Ang halik ni Lyxus ay naging malakas at mapagmalabis, hindi nito binigyan si Eva ng tyansa para makatakas. Idiniin niya ang dalaga sa lamesa, hawak ang baba nito sa isang kamay at mahigpit ang kapit sa bewang nito gamit ang isa.
Ang malambot at matamis na haplos nito ay nagpabuhay ng bawat ugat sa katawan ng binata. Ang halimaw na nakakulong sa loob ng katawan ni Lyxus ay patuloy sa kagustuhang makawala mula sa kulungan at sinusubukan makalabas.
Nung mga panahon na nagsasama pa sila ni Eva, maayos ang lahat. Kahit ano pa man ang hilingin niya, ibinibigay iyon ng dalaga kahit pa minsan sa sobrang pagod na nararamdaman nito ay hinihimatay ito pero walang kahit anong angal na maririnig mula sa dalaga.
Pero ngayon ang babaeng nasa mga bisig niya ay masyadong matigas ang ulo at desperadong makawala. Ang mga mainit-init na mga luha nito ay nagsimula nang umanod sa gilid ng mga mata nito.
Tumigil si Lyxus. Ang mga daliri nito ay maingat na pinunasan ang luha sa mga mata ni Eva.
"Eva, ang laro sa pagitan nating dalawa ay hindi matatapos hangga't hindi ko sinasabi, Naintindihan mo ba?" May hindi pagkagusto sa tono nito at medyo paos
Tinignan siya ni Eva na may luha sa mga mata at bahagyang bumukas ang may bahid ng dugo na labi nito.
"Lyxus, hindi ako mananatili para hayaan kang ipahiya ako!"
Nagbaba ng tingin si Lyxus at dinilaan ang dugo sa gilid ng labi ni Eva. Ngumiti ito subalit walang saya sa mga mata nito.
"Kung hindi ka takot na mawala ang pamilya Tuason, pwede mo naman subukan umayaw."
Matapos sabihin iyon, tumayo si Lyxus habang ang mata nito ay patingin tingin sa magulong palda ni Eva, at sa pares ng hita nito.
Nakaramdam si Eva ng kahihiyan. Agad na isinuot niya ang damit at naglakad palabas. Subalit pagbukas niya palang ng pinto, nakita niya si Lea na nakatayo sa harap niya at nakasuot ng puting bestida.
May inosente itong ngiti.
"Kuya Lyxus, nagdala ako ng almusal para sayo."
Ito ang unang beses na nakita ni Eva si Lea nang malapitan.
Mukhang malaki nga ang pagkakapareha ng itsura nila, lalo na sa bandang mata at ilong.
Tumama ang hinala ni Eva.
Kung dati, akala ni Lyxus sa kanya ay may hindi magandang intensyon, subalit pinili parin nito na manatili ang dalaga sa tabi niya. Ngayon ay lumalabas na isa lamang siyang substitute ni Lea.
Makalipas ang tatlong taon ng pagsuporta sa isa't-isa, magtatapos lamang ito bilang substitute.
Sobrang nasaktan si Eva. Sinubukan niya hanggang sa abot ng makakaya niya na pakalmahin ang sarili, tumango kay Lea, at kalmadong umalis.
Sa oras na sumara ang pinto sa opisina, bahagyang lumamig ang tingin ni Lyxus kay Lea.
"Bakit ka nandito?"
Agad na namula ang mata ni Lea. Nakayuko ang ulo nito na para bang maliit na bata na inapi at nagsimulang humikbi.
"Pasensya na, Kuya Lyxus, narinig ko kasi na hindi ka pa nag-aagahan neto lang at may problema ka sa tiyan, kaya pumunta ako para dalhan ka ng almusal."
Napakunot noo si Lyxus at nanatiling walang init sa boses nito.
"Iwan mo nalang dyan."
Agad na ngumiti si Lea at tumakbo palapit sa binata. Nilapag nito ang nasa kamay na isang kulay rosas na baunan sa lamesa ng binata.
"Kuya Lyxus, naalala ko na paborito mong pagkain ay tuna at ham sandwich. Tikman mo to at tignan mo kung masarap." Sabi ni Lea sa malambot at matamis na tono
Nakatingin lang si Lyxus sa sandwich na nasa baunan pero wala parin siyang kahit na anong gana.
"Malapit na magsimula ang meetjng, kakainin ko nalang pagbalik." Iginilid nito ang baunan
"Sige, go and get busy. Hihintayin kita dito at hindi kita iistorbohin." May pagkabigo sa boses ni Lea pero tumango parin ito
"Meron reception room sa tabi nito. Doon ka maghintay."
Matapos sabihin iyun, pinindot niya ang intercom para tawagin si Cloud.
"Dalhin mo si Miss Evangelista sa reception room at humanap ka ng taong sasamahan siya."
Agad na kumilos si Cloud at nagpakita sa pinto ng wala pang isang minuto, sumenyas ito nang parang iniimbita si Lea.
"Miss Evangelista, meron pong mga refreshments sa reception room sa kabilang pinto. Hayaan niyo po si Honey na samahan ka."
"Narinig ko na si Secretary Tuason ay napakabait na sekretarya. Gusto ko siya na samahan ako." Taimtim na tinignan ni Lea si Cloud
"Pasensya na po, Si Secretary Tuason po ay ang CEO's chief secretary at kailangan sa meeting kasama ni boss."
Hindi tanga si Cloud. May pagtatalo ang amo niya at ang sekretarya nito nitong nagdaang mga araw. Kung ang babaeng kaharap niya ay dadating at makikigulo lang, baka hindi na magkabati ang dalawa.
"Ah ganun ba? Narinig ko kasi na masarap siya gumawa ng kape. Pwede mo ba siyang utusan na gawan ako ng isang baso." Mahinang napangiti si Lea
May bahid ng lamig ang tingin ni Lyxus at bahagyang nagdilim.
Sa isip-isip ni Lyxus, 'Eva is my person, wala kahit isang tao ang pwedeng gamitin si Eva kahit ano pang nais nito. Pero, dahil mas pipiliin ni Eva na mamatay kesa manatili. Siguro nga hindi ko siya pwede sanayin na masunod ang kagustuhan niya.'
"Sundin mo ang utos niya." Malamig na utos ng binata
Napatitig si Cloud kay Lyxus napatulala ito ng mahigit sampung segundo, tsaka bumuntong hininga.
Sa isip-isip ni Cloud, 'Hahayaan mo talaga na pagsilbihan ng iniibig mo ngayon ang ex mo? Alam mo kaya na pwede kang mawalan ng asawa sa ginagawa mo?'
Nag-aatubiling hinila ni Cloud si Lea papunta sa reception room. Si Eva naman ay nakaupo sa kanyang workstation, inaayos ang dokumento para sa meeting nang biglang dumating si Cloud at kumatok sa lamesa nito.
"Secretary Tuason, pinapasabi ni Mr. Villanueva na dalhan mo daw ng kape si Miss Lea sa Reception Room 02."
"Okay, papunta nako." Nag-angat ng tingin si Eva at kalmado ang sagot nito
Pinaghiwalay niya ng maayos ang mga impormasyon at pumunta na sa coffee room.
Inilabas ni Eva ang coffee beans sa cupboard at dinurog iyon sa coffee machine at nang ibe-brew na sana nito ang kape, may babaeng payat na biglang tumabi sa kanya.
"Miss Evangelista, handa na po ang kape sa loob ng limang minuto." Kalmado parin si Eva
May bahid ng lamig ang dalisay at nakakabighani na mukha ni Lea.
"Miss Tuason, di ka ba nakakaramdam ng kakaiba nang makita mo ako?"
Hindi tinigil ni Eva ang ginagawa nito, nanatili parin na nakababa ang tingin at seryoso sa ginagawa.
"Hindi na mabilang ang mga babae na nagpumilit makasampa sa kama ni Mr. Villanueva araw-araw. Kaya bakit naman ako magugulat?" Walang buhay na sagot ni Eva
"Hindi mo ba naiintindihan? Ang rason kung bakit nasayo si Kuya Lyxus ay dahil kamukhang kamukha mo ko. Kahit kailan hindi ka niya gusto, ang tanging trato niya sayo ay bilang substitute sakin. Ngayon na nandito nako, oras na para sayo, the stand-in, para umalis."
Nagsalin si Eva ng kumukulong mainit na tubig sa tasa ng kape, at ang amoy ng kape ay bumalot sa buong coffee room. Masayang inamoy niya ito na may ngiti sa labi.
"Italian imported coffee beans, masarap, gaano katamis ang gusto mo, Miss Evangelista?"
Pakiramdam ni Lea ay sumuntok siya sa bulak at naikuyom niya ang palad sa galit.
"Eva, wag ka ngang magkunwari. Hindi ba, kaya ka lang na kay Kuya Lyxus ay para sa pera? Eto cheke, 10 million. Pwede ba lumayo ka sa kanya as soon as possible."
Tahimik lang si Eva na naglagay ng asukal sa kape at hinalo iyon na para bang isang expert.
"Narinig ko na hindi maganda ang kalusugan mo Miss Evangelista. Sa tingin ko dapat itabi mo dapat ang pera para sa mesical treatment. Kung hindi, baka mamamatay ka bago mo pa mapakasalan si Lyxus. Magiging kaawa-awa naman ang amo ko." Simple lang ang tono ni Eva pero makahulugan
"Eva, ikaw..."
Sekretong nagngangalit ang ngipin ni Lea dahil sa sobrang galit, Hindi niya akalain na mahirap pakitunguhan si Eva.
Masamang tumingin siya kay Eva. Kinuha niya ang kape sa lamesa at itinapon ito kay Eva.
Ang kumulong mainit na kape ay gumawa ng isang magandang arko sa hangin at bubuhos sa magandang pagmumukha ni Eva.
Nang makita ng ina ni Lyxus na siya ang tinuro ng binata, parang tumigil ang pagtibok ng puso niya sa takot subalit nanatili parin ang gulat sa mukha nito."Lyxus, apo ko rin ang tinutukoy mo kaya pano ko naman magagawa yon? Baka naman sinabi lang sayo yon ni Eva para sakin mapunta ang sisi kase diba galit siya sakin. Wag ka maniwala sa kanya." Mahinang natawa ang ina ni LyxusNanatili ang malamig na tingin sa mga mata ng binata at hindi mapigilan na maitikom ng mahigpit ang mga labi.Hindi niya alam kung nasaan na ang ina, na dati naman ay mahal na mahal siya at ang kapatid niya nung mga maliliit pa sila dahil para bang ibang tao ang kaharap niya simula nung insidente na iyon."Enrique Ramirez."Nang marinig ng ina ni Lyxus ang pangalan na iyon, nanlamig siya ng walang dahilan at kumalma din kaagad."Sa kanya ako lagi kumukuha ng gamot. Anong problema? May problema ba?" Sagot ng ina ni Lyxus"Pamilyar ka ba sa matanda na si Ginoong Dizon?" Tanong ng binata"Oo, nagkaroon ako ng matin
Nagmamadaling nagmaneho si Lyxus pauwi at hindi mapalagay ang puso niya.Sa isip-isip ni Lyxus, 'Sigurado ako may koneksyon iyon sa pagkawala ng anak ko.'Pakiramdam niya ay lalabas ang puso niya sa sobrang lakas ng kabog nito at derederetso niya minaneho ang kotse papunta sa tapat ng tahanan nila.Nang makita naman ang binata, kaagad ito binati ng isa sa mga katulong."Sir, nung inayos ko po yung cabinet niyo ngayon-ngayon lang, aksidente ko po nakita yung gamot na iniinom po ni Miss Eva dati pero may halo po iyon na pwede pong magdulot ng pagkalaglag kung mainom po ng buntis."Nang marinig ang sinabi nito, kaagad na napalitan ng lamig ang tingin ni Lyxus.Madalas magsabi sa kanya dati si Eva tungkol sa pananakit ng tiyan nito kaya humanap siya ng doktor para makatulong sa dalaga.Mahigit tatlong buwan din ininom ng dalaga ang gamot na nirekomenda ng doktor na iyon.Tinitigan niya ang bote ng gamot na nasa kamay ng katulong."Paano ka nakakasigurado?""Yung lolo ko po, medicine pract
Pumalpak ang plano ni Lea na iframe up si Eva at panigurado ay ipapadala na siya sa maliit na bahay sa sementeryo nila upang magbantay.Bad mood si Lea at lumabas muna para uminom kasama ang mga kaibigan. Nang marami na siyang nainom, tumawag ang dalaga ng isang taxi upang makauwi.Nang makasakay siya sa loob ng taxi ay kaagad niyang ibinigay ang address niya at sumandal sa upuan tsaka umidlip.Hindi alam ni Lea kung gaano katagal bumiyahe ang sasakyan bago ito tuluyang tumigil at akala niya ay nakauwi na siya, kaya binuksan niya kaagad ang mga mata niya.Subalit ang tanging nakita ng dalaga ay isang lugar na walang katao-tao at kaagad niyang naunawaan na naloko siya.Babalik na sana si Lea sa loob ng taxi, nang biglang isang itim na tela ang tumaklob sa ulo niya at kasunod nito ay sunod-sunod na suntok at sipa.Pakiramdam ni Lea ay isa-isang nasisira ang laman loob niya at sa sobrang sakit ay gusto niyang sumigaw, subalit may nakabusal na kung ano sa bibig ng dalaga at sa sobrang bago
Sa sandaling nakita ni Lyxus si Eva, pakiramdam niya ay may humampas na kung ano sa puso niya.Hindi siya makahinga.Ang ilaw mula sa poste ng ilaw na nasa itaas lang ng binata ay unti-unting nagpapalinaw sa sakit na nararamdaman ni Lyxus.Hindi siya nakaramdam ng sakit nang ang sindi ng sigarilyong hawak niya ay umabot na sa daliri niya at tanging nakatitig lang kay Eva.Natatakot siya, na baka ang dalagang nasa harap niya ay biglang mawawala na parang bula. Gusto niyang tanungin ang dalaga kung nanaginip nanaman ba ito ng hindi maganda at gusto niyang yakapin ito para pagaanin ang nararamdaman nito.Habang mas ninanais ni Lyxus na gawin ang mga ito, mas lalo siyang nasasaktan at hindi niya namalayan na naikuyom niya na ang mga palad kahit hawak pa niya ang sigarilyo na nakasindi.Ang hapdi ng paso na nagmumula sa sigarilyo na nakasindi ay unti-unting nagpalinaw sa isip ni Lyxus.Kaagad niya nilabas ang telepono niya at magpapadala sana ng mensahe kay Eva upang magtanong kung anong n
Ang post ni Eva sa twitter ay napakahaba, subalit binasa rin ni Lyxus iyon ng maigi lahat.Inilahad ni Eva lahat ng ginawang kairesponsablehan ng ina niya sa pamilya nila at kung gaano ito sobrang nakaapekto di lang sa kanya, pati rin sa ama niya.Matapos itong mailathala sa twitter, lahat ng tao na tumawag sa kanyang walang kwentang anak ay tumigil at binaling lahat ng atensyon sa ina niya.Maraming tao ang nag-ungkat din kung gaano kagulo ang pribadong buhay ni Jam at nang ang mga bagay na ito ay naungkat, hindi lamang ng mga ito pinagtanggol si Eva at ama niya, subalit para din itong asin na pinapahid sa sugat ng nakaraan ng dalaga.Hindi alam ni Lyxus kung anong ginagawa ni Eva sa ngayon, pati kung anong nangyayari sa dalaga habang nagbabasa ng mga komento ng mga tao.Sa isip-isip ni Lyxus, 'Kakayanin mo ba ang sakit na madudulot sayo matapos mo sabihin sa lahat ang nakaraan mo?'Nagdadalawang isip ang ang binata, at matapos ang ilang minuto ay napagdesisyonan niyang tawagan ang p
Ang lahat ay napatingin sa pinanggalingan ng boses at nakita si Leon na nakatayo sa gitna ng pinto.May hindi maitagong pagkadismaya at sakit sa mga mata nito. Naglakad ito palapit kay Lea at tinuro si Jam na nasa likuran niya."Sino itong babae na to at bakit siya nasa basement ng lumang bahay?"Mukha lang mabait at kalmado si Leon, subalit alam ni Lea na panlabas lamang iyon dahil kasing sama ito ni Lyxus pag nagalit at sa batang edad ni Leon ay isa na ito sa nga kumakatawan sa pamilya Evangelista."Kuya, si Kuya Lyxus, ayaw na niya sakin. Wala siyang pake kahit nasa bingit ako ng kamatayan para lang kay Eva. Sa sobrang galit ko, hinanap ko si Jam para maghiganti kay Eva." Umiyak si Lea at umiling-iling"Kuya Lyxus, sabi mo papakasalan mo ko nung nasa tiyan palang ako ng ina ko, bakit ayaw mo na sakin ngayon? Bakit hindi mo makita yung kabutihan ko kahit anong gawin ko? Nagawa ko lang naman lahat ng ito kase mahal na mahal kita." Tuloy ito sa pag-iyak habang nakatingin kay LyxusMat