Simula nung usapan namin nung gabi tungkol sa magiging Anak ni Eugene. Nag-decide kaming sa iisang Condo nalang tumira. Which is yung Condo sa pinakataas. Penthhouse. Unti-unti rin naming inayos yun. May sarili akong kwarto ganon din siya, hindi naman kasi kami mag-asawa. Kaya hiwalay kami ng tulugan.
Ginagawa lang namin to para sa bata. Sasabihin niyo pwede namang hindi ako makisali sa buhay nila.. Pero kasi, gusto ko.
Hindi ko kayang isipin na lalaki yung anak ni Eugene na walang nanay. Tapos ano? Pagmalaki na siya, malalaman niyang ayaw sakanya ng tunay niyang nanay? Masakit para sa isang anak ang ganon.
Kaya hanggat maaari, tutulungan ko si Eugene. Handa akong akuin ang iniwang responsibilidad ng ex niyang bobo.
Nakakatawa lang, Kasi sabi ko dati ayoko mag-anak. Tapoy ngayon, magkakaanak anako. Hindi man siya galing sakin, alam ko sa puso ko ituturing ko siyang sariling akin.
"Hindi ka papasok Sungit?" tiningnan ko si Eugene na kakalabas lang ng kwarto niya.
"Hindi. Kabuwanan na ni Gail ngayon, kailangan kong mag-bantay sakanya." inabot ko sakanya yung kape at inayos ang kurbata niya.
Lagi nalang talagang ganito to. Kung wala ba ako papasoj siyang, hindi maayos ang suit? Hays.
"Thank you, Laura." Seryoso niyang sabi. Itinulak ko yung mukha niya at kinuha yung kapeng ininuman niya.
"Araw-araw ka nalang Thank you ng Thank you. Naririndi na ko Uge." simula nung lumipat kami dito at bantayan ko ang ex niya, wala na siyang tigil kakapa-salamat.
Gusto ko naman tong ginagawa ko. Tsaka feeling ko kapag binabantayan ko si Gail na pinagbubuntis yung anak ni Eugene, parang ako yung nagdadala sakanya. Napamahal na talaga yung Baby sakin hindi pa man siya lumalabas.
"Kahit na, Thank you parin. Payakap." niyakap ko siya para makaalis na. Hindi yan makakaalis kapag hindi yayakapin at ibi-baby.
"Alam mo bawas-bawasan mo na ang pagpapa-baby mo. Malapit na tayo magkaron ng totoong baby, OP kana." Asar ko sakanya. Imbis na mainis siya, napangiti lang siya.
"Kaya nga lulubus-lubusin ko na." natawa ako nung mag-baby talk siya. Baliw talaga.
"Pumasok ka na. Wala kang secretary ngayon, may meeting ka pa. Mamayang Dinner dadaan ako don, dadalhan kita ng Lunch." tinulak ko siya palabas ng unit.
"Mamayang Dinner, dadalhan ng Lunch? Ayos din. Pang-asar lang?" pikon niyang tanong. Haha asar na talaga kasi siya. Nagrereklamo na hindi na kami nagkakabay kumain.
"Mamayang Lunch. Sige na, pasok na. Babye! Ingats!" may sasabihin pa sana siya pero binagsak ko na yung pinto.
Hindi nanaman matatapos yung pagpapaalm non eh. Alam niyo naman yung isang yun, pabebe.
Napatingin ako sa phone ko nung tumunog yun. May dalawang text, yung isa kay Eugene galing. Ayun yung inunan kong basahin.
Ingat Sungit. Call me kapag may nangyari. Lablab
Nag-reply lang ako ng "K" tapos sinunod buksan yung message ng Ob ni Gail.
Labor na niya.
Pagkabasa ko non, mabilis akong nagbihis at dinampot ang gamit ng Baby na nakahanda na sa sala. Hindi ko na nagawang mag-text kay Eugene agad, sa sobrang taranta.
Nung makarating ako sa Hospital, sinalubong agad ako ni Doc. Pia na at dinala kay Gail na nagle-labor na. Napangiwi ako nung sumigaw siya dahil sa sakit.
Ganon ba talaga kasakit manganak.
"A-Ayos lang ba siya Doc?" nanginginig kong tanong habang nagsusuot ng cover para makapasok ako kung nasaan si Gail.
"Yeah. She's fine. Babalik ako kapag ready na. Maiwan muna kita." tumango ako at pumasok na sa loob kung saan siya nakahiga. Napatingin siya sakin at malungkot na ngumiti.
"Hi" bati niya kahit nahihirapan na siya.
Tumango lang ako at kumapit sa kamay niya, agad niya yung pinisil. Nagmukha tuloy akong asawa niya.
Okay naman kami ni Gail. Nung Anim na buwan na ang tiyan niya binabantayan ko na siya. Bati kami na parang hindi, basta okay lang. Hindi lang kami nagkakasundo kapag napag-uusapan kung bakit kailangan niyang iwan si Eugene at yung magiging anak niya. Gigil parin kasi ako sa desisyon niya. Ilang beses ko siyang pinangaralan, sa huli mag-aaway lang kami. Kaya huminto na ko.
Ang importante ngayon, ligtas niyang mailabas ang bata.
"Alam na ba ni Eugene?" tanong niya. May kung anong itinurok sakanya yung nurse.
"Ah, hindi pa. Saglit lang, iti-text ko lang siya." lumabas ako at tinawagan si Eugene.
Habang inaantay kong sumagot siya, bumalik na si Doc Pia. Sumenyas siyang 20 mins. pa bago manganak si Gail.
"Laura? Something wrong? Nasan ka?"
"Pumunta kana dito, manganganak na si Gail." napangiti ako nung mapamura siya sa kabilang linya.
"On my way."
"Dahan-dahan lang pagmamaneho." paalala ko. Baka mamaya sa sobrang excited niya maaksidente siya. Pinatay ko na ang tawag nang marinig ko na ang paggana ng makina ng sasakyan niya at pinuntahan ulit si Gail. Nakita ko siyang hirap sa paghinga pero nang tingnan niya ako ay tipid siyang ngumitiSinabi kong papunta na si Eugene. Ilang minuto pa ang lumipas nung pumasok na si Doc.
Napatingin ako sa oras, 5 mins. palang ah. Akala ko ba 20 minutes?
"The Baby is excited. Are you ready Gail?" alanganing tumango si Gail. Inabot ko yung kamay niya para makapitan niya. Parehas kaming nanginginig ang kamay, parehas rin kaming pinagpapawisan dahil sa halo-halong emosyon. Pero alam kong mas malala ang nararamdaman niya.
Hindi pala biro ang manganak.
"Okay Gail Inhale, Exhale, Inhale, dahan-dahan muna ang pag push.. Alam mo na to, napractice mo na to. Gawin mo kung ano yung tinuro ko sayo. Okay.."
"Ah, It hurt's." humigpit yung kapit ko kay Gail. Ramdam ko yung sakit at hurap niya. Bulong lang ako ng bulong sakanya ng Kaya mo yan, Gail.
"Go, Push. Nakikita ko na ang ulo ng Baby. One last push, Gail. One, two, three, Push!"
"Ah!" malakas na iyak ng sanggol ang pumalahaw sa loob ng silod agad akong napatayo nung pumasok si Eugene sakto sa paglabas ng Baby.
"It's a healthy Baby Boy." anunsyo ni Doc. Nakita ko kung paano tumitig si Eugene sa anak niya, habang umiiyak.
Agad akong lumapit sa pwesto ni Eugene, tulad niya umiiyak din ako sa tuwa. Atlast, nandito sa mundo ang anak niya. Healthy at Ligtas.
"D-Doc!" nahihirapang sigaw ni Gail na mabilis na nag-panic ang lahat. Napatakbo ako kay Gail at agad siyang hinawakan sa kamay.
"May isa pa. Oh god' kaya nga sinabi kong magpa-ultrasound eh. Go, Gail same lang kanina. Push." ilang beses ang ginawang sigaw ni Gail kakaire.
Napalingon ako kay Eugene, nakatingin siya kay Gail. Punong-puno ng pag-aalala ang mga mata, at pagmamahal. Iniwas ko ang tingin ko at itinuon sa Doctor.
Hindi lang pala ai Gail ang nasasaktan sa oras na to. Yung dibdib ko din. Ilang beses akong lumunok para pigilan ang luha ko.
"Congratulation's It's a healthy Baby Boy, Again." nagpalakpakan ang mga tao sa OR.
Agad na inasikaso ang kambal sa Nursery Room. Nandoon rin si Eugene na nagbabantay sa mga anak niya. Ako nandito at inaabangan magising si Gail.
"Paano? Ikaw ng bahala sa mga Anak ko." napalingon ako kay Gail. Namumutla pa siya habang sinasabi yon.
Agad kumulo yung dugo ko.
"Bakit kailangan mo pang iwan si Eugene at ang Kambal? Hindi ba pwedeng dito ka nalang? Mahal ka na E-Eugene." napaiwas ako ng tingin nung daglian akong mautal.
[ Laura ]"Paano kung hindi na nila ako mapatawad?" sapo ko ang dbdib ko dahil sa pag-aalala na baka hindi nila ako pansinin.Mula sa pagkakaupo sa kama, tumayo si Eugene para lumapit saakin. Inabot ko kaagad ang bibig ni Eura na karga niya, ang dungis kumain ng biscuit.Umupo siya sa tabi ko kalong muli si Eura na hindi na niya binitawan simula ng magising."Alam mo namang mga Mama's boy yun. Huwag ka ng masydo mag-aalala, Hindi ka matitiis nung dalawa." pumikit ako nang dampian niya ng halik ang noo ko."Salamat Hon, salamat sa muli mong pangtanggap saakin." naluluha nanaman ako.Hindi parin ako makapaniwala na babalik kami sa ganito ni Eugene. Lagi kong naaalala kung gaano kasakit ang bawat tingin na binibigay niya saakin kahapon, para bang makasama niya lang ako sa iisang lugar, maiiyak na siya sa sama ng loob.Pero nang mapanuod niya ang mga video na ginawa ko para sakanila, napatunayan non na kahit malayo ako, sila parin a
"She sleep just like you""H-huh? Paano?"Tahimik at emosyonal na pinagmamasdan ni Eugene ang mukha ng bata. Masakit at puno ng pagsisisi ang puso niya kapag naiisip na, hindi manlang niya nasaksihan ang pagsilang nito, maging ang unang buwan nito sa mundo wala siya."Her lips is pouting." mahina siyang natawa bago dinampian ng daliri ang may katabaang pisngi nito.Naikuyom ni Laura ang palad nang mapansin ang emosyonal na tinging ibinibigay ni Eugene kay Eura. Ngayon sumasampal sakaniya ang pagkakamali niya na itago ang pagbubuntis dito.Kung sana, mas tinapangan niya ang loob noon..."Patawad Eugene.""Enough, masyado ng puno ng sorry ang araw natin.""Kung—kung sana sinabi ko sayo... sana nasaksihan mo rin kung paano lumaki si Eura."Namara ang lalamunan ni Laura dahil sa muling pagbabanta ng mga luha."Yeah, kung sana nalaman ko lang simula pa u
[ Eugene ]The day after my wife decided to leave us is the day I didn't even imagine that'l come.Nasanay ako na kahit anong sitwasyon at problemang dulot ko, she's always there, comforting and keep telling me na palagi lang siyang nasa tabi ko. Kaya kahit puro pasakit ang mga nangyari saamin, kinakaya ko dahil alam kong hindi ako nag iisa.I have her with me.Pero lahat may limitasyon. And I know, that night... she's at her limit. I'm in pain too, but her's is more worst. Losing something precious, blaming herself and feeling guilty, lahat isang bagsakan niyang naranasan at naramdaman. And I wasn't there,No... I
"Sarili mo lang dapat ang hahanapin mo, pero mukhang nakahanap ka rin ng kapalit ko."Hindi ko alam kung paano ako mabilis na nakalapit sakaniya para sampalin siya. Habol ko ang hininga ko, hindi dahil sa pagod, kundi dahil sa matinding galit na rumaragasa sa buong sistema ko."Pinapalabas mo bang nanlalaki ako? Nanlalaki lang ako nung umalis ako?! Ganiyan ba talaga ang tingin mo saakin? Ganiyan ba ang iniisip mong ginawa ko habang malayo sainyo?""Anong gusto mong isipin ko Laura? Wala akong alam! Hindi ko alam kung anong nangyari sayo sa loob ng dalawang taon! Wala akong alam, dalawang taon ka nawala, ngayon umaasa kang tatanggapin kita ng may ngiti? Inaasahan mong basta ko nalang maiintindihan lahat kahit walang paliwanag mula sayo?—"
"Madam.. "Ilang beses na nila akong tinawag, kinukumbinsing tumayo mula sa pagkakaluhod. Pero kahit gustuhin kong tumayo, hindi ko magawa dahil sa sobrang panghihina."Madam, pabagsak na po ang ulan, tara na po sa loob." bakas ang pagaalalang wika ni Daisy.Uulan?Napatingala ako sa langit. Kanina lang ay tirik na tirik ang araw, parang nakikiayon ang ata langit sa nararamdaman ko. Mas lalong dumilim gawa ng makakapal na ulap, nararamdaman ko na rin ang lakas ng malamig na hangin.Dahil sa malungkot na panahon, nakaramdam ako ng matinding emosyon. Nanunuot ang sakit sa puso ko nang maisip ang naging epekto nang matagal kong pag-iwan sakanila.Dalawang taon.Para saakin ay mabilis lang na lumipas ang dalawang taon, siguro dahil ako ang umalis at lumayo. Sa dalawang taon na yun naka-tuon lang ang buong pakialam at atensiyon ko kay Eura.Dahil don, kinalimutan kong may dalawan
[ Laura ]Eura Claire Ibañez, yun ang ibinigay kong pangalan sa baby girl namin ni Eugene. Nakatulala lang ako dito' sa crib niya, ilang oras ng pinapanuod ang pagtulog niya. Eleven months na siya ngayon, nakakatuwa na kamukha-kamukha niya sila Loki at Thor nung mga baby pa sila, kamukha ng kambal ang tatay nila kaya ang daya na si Eura ay babaeng version rin ni Eugene kahit na ako ang nagbuntis.Nakaayos na ang mga papeles naming dalawa at ang mga gamit na dadalhin namin pauwi ng pilipinas. Gusto kong mag-birthday si Eura na kasama ang mga Kuya niya at Daddy niya.Kinakabahan parin ako kung anong magiging reaksiyon ni Eugene at Ng kambal. Paano kung galit sila? Lalo na ang kambal, umalis ako ng walang paalam, inabanduna ko sila ng ganon-ganon nalang.