Share

Chapter 3

last update Last Updated: 2025-01-15 16:52:47

Humigpit ang kapit ni Lyxus sa kopitang hawak at para bang sinasaksak ang puso niya sa mga oras na yon.

Yung araw na sinubukan ni Lea magpakamatay, tumawag din sa kanya si Eva ng ilang beses dahil masakit ang puson nito marahil dahil sa nireregla ang dalaga. Sinagot niya ang tawag sa una, pero nagalit siya at pinatay ang tawag.

Hindi naman siguro makikipaghiwalay ang dalaga dahil dito, hindi ba?

Nagbaba si Lyxus ng tingin at nakinig kay Leon at Felix's sa pang-aabuso ng verbal sa asawa ng babaeng nasa kwento ni Leon. Hindi rin niya naramdaman ang sigarilyong hawak na nasusunog na sa mga daliri niya.

Hindi makapakali ang binata buong gabi.

Kung dati, pag hindi siya umuwi ng gantong oras, tumawag na sa kanya si Eva dahil sa pag-aalala. Subalit, ngayon ay lagpas ala una na ng umaga pero hindi parin siya nakakatanggap ng kahit isang mensahe.

Nagkaroon agad ang binata ng masamang kutob.

Agad na itinapon niya ang sigarilyo, kinuha ang telepono at umalis. Nang makalabas siya sa bar, nakakita siya ng maliit na batang babae naglalakad papunta sa kanya at may dalang basket ng mga bulaklak.

Ngumiti ang batang babae. "Sir, baka gusto niyo po bumili para po sa nobya niyo?” tanong nito sa kanya.

Napatingin si Lyxus sa makulay na rosas na nasa basket, at agad na naalala ang sinabi ni Leon "Suyuin mo lang" sa isip niya.

"Ibalot mo lahat,” utos niya sa bata.

Masayang masaya ang bata at agad nitong binalot ng maganda ang mga bulaklak tsaka iniabot kay Lyxus, nakangiti at sinabi ang maraming pasasalamat.

Ang madilim na itsura ni Lyxus ay sa wakas nabawasan bahagya.

Naglabas siya ng ilang libo sa wallet niya at iniabot ito sa bata. Ngunit ng makauwi siya dala ang mga bulaklak, ang unang bumati sa kanya ay hindi ang maliit na katawan ng inaasahan niya, pero ang ginang na tagapamahala sa bahay.

"Sir, nakabalik ka na po pala. Gumawa po ako ng lugaw. Gusto niyo po ba?"

Kumunot ang noo ni Lyxus at tumitig sa itaas na palapag.

"Natutulog ba siya?"

"Umalis po si Miss Eva, at nakiusap po sakin na ibigay ko po ito sa inyo." Bahagyang nabigla ang ginang sa tanong pero kaagad din ito sumagot

Kinuha ni Lyxus ang papel sa ginang at nang buksan niya ito, nakita niya ang listahan ng damit na inayos ni Eva para sa kanya.

Sa sobrang galit niya, ang mga ugat niya sa noo ay namimintig. Nilukot niya ang listahan at itinapon iyon sa basurahan.

Nilabas niya ang telepono niya at tinawagan si Eva. Matagal na tumunog ang telepono ng dalaga bago ito sinagot.

Medyo paos ang boses ni Eva mula sa kabilang linya.

"Bakit ka napatawag?"

"Sigurado ka na gusto mo ng laro na to?" nagngingitngit ang ngipin na tanong nito at lalong humigpit ang pagkakahawak sa telepono

"Sigurado ako,” kalmadong sagot ni Eva.

"Wag mong pagsisisihan to, Eva.” Matapos sabihin iyon, pinatay niya ang tawag.

Pumunta siya sa ikalawang palapag na may malamig na mukha.

"Sir, yung bulaklak..." Ang boses ng katulong na nanggaling sa likod ay sumunod sa kanya

"Itapon mo!"

Umalis ang binata nang hindi man lang lumilingon at nagsasalita. Nang makapasok siya sa pinto kwarto, nakita niya ang puting Samoyed na may dilaw na kwintas na ibig sabihin ay kapayapaan at pagpapala sa leeg nito. 

Nakita na niya iyon dati sa grupo ng kaibigan ni Eva, at sinabi ng dalaga na makukuha lamang iyon sa pagdarasal para sa mahal sa buhay sa bundok.

Kung gayon ay ang asong ito ang paborito niya.

Nagngangalit sa galit si Lyxus. Hinatak niya ang kwintas sa leeg ni Hadeon at nilagay ito sa bulsa niya.

Tumahol sa kanya si Hadeon at galit naman siyang tumingin siya dito.

"Bakit ka tumatahol? Hindi ka na gusto ng mama mo!" Kamuntikan niya ng sabihin iyon pero mas pinili niya nalang isara ang pinto ng malakas.

**

Kinabukasan, ininat ni Lyxus ang kamay at niyakap ang taong katabi niya. Nang maramdaman niya na walang laman ang mga bisig niya, iminulat niya agad ang mata niya.

Tsaka niya lang napagtanto na wala si Eva sa tabi niya. Nakaramdam siya ng matinding bigat sa puso niya. Kung dati, siya at si Eva ay may simpleng agahan kaagad tuwing umaga at madalas tinitignan niya ang dalaga na masaya sa mga bisig niya.

Ngayon ay meron siya hindi maipaliwanag na nararamdaman sa puso niya. Ang pakiramdam na iyon ay parang lason, unti unting pumapasok sa mga buto niya. Sobrang tindi na hindi niya mapigilan ang sarili na hanapin si Eva. 

Nagalit si Lyxus nang maisip niya na umalis ang dalaga ng walang sinasabing salita.

Sa isip-isip ni Lyxus, 'Gusto nitong hanapin siya? Hindi na!'

Nang makarating siya sa ibabang palapag, nakita niya si Cloud na nakatayo sa sala, may hawak itong telepono at nakikipagchat sa kung sino.

Naglakad ang binata at tumingin.

"Masyadong busy?"

"Boss Lyxus, malala ba ang sakit ni Secretary Eva? Gusto mo bang bumisita sa ospital?” kaagad na tanong nito na may pag-aalala matapos itigil ang ginagawa

"Sinabi niya sayo yon?" Nagtataka na tanong ni Lyxus

"Opo, nakiusap siya sakin para sa isang linggong leave. Naisip ko po, bakit di niya nalang sabihin sayo ng deretso? Bakit kailangan niya pa dumaan sa company process sakin?"

"Inaprubahan mo?" Bahagyang nagdilim ang mata ni Lyxus

"Kakaapruba ko palang, hayaan muna natin magpahinga sa bahay si Secretary Eva boss. Aayusin ko nalang po ang gawain niya."

Naniniwala si Cloud na siguradong pupuriin siya ng boss niya sa pagiging mahusay.

Pero hindi niya inaasahan na marinig ang malamig na boses nito.

"Bawas na ang quarterly bonus mo."

**

Masyadong maraming dugo ang nawala kay Eva habang nasa operasyon at kinakailangan niyang magpahinga ng isang linggo bago bumalik sa trabaho. 

Nang makarating siya sa opisina, narinig niya mula sa mga katrabaho niya na nagkaroon sila ng napakahirap na linggo.

Nagtatrabaho siya ng overtime at late na umuuwi araw-araw.

At dahil inaprubahan ni assistant Cloud ang isang linggong bakasyon sa dalaga, binawasan ni Lyxus ng ilang libo ang quarterly bonus nito.

Alam ni Eva na ang pera ay para sa kapital ng asawa ni Cloud, at nawala yon dahil sa kanya. Nakipag-usap siya sa mga katrabaho tungkol sa gawain atsaka kumatok sa pinto ng president's office.

Nang makapasok siya sa opisina, nakita niya si Lyxus na nakaupo sa desk at nakasuot ng itim na suit.

Ang lalaki ay may malamig, pagod na pag-iitsura at ang mga mata nito ay nagpapakita ng walang interes.

Ang mata nito ay napatingin kay Eva ng ilang segundo tsaka nagpatuloy sa trabaho habang nakayuko.

Nang magkita ulit sila, isang kasinungalingan kung sasabihin ni Eva na hindi masakit ang puso niya.

Pitong taon ang nakalipas, ito ang malamig at gwapong lalaki na nakaakit sa kanya  na naging dahilan ng paglapit parin ng dalaga dito kahit pa ganon ito. Ang buong katawan ay may malamig at mala-nobleng pag-uugali ngunit hindi niya inaasahan ang kanyang pagpapahalaga ng ilang taon ay itinuring lamang ni Lyxus na laro na tanging nakatuon sa katawan niya at hindi sa puso niya.

Sinubukan ni Eva sa abot nang makakaya na itago ang nararamdam sa mga mata niya at naglakad papalapit kay Lyxus ng may propesyonal na tono.

"Sir, ang Human Resources Department's leave regulations ay naglalaman na ang magrerequest ng leave ay dapat wala pang sampung araw at pwedeng aprubahan ng direct supervisor. May mali po ba sa pag-apruba niya sa leave request ko? Bakit niyo po binawasan bonus niya?”

Bahagyang itinaas ni Lyxus ang tingin at ang maganda nitong mga mata ay tinitigan ang dalaga nang walang kurap kurap

Para bang nababasa nito ang iniisip niya.

"Pano mo naman nasabi yan?"

Tumaas ng bahagya ang boses nito, at may bahid ng inis sa boses nito.

"Dahil ba nagpropose ako ng hiwalayan natin kaya ka nagagalit? Kung may angal ka sakin, ideretso mo sakin, wag mong idamay ang iba." Sumikip ang dibdib ni Eva

"Kung ayaw mong idamay ko ang iba dito sa problema natin, sige payag ako. Basta umuwi ka sa bahay and I'll let bygones be bygones." Mahinang natawa si Lyxus bilang hindi pagsang-ayon

May hindi maipaliwanag na pait sa mukha nito, iniabot ni Eva kay Lyxus ang resignation report na hinanda niya matagal na.

"Sir, hindi lamang hindi nako babalik dito. Mag-aapply na rin ako para sa agarang resignation. Eto ang resignation report ko. Sana ay makahanap ka ng taong papalit sakin as soon as possible."

Tinignan ni Lyxus ang resignation report na inabot ni Eva, ang mga daliri nito na may hawak na panulat ay nanlamig at namutla.

Ang mga malalim na mata nito ay tinitigan si Eva ng hindi tumitingin sa iba.

"Pano kung di ko aprubahan?"

"Sir, diba ikaw ang nagsabi dati na maghihiwalay tayo pag napagod na tayo maglaro. Kung hindi mo ko papakawalan baka aakalain kong hindi mo kaya makipaglaro." Napangisi si Eva

Nang marinig ito, agad na tumayo si Lyxus sa upuan at naglakad palapit kay Eva. Hinawakan nito ang baba ng dalaga at hinaplos ng mga daliri nito ang maputi at malambot na mukha nito.

Ang boses nito ay may malupit a tono.

"Eva, hindi sa hindi ko kayang makipaglaro, sadyang hindi pa ako tapos maglaro!”

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Sungit❤️Mo
Maganda sana ang story..kaso hindi ko maintindihan ng tima ng salita Miss A
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Her Contract with Her Boss   Chapter 70

    Kumunot ang noo ni Eva sa nadinig."Kung sino man ang nobya niya, wala na akong kinalaman dun. Matagal na kaming hiwalay.""Ipapadala ko sayo yung video para makita mo pero ipapaalala ko lang ah, hindi ka pwede magpauto ulit sa kanya."Nang matanggap ni Eva ang video, kaagad niya yon pinanood.Si Lyxus na nakasuot ng itim na suit ay nakaupo sa upuan nito mismo sa opisina habang iniinterview at ang unang bahagi ng interview ay tungkol sa economic development. Nang malapit nang matapos ang interview ay tsaka na nag-iba ng topic ang host."Marami pong tao ang nag-aalala sa ulo niyo po Mr. Villanueva, maaari po ba kayo magkwento kung anong nangyari dyan?""Ginalit ko ang nobya ko, kaya ayon, nahampas niya ako ng malakas." Kalmadong nakatingin si Lyxus sa camera"Mr. Villanueva, maaari po bang bigyan niyo po kami ng clue kung sino ang tinutukoy niyo?" Masayang tanong kaagad ng hostMay liwanag sa mga mata ng binata at napangiti ito ng mahina."Hindi ko pa siya nababawi ulit, kaya hindi ko

  • Her Contract with Her Boss   Chapter 69

    Napatigil ang daliri ni Eva sa pagpindot ng end button at nakaramdam siya ng sakit sa mga oras na yon.Sa isip-isip ni Eva, 'Kung sana sinabi mo yan bago tayo naghiwalay, baka umiyak ako sa tuwa.'Bumalik sa isipan ni Eva ang mga araw na mahal na mahal pa niya ang binata at tanging ito lang ang gusto niyang makasama, wala nang iba. Siya pa mismo ang nagkusa na magpropose dito para lang makalimutan ni Lyxus ang takot niya sa kasal, na kahit ang singsing na pinasadya ni Eva ay siya mismo ang magdesenyo.Subalit hindi niya inaasahan na lahat ng pagsisikap niya ay susuklian lang ni Lyxus ng salitang, 'Isang laro lamang ito sa pagitan natin na tanging katawan lang ang kasali at hindi ang puso.'Hinding-hindi niya rin makakalimutan ang audio recording na ipinarinig sa korte at ang pagkakasabi ni Lyxus na isa lamang siyang canary na laruan nito. Pakiramdam niya, ang kahalagahan niya bilang babae at ang pagmamahal niya ay walang awang tinapak-tapakan lang ng binata."Mr. Villanueva, kailangan

  • Her Contract with Her Boss   Chapter 68

    Alas nuebe ng umaga sa opisina ng kompanya ng mga Villanueva.Nakahanda na lahat ng ilaw at mga camera pati ang mga host na magtatanong."Mr. Villanueva, gusto mo ba magsuot ng sumbrero at magpalagay ng makeup? Mas magiging maganda iyon sa harap ng camera." Tanong ng hostNang marinig ito, malamig na tinignan ni Lyxus ang nagtanong."Sa tingin mo, pangit ako?""Hindi naman po, ikaw na nga ang pinakagwapo sa lungsod natin pero yung gauze po na nasa ulo niyo, medyo agaw eksena po. Ang alam ko po kase, ang tema natin ay tungkol sa ekonomiya matapos ang pandemya at sa itsura niyo po, mukhang kakaligtas niyo palang po mula sa isang sakuna." Pinagpawisan ang host ng malamig"Pinilit akong magtrabaho para sa financial recovery ng kompanya namin, na naging dahilan para mawalan ako ng oras sa nobya ko, kaya eto nahampas niya ako. May problema ba don?"Ang lahat ng tauhan na nandoon ay nagulat na para bang nakadinig ng isang pasabog na balita.Sa isip-isip ng mga tao doon, 'May nobya ang CEO n

  • Her Contract with Her Boss   Chapter 67

    Kaagad na nakuha ni Eva kung ano ang ibig sabihin ni Lyxus na libangin siya."Ano bang binabalak mo, Lyxus? Bitawan mo nga ako!" Hinampas niya ng malakas ang binata sa dibdibAng mabilis na paghinga ni Lyxus ay mas lalo pang bumilis habang nakayakap siyang muli kay Eva at naaamoy niya ang pabango ng dalaga. Pakiramdam niya ay mababaliw na siya. Binalewala niya ang karayom na nakakabit sa likod ng kamay niya na natatamaan ni Eva at yumuko para angkinin ang labi ng dalaga.Nang magdidikit na ang labi ng dalawa, nakaramdam ng matinding hiya si Eva nang maisip niya ang malinaw na pagkakasabi ng binata sa kanya na ayaw na nito sa kanya at hindi nito kailanman minahal siya.Sa isip-isip ni Eva, "Bakit ba kapit na kapit ka padin sakin?"Gusto ni Eva na umiwas at sa sobrang desperasyon na makawala, kinuha niya ang baso na nasa tabi ng hospital bed at ipinukpok iyon sa ulo ng binata.Si Eva na kasing lambot ng kuting ay napalakas ang hampas sa ulo ni Lyxus ni Lyxus, dahilan para may lumabas na

  • Her Contract with Her Boss   Chapter 66

    Sabay na napatingin si Eva at ang ama niya kay Lyxus na uminom ng tsaa habang may maliit na ngiti sa labi.Sa isip-isip ni Eva, 'Talagang nagawa mo pang uminom ng tsaa ah'May makikitang sinseridad sa mata ni Lyxus, subalit, binura ni Eva ang litrato at tumingin sa ama habang nakangiti."Dad, sa tingin ko itong judge may itsura. Kung magiging kami, lagi kaming may mapag-uusapan na kasama rin sa field namin. Ikaw na po mag-arrange ng blind date.""Sige, tatawagan kita pagtapos ng hapunan at nakauwi ka na. Kilala mo tong lalake na to nung bata pa siya at ikaw lang ang nagustuhan niya." Masayang ngumiti ang ama ni Eva, tsaka magalang na tumingin kay Lyxus"Lyxus iho, naiintindihan ko ang gusto mong iparating pero ilang beses ka na rin pumalya at ayoko na makita ulit ang anak ko na nasasaktan. Mas maigi pa na kung magiging masaya nalang kayo para sa isa't isa.""Tito Ivan, a..."Gusto pa sana magsalita ni Lyxus pero napahinto siya nang magsalita ang ama ni Eva."Bilisan na natin maghapuna

  • Her Contract with Her Boss   Chapter 65

    Umiling kaagad si Cloud."Hindi po, nasa public ospital po kayo."Nagngalit ang ngipin ni Lyxus sa inis.Sa isip-isip ni Lyxus, 'Hindi ba siya natatakot na baka mapatay ako ng pekeng doktor dito?'Hindi akalain ng binata na ganito pala kasama ang dalaga sa kanya at hindi man lang siya nito pinagbigyan na makipag-ayos.Nang makita ni Cloud na namumula ang mata ng boss niya sa galit, hindi siya nakaramdam ng awa dito at sikretong nakaramdam ng saya dahil kahit ilang beses niya paalalahanan ang boss niya, hindi nito sineseryoso ang sinasabi niya.Sa isip-isip ni Cloud, 'Aabangan ko ang araw na hahabulin mo ang asawa mo hanggang sa kamatayan.'"Boss Lyxus, baka naman masyado lang busy si Miss Eva. Pumunta siya sa De Ayala Group kasama si Sir Jaze para pumirma ng kontrata ngayon. Parehas silang nakaayos ngayon at lumabas din sila sa tv. Maraming tao ang nagsasabi na bagay sila. Hahanap lang ako ng video para mapanood mo." Kunwaring dinadamayan ni Cloud ang boss niya na para bang hindi niya

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status