Share

Chapter Six

Author: Ms. RED
last update Huling Na-update: 2021-09-16 00:33:32

Pagkatapos mamaalam ni Eugene kay Gail ay sinubukan naming humanap ng kamag-anak ni Gail pero base sa mga nalaman namin ay matagal narin palang walang kontak si Gail sa kahit sinong kamag-anak niya. Wala rin kaming clue kung saan sila mahahanap kaya nagdesisyon nalang si Eugene na siya na ang maghahatid kay Gail sa huling hantungan. Hindi narin kami nagpa-lamay dahil wala rin namang pupunta kaya ako, si Eugene, isang Pari at dalawang tagabuhat at taga-hukay lang ang nandoon.

Naglakad ako papalapit kay Gail at maingat na inilapag ang puting bulaklak. Napangiti ako nang makita ang maaliwalas niyang mukha kasabay ng malamig na hanging yumakap sandali sa katawan ko.

“Paalam Gail hindi kita makakalimutan kahit sandaling panahon lang tayo nagkasama. Wag kang mag-alala, ako ng bahala sakanila.”

Naging mabilis lang ang mga nangyari at ngayon ay nakatanaw na kami sa Baby ward kung nasaan ang dalawang baby boy ni Eugene. Hinagod ko ang likod niya nang magsimula na siyang umiyak habang hawak ang glass at nakatingin sa kambal na panay ang galaw. Tumingala ako at nagpunas ng luha bago ko tawagin yung nurse at sabihang pwede ba naming makita ng personal yung kambal.

“Yes Ma’am pwedeng-pwede po, pasok po kayo at magsuot muna ng hospital gown, hairnet at mag-disinfect rin po muna. Kukunin ko na po sila pahintay nalang po sa kabilang kwarto.” tumango ako at dinampot ang gown ni Eugene na hindi parin naisusuot.

“Ayos ka lang ba? Tulala ka, masama na yan.” biro ko para kahit papaano ay mag-lift up naman yung mood niya.

“Look how tiny they are.” emosyonal niyang sabi habang nakatanaw sa nurse na kinukuha na ang isa sa kambal. Isinuot ko lang ang hairnet ko at tinulungan ko na siyang maglagay ng gown para makapg-disinfect.

“Ang cute nila manang-mana sa Mommy.” mahina akong tumawa habang naglalagay ng alcohol ng mahina niyang banggain ang braso ko.

“Parang pinapalabas mo namang hindi ako cute niyan.”

“Hindi naman talaga haha, tara na sa kabila.” sapilitan ko siyang hinila dahil nakabusangot nanaman ang mukha niya.

Pareho kaming umupo sa sofa at sabik na inantay ang dalawang nurse na nagtutulak ng troller ng kambal. Napansin kong nanginginig ang kamay ni Eugene kaya aga ko iyong hinwakan.

“Calm down Uge baka himatayin ka.” pasiring kong sabi na sinagot niya lang ng irap na nakapag-patawa saakin, pero agad rin akong napatayo nang makapasok na ang dalawang nurse.

“Eto na po ang dalawang pogi niyong Baby.” sabi pa ng nurse. Agad akong lumapit sa isang sanggol at hinawakan ang maliit niyang kamay, ang lambot parang konting diin ko lang ay mapipisa na siya. Tumingala ako kay Eugene na nakatitig lang sa isa samga kambal. Napangiti ako at inalalayan siyang mas lumapit pa sa isa sa mga kambal.

“Hold him Daddy. It’s your baby…” normal ko lang naman sanang sasabihin yon pero naging tunog emosyonal nang gumaralgal ang boses ko. May kung anong saya sa puso ko, unang kita ko palang sa maliliit na to ay nagkaroon na kaagad sila ng puwang sa puso ko.

“Hi mga anak, nandito si D-Daddy…” gumaralgal muli ang boses niya habang hinahaplos ng sabay ang dalawang sanggol. Hindi na maalis ang mata ko sa kanilang tatlo.

Napakagandang pagmasdan. Ganito ba ang pakiramdam na magkaroon ng sariling anak? Ang magkaroon ng sariling pamilya? Kung alam ko lang na ganito, sana sinubukan ko noon, sana hindi ko isinarado ang sarili ko sa ganitong pagkakataon.

“Ano po palang ipapangalangan niyo sakanila kailangan  niyo pong fill-up’an ang mga papel na ito.” sabi ng nurse sabay abot ng dalawang papel kay Eugene.

“Nakaisip ka na ba ng ipapangalan sakanila?” tanong ko, tumango siya at umupo sa sofa.

“Thor at Loki.” napaubo ako bigla at umupo sa tabi niya sabay hampas ng malakas sa likod niya.

“Umayos ka nga. Ano feeling mo Diyos ka?” naiinis na natatawang tanong ko sakaniya. Napayuko ako nang mahina niya kong batukan ng ballpen.

“Thoreus Clark  and Lokieus Clark.” pagbuo niya sa pangalan ng kambal, napatango nalang ako at hangang-hanga na naisip niya yun.

“Hirap I-spell pwede namang Pedro at Penduko.” nakanguso kong sabi nagulat ako ng matawa siya at umiling ng umiling.

“Did you hear that Loki, Thor? Thank me in the future na ako ang nagpangalan sainyo at hindi ang Mommy niyo.”

Mommy…

Natulala ako habang nakatingin sakaniya. Itinagilid niya ang ulo niya at masuyong hinalikan ang noo ko.

“Gail and You is the only woman who can be their Mom. Thank you so much Laura… thank you so much.” mahinang bulong niya saakin. Agad kong naramdaman ang pag-init ng mukha ko ng makita ang kinikilig na mukha nung mga nurse.

“Psh. Drama mo.” pabiro kong itinulak ang mukha niya papalayo at naglakad papalapit sa kambal para itago ang namuong luha sa mga mata ko ganon narin ang hiya.

Agad akong napangiti nang makita muli ng malapitan ang kambal. So, Mommy na talaga ako…ang saya ko. Hindi ko akalaing mararamdaman ko ang ganitong saya sa buong buhay ko. Napalingon ako sa likod ko nang maramdaman ko ang malaking bulto ng katawan ni Eugene.

“This is Thor” mahinang pinindot ni Uge ang pisngi ni Thor na nakatulog na sa kanan ng kakambal niya.

“This is my Loki.” nakangiting hinaplos ni Eugene ang paa ni Loki na sipa ng sipa. Natawa ako, namana ata ng isang tong ang kakulitan ng ama niya.

Iniabot na ni Uge ang papel sa dalawang nurse, binati lang nila kami ng congratulation at umalis narin sila dala ulit yung kambal dahil bukas paraw namin sila pwedeng ilabas. Natahimik ang kwarto nang maiwan kaming dalawa ni Eugene. Tumikhim ako at nilingon siya pero agad rin akong napaatras nang mapagtanto kung gaano kami kalapit sa isat-isa.

“Tara na?” awkward kong yaya sakaniya.

“Hindi mo naman kami iiwan diba?” napataas ang dalawa kong kilay matapos marinig ang tanong niya.

“Ano bang sinasabi mo, syempre naman hindi.” sagot ko, mahinahon siyang ngumiti at nagkamot ng batok.

“Eugene… Ano ka ba? Hindi ako aalis, hindi ko kayo iiwan.” lumapit ako sakaniya at hinawakan ng mahigpit ang kamay niya.

“Sorry ang kapal na ng mukha ko. I… I’m just afraid that you’ll leave us behind, kasi wala ka namang obligasiyon saaming mag-aama at sobrang selfish ko kasi pinapaako ko sayo yung-”

“Eugene stop. Magagalit na talaga ako kapag nagsalita ka pa ng ganiyan. Hindi ba napag-usapan na natin to? Ako ang nagdesisyon nito para sa sarili ko, so don’t blame yourself or say sorry to me, I have a right to choose whatevever I like at eto ang pinili ko. Pinili kong makasama ka sa pagpapalaki kay Thor at Loki. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya na maging  Mommy nila .” nakangiti kong sabi at pilit inabot ang pisngi niya para punasan ang luha niya. Hinawakan niya ang kamay ko na nasa pisngi niya at diretsong tumingin sa mga mata ko.

“Pangako magiging mabuting Daddy ako at… ano- boss at bestfriend mo” natawa ako at tumango bago lumayo sakaniya at tumalikod.

Mapait akong napangiti sa sarili ko nang makaramdam ako ng sakit matapos niyang sabihing boss at bestfriend. Nakakahiya dahil napaka-feeling ko sa part na yun, na para bang nag-aantay ako ng label na higit pa sa sinabi niya. Umiling ako at inalis na yun sa utak ko, kailangan kong malaman ang lugar ko sa buhay nilang tatlo.

“Halika ka na, umuwi na muna tayo para makakuha ng ibang gamit at makapag-palit ng damit.” aya ko sakaniya, tahimik lang siyang tumango habang nakalukot ang dalawang makapal na kilay na ipinagtaka ko.

Bakit parang nag-iba ang timpla non?

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Milanimfa Dela Cruz Castro
nakaaiyak ung part na namatay c Gail hindi nmn pla sasama sa iba para iwan mga baby nya
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Her Boss Twin Babies    Chapter Seventy Five

    [ Laura ]"Paano kung hindi na nila ako mapatawad?" sapo ko ang dbdib ko dahil sa pag-aalala na baka hindi nila ako pansinin.Mula sa pagkakaupo sa kama, tumayo si Eugene para lumapit saakin. Inabot ko kaagad ang bibig ni Eura na karga niya, ang dungis kumain ng biscuit.Umupo siya sa tabi ko kalong muli si Eura na hindi na niya binitawan simula ng magising."Alam mo namang mga Mama's boy yun. Huwag ka ng masydo mag-aalala, Hindi ka matitiis nung dalawa." pumikit ako nang dampian niya ng halik ang noo ko."Salamat Hon, salamat sa muli mong pangtanggap saakin." naluluha nanaman ako.Hindi parin ako makapaniwala na babalik kami sa ganito ni Eugene. Lagi kong naaalala kung gaano kasakit ang bawat tingin na binibigay niya saakin kahapon, para bang makasama niya lang ako sa iisang lugar, maiiyak na siya sa sama ng loob.Pero nang mapanuod niya ang mga video na ginawa ko para sakanila, napatunayan non na kahit malayo ako, sila parin a

  • Her Boss Twin Babies    Chapter Seventy Four

    "She sleep just like you""H-huh? Paano?"Tahimik at emosyonal na pinagmamasdan ni Eugene ang mukha ng bata. Masakit at puno ng pagsisisi ang puso niya kapag naiisip na, hindi manlang niya nasaksihan ang pagsilang nito, maging ang unang buwan nito sa mundo wala siya."Her lips is pouting." mahina siyang natawa bago dinampian ng daliri ang may katabaang pisngi nito.Naikuyom ni Laura ang palad nang mapansin ang emosyonal na tinging ibinibigay ni Eugene kay Eura. Ngayon sumasampal sakaniya ang pagkakamali niya na itago ang pagbubuntis dito.Kung sana, mas tinapangan niya ang loob noon..."Patawad Eugene.""Enough, masyado ng puno ng sorry ang araw natin.""Kung—kung sana sinabi ko sayo... sana nasaksihan mo rin kung paano lumaki si Eura."Namara ang lalamunan ni Laura dahil sa muling pagbabanta ng mga luha."Yeah, kung sana nalaman ko lang simula pa u

  • Her Boss Twin Babies    Chapter Seventy Three

    [ Eugene ]The day after my wife decided to leave us is the day I didn't even imagine that'l come.Nasanay ako na kahit anong sitwasyon at problemang dulot ko, she's always there, comforting and keep telling me na palagi lang siyang nasa tabi ko. Kaya kahit puro pasakit ang mga nangyari saamin, kinakaya ko dahil alam kong hindi ako nag iisa.I have her with me.Pero lahat may limitasyon. And I know, that night... she's at her limit. I'm in pain too, but her's is more worst. Losing something precious, blaming herself and feeling guilty, lahat isang bagsakan niyang naranasan at naramdaman. And I wasn't there,No... I

  • Her Boss Twin Babies    Chapter Seventy Two

    "Sarili mo lang dapat ang hahanapin mo, pero mukhang nakahanap ka rin ng kapalit ko."Hindi ko alam kung paano ako mabilis na nakalapit sakaniya para sampalin siya. Habol ko ang hininga ko, hindi dahil sa pagod, kundi dahil sa matinding galit na rumaragasa sa buong sistema ko."Pinapalabas mo bang nanlalaki ako? Nanlalaki lang ako nung umalis ako?! Ganiyan ba talaga ang tingin mo saakin? Ganiyan ba ang iniisip mong ginawa ko habang malayo sainyo?""Anong gusto mong isipin ko Laura? Wala akong alam! Hindi ko alam kung anong nangyari sayo sa loob ng dalawang taon! Wala akong alam, dalawang taon ka nawala, ngayon umaasa kang tatanggapin kita ng may ngiti? Inaasahan mong basta ko nalang maiintindihan lahat kahit walang paliwanag mula sayo?—"

  • Her Boss Twin Babies    Chapter Seventy One

    "Madam.. "Ilang beses na nila akong tinawag, kinukumbinsing tumayo mula sa pagkakaluhod. Pero kahit gustuhin kong tumayo, hindi ko magawa dahil sa sobrang panghihina."Madam, pabagsak na po ang ulan, tara na po sa loob." bakas ang pagaalalang wika ni Daisy.Uulan?Napatingala ako sa langit. Kanina lang ay tirik na tirik ang araw, parang nakikiayon ang ata langit sa nararamdaman ko. Mas lalong dumilim gawa ng makakapal na ulap, nararamdaman ko na rin ang lakas ng malamig na hangin.Dahil sa malungkot na panahon, nakaramdam ako ng matinding emosyon. Nanunuot ang sakit sa puso ko nang maisip ang naging epekto nang matagal kong pag-iwan sakanila.Dalawang taon.Para saakin ay mabilis lang na lumipas ang dalawang taon, siguro dahil ako ang umalis at lumayo. Sa dalawang taon na yun naka-tuon lang ang buong pakialam at atensiyon ko kay Eura.Dahil don, kinalimutan kong may dalawan

  • Her Boss Twin Babies    Chapter Seventy

    [ Laura ]Eura Claire Ibañez, yun ang ibinigay kong pangalan sa baby girl namin ni Eugene. Nakatulala lang ako dito' sa crib niya, ilang oras ng pinapanuod ang pagtulog niya. Eleven months na siya ngayon, nakakatuwa na kamukha-kamukha niya sila Loki at Thor nung mga baby pa sila, kamukha ng kambal ang tatay nila kaya ang daya na si Eura ay babaeng version rin ni Eugene kahit na ako ang nagbuntis.Nakaayos na ang mga papeles naming dalawa at ang mga gamit na dadalhin namin pauwi ng pilipinas. Gusto kong mag-birthday si Eura na kasama ang mga Kuya niya at Daddy niya.Kinakabahan parin ako kung anong magiging reaksiyon ni Eugene at Ng kambal. Paano kung galit sila? Lalo na ang kambal, umalis ako ng walang paalam, inabanduna ko sila ng ganon-ganon nalang. 

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status