Share

CHARACTER 3

"TANGINA MO! ang tagal mo gago ikaw nalang kumain mag isa!" Halos mapaos na ako sa kakabulyaw kay Janxent pero ang gago nakangiti pa rin na naglalakad palapit sa akin.

"Galit na galit ha" Ani niya na hinampas ako.

"Tangina mo kasi, anong oras na!" Naiirita na ani ko.

"Tara na, daldal mo "Ani niya na hinila ang kamay ko.

Sa labas lang kasi ako ng gate namin naghintay at halos abutin na ako ng isang oras kakahintay sa gagong 'to. Pagsakay sa kotse niya ay agad kong itinaas ang paa ko sa upuan at nilabas ang phone ko, comfortable naman akong ilabas ang ganito kong side kay Jaez dahil halos buong buhay namin ay magkasama na kami.

"Tanginang 'to parang di babae umupo" Ani nito na hinampas ang hita ko.

"Suntukin kita d'yan! "asik ko sa kaniya.

" Umayos ka kasi dyan" Ani nito.

Wala naman akong choice kundi umayos nang upo."Arte mo, ang panget mo naman" Ani ko.

"Nanalamin ka ba?ganda yarn?"Ngiwing ani niya.

Hindi naman ako nakarebat dahil biglang nag ring ang phone ko sa pag tawag ni Ryle.

"Hmm?" Ani ko.

"Magkasama na kayo?" He asked.

Tumango naman ako."Opo, nasa bahay ka na?"I asked.

"Yeah, take care ah "Ani nito sa malambing na tono.

"I will, mag pahinga kana" Ani ko habang nilalaro ang kuko ko.

"Update mo na lang ako, I have a lot things to do" Ani niya.

"Hmm, I'll hung up na" Ani ko.

After naman ng call namin ay binaba ko na ang phone sa hita ko.

"Tangina, babaeng babae boses ha" Ani ni Janxent na mahinang natawa.

"Gago ano akala mo sa akin lalake!?" Tumaas naman ang kilay ko sa kaniya.

"Babae ka, pero yung boses mo lalake" Ani pa niya.

"Ulol ka ba?" Ani ko na hinampas siya."Tangina kailan ka babait sa'kin!?" Salubong ang kilay na ani ko.

"Pag kaya mo na maglakad sa dagat"Ani niya na lumingon sa akin na may pang asar na ngiti.

" Fuck you ka talaga! "

"Tangina busog na ako sa mura mo, ibabangga ko 'to" Ani niya na pigil ang sarili na matawa.

"Gago, ikaw lang mamatay tanga" Ani ko.

"Change topic lately iniiwasan mo 'ko what's the problem?" ani niya.

Natahimik naman ako at umiwas ng tingin, actually yes umiiwas talaga ako kasi may girlfriend na siya at hindi na pwede na close pa rin kami like before kasi nirerespeto ko yung relasyon nila at ayoko na maging dahilan ng away nila.

"Si tahimik bigla oh.." Ani niya.

" Janxent, umiiwas ako kasi nirerespeto ko Girlfriend mo " Ani ko na nilingon siya." I respect you and your relationship with her, ayokong maging dahilan ng away niyo.

"Kilala ka naman niya, staka hindi naman siya ganon.. wag mo na ulitin yun " Ani na lumingon sa akin.

"Okay" Tanging ani ko lang.

Hindi naman na kami nakapag-usap pa dahil nakarating na kami sa restaurant na kakainan namin medyo na iirita lang ako dahil baka maissue na naman 'tong pag labas namin like before and syempre sikat si Janxent at ako simpleng maganda lang at ayokong madikit ang pangalan ko sa oanget niyang pangalan.

"Libre mo 'to ha" Mahinang ani ko sa kaniya habang naglalakad kami pagpasok sa loob.

"Oo nga" Ani niya.

Pagpasok namin sa loob ay agad kaming naupong dalawa at nagkatinginan pa kami at natawa dahil sa lalakeng nabangga sa pader dahil busy ito sa kakatype niya sa phone, ewan ko ba napaka demonyo kasi nito ni Janxent nasaktan na yung tao tinawanan pa ampota.

"Gago ka, demonyo" Ani ko na pigil ang pagtawa.

"Wow! Ako pa ikaw 'tong 'di mapigil dyan oh" Ani niya na takip ang bibig sa pagsasalita.

"Sige, tawa masira image mo niyan" Ani ko sa kaniya.

"Tsk "

Hindi naman na ako umimik dahil pareho kaming omorder na ng pagkain na nais naming kainin, inorder ko naman lahat ng gusto ko tulad ng sabi ni Janxent dahil libre naman niya ito staka minsan lang 'to kaya grab the opportunity na beh.

" Alam mo, kahapon diba nasa museum kami" Panimula niya habang naghihintay kami ng order.

"Pumunta kayo? Tanginang 'to walang pag aya" Ani ko na humaba ang nguso sa kaniya.

"Tanga, nag shoot kami " Ani niya." Mamaya kana may sasabihin ako... Nakita ko si Toff don, may anak na pala siya" Ani niya.

"Toff? You mean Christoff?"I asked.

"Oo, and take note.. hindi si Zen ang nakatuluyan niya" Ani nito.

"Ay we?? Akala ko nag ready na sila for wedding?" Salubong ang kilay na ani ko.

"Kasi naman, nagloko raw si Zen ganon ewan ko kung totoo" Ani niya na tumaas ang balikat na tila hindi rin sigurado.

"Sabi na nga ba eh, sa una palang naman halata na talaga na hindi mag wowork relationship nila" Ani ko na sumandal sa kinauupuan ko.

"Wow! Na predict mo na? Galing mo ha" Sarcastic na ani niya na pigil ang sarili sa pagtawa.

"Lapit ka" Ani ko na pinalapit ang ulo niya at bumulong."Putangina mo talaga" I whispered.

Natawa naman siyang lumayo sa akin. Hindi naman na kami nakapag asaran dahil dumating na ang pareho naming order.

AFTER naman naming kumain ay umalis na rin kami sa restaurant at umuwe na dahil maaga pa ang schedule ni Janxent for tomorrow habang ako naman ay maagang papasok bukas dahil marami akong naiwan na gawain sa office.

Pagdating sa bahay ay agad akong dumiretso sa kama ko at bagsak na nahiga doon, napagod ako parang ayokong maglinis ng katawa tutal naligo naman na ako kanina lang. Kinuha ko ang phone ko sa bag ko at chineck kung may message ba si Ryle sa akin.

How's your night?

Was it fun?

Oh, i think you really enjoy it.

Mahina namang akong natawa habang binabasa ang message niya ngunit agad din namang napawi ang ngiti sa labi ko sa isipin na hanggang dito na lang ba talaga kami?

" Okay, gusto niya ako... Hanggang doon na lang ba 'yon?" I asked myself.

Hindi naman na ako nagreply at pinatay ko na agad ang phone ko at ipinatong iyon sa table ko at muling bumalik sa pagkakahiga ko.

THE NEXT DAY ( WEDNESDAY 7AM )

"Tumawag si Janxent, kailan ka raw free?"

Agad naman akong napalingon kay kuya sa couch habang busy sa loptop niya, ako ba kausap niya or may kausap siya sa loptop niya?. Amba naman na akong lalabas sa pinto nang bigla'y muli itong magsalita.

"I'm talking to you"

Lumingon naman ako sa kaniya." Sabihin mo itext niya ako" Ani ko.

Nang hindi naman na siya umimik ay tuluyan na akong lumabas at nagtungo sa kotse ko, may pangalan naman kasi ako bakit hindi binanggit kung ano naman pala ang kausap niya hay nako hirao makisama sa mga broken na walang magawa kundi maghintay sa wala.

Pagsakay ko sa kotse ko ay agad kong pinaandar ang makina ng kotse ko at pinaandar iyon paalis sa bahay. While driving ay naagaw ng phone ko ang attention ko dahil kanina pa ito tunog nang tunog and sobrang daming notifications.

"Anong mayron?"I asked myself.

Pagdating ko naman sa building ay agad na kumunot ang noo ko nang puro media ang parking, may artista na naman siguro sa building kaya ganito. Bumaba naman na ako sa kotse ko na may malapad na ngiti sa labi, ayokong masira ang araw ko.

"Yan na siya!"

"Miss ano po kayo ni Janxent"

"Kabit daw po ba kayo?"

"Miss?"

Agad namang nagsalubong ang kilay ko sa mga humarang sa harap ko, what the fuck is happening!

"Miss, kayo po ba ang maging girlfriend ni Janxent"

"Miss"

"Pasagot naman po ng tanong"

Napabuntong hininga naman ako habang tinatakpan ang mukha ko dahil sa silaw ng flash ng mga camera na nakaharap sa akin.

"No! I'm not his girlfriend!" Naiirita na ani ko.

"Miss, pano niyo naman po ieexplain yung mga kumakalat niyong picture na nag didate?"

"You already heard what she said"

Agad naman akong napalingon sa likod ko nang marinig ko ang pangalan ni Ryle mula roon. Parang gusto kong maiyak nang lunapit ito sa akin at iikot ang kamay niya sa bewang ko.

" And, wrong information.. it's just a friendly date" Ani niya. "Excuse me"

Inakay naman na ako ni Ryle paalis sa ligar habang nakahawak pa rin sa bewang ko at staka niya lang ito binitawan nang makasakay na kami sa elevator dahil iniharap niya ako sa kaniya.

"Are you hurt?" he asked sweetly.

Umiling naman ako.

"That's good" ani niya na muling inikot ang kamay sa bewang ko." You know naman na maingay ang pangalan ni Janxent,tell him to introduce you to his fans para hindi ka napapahamak" Ani niya.

Nag angat naman ako ng tingin sa kaniya at tumango.

Pagdating namin sa office ay nag paalam na rin agad si Ryle dahil marami siyang dapat na gawin at kaya lang 'to pumunta rito ay para siguraduhin na makapasok daw ng ligtas, tangina puro pakilig ayaw naman akong ligawan, kidding. Hindi naman kasi pwedeng madaliin ang lahat kaya naman maghihintay nalang ako.

"Ma'am, andito po si Ma'am Kliezea sa labas"

Agad naman akong lumingon sa pinto. "Let her in" Ani ko na naupo sa swivel chair ko.

Buntong hininga naman akong sumandal sa kinauupuan ko habang pinag mamasdan si Kliezea na palapit sa akin na may malapad na ngiti sa labi nito, ano na naman kaya ang nasa isip niya at kung maka ngiti siya sa akin wagas.

"May sasabihin ako" Ani nito na naupo sa couch.

"Hm?"I asked her.

"Feeling ko may tinatago si Gabrien sa atin" Ani niya na tila nag iisip."lately kasi, parang umiiwas siya eh" She added.

Napapansin ko rin naman na parang umiiwas siya pero hindi ko naman siya bini-big deal dahil minsan may ganong ugali si Gabrien na bigla na lang hindi nag paparamdam ang ginagalang naman namin yon pero lately kasi iba eh.

"anyways, baka busy lang talaga siya" Ani ni Kliezea. "Tomorrow, may ganap kila Thea ano g ka?"Tanong niya.

"ewan ko, hindi naman kami kami close non" Ani ko na nag iwas ng tingin kay Kliezea.

"tsk, makiki-kain lang naman tayo e" Ani naman niya.

"Gago! nakakahiya naman" Ani ko.

"hiya? meron ka?" Sarcastic na tanong niya.

"gaya mo naman ako sayo" Ani ko na tinarayan siya.

Sandali pa kaming nag usap ni Kliezea ngunit umalis na rin ito nang makatanggap siya ng sunod sunod na tawag kaya naman naiwan muli ako na mag isa. Tinuon ko naman ang buong attention ko sa trabaho ko ngunit alam niyo yung tipong kahit ifocus niyo yung sarili niyo sa ginagawa niyo hindi pa rin maiwasan na matulala ka sa tuwing may papasok sa isip mo, medyo magulo diba?kahit ako naguguluhan na rin ako.

Lagi niyang sinasabi na mahalaga ako sa kaniya at nararamdaman ko naman iyon pero siyempre hindi niyo naman ako masisi kung gugustuhin ko ng label, i know my worth and deserve ko namab siguro yung assurance diba? okay you like me and then? I'm so confused.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status