Nang makita ng ina ni Lyxus na siya ang tinuro ng binata, parang tumigil ang pagtibok ng puso niya sa takot subalit nanatili parin ang gulat sa mukha nito."Lyxus, apo ko rin ang tinutukoy mo kaya pano ko naman magagawa yon? Baka naman sinabi lang sayo yon ni Eva para sakin mapunta ang sisi kase diba galit siya sakin. Wag ka maniwala sa kanya." Mahinang natawa ang ina ni LyxusNanatili ang malamig na tingin sa mga mata ng binata at hindi mapigilan na maitikom ng mahigpit ang mga labi.Hindi niya alam kung nasaan na ang ina, na dati naman ay mahal na mahal siya at ang kapatid niya nung mga maliliit pa sila dahil para bang ibang tao ang kaharap niya simula nung insidente na iyon."Enrique Ramirez."Nang marinig ng ina ni Lyxus ang pangalan na iyon, nanlamig siya ng walang dahilan at kumalma din kaagad."Sa kanya ako lagi kumukuha ng gamot. Anong problema? May problema ba?" Sagot ng ina ni Lyxus"Pamilyar ka ba sa matanda na si Ginoong Dizon?" Tanong ng binata"Oo, nagkaroon ako ng matin
Nagmamadaling nagmaneho si Lyxus pauwi at hindi mapalagay ang puso niya.Sa isip-isip ni Lyxus, 'Sigurado ako may koneksyon iyon sa pagkawala ng anak ko.'Pakiramdam niya ay lalabas ang puso niya sa sobrang lakas ng kabog nito at derederetso niya minaneho ang kotse papunta sa tapat ng tahanan nila.Nang makita naman ang binata, kaagad ito binati ng isa sa mga katulong."Sir, nung inayos ko po yung cabinet niyo ngayon-ngayon lang, aksidente ko po nakita yung gamot na iniinom po ni Miss Eva dati pero may halo po iyon na pwede pong magdulot ng pagkalaglag kung mainom po ng buntis."Nang marinig ang sinabi nito, kaagad na napalitan ng lamig ang tingin ni Lyxus.Madalas magsabi sa kanya dati si Eva tungkol sa pananakit ng tiyan nito kaya humanap siya ng doktor para makatulong sa dalaga.Mahigit tatlong buwan din ininom ng dalaga ang gamot na nirekomenda ng doktor na iyon.Tinitigan niya ang bote ng gamot na nasa kamay ng katulong."Paano ka nakakasigurado?""Yung lolo ko po, medicine pract
Pumalpak ang plano ni Lea na iframe up si Eva at panigurado ay ipapadala na siya sa maliit na bahay sa sementeryo nila upang magbantay.Bad mood si Lea at lumabas muna para uminom kasama ang mga kaibigan. Nang marami na siyang nainom, tumawag ang dalaga ng isang taxi upang makauwi.Nang makasakay siya sa loob ng taxi ay kaagad niyang ibinigay ang address niya at sumandal sa upuan tsaka umidlip.Hindi alam ni Lea kung gaano katagal bumiyahe ang sasakyan bago ito tuluyang tumigil at akala niya ay nakauwi na siya, kaya binuksan niya kaagad ang mga mata niya.Subalit ang tanging nakita ng dalaga ay isang lugar na walang katao-tao at kaagad niyang naunawaan na naloko siya.Babalik na sana si Lea sa loob ng taxi, nang biglang isang itim na tela ang tumaklob sa ulo niya at kasunod nito ay sunod-sunod na suntok at sipa.Pakiramdam ni Lea ay isa-isang nasisira ang laman loob niya at sa sobrang sakit ay gusto niyang sumigaw, subalit may nakabusal na kung ano sa bibig ng dalaga at sa sobrang bago
Sa sandaling nakita ni Lyxus si Eva, pakiramdam niya ay may humampas na kung ano sa puso niya.Hindi siya makahinga.Ang ilaw mula sa poste ng ilaw na nasa itaas lang ng binata ay unti-unting nagpapalinaw sa sakit na nararamdaman ni Lyxus.Hindi siya nakaramdam ng sakit nang ang sindi ng sigarilyong hawak niya ay umabot na sa daliri niya at tanging nakatitig lang kay Eva.Natatakot siya, na baka ang dalagang nasa harap niya ay biglang mawawala na parang bula. Gusto niyang tanungin ang dalaga kung nanaginip nanaman ba ito ng hindi maganda at gusto niyang yakapin ito para pagaanin ang nararamdaman nito.Habang mas ninanais ni Lyxus na gawin ang mga ito, mas lalo siyang nasasaktan at hindi niya namalayan na naikuyom niya na ang mga palad kahit hawak pa niya ang sigarilyo na nakasindi.Ang hapdi ng paso na nagmumula sa sigarilyo na nakasindi ay unti-unting nagpalinaw sa isip ni Lyxus.Kaagad niya nilabas ang telepono niya at magpapadala sana ng mensahe kay Eva upang magtanong kung anong n
Ang post ni Eva sa twitter ay napakahaba, subalit binasa rin ni Lyxus iyon ng maigi lahat.Inilahad ni Eva lahat ng ginawang kairesponsablehan ng ina niya sa pamilya nila at kung gaano ito sobrang nakaapekto di lang sa kanya, pati rin sa ama niya.Matapos itong mailathala sa twitter, lahat ng tao na tumawag sa kanyang walang kwentang anak ay tumigil at binaling lahat ng atensyon sa ina niya.Maraming tao ang nag-ungkat din kung gaano kagulo ang pribadong buhay ni Jam at nang ang mga bagay na ito ay naungkat, hindi lamang ng mga ito pinagtanggol si Eva at ama niya, subalit para din itong asin na pinapahid sa sugat ng nakaraan ng dalaga.Hindi alam ni Lyxus kung anong ginagawa ni Eva sa ngayon, pati kung anong nangyayari sa dalaga habang nagbabasa ng mga komento ng mga tao.Sa isip-isip ni Lyxus, 'Kakayanin mo ba ang sakit na madudulot sayo matapos mo sabihin sa lahat ang nakaraan mo?'Nagdadalawang isip ang ang binata, at matapos ang ilang minuto ay napagdesisyonan niyang tawagan ang p
Ang lahat ay napatingin sa pinanggalingan ng boses at nakita si Leon na nakatayo sa gitna ng pinto.May hindi maitagong pagkadismaya at sakit sa mga mata nito. Naglakad ito palapit kay Lea at tinuro si Jam na nasa likuran niya."Sino itong babae na to at bakit siya nasa basement ng lumang bahay?"Mukha lang mabait at kalmado si Leon, subalit alam ni Lea na panlabas lamang iyon dahil kasing sama ito ni Lyxus pag nagalit at sa batang edad ni Leon ay isa na ito sa nga kumakatawan sa pamilya Evangelista."Kuya, si Kuya Lyxus, ayaw na niya sakin. Wala siyang pake kahit nasa bingit ako ng kamatayan para lang kay Eva. Sa sobrang galit ko, hinanap ko si Jam para maghiganti kay Eva." Umiyak si Lea at umiling-iling"Kuya Lyxus, sabi mo papakasalan mo ko nung nasa tiyan palang ako ng ina ko, bakit ayaw mo na sakin ngayon? Bakit hindi mo makita yung kabutihan ko kahit anong gawin ko? Nagawa ko lang naman lahat ng ito kase mahal na mahal kita." Tuloy ito sa pag-iyak habang nakatingin kay LyxusMat