Share

CHAPTER 4

"AYOS, ka lang ba? Tumawag sa akin yung Manager ko marami raw tangang sumalubong sayo? "

"Tangina mo, Grae.. Lumayo-layo ka muna sa akin" Ani ko sa kaniya na hindi na siya tinatawag sa stage name niya. 

"You call me, Grae? "Takang tanong niya na tumaas ang kilay sa akin. 

"So? "Tanong ko. 

"Wala lang, na kaka-panibago lang" Ani niya na bagsak ang likod na sumandal sa couch. 

"Umalis ka na, busy ako" Ani ko sa kaniya. 

"Tsk, busy daw.. Ano ba kasing gina-gawa mo? "Ani niya na tumayo sa kinauupuan niya at tumayo sa gilid ko. 

"Lumapit pa talaga ang gago"Asik ko na nilingon siya. 

"Ano 'yan? Ang corny naman ng design niyan"Ani niya na nakatingin sa loptop ko. "Ako nga uupo d'yan" Ani niya na tinulak ako. 

"Aray, parang bobo naman 'to" Asik ko na kunot ang noo na tumayo sa kinauupuan ko. 

Naupo naman ito sa swivel chair ko habang ako naman hinatak ko ang isang upuan sa gilid at itinabi sa kaniya. Nakatingin lang naman ako sa ginagawa niya na pagbabago ng design sa inaayos kong design, men collection kasi ito na ilalabas next next week kaya kailangan ko na itong mapasa sa baba. 

"Mainit kasi kung may sleeve pa 'yan" Ani niya na inalis ang sleeve. 

"San ka natuto mag edit? "I asked him. 

"Sayo, nakikita kasi kita mag edit before" Ani niyan na nakafocus pa rin ang tingin sa laptop ko. "Sa Open Celebrity, ikaw mag design ng outfit ko" Ani niya na lumingon sa akin. 

"Baka busy ako non" Ani ko naman. 

"Ganyan ka naman pag sa akin, kaya ayos lang" Ani niya na binalik ang tingin sa laptop ko. 

"Oo na, kailan ba kasi? " I asked him. 

"Next month pa naman"Ani niya. 

"Tagal pa pala, pano yung sa girlfriend mo? " I asked. 

"Ewan ko, may na hanap na raw siya eh"Ani naman niya.

Hindi naman na ako umimik at tumango na lang. After namang matapos ni Grae ang pag eedit ay sinundo na rin ito ng Manager niya kaya naman naiwan muli ako na mag isa sa office ko, in fairness naman sa ginawa ni Grae ang ganda talaga niya at pinakita ko rin iyon kay Ryle at kahit siya ay nagandahan and may aavail daw siya pag nailabas na ang design na iyon. 

BUMABA naman ako sa coffee shop nang maghapon na dahil nakaramdam ako ng antok and while waiting nakatanggap ako ng tawag kay Ryle na nasa office ko ras siya at dahil tamad na akong umakyat ay pinababa ko nalang siya rito sa Coffee shop. 

" I bought you some foods " Ani niya pag lapit sa akin at pinatong ang food sa table ko. 

"Wow! " Namilog naman ang bibig ko. "Akala ko busy ka? " I asked him. 

"I'll make time for you" Ani niya na lumapit sa akin at dinampian ng halik ang noo ko. "Coffee? Are you sleepy? "Tanong niya na naupo sa tabi ko. 

"Medyo, nakakapagod kasi ang sakit na rin ng mata ko"Ani ko na kinuha ang isang Tupperware. "Sino nag luto nito? "I asked. 

"I made that earlier "Ani niya. 

Tinikman ko namang ang chicken curry and it taste really good, masarap talaga magluto 'to si Ryle napaka husband material talaga niya sa totoo lang and pwede akong mag volunteer as his wife huhubels. 

"Ang sarap" Ani ko na nag angat ng tingin sa kaniya. 

"Thanks, buti naman na gustuhan mo" Ani niya na tumaas ang sulok ng labi sa akin. 

"Bakit kung hindi ko nagustuhan? " I asked. 

Umiling naman siya. " That's impossible " Ani niya. 

"So confident " Ani na nailing. 

"Yes I am" Sagot niya. 

Hindi talaga siya mag papatalo sa akin. Nana-himik naman na ako at hindi na lang siya inimik or pinansin pa dahil masyado akong nag enjoy sa pagkain na nasa harap ko ngayon, sa totoo lang bibihira sa lalake ang marunong magluto dahil sa panahon ngayon ang mga lalake ay masyado nang pabigat sa buhay and thankfully hindi kasali si Ryle sa mga 'yon. 

BUMALIK naman na ako sa office after naming kumain habang si Ryle naman ay naiwan sa Cafe dahil may kailangan siyang imeet doon. Pagbalik ko sa office ay naupo na agad ako sa table ko, actually madali lang naman ang trabaho ko dito dahil nag i-improve lang naman ako ng design and nag a-approve and ofcourse nag che-check nang final product quality kung baga ako ang production manager.

After kong matapos ang trabaho ko ay nag ayos na rin ako ng gamit ko, may usapan kasi kami ngayon nila Klie na kakain kami sa kanila dahil mag luluto siya kasama ang iba pa naming kaibigan. Pagbaba ko sa parking lot ay agad kong pinaandar ang kotse ko,may liwanag pa kailangan kong maka-uwe ng maaga pa dahil kailangan ko pang mag ayos ng sarili ko at syempre kailangan ko rin mag dala ng pagkain.

"Ang aga mo naman 'ata " Bungad ni Klint sa akin.

"Aalis kasi ako " Sagot ko.

"Where are you going?"He asked.

"Kailangan ba laging alam mo?" Ngiwing tanong ko.

"Ofcourse, mas matanda ako sayo" Ani niya.

"Ewan ko sayo" Ani ko na tinarayan siya.

Tumalikod naman na ako at iniwan na siya.Pag akyat ko sa kwarto ko ay agad akong maghanap ng damit na susuotin ko, I want something comfy. Nang makapili na ako ng susuotin ko ay bumaba na ako upang hanapin si Yaya, mag papaluto ako sa kaniya ng creamy tofu dahil favorite yun ni Grae and Gabrien.

"Yayi! I have favor!" Ani ko nang makita ko si Yaya na nsa kusina.

"Ano yon?" She asked.

"Pu-punta po ako sa bahay ni Kliezea, gusto ko po sana mag dala ng Creamy tofu na gawa niyo" Ani ko na hinawakan ang kamay ni yaya.

"Hmm, yun lang naman pala" Ani ni Yaya na mahinang tumawa.

"Paki-lagay na lang po sa lalagyan, mag aayos pa po kasi ako" Ani ko na mqy malapad na ngiti.

Tumango naman si Yaya kaya lumabas na ako sa kusina ay bumalik sa kwarto ko sa itaas upang mag ayos naman ng sarili ko. Pag pasok ko sa kwarto ay agad akong nag tungo sa banyo upang maligo and after that ay humarap na ako sa vanity ko upang mag ayos naman ng sarili ko habang nasa ulo ko pa ang towel.

"Zi!"

Agad ko namang naipikit ang mata ko nang marinig ko ang familiar na boses na iyon mula sa labas ng silid ko, hindi ako pwedeng mag kamali alam ko kung sino ang may ari ng boses na 'yon.

" Ang tagal mo naman, mag aayos ka pa lang?" Ani no Grae na pumasok sa silid ko at naupo sa kama ko habang naka-harap sa akin."Wag ka na mag make up" He said.

Malalim lang namn akong bumuntong hininga."Sino ba kasing nag sabi na pumunta ka?" tanong ko.

"Nag text ako— " Ani niya na kinuha ang phone niya. "Gago, hindi pala nag send yung text ko" Ani niya na nailing.

Kalma self! Hindi mo kailangan magalit sa tangang 'yan kailangan mong kumalma.

"Ba't ba galit ka? Ayaw mo bang andito ako?" Tanong niya.

"Hala!" Kunwari'y nagulat na ani ko."Halata ba?" Tanong ko.

"Sakit mo naman" Ani niya na tumayo sa kinauupuan niya.

"Saan ka pupunta?" Tanong ko.

"Mauuna na ako don" Sagot niya habang naka-tayo sa frame ng pinto.

"Gago- hindi mo 'ko hihintayin?" Tanong ko na sinamaan siya ng tingin.

"Bakit? Wala kang paa?" Sarcastic na tanong niya.

"Ga—  sige umalis ka na" Ani ko na humarap na sa Vanity ko.

Lumabas naman na si Grae habang ako ay pinag-patuloy ko na ang pag aayos ko dahil anong oras na nakakahiya naman kung ako na lang ang hihintayin nila. After kong mag ayos ay nag bihis na rin ako at pina-tuyo ang buhok ko and after that ay bumaba na rin ko.

"Akala ko umalis ka na?" Agad na tanong ko kay Grae nang sumalubong siya sa akin na may hawak na pinggan at may lamang Creamy Tofu.

"Na amoy ko" Ani niya na muling sumubo.

"Dahil d'yan?" Ngiwing ani ko at hindi makapaniwalang nailing.

"Hinintay talaga kita—  tara na" Ani niya na nilapag ang pinggan sa table." Inom lang ako tubig " Ani niya na tinalikuran ako at kinuha ang pinggan sa pinatungan niya at pumasok sa kusina.

Natawa na lang ako at tuluyan nang bumaba sa hagdan. Paglabas ni Grae ay dala na nito ang paper bag kung saan andon ang pagkain na dadalhin namin.

"Kotse ko na lang gamitin natin" Ani niya pag labas namin. " Ihahatid na lang kita " Dugtong pa niya.

Tumango lang namn ako at pumpasok na ron sa kotse niya,buti na lang nag offer siya dahil tinatamad na rin ako mag drive. Hindi naman ganon ka-layo ang bahay nila Kliezea lung tutuusin ay may kalapitan lang iyon kaya mabilis lang kaming naka-rating sa lugar nila. Mukhang andito na ang lahat dahil sa mga kotse na naka-park dito sa labas.

"Alam mo na ba yung issue kay Klie?" Tanong ni Grae pagbaba sa Kotse.

"Issue? Gago malay ko" Iling ko.

"Nag pa-ayos siya" Ani niya.

"Tang*na, issue 'yan sayo?" Tanong ko.

"Oo, issue sa akin lahat" Ani niya na nauna na sa paglalakad.

Gago ampota,pati pag papaayos issue tawag niya halatang sagana sa issue sa buhay ang gago. Pagpasok namin sa loob ay bumungad sa amin ang kasambahay nila Kliezea at ang sabi nito ay nasa rooftop na raw sila Klie kasama ang iba pa naming kaibigan kaya naman umakyat na rin kami ni Grae.

Ang hagdan nila Klie paakyat sa rooftop ay nasa likod kung saan naiilaliman ang pool nila kaya pag nahulog ka sa hagdan ay diretso ka sa pool nila.

"Ulol!" 

" Ngiti, gago!" 

Gusto kong matawa dahil boses agad ni Klizea ang naririnig ko.

"Zia!"

" Tangina, ang tagal niyo "

Yumakap naman sa akin si Gabrien at Kliezia ganon din naman si Chae. Naupo naman na kami ni Grae sa table kung saan naka-upo sila Chae. Sayang hindi kami kompletong anim ngayon dahil wala si Allisza at tanging si Chae, Gabrien,Klie,Grae ang andito. 

"Bakit wala si Ali?" Tanong ni Gabrien.

"Wala siya right?"Ani naman ni Kliezea.

"Tangina, sagot mo rin tanong" Ani ni Grae na tumaas ang sulok ng labi kay Kliezea.

Hindi naman umimik si kliezea at tanging inangat lang nito ang gitnang daliri niya kay Grae na kinatawa namin, kung hindi kami mag kasundo ni Grae mas hindi sila mag kasundo. 

"Susunod 'ata yon" Ani naman ni Gabrien. 

Naupo naman na ang lahat sa kaniya-kaniyang pwesto, katapat ko si Garbrien habang nasa tabi ko naman si Grae at sa kabila naman ay si Chae na busy sa phone niya. 

"Kumusta pala,  Chae?  Akala ko kasama mo yung Boyfriend mo" Ani ni Grae na lumingon kay Chae. 

Umiling naman si Chae. "Mukha ba akong may boyfriend?" Ani niya. 

"Kliezea,  kayo na raw ha" Baling naman ni Grae kay Klie. 

"Chismoso ka talaga" Ani ni Klie. 

"Narinig ko lang kay Zia 'yon" Turo niya sa akin. 

"Tangina mo,  na nahamik ako ha" Ani ko na hinampas siya. "Grae,  pag ikaw chinis-mis ko" Ani ko sa tinaasan siya ng kilay. 

"Punong-puno na ako sa chismis" Ani naman niya na kumuha ng pinggan. 

"Sabagay,  buong pagka-tao mo chismis eh" Ani ni Kliezea. 

"Susunod daw sila Kuya,  may kasama daw siya" 

Napalingon naman kami kay Gabrien na hawak ang cell-phone niya at dahan-dahan na nag angat ng tingin sa amin. 

"Ay bakit sila pupunta?  Invited? "  Natatawang ani ko. 

"Gago" Ani ni Chae na hinampas ako. 

"Sampalan daw kayo ni Zaiver" Ani naman ni Kliezea. 

"Tangina talaga ng pinsan mo na 'yan " Ani ko kay Klie.  "Alak na ata duma-daloy sa atay niyan eh" Dugtong ko pa. 

"Totoo,  akala mo araw-araw broken " Pag sang-ayon naman ni Chae. 

Ilang minuto pa kaming naghintay at tulad nga ng sabi ni Gabrien ay dumating nga si Vandrix kasama si Zaiver na may dalang paper bag na brown,  yan ang gusto ko dumadating na may dala hindi yung sarili lang. 

"Ba't may biglang natahimik" Kunwari'y na ubo na ani Grae. 

Lumingon naman ako kay Kliezea na bigla'y nag bago ang emosyon ng mukha niya at tila hindi mapa-kali s pwesto niya,  may problema ba sila? 

"I bought your favorite drink" Ani ni Vandrix na naka-tingin kay Chae. 

Sabay naman kaming nag baling ng tingin ni Grae kay Kliezea na nag iwas ng tingin kaya naman lumingon ako kay Gabrien ngunit umiling ito sa akin,  anong mayron? 

"Klie,  kilala mo si Liam? " Bigla'y tanong ni Grae kay Klie. 

"Liam ford? " Tanong ni Zaiver. 

"Oo,  tina-tanong niya name ni Klie— "

"Binigay mo? " Putol ni Vandrix kay Grae. 

"Hindi,  I'm not like that" Ani naman ni Grae.  " Pero gwapo yon,  mayaman hindi nag bibigay ng mixed signals " Ani ni Grae na kumindat kay Kliezea. 

Napaka gago talaga nito ni Grae kahit na kailan talaga ang hilig mang asar at walang pinipiling aasarin. 

"Tinanong lang pangalan tipo na agad—" Ani ni Kliezea. 

" Ganon mga lalake ngayon,  tatanongin ba pangalan mo kung hindi ka tipo? "  Putol ni Grae sa kaniya. 

"Don't rush things" Singit ni Zaiver mula sa gilid. 

"Nagsalita" Ani ko na umubo. 

"Wag umubo kapag atat sa pag ibig" Ganti niya na kunwari'y naubo rin. 

"Gago mo! " Ani ko na hinampas siya. 

"Hindi ka umilag? " Tanong niya na pigil ang sarili na matawa. 

Tinarayan ko lang naman siya.  Sabay-sabay kaming kumain sa lamesa ngunit nawala si Kliezea ang sabi kasi ay mag naghahanap sa kaniya sa baba kaya naman bumaba ito.  Habang kumakain ako ay naramdaman ko na lang ang pag vibrate ng phone ko na agad ko namang sinagot. 

It's  Ryle. 

"Hmm? " 

"Where are you? "

"I'm with my friends,  why? " 

"Nothing,  hindi ka kasi nag r-reply sa text and chats ko" 

"Oh— I'm sorry,  hindi ko napansin"

"It's okay,  enjoy your night with your friends.  Text me pag pa-uwe kana"

"I will "

Line end. 

Binalik ko naman na ang phone sa bulsa ko at muli na sanang ipag-papatuloy ang pagkain ko nang mapansin ko ang tingin sa akin ni Gabrien, tingin na nang aasar. 

"May label?  "  She asked. 

Hindi naman ako umimik. 

"Delikado,  label muna bago update" Ani nito na ngumisi. 

"He likes me" Ani ko. 

"Everyone does" Sagot naman ni Gabrien. "The question is,  hanggang kailan ka niya gusto? " She added. 

"Gabrien —"

" No,  Zia... Don't settle for less — If he doesn't want to pursue you, let him go. There are a lot of men out there who will pursue you " Ani ni Gabrien na hinawakan ang kamay ko na nasa table. " Ang tagal na niyang sinasabi na gusto ka niya. Papayag ka na ganiyan set up niyo? Samantalang may iba diyan na willing kang bigyan ng label" She added. 

Maybe she's right. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status