เข้าสู่ระบบ“MAY ipon ka na, ‘Teh?” tanong sa kaniya ni Julia.Nangunot naman ang noo niya. “Ipon para saan?” tanong niya rito pabalik.“Sa lupa. Narinig ko nag-uusap sina mama at papa noong nakaraang gabi. Naniningil na raw si Tita,” sabi nito. Napatango-tango naman si Eca.“Wala pa. Kaunti pa lang. Alam mo namang marami akong binayaran na utang saka ‘yong tuition din ni Jana,” sagot niya rito. “Baka sa December pa ako makapagbigay,” dagdag niya pa. “Hati tayo. Two hundred fifty thousand ‘yong sanla nina mama sa lupa. Sabi raw may tira pa 'yon kay tita. Mga nasa twenty thousand pa raw. Kaya ‘yong naibigay kina mama nasa mahigit two hundred twenty thousand lang,” sabi ng kapatid.“Huwag na nilang kunin ‘yong tira. Ang hirap maghanap ng pera,” sambit ni Eca. Nai-stress na kasi siya sa bayarin. Hindi niya alam kung saan kukuha.Marami siyang naging trabaho para lang kumita. Dahil maraming bayarin. Bukod doon ay naging tanga rin siya sa pag-ib
ECA packed her backpack with things she needed for a one day stay at their house. She missed her family, especially her two naughty siblings who were still in elementary school. Linggo ngayon kaya paniguradong kompleto sila sa bahay.It was just three in the morning pero buhay na buhay pa rin siya. Marahil ay nasanay na ang body clock niya sa uri ng trabaho na mayroon siya. Paniguradong mamaya pa siya aantukin. Naligo at nagbihis na siya ng simpleng shorts at t-shirt. Siniguro niyang wala siyang naiwan bago lumabas ng apartment.Madilim pa sa labas at wala pang dumadaan na tricycle. The cold wind greeted her. Dahil malapit lang naman sa apartment niya ang terminal ng bus, nilakad na lang niya iyon. Kaunti lang ang mga pasahero kasi maaga pa. Bumili muna siya ng kape para mainitan ang kaniyang sikmura. Nang maubos niya ang kape ay siya namang pag-alis ng bus. Isang oras ang naging biyahe niya pauwi dahil wala pang traffic.Binuksan niya ang flashlight ng ce
BIGLANG nagliwanag ang mukha ni Hiro sa narinig. Sa tuwa nga nito ay napatayo ito at niyakap siya nang mahigpit. Nabigla siya sa inakto ng binata. Talagang nanlaki ang mga mata niya. Mahigpit ang pagkakapulupot ng mga bisig nito sa likod at baywang niya kaya dikit na dikit ang malambot niyang katawan dito.“Yes! I really thought that you got mad at me, po. Thank God, I was just overthinking,” masigla nitong wika habang nakakulong pa rin siya sa mahigpit nitong yakap.“Hiro…” wika ng dalaga. She balled her fists to prevent them from touching his body. She wanted to run her fingers over his skin. She was already tempted to feel its softness against her palms. Nagiging mahalay na talaga siya. Hindi naman siya ganito dati eh. She didn't know what happened now. Parang nag-level up yata ang kalandian niya sa katawan. “Hmm?” sagot ni Hiro. Walang pagsidlan ang sayang nadarama niya ngayon.“Do you love your arms?” malambing na tanong ni Eca habang pilit
“C’MON! We still need to go to the wet market,” wika ng dalaga saka siya tinalikuran. Kaya nakangusong sumunod siya rito. Maya’t maya ang pagsulyap niya sa kamay nito. Gusto niya talagang hilahin pabalik sa buhok niya.Sa wet market ay hindi nakaligtas sa mga mata ni Eca ang paninitig ng mga nakakasalubong nila sa kasama niya. Halos magkandahaba-haba na nga ang mga leeg ng kababaihan masundan lang ng tingin ang gwapong binatang nakasunod lagi sa kaniya.“Ate, kalahating kilo nga po nitong hipon,” sabi niya sa tindera na sa kasama niya nakatitig. Nairita siya bigla. Para kasing nagdi-day dream pa ang babae at hindi agad kumilos para asikasuhin ang gusto niyang bilhin. “Ate, huwag niyo masyadong titigan ang kasama ko baka matunaw siya bigla,” naiinis na wika ni Eca at sinukbit ang kamay sa braso ng binata. Nagulat si Hiro sa paghawak ni Eca kaya nawala ang pagkakanguso niya. Pinigilan niyang mangiti kasi ang lapit ng dalaga sa kaniya. He always liked it whenever she held him.“Pasensya
“DITO na lang ako, Ate. H-Hindi naman po ako p-pasaway eh,” nagmamakaawang wika ni Hiro. Ayaw niya talagang umalis. Noong sumama siya kay Eca, wala na siyang intensyon na iwan pa ito. Hindi na siya lilipat ng tirahan pa. “Magbibigay po ako ng ambag sa upa, pangako 'yan. Huwag mo na po akong paalisin. Wala akong pupuntahan. Ateee…” dagdag pa niya. Nagpapaawa niyang tiningnan ang dalaga. Nakanguso pa siya para cute.Nanlaki naman ang mga mata ni Eca. Kulang nalang kasi ay lumuhod si Hiro sa harapan niya. Kahabag-habag na kasi ang hitsura nito at hindi lang iyon. Para itong nagpapa-cute? Mukha naman effective ang pagpapa-cute nito kasi napako na ang mga mata ni Eca sa nakausli nitong labi.Napalunok si Eca dahil kung ano-ano na ang naiisip niya. Tinampal niya nang mahina ang mukha nito para mawala ang pagkakanguso nito sa kaniya.“Tumigil ka nga sa kaiiyak. Ang pangit mo na, hindi ka na gwapo. Hindi naman kita pinapaalis. I was just asking you. I didn’t know that you will misunderstood t
HINDI naman makagalaw si Hiro sa kinatatayuan niya. Namumula ang buong mukha niya hanggang leeg. Tila nga nanuyo ang lalamunan niya sa nangyari kanina dahil sa kaba. Ramdam niya pa rin ang ginawang marahang paghaplos ni Eca sa buhok niya. Hindi niya maiwasang makaramdam ng tuwa. Hindi niya mapigil ang ngiti na gumuhit sa kaniyang labi dahil doon. Naririnig niya pa rin ang malakas na pagtambol ng kaniyang dibdib. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari sa kaniya. Pero hindi niya maitatanggi na nagugustuhan niya tuwing tinatawag siya nitong baby. “Anong oras ba ang klase mo, Hiro?” Nabalik siya sa diwa niya nang marinig ang tanong na iyon ni Eca mula sa sarili nitong kwarto. Nagkukumahog naman siyang ayusin ang sarili at lumapit sa pinto ng dalaga. Nakita niya itong pinaplansta ang polo niya. Napangiti siya at lumamlam ang kaniyang mga mata habang nakatitig sa dalaga.“Uy Hiro! Tinatanong kita,” untag nito sa kaniya. Napatikhim siya bago sumagot. “Eight o’clock pa naman po ang klase k







