Nang marinig ito, agad na nanlamig ang mukha ni Lyxus at napatitig siya kay Eva.
"Sinabi ko na sayo ayoko makasal. Kung hindi mo kaya yon, hindi ka na dapat pumayag una palang."
"Kase itong relasyon na dapat sa pagitan ng dalawang tao lang, ngayon naging tatlo na." Bahagyang namumula ang mata ni Eva
"She's not a threat to you."
Napangiti si Eva sa sarili.
"Tumawag siya sayo para hilingin sayo na iwan ako at wala kang pake kahit katiting kung mabuhay o mamatay man ako. Sabihin mo sakin, Lyxus, ano nga ba ang kahulugan ng tinatawag mong threat?"
"Eva, Dahil lang sa nireregla ka na masakit puson mo sapat na yon para manggulo ka?" Napuno ng galit ang mga mata ni Lyxus
"Paano kung sabihin kong buntis ako?"
"Wag mong subukan idahilan ang bata. I always do a good job pagdating sa paggamit ng proteksyon!"
Malamig ang boses ng binata at walang kahit anong pag-aalinlangan.
Sa isip-isip ni Eva, 'Kung ang bata ay nandyan parin, kakaladkarin ako nito para lamang mawala and dinadala ko'
Ang huling butil ng pantasya ni Eva ay nawala sa puso niya at tuluyan nang nadurog.
Naikuyom niya ang palad ng sobrang higpit at hindi man lang nakaramdam ng kahit anong sakit kahit pa ang kuko nito ay bumabaon na sa balat niya.
Nagtaas noo siya at ngumiti ng mapait.
"Minsan mo nang sinabi sakin na ang tanging pag-uusapan natin ay tungkol lang sa nararamdaman natin at hindi sa kasal. Kung isang araw isa satin mapagod na sa isa, pwede na tayong maghiwalay nang maayos. Lyxus, pagod nako sayo, maghiwalay na tayo!" Direkta niyang sinabi at walang pag-aalinlangan.
Ngunit walang nakakaalam na sa mga oras na yon ay nagdurugo ang puso niya.
Ang mga ugat naman sa likod ng mga kamay ni Lyxus ay nagsilabasan at napatitig siya maigi kay Eva.
"Alam mo ba kung anong kahihinatnan ng sinasabi mo?"
"Alam kong magagalit ka pag sinabi ko to, pero Lyxus, pagod nako. Ayoko ng pagmamahal sa pagitan ng tatlong tao."
Kung dati, masyado siyang idealistic at laging akala niya na hangga't mahal ng dalawang tao ang isa't isa, hindi mahalaga kung maikasal sila o hindi, ngunit nagkakamali siya, dahil ang puso ni Lyxus ay kailanman hindi naging sa kanya.
Hinablot ni Lyxus ang baba ni Eva.
"Gusto mong pilitin akong magpakasal sa gantong paraan? Eva, namaliit ba kita o sadyang masyado ka lang makasarili?"
"Kahit anong isipin mo, aalis nako dito ngayon." Puno ng pagkabigo na tinignan ni Eva ang binata
Matapos niyang sabihin iyon, tumayo siya sa higaan at akmang aalis, pero hinila siya ni Lyxus pabalik sa mga bisig nito.
Ang basa at mainit nitong mga labi ay kinagat ang kanyang labi.
Ang malalim, mala-magnet nitong boses ay may dalang lamig.
"Pagtapos mong makipaghiwalay sakin, hindi ka ba natatakot na babalik sa dati ang pamilya Tuason? Yun ang ipinagpalit mo sa tatlong taon ng pagkabata mo diba."
Sumabog bigla ang utak ni Eva at di makapaniwalang nanlaki ang mga mata
"Anong ibig mong sabihin sa tatlong taon ng pagkabata ko? Ipaliwanag mo!"
Ang malalamig na daliri ni Lyxus ay diniinan ang marka sa gilid ng labi ng dalaga, may panunuya sa ngiti sa labi nito.
"You set me up para iligtas ka, at ikaw ang kusang loob na sundin ang mga kundisyon ko kahit hindi tayo magpakasal. Kung hindi lang para tulungan ang ama mo iligtas ang pamilya niyo, sa tingin mo may iba pang rason para maniwala pa ako sayo?"
Tatlong taon ang nakaraan, ang pamilya Tuason ay dumaan sa isang unprecedented economic crisis.
Simula ng i-date siya ni Lyxus, nagdala ito ng maraming negosyo sa pamilya nila na nakatulong sa kanila para makaalis sa panahon ng kagipitan.
Akala ng dalaga sa mga panahon na yon ay gusto siya ni Lyxus, kaya sobrang gusto nitong tulungan ang pamilya niya.
"Kung ganon lahat ng pinakita mong kabaitan sakin sa nakalipas na tatlong taon was just a casual act, wala kang kahit anong nararamdaman?" Nanginginig ang labi na nagtanong si Eva
Sobrang nagalit si Lyxus sa mga salita na lumabas sa bibig ni Eva na pati ang mga ugat nito sa noo ay namimintig.
"Sa tingin mo seseryosohin ko tong laro na to, na katuwaan lang?" tanong nito at nagngangalit ang mga ngipin sa galit
Ang mga katagang yon ay tumarak sa puso ni Eva.
Tinuon niya ang tatlong taon niyang pagmamahal sa lalaki, ngunit tinuring lamang ito ni Lyxus bilang hubad na transaction ng pera at sex.
Siya lamang ang tangang nag-akala na minahal siya ng binata.
Nang maisip nito, pakiramdam ni Eva ang bawat pulgada ng balat niya ay parang nilalapa ng aso.
Ang kalungkutan sa mga mata nito ay unti-unting napalitan ng lamig.
"Sapat na siguro ang tatlong taon ng pagkabata ko para mabayaran ang kabaitan mo Mr. Villanueva. Ngayon patas na tayo. Simula ngayon, maghihiwalay na tayo at mamumuhay ng matiwasay!"
Napatitig si Lyxus sa pasaway na si Eva at ang galit sa mga mata nito ay patindi nang patindi.
"Eva, bibigyan kita ng isang gabi para pag-isipan ito ng maigi lahat ng sinabi mo, tsaka mo ko sabihan!"
Tumalikod na ang binata at umalis na may malamig na aura habang si Eva ay naiwan na nakabaluktot mag-isa sa kama. Ang mga luha na kanina pa niya pinipigilan ay tumulo na sa mga pisngi niya ng hindi namamalayan.
Ang pitong taon pala niyang pagmamahal at tatlong taon na masusing pag-aalaga ay isa lamang kahihiyan na transaksyon sa mga mata ni Lyxus.
Ang relasyon sa pagitan nilang dalawa, kung sino ang unang mahuhulog siya ang unang talo.
Ano pa at, nauna siyang mahulog kay Lyxus ng apat na taon sa kanya. Natalo siya nang sobra at ito ay kakila-kilabot na tanawin.
Matapos ang pagiging malungkot, nag-empake na si Eva at umalis ng walang lingon-lingon.
**
Sa kabilang banda.
Ang itim na cullinan ay dumaan sa tahimik na mga lansangan na para bang kidlat. Ang tanging naiisip ni Lyxus ay ang matapang na mukha ni Eva nang sinabi nitong "maghiwalay na tayo".
Sa isip-isip ni Lyxus, 'Dahil lamang sa hindi ko siya sinamahan nung kaarawan niya, dahil lang sa selos. Makikipaghiwalay siya sakin? Parang mas kailangan niya kontrolin ang init ng ulo niya.'
Sa sobrang galit ni Lyxus ay napunit na niya ang kurbata at itinapon iyon sa backseat.
Ang telepono nito ay makailang beses nang tumunog bago niya sinagot ang tawag.
"Bakit?"
Isang mala-bohemian na boses ang maririnig mula sa kabilang linya.
"Anong ginagawa mo? Ang tagal mong sagutin ang telepono mo."
"I'm driving!"
"Anong sasakyan ba ang minamaneho mo? Si Secretary Tuason ba? Nakaistorbo ba ako?" May panunukso ang tawa ng kaibigan niya na si Felix Santos
"Okay ka na?"
"Hindi, nagtatanong lang naman ako, Gusto mo pumunta sa Bank Bar? Lilibre ka ni Leon."
Pagkalipas ng sampung minuto ay nakarating agad si Lyxus sa Bank Bar. Agad siyang inabutan ni Felix ang isang kopita ng wine at tumingin dito habang nakangisi.
"Lalaglag na sa sahig yung pagmumukha mo. Ano ba nangyari? Nakipaghiwalay ka ba kay Eva?"
"Hindi ka pa ba nakakita ng mga young couples na nag-aaway para mapabuti yung relasyon nila?" Napatingin si Lyxus ng malamig sa kaibigan
"Ah! Nahulog ka na sa kanya habang tumatagal?"
Sinadyang binigyang-diin ni Felix ang tono nito sa iba pang sasabihin nito, ang mga ngiti nito ay may bahid ng hindi mapigil na pang-aasar.
"Get lost!" Sinipa ni Lyxus ang kaibigan
"Okay, aalis nalang ako, pero wag mo ko sisisihin na hindi kita pinaalalahanan. Kung gusto mo si Eva, maglagay ka ng malinaw na linya sa pagitan mo at ni Lea. Wag kang tumakbo sa kanya porket tinawagan ka niya. Wag kang pupunta sakin na umiiyak pag nawala sayo ang asawa mo."
"Sinabihan ko na nga siya na wala dapat siyang ikatakot kay Lea, pero di niya yon pinaniwalaan." Napasimangot si Lyxus
"Walang babaeng maniniwala dun. Baliw, Si Lea ang childhood sweetheart mo. Engaged na kayo simula bata palang kayo. Nakakita ka na ba ng babae na kayang magparaya sa lalaking laging tumatakbo pabalik sa kasintahan niya sa pagkabata?”
Naglabas si Lyxus ng isang sigarilyo sa kaha, ibinaba niya ang ulo para sindihan ito, at mahaba at manipis ibinuga ang usok.
Ang mga tinta ng mata nito ay padilim ng padilim.
"Siya at ako..." Bago pa niya matapos ang mga sasabihin, bumukas ang pinto ng pribadong kwarto.
Dumating si Leon Evangelista na kakapit-bisig si Lea.
"Pasensya na, hindi kasi maganda ang mood ni Lea ngayon. Sana okay lang sa inyo kung isasama ko siya sakin."
Napatingin si Felix kay Lyxus, na may madilim na mukha, at awkward na ngumiti.
"Paano naman mangyayaring hindi? Ang kapatid mo ay kapatid ko na rin. Lea, tara maupo ka sa tabi ni kuya Felix."
"Nakatapat ka sa aircon, masyadong malamig syan. Dito nalang ako uupo." Mahinhin na ngumiti ang malainosente na si Lea at walang makawari kung ano ang iniisip nito
Matapos sabihin iyon, naupo siya sa tabi ni Lyxus.
Naglabas siya ng isang maliit na kahon galing sa kanyang bag at nilapag iyon sa harap ni Lyxus.
"Kuya Lyxus, nung nakaraan kinaligtaan mo ang kaarawan ng nobya mo dahil niligtas mo ko, hindi naman siya galit sayo, diba?"
"Hindi,” kalmadong sumagot si Lyxus.
"Mabuti naman. Eto yung lipstick na ibibigay ko sa kanya bilang pag hingi ng tawad. Kung meron man siyang hindi pagkakaunawaan sayo, pwedeng ako mismo mag paliwanag sa kanya.
Tumanggi si Lyxus ng hindi ito tinitignan.
"Hindi na kailangan."
Nang marinig ito, ang mga mata ni Lea ay biglang namula.
"Kuya Lyxus, sinisisi mo ba ako sa laging pag istorbo ko sayo? Kahit ayoko naman. Sadyang pag may sakit ako, di ko mapigilan ang sarili ko na tawagan ka."
Matapos sabihin yon, ang malalaking patak ng luha ay tumulo sa mga pisngi nito.
Nakakunot ang noo na napatingin sa kanya si Lyxus.
Nilagay niya sa bulsa ang lipstick. "Kukunin ko to para sa kanya,” bulong ng binata.
Biglang nagbago ang mood ni Lea mula sa malungkot naging masayahin, at ngumiti siya tsaka nagsalin ng isang kopita ng wine para kay Lyxus.
"Kuya Lyxus, subukan mo tong wine. Dinala to ni kuya galing sa isang auction sa ibang bansa. Galing ito sa 1982."
Nang iabot niya ang kopita ng wine kay Lyxus, ang mga daliri nito ay hindi sinasadyang nahawakan ang bisig ng binata.
Agad na umiwas si Lyxus at idiniin ang sigarilyong nasa bibig sa ashtray.
"Iwan mo lang dyan,” sabi niya.
Nang makita ni Lea ang pagtanggi ng binata sa kanya, may bahid ng lamig sa mga mata nito. Pero kaagad na bumalik naman ang binata sa magandang pag-uugali at matinong itsura.
"Hindi ko pa nakikilala ang nobya ko. Dalhin mo siya dito minsan para makasama naman namin siya." Pinakalansing ni Leon ang kopitang hawak kay Lyxus
"Hindi pa siguro sa ngayon pre, nagtalo yung dalawa." Napangisi si Felix
"Kung gusto niyo magaway, edi magaway kayo, pero suyuin mo. Ayos lang yan,” Napatingin si Leon kay Lyxus na madilim ang mukha
“Huwag mong gayahin yung asawa nung babaeng niligtas ko nung nakaraang araw. Nakunan siya tsaka dinugo ng matindi at mamatay na dapat siya. Tinawagan ko yung asawa pero di siya sumasagot. Narinig ko na nasa ibang babae siya." Nakangisi nitong sinabi
Nang makita ng ina ni Lyxus na siya ang tinuro ng binata, parang tumigil ang pagtibok ng puso niya sa takot subalit nanatili parin ang gulat sa mukha nito."Lyxus, apo ko rin ang tinutukoy mo kaya pano ko naman magagawa yon? Baka naman sinabi lang sayo yon ni Eva para sakin mapunta ang sisi kase diba galit siya sakin. Wag ka maniwala sa kanya." Mahinang natawa ang ina ni LyxusNanatili ang malamig na tingin sa mga mata ng binata at hindi mapigilan na maitikom ng mahigpit ang mga labi.Hindi niya alam kung nasaan na ang ina, na dati naman ay mahal na mahal siya at ang kapatid niya nung mga maliliit pa sila dahil para bang ibang tao ang kaharap niya simula nung insidente na iyon."Enrique Ramirez."Nang marinig ng ina ni Lyxus ang pangalan na iyon, nanlamig siya ng walang dahilan at kumalma din kaagad."Sa kanya ako lagi kumukuha ng gamot. Anong problema? May problema ba?" Sagot ng ina ni Lyxus"Pamilyar ka ba sa matanda na si Ginoong Dizon?" Tanong ng binata"Oo, nagkaroon ako ng matin
Nagmamadaling nagmaneho si Lyxus pauwi at hindi mapalagay ang puso niya.Sa isip-isip ni Lyxus, 'Sigurado ako may koneksyon iyon sa pagkawala ng anak ko.'Pakiramdam niya ay lalabas ang puso niya sa sobrang lakas ng kabog nito at derederetso niya minaneho ang kotse papunta sa tapat ng tahanan nila.Nang makita naman ang binata, kaagad ito binati ng isa sa mga katulong."Sir, nung inayos ko po yung cabinet niyo ngayon-ngayon lang, aksidente ko po nakita yung gamot na iniinom po ni Miss Eva dati pero may halo po iyon na pwede pong magdulot ng pagkalaglag kung mainom po ng buntis."Nang marinig ang sinabi nito, kaagad na napalitan ng lamig ang tingin ni Lyxus.Madalas magsabi sa kanya dati si Eva tungkol sa pananakit ng tiyan nito kaya humanap siya ng doktor para makatulong sa dalaga.Mahigit tatlong buwan din ininom ng dalaga ang gamot na nirekomenda ng doktor na iyon.Tinitigan niya ang bote ng gamot na nasa kamay ng katulong."Paano ka nakakasigurado?""Yung lolo ko po, medicine pract
Pumalpak ang plano ni Lea na iframe up si Eva at panigurado ay ipapadala na siya sa maliit na bahay sa sementeryo nila upang magbantay.Bad mood si Lea at lumabas muna para uminom kasama ang mga kaibigan. Nang marami na siyang nainom, tumawag ang dalaga ng isang taxi upang makauwi.Nang makasakay siya sa loob ng taxi ay kaagad niyang ibinigay ang address niya at sumandal sa upuan tsaka umidlip.Hindi alam ni Lea kung gaano katagal bumiyahe ang sasakyan bago ito tuluyang tumigil at akala niya ay nakauwi na siya, kaya binuksan niya kaagad ang mga mata niya.Subalit ang tanging nakita ng dalaga ay isang lugar na walang katao-tao at kaagad niyang naunawaan na naloko siya.Babalik na sana si Lea sa loob ng taxi, nang biglang isang itim na tela ang tumaklob sa ulo niya at kasunod nito ay sunod-sunod na suntok at sipa.Pakiramdam ni Lea ay isa-isang nasisira ang laman loob niya at sa sobrang sakit ay gusto niyang sumigaw, subalit may nakabusal na kung ano sa bibig ng dalaga at sa sobrang bago
Sa sandaling nakita ni Lyxus si Eva, pakiramdam niya ay may humampas na kung ano sa puso niya.Hindi siya makahinga.Ang ilaw mula sa poste ng ilaw na nasa itaas lang ng binata ay unti-unting nagpapalinaw sa sakit na nararamdaman ni Lyxus.Hindi siya nakaramdam ng sakit nang ang sindi ng sigarilyong hawak niya ay umabot na sa daliri niya at tanging nakatitig lang kay Eva.Natatakot siya, na baka ang dalagang nasa harap niya ay biglang mawawala na parang bula. Gusto niyang tanungin ang dalaga kung nanaginip nanaman ba ito ng hindi maganda at gusto niyang yakapin ito para pagaanin ang nararamdaman nito.Habang mas ninanais ni Lyxus na gawin ang mga ito, mas lalo siyang nasasaktan at hindi niya namalayan na naikuyom niya na ang mga palad kahit hawak pa niya ang sigarilyo na nakasindi.Ang hapdi ng paso na nagmumula sa sigarilyo na nakasindi ay unti-unting nagpalinaw sa isip ni Lyxus.Kaagad niya nilabas ang telepono niya at magpapadala sana ng mensahe kay Eva upang magtanong kung anong n
Ang post ni Eva sa twitter ay napakahaba, subalit binasa rin ni Lyxus iyon ng maigi lahat.Inilahad ni Eva lahat ng ginawang kairesponsablehan ng ina niya sa pamilya nila at kung gaano ito sobrang nakaapekto di lang sa kanya, pati rin sa ama niya.Matapos itong mailathala sa twitter, lahat ng tao na tumawag sa kanyang walang kwentang anak ay tumigil at binaling lahat ng atensyon sa ina niya.Maraming tao ang nag-ungkat din kung gaano kagulo ang pribadong buhay ni Jam at nang ang mga bagay na ito ay naungkat, hindi lamang ng mga ito pinagtanggol si Eva at ama niya, subalit para din itong asin na pinapahid sa sugat ng nakaraan ng dalaga.Hindi alam ni Lyxus kung anong ginagawa ni Eva sa ngayon, pati kung anong nangyayari sa dalaga habang nagbabasa ng mga komento ng mga tao.Sa isip-isip ni Lyxus, 'Kakayanin mo ba ang sakit na madudulot sayo matapos mo sabihin sa lahat ang nakaraan mo?'Nagdadalawang isip ang ang binata, at matapos ang ilang minuto ay napagdesisyonan niyang tawagan ang p
Ang lahat ay napatingin sa pinanggalingan ng boses at nakita si Leon na nakatayo sa gitna ng pinto.May hindi maitagong pagkadismaya at sakit sa mga mata nito. Naglakad ito palapit kay Lea at tinuro si Jam na nasa likuran niya."Sino itong babae na to at bakit siya nasa basement ng lumang bahay?"Mukha lang mabait at kalmado si Leon, subalit alam ni Lea na panlabas lamang iyon dahil kasing sama ito ni Lyxus pag nagalit at sa batang edad ni Leon ay isa na ito sa nga kumakatawan sa pamilya Evangelista."Kuya, si Kuya Lyxus, ayaw na niya sakin. Wala siyang pake kahit nasa bingit ako ng kamatayan para lang kay Eva. Sa sobrang galit ko, hinanap ko si Jam para maghiganti kay Eva." Umiyak si Lea at umiling-iling"Kuya Lyxus, sabi mo papakasalan mo ko nung nasa tiyan palang ako ng ina ko, bakit ayaw mo na sakin ngayon? Bakit hindi mo makita yung kabutihan ko kahit anong gawin ko? Nagawa ko lang naman lahat ng ito kase mahal na mahal kita." Tuloy ito sa pag-iyak habang nakatingin kay LyxusMat