawala sa buhay natin."
Para akong nawalan ng hangin. Lumabo ang paningin ko dahil sa mga luhang biglang pumatak sa aking mga pisngi.
Gusto nilang kunin ang anak ko. Gusto akong itapon ni Damon na parang basahan pagkatapos kong ibigay sa kanya ang lahat-lahat. Hindi man lang niya ipaglalaban ang kung anong mayroon kami. Mas mahalaga pa rin sa kanya ang pangalan, ang kapangyarihan, at ang negosyo ng pamilya niya.
Kinuha ko ang kulay puting sobre sa aking bag at mahigpit iyon na piniga sa aking palad hanggang sa magkabukol-bukol ang papel.
Hindi ko ibibigay ang anak ko. Hinding-hindi.
Nanginig ang buo kong katawan sa halo-halong galit, takot, at labis na sakit. Dahan-dahan akong umatras mula sa pintuan, pilit na hindi gumagawa ng kahit anong ingay. Bawat hakbang ko pabalik sa elevator ay parang may mabigat na kadena na nakatali sa aking mga paa, ngunit hindi ako pwedeng magpadala sa takot.
Bumaba ako ng gusali habang nakayuko, iniiwasan ang tingin ng mga security guard at empleyado na nakakakilala sa akin. Paglabas ko ng Romero Tower, dinala ako ng hangin ng lungsod pabalik sa realidad.
Wala akong makapangyarihang pamilya. Wala akong milyun-milyong piso sa bangko para makipaglaban sa korte laban sa mga Romero. Kapag nalaman ni Damon na totoo ang hinala nila, gagamitin niya ang buo niyang kapangyarihan para kulungin ako o tuluyang ilayo sa akin ang sanggol sa tiyan ko.
Huminga ako nang malalim at pinunasan ang luha sa aking mga pisngi gamit ang likod ng aking kamay. Tumingin ako sa malaking billboard sa tapat ng kalsada kung saan nakapaskil ang seryosong mukha ni Damon Ezekiel Romero—ang lalaking minahal ko, ngunit ngayon ay ang pinakamalaking banta sa buhay ng anak ko.
Inayos ko ang hawak sa aking bag at sumakay agad sa unang taksi na huminto sa tapat ko. Sa oras na ito, alam kong wala na akong babalikan.
Clara Beatriz GonzalesMabilis kong itinakip ang dalawa kong kamay sa aking bibig para matakpan ang mga hikbi ko. Bawat basag ng salamin at bawat sigaw mula sa ibaba ay parang patalim na sumasaksak sa dibdib ko. Nanginginig nang matindi ang buo kong katawan, at ang tanging naiisip ko lang ay ang buhay ng anak ko sa loob ng tiyan ko."Iligpit niyo ang mga guard diyan! Hanapin niyo ang babae!"Ang boses na iyon. Malamig, mayabang, at punong-puno ng awtoridad. Kay Don Fernando.Narinig ko ang mga yabag ng mabibigat na sapatos na mabilis na pumapaakyat sa wooden staircase ng rest house. Nagka-gulo sa hallway. May mga sigawan, kalampag ng mga kasangkapan, at tunog ng mga katawang tumatamasa sa pader—naglalaban ang sampung guards na iniiwan ni Damon at ang mga armadong tauhan ng ama niya. Pero mas marami ang dala ni Don Fernando. Halatang pinaghandaan at pinagplanuhan nila ang pagsugod na ito habang wala ang anak niya."Ma'am Clara! Huwag niyo pong bubuksan 'yan!" sigaw ni Manang Rosa mula
Clara Beatriz GonzalesApat na araw na ang nakalipas mula nang umalis si Damon patungong Maynila.Araw-araw ay pare-pareho lang ang takbo ng buhay ko rito sa Bukidnon. Paggising sa umaga, kakain ng inihandang almusal ni Manang Rosa, iinom ng mga bitamina, at maglalakad-lakad sa malawak na sala para hindi manigas ang mga binti ko. Tuwing hapon naman ay nakatambay ako sa may glass wall ng living room habang nakatitig sa makapal na fog na bumabalot sa mga pine trees sa labas.Kahapon lang ay nagpadala uli si Damon ng panibagong mga prutas at dalawang malaking kahon ng mga maseselang damit para sa akin. Pulos maluluwag at malalambot na tela ang pinili niya—mga bagay na halatang ipinabili niya sa personal niyang assistant sa Maynila.Tuwing tinititigan ko ang mga damit na 'yon, hindi ko maiwasang makaramdam ng matinding kalituhan. Sa dalawang taon ko bilang sekretarya niya sa Romero Tower, nakikita ko lang siya bilang isang seryoso, malamig, at imposibleng maabot na CEO. Pero ngayon, bawat
Clara Beatriz GonzalesNakatitig ako sa papalayong SUV ni Damon habang binabagtas nito ang madilim na daan pababa ng kabundukan. Nag-iwan ang mga gulong nito ng makapal na alikabok sa hangin bago tuluyang nilamon ng hamog ang buong paligid.Tahimik ang buong rest house. Sobrang tahimik na halos naririnig ko na ang sarili kong paghinga.Nang lumuhod si Damon sa harap ko kanina at hinawakan ang mga kamay ko, nagwala ang sistema ko. Lalo na noong idinikit niya ang labi niya sa noo ko—isang mabilis at mainit na halik na naramdaman ko hanggang sa kaibuturan ng puso ko. Pilit kong ipinapaalala sa sarili ko na dapat hindi ako magpadala. Dapat nananatili akong alerto. Pero mahirap makipaglaban sa sarili mong damdamin kapag ang lalaking kinatatakutan mo ay siya ring nagpapakita ng labis na pag-aalaga sa 'yo at sa anak niyo.Inisip ko ang desisyon niyang bumalik sa Maynila. Alam kong tama lang na umalis muna siya rito para malihis ang atensyon ng tatay niya. Pero sa kabilang banda, hindi ko mai
Damon Ezekiel RomeroIpinasok ko ang satellite phone sa bulsa ng pantalon ko habang pinakapakalma ang nagwawala kong sistema. Malamig ang hangin dito sa balkonahe ng rest house sa Bukidnon, pero sa loob-loob ko, para akong nagliliyab sa galit.Si Papa. Hindi talaga siya titigil.Ayon kay Leo, nagdududa na ang matanda. Nagtaka siya kung bakit bigla akong nawala sa Maynila sa gitna ng mahahalagang board meeting at kung bakit binawi ko ang ilang investigator na ipinadala ko sa Visayas. Alam kong hindi bobo si Papa. Mabilis siyang mag-dugtong ng mga tuldok. Kapag nalaman niyang itinatago ko si Clara sa sarili kong rest house sa Mindanao, gagamitin niya ang buong kapangyarihan ng Romero Group para ipa-raid ang lugar na 'to gamit ang mga hawak niyang opisyal.Lumingon ako kay Clara. Nakaupo siya sa rocking chair, nakayuko at mahigpit na nakahawak sa ultrasound picture ng baby namin. Ang liit ng katawan niya sa loob ng jacket na ipinasuot ko sa kanya.Naalala ko noong pumunta ako sa tinutulu












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.